Yvette’s P.O.V Pagdating namin sa office, ipina-alam ng secretary ni Nathan na maaga siyang nag-out today. Kaya naman choice naming if magsi-stay kami or maaga na rin na uuwi. Since nagtitipid kami, para makatipid sa kuryente, maaga na rin kaming umalis para patayin n g**g aircon. “Bye!” paalam ni Shaun nang mauna siyang makasakay sa sasakyan niya. Nagmaneho na ako pauwi. Balak kong matulog muna pag-uwi ko to have the energy sa dinner, pero lumiko ang sasakyan ko sa isang gift shop. I parked my car and entered the gift shop. Sobrang daming pwedeng bilhin, kaya hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. I want to surprise Nahj with gifts and by coming here, akala ko madali lang maghanap ng regalo sa isang lalaki, pero hindi pala. Isang oras na rin siguro akong naglalakad, pero wala akong

