Chapter Twelve

2056 Words
Ria "Oh bakit bumalik ka na? Nasan na si Zach?" Tanong agad sakin ni Camille pagkapasok ko ng kwarto. "Hindi pa sila tapos maginom saka hahabol daw si Atty. Baka gusto mong bumaba Cams?" "Hindi na baka makalimot ako eh. Baka bigla ko syang sunggaban. Hahahaha." Tiningnan nya ako. "Bakit parang ang lungkot ng mukha mo?" "Huh? Hindi naman." Pumunta ako sa study table at binuksan ang laptop ko. Nagbrowse nalang ako ng aking social media accounts. "Cams, magbook na kaya ako ng flight ko pabalik ng France?" "Nagmamadali? Ang excited mo naman umalis." Nginusuan ko nalang sya at nagbrowse nalang ulit. Tumingin nadin ako sa website ng flight details papunta sa France. "Why don't you give Zach a chance Juri?" "Chance for what?" "Chance to show his love for you. Give your relationship a chance too. Who knows magwork ang marriage nyo. Hindi naman masama kung itry nyong dalawa, nakikita ko naman na Zach really cares for you." Natahimik ako sa sinabi ni Camille. Hindi ko din kasi alam ang gagawin ko maliban sa pagbalik sa France. That was my plan after ng wedding. And Zach too, is not included. Hindi padin ako dinalaw ng antok, nakikita ko si Camille na mahimbing na ang tulog. I heaved a deep sigh and just stared at the ceiling. Napatingin ako sa pinto ng may marinig akong kalabog. Napakunot ang noo ko pero hindi padin ako bumangon. Nang biglang tumunog ang phone ko. Atty. Clemente calling... "Hello Atty?" "Yeah it's me. Thank God you're still awake. Ahm..I know it's late but..can you help me with your husband?" Nagtaka naman ako sa sinabi ni Atty. "What's wrong Atty?" "Can you go to his room. I'm still here. He's drunk." "Ok, i'll be there." And I hang up. Tumayo na ako lumabas ng pintuan at nagtungo sa kwarto ni Zach. I knocked on the door first before entering. And Zach on his bed and Atty sitting on the chair beside his bed welcomed my sight. He set his gaze on me and he stood up. "Obviously he is drunk. I carried him all the way to his room. I accidentally bumped to one of the figurines outside and it broke." Then he chuckled. "Ah, so yun kalabog na narinig ko kanina ay sila." Sa isip ko. "You came this late Atty?" I asked him. "I came at around 11. Don't worry I'm not drunk. His friends are still outside and still drinking I guess. I think it's Keith who's still up. Such a drunktard. Anyway, kaw na bahala sa asawa mo Ms. Alcantara. It's Mrs. Villafuerte now." Tiningnan ko lang si Atty. He just stared at me blankly. Feeling ko may gusto syang sabihin sakin. "Ako na ang bahala sa kanya Atty." He nodded. "I hope you change your mind. He is a good man." Yun lang at nagtungo na sya sa pinto. "Goodnight then." "Thank you Atty. Goodnight." At lumabas na sya ng kwarto ni Zach. Lumapit ako kay Zach na mukhang mahimbing na ang tulog. He look like a mess now. Pumasok ako sa kanyang wash room at kumuha ng basin na may warm water at bimpo. Una kong hinubad ang kanyang sapatos saka medyas. Tinitigan ko din ang kanyang mukha. He is peacefully sleeping but he looked exhausted too. I caress his soft and reddish cheeks. I touched his perfect pointed nose down to his prominent jaw. Makinis at walang stubbles. He is really handsome. His hair is very soft too. Nagcoconditioner din kaya sya. Anong brand? Icheck ko nalang mamaya sa cr nya. Iniisip ko pa kung huhubarin ko ba ang damit nya. Malamang I need to remove his clothes para mapunasan ko din ang katawan nya. I heaved a very deep sigh before I started unbuttoning his long sleeves. At pagkabukas ko ng damit, tumambad sakin ang kanyang 6 pack abs. Napasinghap ako at napaawang ang labi. It's a sight to behold. He has a body to die for. Napatitig ako sa wide chest nya and to his abs. "Is this for real? So, this is what they so-called pandesal." I tried to touch it. "Matigas naman." But it's perfectly formed like it was sculpted by a famous sculptor. Gwapo na macho pa. Sana all. I refrained myself from staring too much in his glorious body. Hindi nakakatulong sa pagkatao ko. Baka nga biglang magbago ang mga plano ko dahil dito. Hindi dapat ako maapektuhan ng mga ganitong scenery. Inumpisahan ko na syang punasan para matapos na ang kalbaryo ko sa katawan ni Zach. Napatingin naman ako sa suot nyang pantalon at nagtatalo ang isip at kamay ko kung pati ba yun ay huhubarin ko. Baka may makita akong hindi ko dapat makita. But I should change his entire clothes to make him feel comfortable. Pipikit nalang ako. Tama Ria, pumikit ka nalang. Sabi ko sa sarili ko. Kumuha muna ako ng mga pampalit nyang damit sa closet nya. Agad ko namang nakita ang mga tshirt at boxer shorts nya. Napakaorganized kasi ng mga damit nya. Ang ayos padin nya talaga sa mga gamit nya. I settled with white v-neck shirt and a black boxer. At inumpisahan ko ng tanggalin ang belt nya. Dahan dahan ko din hinawakan ang zipper ng suot nyang pants. I unbuttoned it and slowly pulled it away. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong nakasuot naman pala ng boxer shorts tong si Zach. Akala ko kasi brief ang makikita ko. I decided to change his shirt nalang. I felt victorious when I finished cleaning him up. Kinumutan ko nalang din sya baka lamigin eh. Pinatay ko na ang ilaw at lumabas na ng kwarto nya. Bumalik na din ako sa kwarto ko para matulog na. Baka mapanaginipan ko ang mga nakita ko ngayong gabi. This is not so you Ria. Since when you have a perverted mind? Nagising akong wala na naman sa tabi ko si Camille. Naligo na din ako. Nagsuot nalang ako ng Floral na dress at saka fitflops. Pagkalabas ko ng pinto tumingin muna ako sa pinto ng kwarto ni Zach. "Is he awake?" Tumalikod na ako saka bumaba papunta sa kitchen. Nadatnan ko si Manang Elvie na naghahanda ng almusal. Wala dito si Camille. Nasan kaya yun? "Naimbag a bigat Juri." Mangan kan." Bati saken ni Manang Elvie. "Good Morning din po. Nakita nyo po ba si Camille?" Tanong ko sa kanya. "Ahh. Kasama nya si Atty. Nandoon yata sa may kwadra ng mga kabayo." Napatango naman ako. "Si Zach po bumaba na po ba?" "Hindi pa Juri. Baka mamaya pa yun gigising alam mo na, naparami na naman ang inom." "Yung mga kaibigan po nya?" "Nasa mga kwarto nila. Natutulog pa din. Mga lasing din kasi." "Ahh. Tulungan ko na po kayo maghanda ng almusal." "Sige Juri. Salamat." Pagkatapos namin magluto ni Manang Elvie, hindi ko na hinanap si Camille. Hahayaan ko nalang ang moment nila ni Atty. Paglabas ko ng Mansion nakita ko si Peter na naglalakad patungo sa isang sasakyan. Isang Ford Everest na Black. "Peter!" Tawag ko sa kanya. Agad naman syang lumingon. "Ate Ria." "May pupuntahan ka?" "Meron po, pupunta ako sa Bayan." "Sama ako Peter." "Ahhh, ehhh. Nagpaalam po ba kayo kay Sir Zach?" "Tulog pa sya. Tara na." Sumakay na ako sa sasakyan kaya wala na din syang nagawa. Habang nasa byahe kami hindi ko maiwasan humanga sa kapaligiran, all green and natural. Ang presko pa ng hangin. Tiningnan ko si Peter, seryoso syang nakatingin sa daan at nagmamaneho. "Sinong nagturo sayong magdrive? Mabuti may license ka na." "Si Sir Zach po ang nagturo sakin magmaneho. Pagka turn ko ng 18, inasikaso ka na agad ang drivers license ko. Si Sir Zach din ang nagayos ng lahat." Napatango naman ako sa sinabi nya. "Si Parker bakit hindi mo kasama?" "Nasa bahay po. May inaasikaso kasi." "Nag-inom din ba kayo kagabi?" "Ahh. Ehh." Napakamot sya sa kanyang batok. Tinaasan ko sya ng kilay. "Kasama po namin si Atty. Hehe." Nasabi nalang nya. "What time kayo natapos?" "Nauna naman po kaming umuwi ni Parker. Naiwan si Atty kasi, ahm, inasikaso pa nya si Sir Zach. Nalasing po kasi eh." Kinamot nya ang baba nya. "Hindi naman po yun nalalasing kapag nagiinom pero kagabi nalasing talaga sya." Naalala ko ang hitsura nya kagabi. Mukha talaga syang lasing. Pero bakit naman sya naglasing? "Yung mga kaibigan nya, nalasing din ba?" "Naku Ate Juri! Grabe yung mga taong yun. Ang titibay sa inuman. Lalo na si Sir Keith at Sir Chivas, nagpapaligsahan pa sila kung sino ang madaming maiinom at kung sino ang unang tutumba. Grabe sila! Hindi kaya nalulunod na sa alak ang mga atay nila?" Natawa pa sya sa huli nyang sinabi. "Mukhang sanay naman ang mga yun sa inuman eh." "Hindi din naman po papatalo si Sir Zach sa inuman, pero nalasing talaga sya kagabi." Iniisip ko padin kung bakit sya naglasing. "May bibilhin ka ba sa Bayan?" "Ah, May inutos lang po si Nanay Elvie saka mamimili din po ako." "Ok." Mabuti nadin to pampalipas ng oras. Maglulunch na ng makabalik kami ni Peter. At pagpasok ko sa Mansion sinalubong agad ako ni Camille. "San kayo galing ni Peter?" "Sa Bayan. Sumama ako sa kanya." "Bakit hindi nyo ako niyaya?" "Busy ka sa lovelife mo kaya hindi na kita inistorbo." "Hmmp. Daya." Ngumuso pa nag bruha. "Bumaba na ba si Zach?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. "Hindi ko pa sya nakikita. Wala ba kayong communication ni Zach? Hello? may cellphone kaya you can text and call each other." "Peu importe." "Huhh?" "Akyat muna ako Cams." Tuluyan na akong umakyat papunta sa kwarto ko. Gusto ko ulit maligo at magpalit ng damit. Pinagpawamisan din kasi ako nang maglakad kami ni Peter sa Bayan. Namiss ko din ang Bayan. Ang mga paninda at ang mga tao dun. Pagkatapos kong maligo at magpalit ng damit, iniisip ko kung pupuntahan ko si Zach sa kanyang kwarto o hintayin ko nalang syang bumaba. Baka kasi natutulog pa and the fact that he is really drunk laat night. "Hintayin ko nalang syang magising." Pagkabukas ko ng pinto, nagulat pa ako dahil sakto ang pagtapat ni Zach sa kwarto ko. Napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil bumilis ang t***k ng puso ko. Nagflashback sa utak ko ang mga pinagagawa ko sa kanya kagabi. I lost words when he stared at me and flashed a smile. "Hey! Tinanghali ako ng gising. I was...ahm.. I was drunk last night. Hindi ko nga maalala na nakaakyat pa ako ng kwarto ko." Umiiling nyang paliwanag sakin. "Si Atty ang naghatid sayo kagabi sa kwarto mo." He nodded. "Did he change my clothes too? That bastard. How dare him touched my body." Hindi nalang ako nagsalita na ako ang nagplait ng mga damit nya. Baka hindi nya magustuhan. "Maglunch ka na. Madaming niluto si Manang Elvie." "Yeah, right. Let's go." At pinauna nya akong maglakad. Nararamdaman ko ang bigat ng mga titig nya mula sa likod ko. Bakit hindi nya ako sabayan sa paglalakad? Bakit nasa likuran ko lang sya? And from the way he acted last night as if he doesn't care about me, my mind is contemplating if I'm gonna ask him about my plans going back to France. Lumalabas naman na parang wala din akong pakialam sa kanya kahit kakatapos lang ng kasal namin. He is very much aware of my arrangements and plans after the wedding. I'm also waiting for him to speak up what's on his mind about the situation. But I feel like he will avoid the topic. Para ngang ayaw nya akong makatabi eh. Hindi ba nya alam na nakita ko na ang 6 packs abs nya. Nahawakan ko din. Ang tigas nga eh, mukhang pinaghirapan nya talagang mabuo yun sa sikmura nya. Pinunasan ko din ang katawan nya at sinigurado na hindi sya lalamigin after. And with that thought, humarap ako sa kanya. Bahagya pa syang nagulat sa bigla kong pagharap. "FYI Zach. Ako lang naman ang naghubad ng suot mong damit kagabi, ako din ang nagpunas sa katawan mo at ako din ang nagpalit ng damit mo. I made sure na kumutan ka din para hindi ka lamigin kagabi." Kitang kita ko ang paglaki ng kanyang mata at pagawang ng kanyang mapulang labi. "Secousse!" At dali dali akong naglakad palayo sa kanya leaving him dumbfounded.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD