Ria
Marriage is the intimate union between a man and woman who are inlove with each other, united by faith, respect and love. It is a life long commitment.
I heaved a deep sigh. I'm staring at my reflection in the mirror. This is not what i dreamt of marrying. This is the total opposite of everything. Including Zach.
Eto na ang araw na ikakasal ako sa isang Zach Alexander Villafuerte. Kapalit ng farm namin ang kalayaan ko. Regrets? Meron din, kalayaan ko kasi ang kapalit, pero alaala naman ng mga namayapa kong magulang ang magiging kapalit din.
Hindi ko lang naimagine na kay Zach ako ikakasal. He was my bestfriend in high school. He treated me like his queen. Pero iniwanan nya ako. He left me when I needed him the most. He left me when I needed someone when my family died. He left me when Im at my weakest moment of my life. He wasn't there when I became alone. And he might do that again.
What scaring me is being left alone. Again. He is capable of hurting me. Emotionally. But I'm willing to risk myself for the sake of claiming back what is really mine from the start.
Mabuti nalang hindi ko na kinailangan bumili ng white dress para sa kasal. I have lot's of dresses naman. Saka nandito naman si Camille para sa mga kelangan ko pa. Not unless busy sya kay Atty. Mukhang may progress ang dalawa. Napatingin ako ng bumukas ang pinto.
"Wow! Ang ganda mo Juri!" Agad akong nilapitan ni Camille. "Mukha ka na talagang bride."
"Am I doing the right decision Cams?"
Bigla syang naging seryoso. She heaved a deep sigh. "If you feel that the situation is putting you on the wrong spot. Wanna ditch this wedding Juri?" Seryoso nyang tanong sakin.
I stared at her. I closed my eyes and heaved a very deep sigh. I shook my head. "Panindigan ko na to Cams."
"Ok. Let's meet your groom. He's been waiting for you na."
Pagpasok ko sa study room ni Zac, prenteng prente sa pagkakatayo ang mga kaibigan ni Zach. They all look good in their suits. Bakit ba ang gagwapo ng mga lalakeng ito? Pati si Atty na sanay naman ako nakikita na nakasuit, hindi nagpapatalo. Hindi halata na halos mukha silang zombie after nilang uminom magdamag. I looked at Zach. He is wearing a gray suit with white polo inside. He is dashingly handsome. He is really good looking. Napalunok ako ng tumingin sya sakin. Napatingin din ako kila Lola Z at Mama Zandra. Nginitian nila akong dalawa.
Kahit pagpirma nalang sana sa marriage certificate ay ok na sakin. For formality nalang naman itong kasal namin si Zach. I just need the farm and he agreed that after this wedding I can go back to France. I'll just talk to him about the annullment in time. I'll use his surname naman. Matuwa nalang sya dun.
After ng ceremony, nagkaroon din ng handaan. Nandun ang lahat ng tauhan ng Hacienda. Mabuti nalang walang nagtatanong kung bakit hindi magarbo ang kasal namin ni Zach to think na sya ang nagiisang tagapagmana ng mga Villafuerte. I think they explained it well pati sa mga taong nakapaligid samin.
Napatitig ako sa singsing ko. This is the beginning of being Zach's wife. I smirked on the idea, I'm gonna be his wife but it will not be forever. Nagulat ako ng biglang may humawak sa bewang ko pero nang makita ko na si Zach yun, hinayaan ko nalang. We are married now. And for the record, I'm Mrs. Villafuerte starting today.
"You hungry Love?" He asked. I nodded. "I'll get your food."
"Ako nalang kukuha. Kaya ko naman." Tanggi ko sa kanya. The way he calls me whenever he say it, it feels like I have butterflies in my stomach. That is his effect.
"I'll get it for you. I won't get food with bell peppers on it."
Napatitig ako sa kanya. He still remember that I hate Bell Peppers. I just simply nodded. Hinayaan ko na sya. Umupo na ako kung nasan si Camille.
"Husband mo?"
"Kumukuha ng pagkain."
Napatingin kami sa mga kaibigan ni Zach na busyng busy sa pagkuha ng mga pagkain. Napailing nalang kami ni Camille. Yung mga dala kasi nilang plate umaapaw ang mga pagkain.
"Hindi halatang halos hindi sila makatayo dahil sa kalasingan nila kahapon. They were all wasted."
"Oo nga eh. Grabe sila kung maginom. Nakuha pa nilang magbeer after ng lambanog. Gumagana pa kaya mga atay nila."
"Mukhang oo naman. Buhay pa sila eh. Pero ang gagwapo talaga ng mga kaibigan ni Zach." Tapos tumingin naman sya kay Atty. "Gwapo din ng Atty ko Juri. Kami naman kaya ang next na magpakasal kaya?"
"Yayain mo kaya Cams. Mukhang type ka din naman nya."
"Wag mo akong bigyan ng false hope Juri. Hindi kami bagay."
"Parang nung isang gabi lang pinagdadasal mo na sayo nalang sya. Wag ka nga dyan Camille." Natawa nalang ako sa kanyang pangnguso.
Bumalik na si Zach na may dalang 2 plates of food. Napamaang ako sa mga dala nya, halos mapuno ang plate sa ibat ibang pagkain.
"Don't worry, no Bell Peppers." Sabi pa nya.
"Bakit ang dami nito?" Tanong ko sa kanya.
"Akin tong isa. I'm famished Love. I didn't eat earlier."
"Mukha ka ngang gutom Zach. Mukhang lalaban ka sa giyera sa dami ng pagkain mo." Natatawang comment ni Camille.
"Yeah. Kinakabahan kasi ako kanina bago yung ceremony kaya hindi ako nakakain. I had coffee tho."
Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
"At bakit ka naman kinakabahan? Are you nervous that Juri might ditch your wedding?" Tanong sa kanya ni Camille. Napatingin ako kay Camille.
"Yeah, right. She can do whatever she wants even ditching our wedding. But Im glad she did not."
"Almost Zach. Almost." Sagot na Camille na ikinaawang ng labi nya. Nakuha nya talagang sabihin yun kay Zach. Tiningnan tuloy ako ni Zach na nakakunot ang noo.
"Let's eat." Nasabi ko nalang sa kanya. "Thank you sa food." He just nodded and he continued eating.
Maya maya pumunta sa pwesto namin ang kanyang mga kaibigan. Hindi na sila nakasuot ng kanilang mga suit, nainitan yata.
"Dude, kelan ang Church Wedding? Gusto kitang kantahan eh." Tanong sa kanya ni Chivas.
"You can still sing Chivas. Just get the f*****g mic and sing in front of us." Zach said.
"Don't want to and besides.." Tiningnan ako ni Chivas. "Nevermind. Magiinom naman tayo mamaya diba?"
"Yeah, right."
"But please. Awat muna sa lambanog. Feeling ko humihiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko eh. The feeling is driving me nuts." Reklamo ni Luke.
"Ang weak mo naman dude." Asar ni Chivas. "Yung isa nga dyan ginawa lang na tubig yung lambanog eh." Pagkasabi nun tiningnan nya si Keith. "Diba Keith?"
"f**k you." Keith answered.
"I'll get Lechon. I forgot to get some." Wika ni Matthew. Tiningnan sya ng mga kaibigan nya. "What?"
"Damihan mo dude. Ilan tayo dito eh." Sagot ni Chivas. "Tingnan mo yun kay Zach ang daming balat. Damihan mo ng kuha!"
"Hindi ba kayo kumain kanina?" Nagtatakang tanong ni Matthew.
"We did. But it does'nt matter. Get some for all of us." Utos naman ni Luke.
"PG lang guys?" Natatawang tanong ni Camille.
Tiningnan naman sya ng lahat. At pagkatapos nagpanggap na walang narinig. Sinenyasan pa si Matthew na umalis na para kumuha ng Lechon.
Nang makita ako ni Lola Z at mama Zandra agad nila akong nilapitan. Niyakap pa ako ng mahigpit ni Lola Z. They look happy naman.
"Finally Juri, youre really part of the family now." Wika ni Lola Z na nakangiti.
"Now that youre married with Zach. We're expecting lot's of babies. Make this Hacienda alive because of bunch of babies!" Mama Zandra exclaimed.
"Po?" Namula ako sa sinabi ni Mama Z. Hindi ako prepared dun.
"Kapag church wedding na daw uuwi ang Lolo at Papa nyo. They were against this wedding. They keep on insisting that you should be married in a church. I actually explained the situation but you know them, both stubborn and closed minded. Ang tatanda na pinapaasakit pa ang ulo ko." Mama Zandra exclaimed.
"Naintindihan po namin. Pasensya na po kayo kung ganito ang situation namin ni Zach."
"Don't worry about it Juri. It does'nt matter to us." Niyakap pa ako ni Lola Z. "Just give us apo's ok?"
I just nodded. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa kanila. Hindi ko alam kung aabot kami sa ganon. Hindi ko pa maimagine being that intimate with him tho we already shared kisses. Many times.
Ate syempre kinagabihan, umaapaw na naman ang mga alak sa Hacienda. At number 1 na naman sa paglaklak ang malungkot na si Keith. Wala talagang ibang bisita maliban sa mga friends ni Zach. This is wedding is very private. Minadali saka hindi pinagisipan.
"I dont think I'll be able to go back in Manila tomorrow in this state. I have 2 business trips waiting for me too." Wika ni Matthew.
"Me too. I have a business meeting in Italy this week. After this very chaotic weekend, time to face the reality again. Tss." Pahayag naman ni Luke.
"Wow! Ang bu-busy ng mga friends ko. Basta kami ni Keith dito muna sa Hacienda. Magpapakalunod kami sa lambanog ni Mang Tommie. Diba Dude?" Tumaas taas pa ang dalawang kilay ni Chivas.
"Shut up asshole." Sagot naman sa kanya ni Keith.
"Kaw Zach? You will stay here for sure." Tanong sa kanya ni Matthew.
"I'm not sure. It depends on Ria." And then he heaved a deep sigh. Napatingin sa kanya lahat ng kaibigan nya.
"Why? Any problems?" Tanong ni Matthew.
"You know, our set up is very complicated. She just agreed with the wedding for her to reclaim their property. This wedding is against her will. Do you think I have the right to claim her as mine?" Zach explained.
"That sucks! So, sa papel lang kayo magiging magasawa??" Tanong ni Chivas.
"That's the truth."
"That's why she always seems off. She is not happy with this wedding."
"Yeah and I just want her to be happy. I should be thankful that she became my wife. My happiness is her happiness." Napailing nalang sila sa sinabi ni Zach.
"Nasan ba si Mang Tommie? Lambanog na ang kelangan natin dito." Tumayo si Chivas at hinanap talaga si Mang Tommie. Natawa nalang sila.
"What about you Keith? Any plans?" Tanong ni Zach kay Keith.
Tiningnan sya ni Matthew at ni Luke. Napatitig sya sa hawak na basong may lamang alak. His jaw clenched and his grip on the glass became tighter.
"I won't stop until I found her."
"Women. Women. They are so complicated. Parang natatakot na tuloy akong mainlove." Wika ni Matthew.
"Kampai!!"
Sabay sabay nilang ininom ang mga hawak nilang baso na may lamang alak.
***
"Nasan na ang asawa mo?" Tanong sakin ni Cams.
Nakaligo na kasi ako at nakapagpalit na ng damit. Hinayaan ko nalang sya kasama ang mga kaibigan nya. Hindi pa nga sila nakakapagpalit ng mga damit dumiretso na agad sa inuman.
"Nag-iinom na sila kasama mga kaibigan nya." Sagot ko naman.
"So, san ka na matutulog mamaya??" Tanong nya sakin at tumataas taas pa ang dalawa nyang kilay.
"S-sa kwarto ko malamang."
"Hindi ka ba lilipat sa kwarto ni Zach? Magasawa na kayo ngayon Juri."
"Sa papel lang Cams. Hindi sa totoong buhay."
Tiningnan lang ako ni Camille saka pilit syang ngumiti. "Ok, whatever you say Juri."
"Si Atty umuwi na ba?"
"Oo nagpaalam kanina kay Zach. May importanteng meeting daw sya na hindi nya pwedeng indianin."
"Ah. Kaya pala ang lungkot mo na Cams."
"Hayaan na natin sya. Babalik nadin ako sa Manila sa Monday Juri. Back to work na ako, sobrang extend na ng leave ko baka pagbalik ko wala na akong balikan na trabaho."
"Thank you Cams. Thank you hindi mo ako iniwan."
"Ikaw, ano na plano mo ngayon?"
"Sabi naman ni Zach pumapayag syang bumalik ako ng France. I'll talk to him about that. Ayusin ko na din plane ticket ko."
"Hayss. Ikaw bahala Juri. Buhay mo yan."
"Yeah and I'm married anyway. Hindi naman ako makakalaya agad sa kanya." Tiningnan lang ako ni Camille.
Naisipan kong bumaba ng kwarto para puntahan si Zach. Nakita ko silang magkakaharap padin at umiinom. Napatingin agad sakin ang mga kaibigan nya ng makita ako.
"Sinusundo ka na ng asawa mo Dude!" Sabi kaagad ni Chivas ng makita ako.
Tiningnan naman ako ni Zach. Magulo na ang kanyang buhok, nakabukas nadin ang 2 butoned ng kanyang long sleeve at nakarolyo nadin hanggang siko. Namumula nadin sya. But still he managed to look handsome in my sight.
"Hindi ko naman sya sinusundo. Tinitingnan ko lang kung ok pa kayo. Last time kasi nagkalat kayo kung san san dahil sa kalasingan." Paliwanag ko sa kanila.
"Maayos pa nga yun eh kesa dati eh." Wika ni Luke.
"Huh?"
"The last time we became drunk here. We ended up there!" May tinuro si Matthew at napatingin ako kung san yun. Nagtaka naman ako kasi wala akong nakita.
"May tinuturo ka ba?" Tanong ko sa kanya. Tumawa lang sila sa tanong ko. Lasing na ba ang mga to.
"Nakikita mo ba yung malawak na kapatagan Love?" Tanong sakin ni Zach. I nodded in response. "We had a race when we were drunk back then. At dahil sa kalasingan at pagod, isa isa kaming bumagsak at nakatulog na, dun mismo."
"Oh my God! Seryoso kayo?!!"
"Yeah. That was so epic! Nakita nalang kami ng mga tauhan ng Hacienda na nakakalat dyan!" Humalakhak pa si Matthew.
"Tang ina kasi! May isa kasing epal na pasimuno ng habulan. Walang magawa sa buhay ang pota!" Chivas exclaimed.
"Weak ka kasing kumag ka! Lakas uminom hindi naman kaya!" Keith retorted.
"Sino bang nakaisip na maghabulan sa malawak na kapatagan na yan? Diba ikaw? Diba? Diba?" Chivas retorted back.
"Mabagal ka lang tumakbo. Hindi ka kasi nagmilk nung bata ka. That's why your bones are weak." Keith answered.
Napamaang nalang ako sa sagutan ng dalawa. Seryoso ba tong mga to? Lasing na nga talaga sila. Infairness kay Keith nakikipagasaran na. Pero ang weird ng mga trip ng mga to.
"Nagmilk ako when I was a kid. I was breastfed too. Everyone knows that breastmilk is good for babies up to 6 months of age. Don't you know that dumbass?!" Chivas answered back.
"f**k you."
Natawa nalang ako sa kanila, mga isip bata. Tiningnan ko si Zach na tumatawa din at umiiling pa.
"Akyat na ulit ako." Paalam ko sa kanya.
"Ok, matulog ka na Love kung inaantok ka na." Sagot nya sakin. Napatitig ako sa kanya.
"Hindi pa kayo tapos?"
"Hindi pa. Hahabol pa si Red eh."
"Ahh. Ok, sige akyat na ako."
"Goodnight Ria!" Bati ni Chivas. "Uminom ka ng milk bago matulog."
Nginitian ko na lamang sya. At tiningnan muna ulit si Zach bago ako tumalikod.
"Hindi nya ako ihahatid?" Hanggang sa makarating ako sa mansion hindi nya ako sinundan.