Ria
Paggising ko kinabukasan agad kong nakita si Atty. Clemente na prenteng nakaupo sa mahabang sofa. He is in his usual black suit. He is dashingly handsome and authority is screaming from his aura. Kaya siguro nafall si Camille sa kanya. Hindi ko naman sya masisisi. Hindi sya lugi sa lalakeng to, baka si Atty pa ang lugi kay Camille. He formed a smile when he saw me.
"Good Morning Ms. Alcantara. T'was nice to see you." Instead of handshake, salute ang binigay nya saken. Naalala ko na salute din ang binati saken ni Keith. What's with the gesture?
"Good Morning Atty. You have some business here?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah. Your fiancee summoned me this early, so I guess it has something to do with your wedding preparations." Nakataas ang isa nyang kilay ng sabihin nya yun.
"Ahh. Where is he?" And as if on cue, he emerged from the kitchen with 2 cups of coffee holding on his both hands.
He stared at me for a moment then he handed the cup of coffee to Atty.
"In my office. Come Ria. Let's talk about our wedding preparations." At nauna syang maglakad. Agad syang sinundan ni Atty. Tiningnan muna ako ni Atty at tumango bago sumunod kay Zach.
I heaved a deep sigh before following them. Hindi pa ako nakapagbreakfast, mukhang mahabang usapan ang magaganap.
"Mukhang gugutumin ako sa paguusapan namin."
Pagkaupo ko pa lamang sa sofa sa loob ng office ni Zach. Atty handed me a brown envelope. Napatingin ako sa kanya. He just smirked at me.
"As discussed and per agreement. That's your documents Ms. Alcantara. You can have your piece of mind."
Agad kong binuksan ang envelope at tiningnan ang mga papel. For real nga. Ang titulo ng farm namin. Napagtingin ako kay Zach. True to his words, hawak ko na ang mga documents ng farm namin. Does it mean he is really giving this to me? We're not yet even married.
"And naayos ko na ang mga papers nyo para sa kasal. When is the date?" Tiningnan nya kami pareho ni Zach. "And since hindi pa naman kayo sa simbahan ikakasal, no need to rush unless both of you have different plans."
Napatingin na naman ako kay Zach. Hindi pa sa simbahan? What does it mean? Kay Atty naman ako tumingin na nakakunot ang noo.
"Mukhang hindi pa kayo naguusap. I'll give you time."
"Ok lang saken." I answered. Nakatitig saken si Zach pati si Atty. Clemente. "Ok lang saken na hindi sa simbahan ang kasal. Kelan mo ba gusto magpakasal?" Tanong ko kay Zach. Nakatitig padin sya saken.
"Let's get married this weekend."
"Ok. I'll inform Camille. She will be the witness on my part."
"Atty. Prepare the marriage certificate."
I saw how Atty heaved a deep sigh. He looked so disappointed. Is he expecting something from us? Baka nakakalimutan nya kung bakit ako pumayag sa kasal na to.
"After the wedding, let me go back to France."
Napatitig saken si Atty dahil sa sinabi ko tapos tiningnan nya si Zach. He is waiting for his response.
"If that's what you want. I won't interfere with your plans. You may go back to France at your own will." He answered. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Atty na parang kontra sa sinabi nya.
"Thank you."
He just nodded. "You can have your breakfast. Red stay here."
Agad akong tumayo at nagpaalam sa kanila bago lumabas ng office ni Zach. Umakyat muna ako ng kwarto para itabi ang envelope. This is the most important possession I have now. Napayakap ako sa envelope.
"Finally. Nay, Tay, nasa akin na ulit ang pinaghirapan nyong lupa. Nasa akin na ang naiwan nyong alaala."
*****
"What the f**k is that?" Pabalik balik ng lakad si Red sa harapan ko. I'm starting to get annoyed. Napapailing na lang ako sa reaction nya. "How can you agree so easily with her plans. Are you kidding me?"
"Her wish is my command."
"What? Are you a f*****g genie now?" He shook his head. "I also have a wish. Pull yourself together Zach! This is not what you want."
"But this is what she wants. She doesn't even like me. Alam kong napipilitan lang sya sa mga gusto ko, sa mga plano ko. Ako lang ang nagpupumilit dito."
He heaved a deep sigh and sat down on the sofa. Nakita kong niluwagan nya ang necktie nya. Mukhang nastress si Atty ah. I chuckled in mind. Baka maasar na sakin tong si Red.
"I'll call my friends. You better be here tonight Red."
"Ikaw yata ang magiging dahilan ng pagkasira ng atay ko eh." Naiiling nyang sabi.
"Wag ka nga. Gustong gusto mo naman ang naglalasing eh. Kahit sumusuka ka na, inom padin."
"Hindi naman ako ganto kapag nasa Manila ako. Nagiging lasenggero lang ako kapag kasama kita eh."
"Wag mong isisi saken ang pagiging lasenggo mo. Paborito mo nga ang lambanog ni Mang Tommie eh." May naisip akong idea bigla. "Yun pala ang ipainom ko sa mga ugok na yun. Tingnan natin kung hindi sila gumapang sa lupain ng Hacienda ko."
"Looking forward dude. Magsiswimming kami sa alak mamaya."
"Magaling ka naman dun Red."
"f**k you."
*****
"Cams."
"Hello Juri. What's up?"
"Sa weekend na ang kasal ko." Kausap ko si Cams sa phone.
"Agad agad? Bakit ang bilis? Tapos na agad ang preparation nyo?"
"No. Hindi naman kami sa simbahan ikakasal. I think si Atty. Clemente ang magkakasal samin."
"What?????"
"Ang O.A mo Cams."
"Eh bakit hindi sa simbahan? Pumayag ka?"
"Mas pabor nga yun Cams. Hindi hassle. Mas madaling magfile ng annulment."
"Hay naku Juri! You and your plans."
"Yun din naman ang plano ni Zach. Pumunta ka na agad dito. Ikaw lang naman ang magiging witness ko sa kasalan na yun."
"Do i have a choice diba wala naman."
"Ayaw mo nun makikita mo si Atty."
"Issue ka Juri. Walang something samin ni Atty."
"Sa kanya wala pero sayo meron." Natahimik sya bigla sa kabilang line. " Anyway, ang gwapo pala nya kanina. Nakasuit kasi ng pumunta dito."
"I know naman na gwapo sya. Tigilan mo nga ako kay Atty. Masyadong malayo ang agwat namin dalawa. Hindi ako papansinin nun."
"Bakit dinodown mo sarili mo Cams? Professional ka naman saka maganda ang work mo."
"Hindi ako ang tipo nya. Halata naman sa kanya noh. Mataas ang standards ng mga katulad nya. Malay din ba natin na may gf yun sa Manila."
"Wow. Nagconclude ka na pala Cams. Ang fast forward mo naman."
"Ayoko lang mahopia. Hopia understand too."
"Ewan ko sayo Cams. Pumunta ka na dito ngayon."
"Thursday palang ngayon Juri. Excited ka?"
"Kelangan ko ng moral support Cams."
"Whatever you say. Sige magempake na ko ng mga gamit ko."
"Sira ka talaga Cams."
Hapon na ng dumating si Camille. Isang backpack ang dala nya. May bitbit pa syang cake. Mukhang dumaan sya dun sa cafe na binilhan namin kanina.
"Meron palang Mango Bravo inspired flavor sa cafe na yun Juri. Bumili din ako ng triple chocolate flavor."
"Ayaw mo ng cakes ah."
"Syempre nakakahiya ng walang dala. Nasan pala yun tyahin ko na masarap magluto."
"Baka nasa kitchen, alam mo naman yun ang balwarte nya dito."
"IKR." Kinuha ko na ang isang cake at dinala sa dining room.
Pagkatapos namin itabi ang cake, umakyat na kami sa kwarto ko para ayusin ang gamit ni Cams.
"Ang ganda pala ng kwarto mo Juri. Ang laki din. Pero after ng kasal nyo lilipat ka na sa kwarto ni Zach." Ngumisi pa ang bruha.
"In your dreams Cams. Hindi pa ako handa na isuko ang bataan. Oo nga ikakasal kami pero hindi naman namin napagusapan na pati s****l needs nya ibibigay ko."
"Pero ikaw ang asawa nya."
"Sa papel lang Cams." Matiim nya akong tinitigan. "Saka pumayag syang bumalik ako ng France after ng kasal."
"Ang gulo nyong dalawa. Hindi ko din magets tong si Zach. Ayaw ka nyang umalis diba, why the sudden change of his mind?"
I just shrugged my shoulder. Kahit ako naman hindi ko alam ang tinatakbo ng isip nya. Mas ok na sakin na ganto sya. At least hindi nya ko pinipilit na gampanan ang pagiging asawa nya. We maybe committed with each other pero sa papel lang yun. Sapat na yung gantong set up at mga nangyari sameng dalawa.
Nasa ganon kaming paguusap ng may marinig kaming mga ingay sa labas. Parang tunog ng helicopter. Sinilip namin sa bintana ni Cams kung anong meron.
"Wow!!" Napamaang kaming dalawa sa 2 helicopter na nakalapag sa may bakuran ng Hacienda. "Ang advantage nga naman ng may malawak na lupain." Wika ni Camille.
"Sino kaya ang dumating?"
"Mukhang yayamanin. Nakahelipcopter ba naman. Baka bisita ng mapapangasawa mo."
"Siguro nga. Nun nakaraan dumating yung isa nyang kaibigan dito."
"Gwapo ba?"
"Oo gwapo." Pareho silang gwapo ni Zach. Sa isip ko.
Naligo muna kaming dalawa ni Camille. Nagpapatuyo na kami ng buhok ng may marinig akong katok sa pinto. Pagbukas ko, mukha ni Parker ang sumalubong saken.
"Ate Ria, pinapatawag ka po ni Sir Zach."
"Bakit daw?" Nagkibit balikat lang si Parker. "Bakit ikaw ang inutusan nya na umakyat dito, bakit hindi sya?" Tanong ko sa kanya.
"Kasama nya kasi mga kaibigan nya. Kakadating lang galing Maynila. Mga bigatin nga po kasi nakahelicopter papunta dito."
So mga friends nya ang mga dumating.
"Sige bababa na ko. Thank you Parker." Nginitian lang nya ako saka sya tumalikod. "Cams bilisan mo dyan. May mga bisita."
Naglalakad palang kami sa hallway may naririnig na kaming mga boses na nagmumula sa living room. Nang makita namin kung kanino nanggagaling ang mga boses, pareho kaming napamaang sa tatlong lalake na nakaupo sa malaking sofa. Nakita ko si Zach na kausap si Keith. Nakita kami ni Keith at mukhang sinabi nya kay Zach kaya tiningnan nya kami. Siniko ko si Camille para bumaba na. Natulala din kasi sya.
Tiningnan din kami ng mga kasama nilang mga lalake. At kung titingnan mo silang lahat. Lahat sila ay gwapo. Lahat sila matatangkad. Lahat yata ng blessings ng good looks ay sinalo nilang lahat. But I'll settle my eyes with Zach.
Pagkalapit naman sa kanila. Agad nagsitayuan ang mga kaibigan nya. Tiningnan lang naman ako ni Keith. Suplado din talaga ito. Nilapitan ako ni Zach at hinapit sa bewang. Nakita ko ang pagngisi ng mga kaibigan nya. May isa pang sumipol. Nginisian din ako ni Camille. Wow ah. She belong?
"This is my fiancee Ria. They are my friends." Pakilala sakin ni Zach.
"Hi Ria, Im Matthew. Nice to meet you."
"Luke here. Please to meet you."
"Hello there Ria. I'm Chivas. Finally!" Inilahad nya ang kamay nya for a handshake pero bago ko pa mahawakan ang kamay nya pinalo yun ni Zach. "Awww!" Napatingin naman ako kay Zach.
"Touch her in anyway, I'll send you to Mars."
"Possessive mo. Pareho kayo ni...." Tumingin sya kay Keith. Na binigyan naman sya ng middle finger salute.
"And this is Camille. And dont try to make a move on her or else I'll see you in court." Pakilala nya kay Camille. Hindi ko naman nagets ang kasunod nyang sinabi.
"Whatever. We're here because you told us so. So just load me up dude!" Wika ni Chivas na tatawa tawa.
Kung looks talaga ang paguusapan lahat sila gifted. Si Matthew ang pinakamatangkad sa kanila. Si Luke naman ang mukhang good boy. Si Chivas ang mukhang happy go lucky. Napatingin ako kay Keith, sya talaga yung malungkot sa kanila kung titingnan. Laging lutang at nakatingin sa kawalan. He rarely smile. Grabe talaga ang pinagdadaanan nya dahil sa babaeng mahal nya. At si Zach, hindi ko alam kung pano sya idedescribe. Good kisser! sabi ng subconsious mind ko. My God! Hindi ko talaga makalimutan. Kung bakit kasi ako nagpapahalik.
Magkatabi kami ni Camille habang naguusap ang mga magkakaibigan. Natatawa nalang kami dahil ang kukulit pala nila. Syempre maliban kay Keith na walang ginawa kundi murahin si Chivas kasi lagi syang inaasar.
"Feeling ko may pinagdadaanan yung isang yun." Napatingin ako kay Camille. Nginuso nya si Keith na nakatitig na naman sa kawalan. "Lagi syang tulaley eh."
Napansin na din ni Cams ang pagiging aloof ni Keith at mukhang disconnected sa real world. It's not my story to tell kasi narinig ko lang din naman kung bakit sya ganyan. Sana lang maging ok na sya.
"Pero grabe sila Juri, bagay silang magkakaibigan. Lahat sila gwapo."
"Akala ko ba may Atty ka na Cams?"
"Mukhang wala naman kaming happy ending. Mahirap yung ako lang ang may feelings. Tapos sya wala. Gusto ko the feeling is mutual samin dalawa."
"Alam ba nya na may feelings ka sa kanya?"
"Hindi. At wala akong balak ipaalam. Sakin nalang to. Saka crush pa lang naman baka mawala na din to agad."
"Mawawala yan Cams kasi madedevelop into love yan."
"Yang lovelife mo ang isipin mo Juri. Aminin mo nalang na love mo yan bestfriend mo dati."
I just rolled my eyes. Ito talagang si Camille alam na alam kung kelan ako aasarin eh.
Nang dumating si Lola Z at Tita Zandra, tuwang tuwa sila ng makita ang magkakaibigan. Ganto pala talaga sila kawelcome dito sa Hacienda at sa family ni Zach. Para nadin pala silang pamilya. I find myself smiling with that thought and felt lonely at the same time. I wish I still have my family.
After ng dinner, hindi na ako magtataka na sa inuman mapupunta ang trip ng mga kaibigan ni Zach. I tried to go back to my room but Camille insisted to join them. Magchill naman daw kami. Wow chill pa. Gusto lang nya makasama si Atty kasi kasali sya sa drinking sessions ng magbabarkada. Napilitan na akong samahan si Camille kasi ayoko namang sya lang ang nagiisang babae dun.
At meron talaga silang pwesto para sa inuman. Malawak ang pwesto na parang sinadya para sa mga gantong sessions. May malaking kahoy na mesa at mga upuan na kahoy din. May billiard set pa sa tabi. May mga darts pa sa wall at mga paintings. At may videoke pa. Napamaang ako ng makita ko si Peter at Parker na uupo din sa mga upuan. Agad kong nilapitan ang dalawa.
"Bawal ang minor dito. Umuwi na kayo at magaral sa inyo." Nakita kong lumaki ang mga mata ng dalawang binatilyo. Napakamot ng ulo si Peter.
"Ate Ria, hindi na ako menor de edad. 18 na ako remember."
Tinaasan ko sya ng kilay. "Ang bata mo pa para magsunog ng atay Peter. Kasama mo pa si Parker."
"Ate Ria, chill ka lang pede. Hindi naman ako iinom. Makikikain lang ako ng mga tanpulots at kakanta sa videoke." Wika ni Parker na umiiling.
"Anong tanpulots?" Nakakunot ang noo ko ng tanungin sya. Narining ko ang pagtawa ni Chivas pati ang pagngisi ni Peter.
"Pulutan po. Madaming niluto si Nanay Elvie po eh. Sayang naman kung hindi kakainin."
Napapikit nalang ako at bumuntong hininga. Hindi ko yata kaya ang trip ng magkapatid na to. Napatingin ako kay Zach na prenteng prente ang pagkakaupo habang kausap si Keith.
Nagumpisa na sila sa kanilang drinking session. Madaming nilabas na alak si Zach, mukhang mamahalin at mga imported. Samantala kami ni Camille binigyan ng red wine ni Zach. As if naman makikiinom kami sa kanila. At tama nga si Parker, madami silang tanpulots, nagmukhang handaan dahil sa dami ng mga foods sa mesa. Kumuha nalang kami ni Camille ng Bbq, liempo saka carrot sticks. Alam kong favorite to ni Zach kaya hindi din ito mawawala.
"Pogi ni Atty noh?" Siniko ko si Cams na busy sa pagcecellphone.
"Oo pogi sya. Walang duda Juri. Wala ba silang beers? Puro kasi mamahaling alak ang iniinom nila."
"Mukhang wala eh. Tanungin ko nga si Zach. Gusto ko din ng beer." Tumayo ako at naglakad papalapit kay Zach. Napatingin naman sya saken.
"You need anything Love?"
Nakita ko ang mga reactions ng mga kaibigan nya ng marinig nila ang endearment ni Zach sakin. Pakiramdam ko nagakyatan ang dugo ko sa mukha ko.
"Sinong unang kakanta sa videoke? Yung pang lovers ah." Nakangising tanong ni Chivas.
"I'll sing." Kinuha ni Luke ang Mic saka namili ng kakantahin.
"May beers ba kayo? Naghahanap si Cams eh." Tinitigan nya ako saka tumango.
"Yeah, we have inside. I'll get it." Tatayo na sana sya ng magsalita si Atty.
"Ako na kukuha. Ilalabas din naman yun mamaya." Wika ni Atty.
"Thank you Atty."
"Call me Red. Wala tayo sa meeting." Tinanguhan ko sya.
"Balik na ako kay Cams. Wala syang kasama eh."
"Ok. Ayaw nyo ng red wine?"
"Gusto naman pero mas gusto namin ng beer."
Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?
Napatingin ako kay Luke when he started to sing. This guy can sing. Pang boyband ang boses nya. He sounded like Zayn Malik.
"Nice one Luke. Love song na love song ah." Pahayag ni Chivas sabay inom ng alak.
Magkatabi na kami ni Cams at kumakain ng BBQ ng lumapit samin si Atty at inabot ang isang lalagyan na may mga beers.
"Eto na ang beers nyo. Dahan dahan lang sa paginom." Sabi nya samen.
"Yes po Atty." Sinagot naman sya ni Camille. Nakita ko ang pagtitig nya kay Camille pero agad din syang nagbawi ng tingin at pumunta sa dati nyang pwesto.
Nakita kong nagkakatuwaan sa kwentuhan ang mga lalake at tinitingnan ko ng masama ang dalawang binatilyo na katable nila. Nakikita ko ang paginom ni Peter paminsan minsan. Good thing hindi talaga uminom si Parker. Namumulutan lang talaga.
"This song is dedicated to our brother... Keith." Si Chivas na ang may hawak ng Mic at mukhang may amats na. And i saw how Keith glared at him at mouthed "f**k You." Napailing nalang ako.
"Oceans apart day after day
And I slowly go insane
I hear your voice on the line
But it doesn't stop the pain
If I see you next to never
How can we say forever
Wherever you go
Whatever you do
I will be right here waiting for you
Whatever it takes
Or how my heart breaks
I will be right here waiting for you"
Lahat siguro sila magagaling kumanta. I knew Zach can sing as well. I heard Keith's voice too. So Im expecting Matthew is a good singer too. At hindi nga ako nagkamali.
"When you love someone
You'll do anything
You'll do all the crazy things
That you can't explain
You'll shoot the moon
Put out the sun
When you love someone
You'll deny the truth
Believe a lie
There'll be times that you'll believe
That you could really fly
But your lonely nights
Have just begun
When you love someone.."
Habang nakikinig ako sa pagkanta ni Matthew. Napatingin kami sa kanilang direksyon ng biglang tumahimik ang magkakaibigan. Matthew stopped singing, only to find out that Keith is crying. He had his tears all over his face.