Ria
Nakasunod lang kami ni Cams sa nauunang si Zach kasabay pa nyang maglakad si Atty. Clemente, I didn't know that they are this close. Friends pala talaga sila bukod sa pagiging lawyer ng family nila.
Dinala nya kami sa isang silid, mukha namang office nya ito. Ang spacious, malinis, ang minimalist lang ng kulay ng walls. Mukhang lalake talaga ang nagsstay sa office na ito. Bukod sa color gray na paint, color black ang mga furnitures. Elegance is screaming in every piece of it. Agad kong napansin ang isang malaking bintana sa may gilid ng office nya, tinatangay kasi ng hangin ang puting kurtina nito. At nakikita ko ang magandang view ng kanilang Hacienda.
"Is this someting important?" Ang baritonong boses nya ang nagpabalik sa huwisyo ko.
Napatingin ako sa kanya and our eyes met in an instant. He is staring at me. Napalunok ako, hindi ko din kayang salubungin ang intensity ng titig nya. Nacoconsious tuloy ako. Nakita kong nakaupo na si Camille at nakatayo padin ako. Nakatayo lang din si Atty. Clemente malapit sa may bintana. Samantalang nakaupo na si Zach sa kanyang swivel chair. Literal pala na nasa harapan lang nya ako ng magspaced out ako. Namangha lang naman ako sa paligid ko, hindi tuloy ako aware sa pinaggagawa ko.
"Y-yes." Crap. Nagsstutter ako bigla. "I- i need to talk to you about your proposal." Nakita ko ang pagtaas ng isa nyang kilay at ang pagtingin nya kay Atty. Clemente. Nakita ko din ang pagangat ng sulok ng labi ni Atty. Did he smirk?
"What about it Ms. Alcantara?" Atty. Clemente asked me. "Have you made up your mind?"
Tiningnan ko si Camille at nakatingin lang din sya sakin. She is also waiting for my answers. She already knew my plans. Wala naman akong ibang sasabihan nito bukod sa kanya. At sana lang tama ang naging desisyon ko. I heaved a deep sigh.
"P-pumapayag na ako sa proposal mo Mr. Villafuerte. I'll marry you." I stared at him. I waited for his reaction. Nakita ko ang pagtingin sa kanya ni Atty. Clemente.
"Are you sure Ms. Alcantara?" Tanong saken ni Atty. Clemente. "Pinagisipan mo ba ng mabuti ang desisyon mo, kasi sa oras na pumirma ka sa papeles hindi na yun mavovoid. All the documents are legal." Paliwanag pa sakin ni Atty.
I replied with a nod. "My decision is final Atty. Naniniwala naman ako na legal ang mga documents. Isa lang naman ang gusto ko, ang mabawi ang farm ng mga magulang ko." Tiningnan ko si Zach na tahimik padin at nakatingin lang sakin.
"If that's your decision, then so be it. Umpisahan ko ng ayusin ang mga kakailanganin nyo sa pagpapasakal. Kasal pala." Natawa pa si Atty. Hindi ko sure kung sadya nya yun. Tinapik nya sa balikat si Zach.
"Ikaw ang sasakalin ko Red." Zach replied with Atty. Clemente's joke. Tinawanan lang sya ni Atty. Tiningnan ako ni Zach. "How about your flight tomorrow?" Tanong saken ni Zach.
"I'll cancel it. Hindi na ako aalis." He nodded.
"Hindi din naman kita papayagan na umalis."
Napakagat ako sa ibabang labi ko ng marinig ko ang sinabi ni Zach. All this time pala alam nya ang flight details ko. Pano nya nalaman yun? Kay Atty.? Or his connections?
"I need to talk to my soon-to-be-wife in private. May I?" Napatitig ako sa kanya. Sakin ba nya sinasabi nya yun?
"Of course. Please excuse us." Pinuntahan nya si Camille at hinawakan sa siko nya.
"Cams."
Nginitian lang ako ni Camille. Tiningnan din nya si Zach.
"Hintayin lang kita sa labas Juri." Magkasabay pa silang lumabas ni Atty. Napatingin nalang ako sa pagsara ng pintuan. Napabuntong hininga nalang ako. At paglingon ko pabalik ng tingin kay Zach, napasinghap ako ng tumayo sya sa kanyang swivel chair at naglakad papalapit saken.
Agad bumilis ang t***k ng puso ko, narattle ako bigla. Napaatras ako sa kinatatayuan ko. Hindi nga pala ako nagabalang umupo kanina. Kahit na sitting pretty naman si Camille habang nakikinig samin.
Habang papalapit sya paatras naman ako ng paatras, hindi ko din alam kung bakit ko yun ginagawa, but the weight and intensity of his stares, it's too much for me too handle. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang effect ni Zach sakin. Is it because of the kiss we shared? Hanggang maramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa may pinto. Huminto si Zach sa harapan ko. But he is too close. Too close that I can smell his perfume combined with his natural and manly scent. His scent assaulted my nose, it's addicting. I can live with it all day. "What am I thinking?" I simply shake my head. Bakit ganon ang mga naiisip ko? Something is wrong with me. Hindi ko dapat to maramdaman kay Zach Villafuerte.
Napatitig nalang ako sa kanya. I can see his handsome face clearly. This man is very handsome. From his thick eyebrows, dark eyes, his pointed nose, his thin red lips, which I already tasted. Ohhh bad Ria, scratch that. His perfect jaw and even his disheveled hair. Papasa na syang Greek God sa hitsura nya. Bumaba ang mga mata ko sa malapad nyang balikat at dibdib. Mukha nga ding meron syang tinatagong abs. Ilan kaya? 6 packs? 8 packs? Oh God. Kasalanan to ni Camille, nahawaan na nya ako ng madumi nyang utak. This is really embarassing. Wake up self!
"Are you really sure that you will marry me?" Seryoso nyang tanong sakin.
"Yes. I will marry you. But I have conditions." Seryoso kong sagot sa kanya. "Let's start with our farm. Give me all the legal documents and I'll marry you in an instant." Wala ng atrasan to, hindi naman na ako lugi sa kanya diba? Narealized ko din naman yun. Saka meron namang annullment diba? Tinitigan muna nya ako at pagkatapos ngumiti sya.
"It's all yours Ria. From the very beginning." Napatitig ako sa kanya. Mas lumapit pa sya saken, sobrang lapit. Itinukod pa nya ang isa nyang kamay sa may pintuan. "And for me, let's start with a kiss."
And an instant, his lips landed on mine. I was stunned and I lost my ability to move. His other arm wrapped around my waist. He is passionately kissing me and I didnt protest, I didnt bother myself to stop him. I slowly wrapped my arms around his neck and returned his kisses. I can feel his lips softly brushing with mine. And I felt his tongue invading my whole mouth, tasting every corner of it and I lost in ecstacy. We kissed until we are both gasping for air.
Hiningal ako. Pero parang sya nakabawi agad ng hininga. I bit my lower lip when I realized what we did. What I did. Napapikit nalang ako. Nacarried away na naman ako sa halik nya. Bakit kasi ang sarap nyang humalik? Feeling ko nagakyatan ang lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa mukha ko. I heard him chuckle.
"You're prettier when you blushed." Nakuha pa nyang sabihin yun. Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Naramdaman ko ang pagtama ng kamay ko sa malapad nyang dibdib. Niyakap pala nya ako.
"I hate you." Mahina kong sabi sa kanya. Tinawanan lang nya ako.
"Hate me for all I care. And before I forgot. Dito ka na titira simula ngayon."
"Huhh?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"Magiging asawa na kita kaya dito ka na titira sa bahay ko. Ipapakuha ko nalang ang mga gamit mo sa bahay nyo."
"Pero Zach, bakit kelangan kong tumira dito? I mean, kaya nga ako magpapakasal sayo para sa farm namin. Nasa lupang yun ang bahay ng pamilya ko."
"I won't allow you to stay in that house alone. Alam kong babalik na ng Maynila si Camille, Ria. So maiiwan kang magisa doon. You will stay here starting today with me."
"Pero Zach..." I tried to protest.
"No buts. Lumabas na tayo, gusto kang makita ng pamilya ko." He commanded. Binuksan nya ang pinto at nauna ng maglakad paglabas. Napasunod nalang ako sa kanya. Agad hinanap ng mga mata ko si Camille. Nakita ko syang nakaupo sa may living room at may iniinom. Kausap pala nya si Atty. Clemente. Agad syang napangiti ng makita nya ako.
"Cams."
Tinapunan din ako ng tingin ni Atty. Mukhang alam na nya ang mga mangyayari. I heaved a deep sigh. Mukhang wala din akong magagawa sa kagustuhan ni Zach. Hindi nga ako nakapalag sa halik nya, sa mga desisyon pa kaya nya. I really hate him. He is taking advantage of our situation. Ginagamit din nya laban sakin ang farm namin.
"You look tensed Juri. What happened?" Tanong sakin ni Camille. Nakita ko din ang pagangat ng tingin sakin ni Atty.
"I-i'll be staying here Cams. Hindi na daw ako babalik sa bahay. Hindi daw sya papayag na maiiwan ako at titirang mag-isa sa bahay natin."
"Ineexpect ko na yan Juri." Napatingin ako kay Camille. "At saka kung ako ang tatanungin mo, I'll agree with him. Malapit na din akong bumalik ng Manila, so maiiwan na talaga kitang magisa sa bahay. Since magiging asawa ka ni Zach, tama lang na magstay ka na din dito kasama sya and besides you need to prepare for your upcoming wedding."
"Ikaw ang maid of honor ko Cams. You better attend my wedding or else F.O tayo."
"Wala ka din choice noh. Ako lang ang best friend mo." Natawa pa kaming dalawa. Tiningnan kami ni Atty.
"What is F.O?" Nagtataka nyang tanong.
Nakita ko ang pagngiti ni Camille. Nakikinig pala si Atty. sa usapan namin. Baka mamaya magreport na naman sya sa boss nya.
"Friendship over Atty. yun ang ibig sabihin ng F.O." sagot sa kanya ni Camille.
"Ahhh. I thought it was f**k Off." Nakakunot pa ang noo ni Atty ng sabihin nya un.
"Pwede din Atty pero sa boss mo ko yun sasabihin."
"Ohhh. You can try Ms. Alcantara." And he chuckle.
Lumabas tuloy ang maputi at pantay pantay na ngipin ni Atty. Clemente. He is also handsome. Yung itsura na mapapalingon ka agad dahil ang gwapo. Mukha din syang bad ass lawyer. Nakita ko si Camille na nakatitig kay Atty. Mukhang may something ang bestfriend ko sa lawyer ng mga Villafuerte.
"Juri!!!!!"
Napalingon ako sa taong tumawag sakin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Lola Zenaida. Still beautiful despite of her age. Dali dali ko syang nilapitan.
"Lola Zenaida. Kumusta na po kayo?" Hinawakan ko ang kanyang kamay para magmano pero hinila nya ako at niyakap.
"Ilang taon din kitang hindi nakita Juri. Look at you now, even more beautiful. Ang ganda ganda mo." Hinawakan pa nya ang pisngi ko at hinaplos ang buhok ko.
"Kayo din Lola Z. Parang hindi po kayo tumatanda." Yun ang tawag ko sa kanya simula nung bata pa ako. "Namiss ko po kayo. Sorry po kung ngayon lang ako nagpunta dito."
"Is that really you Juri?" Napatingin ako sa taong nasa likuran ng paparating na si Zach. At dun ko nakita ang mama Zandra nya.
"Tita Zandra!"
"Bakit ngayon ka lang bumisita dito?" Agad agad nya akong hinalikan sa pisngi at niyakap ng mahigpit.
"For sure busy na si Juri. Hindi na sya bata. Ano ka ba naman Zandra." Natatawang pahayag ni Lola Z.
"Look at you now. Youre beautiful, even more beautiful. Sabi ko na lalaki kang mas maganda and sexy." Nginitian ko si Tita Zandra. Ang ganda padin nya. Parang hindi sila tumaranda. Grabe talaga ang genes ng mga Villafuerte.
"What brings you here Hija, bukod sa pagbisita mo? Mukhang may importante kayong pinaguusapan at kasama nyo pa si Atty.? Tanong ni Tita Zandra.
"Hello there Mamita and Mama." Bati ni Atty, bakit mama tawag nya kay Tita.
"I don't remember having a brother." Atty. Clemente flashed a grin while Zach just rolled his eyes.
"So, what's going here?" Tanong ulit ni Tita Zandra. Nagkatinginan lang kami ni Zach. "You're here din pala Camille. Mukhang seryoso ang usapan dito."
Nilapitan ako ni Zach at hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya. He wrapped his arms around my waist and stared at me sincerely.
"Ria and I are getting married." He explained. Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Lola Z at Tita Zandra. I saw how shocked they are. Sino ba naman ang hindi magugulat sa shocking na balita.
"Oh my God!! Is that for real?" Nanlalaki ang mga mata ni Tita Zandra habang nagtatanong. Pinaglipat lipat nya ang tingin samin ni Zach at sa braso nya na nakapulupot sa bewang ko.
"Hindi ako nagbibiro Ma. Magpapakasal sakin si Ria. Magiging asawa ko na sya." Paliwanag naman ni Zach.
Hindi pa din sila makapaniwala sa narinig. Mukhang ayaw nila akong maging Villafuerte. Well, hindi ko naman sila masisisi. Maimpluwensyang pamilya sila lalo na dito sa San Nicolas. Ano ba naman ako na isang ulila lamang tapos mapapangasawa ng nagiisa nila Unico Hijo. I scoffed on my mind. Ineexpect ko din naman ito. Kahit pa naging mabuti ang trato nila sakin simula ng bata pa ako.
"Mabuti naman kung ganon. Matagal na namin hinihintay na mangyari to Zach Alexander. Ilang taon na kaming naghihintay!" Napamaang ako sa sinabi ni Lola Zenaida.
"So, when is the wedding? When is the date? We need to prepare early, we need to find a wedding planner, ohh I knew some." Excited na litanya ni Tita Zandra.
Naging excited naman sya ngayon. Naguluhan ako bigla, ang akala ko hindi nila ako gusto para kay Zach. Akala ko magiging against sila sa planong pagpapakasal ni Zach sakin.
"We need to talk about the date first but we will plan it as soon as possible, diba Love?"
Nagpantig ang tenga ko sa endearment na ginamit ni Zach. Napatingin ako sa kanya na nakakunot ang mga noo ko.
"W-what did you just call me?" My question became a whisper sa sobrang hina. Tiningnan din naman nya ako.
"What?" Nagmaang maangan pa ang gago. He looked so handsome tho.
"Anong tinawag mo sakin kanina?" Ulit ko sa kanya. Nginisian nya ako na naging dahilan ng pagbilis ng t***k ng puso ko. Parang may nagraramble na mga veins and arteries sa puso ko.
"Love?" At kasabay nun ang paglapat ng labi nya sa mga labi ko na ikinagulat ko. It is just one swift kiss but it send shivers to my whole body. He just gave me a genuine smile after. At syempre namula na naman ang buong mukha ko sa kahihiyan.
"Nakakadalawa ka na Zach. Nasa harap pa tayo ng pamilya mo. Nakakahiya." Bulong ko sa kanya. Hindi tuloy ako makatingin kila Tita Zandra at Lola Z.
"Ang sweet naman." Boses ni Camille. Napatingin ako sa kanya na abot tenga ang pagkakangiti. Tiningnan ko sya ng masama.
"Nilalanggam na kayo Brad. Nandito pa kami, mamaya na yan." Pangaasar naman sa kanya ni Atty.
"f**k you Red."
"No, i'll f**k off. See yah around love birds. Mamita and Mama i'll go ahead. I'll be here again anytime soon." Paalam na ni Atty.
"Take care Atty. Drive safely." Sagot ni Lola Z.
"Bye Atty. See you soon." Kumaway pa si Tita Zandra.
Tiningnan ni Atty si Camille. "Sabay ka na sakin?" Tanong nya kay Camille.
"May dala akong sasakyan eh. Im fine, you can go Atty." Sagot naman ni Cams. Tinitigan muna sya ni Atty saka tumango.
"Ok, i'll go ahead. Take care." Tumango lang si Camille.
Tumingin si Camille sakin pagkatapos nyang ihatid ng tingin si Atty. Tinaasan ko sya ng kilay at tiningnan sya ng makahulugan. Nginisian lang ako ng bruha. May something talaga si Cams kay Atty.
"And Lola, Ma. Simula ngayon dito na titira si Ria. Ipapakuha ko nalang ang mga gamit nya sa bahay nila."
Napatingin na naman ako kay Zach. Oo nga pala, dito na nya ako pinapatira kahit hindi pa kami magasawa. Pwede ba yun? Ano nalang iisipin ng mga tao dito sa kanila.
"Oh anong kwarto ang ipapalinis ko? Tanong ni Tita Zandra kay Zach. "Hindi pa kayo kasal kaya hindi pa kayo pwedeng magsama sa iisang kwarto."
"I know Ma. Yung kwarto sa tabi nalang ni Lola."
"That's good to hear Hijo. Ipapalinis na namin agad agad."
Nilapitan ako ni Lola Z at niyakap na naman ako. "Welcome to the family Hija. Sa wakas magiging apo nadin kita."
"Thank you po Lola Z. Thank you po sa mainit nyong pagtanggap sakin."
"Matagal ka ng welcome sa pamilyang ito Juri. Matagal ka ng parte ng Villafuerte. Magiging legal na nga lang ngayon." Sinulyapan ni Tita Zandra si Zach pagkasabi saken nun.
"Maiwan na muna namin kayo at kakausapin ko muna si Elvie." Paalam ng dalawa samin. Agad agad akong lumayo kay Zach at tumabi kay Camille. Nakatingin lang din si Zach sakin.
"Oh ano, nahalikan ka na naman ni Zach." Nginisian pa ako ni Cams.
"At ikaw naman huling huli ko ang mga malalagkit mong titig kay Atty. Type mo sya noh?"
"Hindi noh. Pero gwapo sya Juri. Gwapo talaga sya. Saka feeling ko hindi sya papatol sakin, mukha kasing mataas ang standards nun sa babae. Maganda lang ako pero hindi ako mayaman." Tumawa pa si Camille.
"Cams. Tama ba naging desisyon ko? Hindi na ako makakauwi sa bahay natin." Hinawakan ni Cams ang kamay ko.
"Sa tingin ko naman Juri sincere sayo si Zach. I trust him and I know he loves you. He will take care of you just like the old times." Kinindatan pa nya ako.
"I hate him Cams."
"Hate ka dyan. Nageenjoy ka nga sa mga halik nya eh. Naku Juri, ireserve mo sa kasal nyo yang V-card mo ah. Wag ka munang bibigay."
"What are you talking about?" Namula ako ng marealize ko ang sinabi nya. After ng wedding?Honeymoon? Bakit hindi ko naisip yun? Hindi ko naisip na aabot kami ni Zach sa stage na yun. Halik pa nga lang nabaliw ka na, pano nalang pag more than kisses na? Napatingin ako kay Zach na may kausap na sa phone habang nakatayo sa may gilid ng sofa. Agad bumaba ang tingin ko sa crotch area nya, that bulge, is he big? Napalunok ako sa isiping yun. Oh my God Ria, are you a perv now? Wala ng atrasan to. Ginusto ko to. I should be ready for all the consequences, para to sa farm. Para to sa naiwang alaala ng mga magulang ko.