Chapter Eight

2980 Words
Ria Nararamdaman ko ang pagihip ng malamig na hangin na nanggagaling sa labas mula sa nakabukas na bintana. Binuksan ko na lang ang bintana ng matulog ako dahil malamig naman. I didnt bother to open the A/C dahil baka manginig at manigas ako sa pagtulog ko. I didn't receive any calls or messages from Zach last night. Sabi nya tatawagan nya ako. Wow! Naghihintay pa talaga ako ah. Tumayo na ako para magayos ng sarili. Tiningnan ko ang orasan and it shows 7:05 am. Nakakahiya naman dahil sa gising kong late na. Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. I just wore a black leggings and paired with an oversized white shirt with Mickey Mouse print on it. Sinuot ko ang tsinelas saka lumabas ng kwarto ko. This house really amaze me. The interior were really designed well. Ang elegante lahat. Habang naglalakad ako tinitingnan ko ang bawat detalye ng mga nakadisplay sa hallway. Natatandaan ko naman na walang nabago sa mga itsura pero may mga nadagdag din naman. Ilang taon nga naman ang lumipas. Pagdaan ko sa may terrace, napahinto ako bigla. There's a man standing proudly holding a cup of coffee, I guess. Kahit na nakaside view sya, nakikita ko ang taglay nyang kagwapuhan. He is tall, with wide chest and broad shoulder. Sino kaya to? Bisita ni Zach? Nakita ko ang paglapit ni Zach sa lalakeng nakatayo. Iniisip ko kung lalapit ba ako o hindi. Aalis na sana ako nang tumingin saken si Zach at ngumiti. "Come here." Tawag nya sakin. Tumingin naman sakin ang kasama nyang lalake. "Wow, he is really handsome." Pero ang seryoso ng mukha at kapansin pansin ang stubbles nya sa panga. Pagkalapit ko kay Zach, agad nyang hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya. Nagulat pa ako sa ginawa nya. I saw the man smirked. "G-good Morning." Bati ko sa kanilang dalawa. "Sorry late ako gumising." "It's ok Love. By the way, this is my friend Keith. He will stay here for the meantime. This is Ria, my fiancee." Pagpapakilala saken ni Zac. So kaibigan nya pala ang lalakeng to. Bagay talaga silang magkaibigan, pareho silang mukhang Greek God na pinatalsik sa Olympus. And the man has brown eyes but he looks...lonely. There is something in his eyes na hindi ko maexplain pero parang ang lungkot ng aura nya. "Finally, nice meeting you Ria. I'm Keith." Nagsalute lang sya saken at nginitian ko sya pero hindi sya ngumiti. Uminom pa sya ng iniinom nya. "You can go downstairs. May paguusapan kasi kami ng magaling kong kaibigan. We'll be there shortly Love." Napatango naman ako. "Love." Mahina lang pero narinig ko na sinabi ni Keith. "Sana All." Napatingin naman ako sa kanya pagkatapos tiningnan ko si Zach. Nginitian lang nya ako. "Mauna na ko sa inyo." Iniwan ko na silang dalawa dahil mukhang seryoso ang paguusapan nila. Nilingon ko pa silang dalawa at nakita ko ang pagtapik ni Zach sa balikat ni Keith. I wonder what's going on with them. Boy's talk perhaps. Dumiretso na ako sa kitchen at gusto ko sanang tulungan si Manang Elvie sa mga ginagawa nya kaya lang dahil late nga ako nagising, wala naman na akong gagawin dahil nakaprepare na ang breakfast. Nahiya na naman ako dahil parang paspecial ako, hindi naman ako bisita. Basta bukas I'll wake up early. Magseset pa ako ng alarm para sure na magising ako. "How's your sleep Juri?" Tanong saken ni Lola Z. "Ok naman po Lola Z, ang lamig po sa kwarto hindi ko na po binuksan ang A/C." Sagot ko naman sa kanya. "How about mosquitoes? Baka pinapak ka naman ng mga lamok." Tanong naman ni Tita Zandra. "Naku wala naman po Tita. Mahimbing po ang tulog ko kaya po nalate ako ng gising." "It's ok Juri. And please, call me Mama. You'll be my daughter too soon." Napatango nalang ko sa kanya pagkasabi nya nun. "Gusto mo bang mamasyal sa Hacienda?" Tanong saken ni Lola Z. Agad naman kumislap ang mga mata ko sa narinig ko. Gusto ko talagang mamasyal sa Hacienda. Sa sobrang lawak nito hindi ko ito malilibot sa isang buong araw. "Opo Lola Z. Gusto kong mamasyal sa Hacienda." "Sige, mukhang hindi ka masasamahan ni Zach kasi kasama nya si Keith. May paguusapan daw silang dalawa. Papasamahan kita kay Peter at Parker." Tumango ako. Nakita ko na si Peter pero si Parker hindi pa, iniisip ko kung twins sila, nakakatuwa kasing pinangalan sila kay Spiderman na magkahiwalay ang pangalan. Nagsimula nadin kaming kumain dahil masasarap na naman ang hinanda ni Manang Elvie. Napadami tuloy ako ng kain ng fried rice, tocino, itlog na maalat na may kamatis saka pritong talong. Feeling ko tataba ako dito sa Hacienda. Naghintay ako sa may living room kasi dun daw ako susunduin ni Peter at Parker. Wala pa namang five minutes dumating na silang dalawa. And to my surprise, hindi naman pala sila twins. "Hello po Mam. Sabi po ni Lola Zen, samahan daw po namin kayong mamasyal sa Hacienda. Ako po pala si Peter." "At ako naman po si Parker." Tiningnan ko ang dalawang binatilyo. Mukhang mas matanda si Peter dahil mas matangkad sya kay Parker. Pareho din silang may itsura. "Ate Juri nalang ang itawag nyo saken. Wag nyo akong tawaging Mam. Hindi ako teacher." "Naku hindi po pwede Mam. Hindi ka din po namin kapatid para tawagin ka naming Ate." Sagot saken ni Parker. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya o pepektusan ko sya dahil sa sagot nya sakin. "Oh sige, Juri nalang o kaya Ria. Mamili nalang kayo sa dalawa." "Sige po Ate Juri. Mamasyal na po tayo. Tara na po." Natatawang sagot ni Parker. Nakita ko ang pagbatok sa kanya ni Peter pero mahina lang naman. Nauuna silang maglakad saken at naririnig ko ang bulungan ng dalawa na may kasama pang suntukan. "Ikaw ang panganay Peter sa inyong dalawa ni Parker. Ilang taon ang agwat nyo sa isat-isa?" Nilingon ako ng dalawa at nagtinginan. "Ako nga po ang panganay. 18 na ako. Kaka18 lang pala." Sagot ni Peter. "Ako 16. Malapit na din ako mag18. Nasabi mong panganay si Kuya Peter kasi mas matangkad sya saken?" Tanong sakin ni Parker. "Hindi lang yun, mas gwapo din kasi ako sayo." Natawa ako sa sagot ni Peter kay Parker. "Pareho kayong gwapo. Siguro madami na kayong pinaiyak na mga babae dito sa lugar nyo." Napamaang ako ng ituro ni Peter si Parker. Tiningnan naman sya nito ng masama. Natawa ako sa hitsura ni Parker. "Si Parker Ate Juri, hinahabol ng mga pinaiyak nyang mga babae sa school nila. Hanggang dito ba naman sinusundan sya. Tssss." "Wow! Talaga Parker! Ang hearthrob mo naman pala. Nakailang girlfriends ka na?" Nakita ko nag pagkamot nya sa batok nya at tiningnan ng masama si Peter. Tinawanan lang sya ni Peter. "Ate Juri, girlfriend ka ba ni Sir Zach?" Biglang tanong sakin ni Parker. Napatitig ako sa kanya at hindi nakapagsalita. "Hindi na sya girlfriend kasi magiging asawa na sya ni Sir Zac." Si Peter na ang sumagot sa tanong ni Parker. "Dito ka na din titira Ate diba?" Napatango nalang ako sa tanong ni Peter. Oo dito na nga ako titira. Mahihirapan kaya akong umalis dito kapag hindi na kami kasal ni Zach. Napatigil ako sa paglalakad ng maisip ko yun. Napatingin naman saken ang magkapatid. "Tayo na po Ate Juri." Yaya ni Peter. Hindi naman ako nagkamali sa pagsama sa magkapatid sa pamamasyal. No dull moments ako sa dalawa. Palibhasa kasi mga binatilyo pa, puro kalokohan at ginagawang katatawanan ang mga ilang bagay. Buti nalang fun to be with talaga ang dalawa. Wala din silang sawa sa pagkukuwento about sa Hacienda at kay Zach. Hindi ko nalang masyadong ineentertain kapag sya na ang topic, ayokong malaman ang mga bagay na yun. Magtatanghalian na ng bumalik kami sa Mansion. Mainit na kasi kaya hindi na kami tumuloy sa pamamasyal pa. Gusto ko pa naman umakyat dun sa sinasabi nilang burol. Nagpaalam nadin muna ang magkapatid na uuwi sa kanila. Iniisip ko kung san sila nakatira kung andito lang naman sila sa Hacienda. Umakyat na ako sa kwarto ko dahil gusto ko ulit maligo. Halos wala din namang nabago sa Hacienda. Nadagdagan lang ng mga puno at mga halaman. Nadagdagan din pala ng kwadra ng mga kabayo. Mga Stallions na imported from New Zealand ni Zach. I wonder kung magkano ang bili nya sa bawat isa. Nagpahinga muna ako bago maligo. Tinuyo ko ang buhok gamit ang blower na nasa kwarto. Nagsuot nalang ako ng maong shorts, Pink top na may print ni Piglet saka slippers. Gusto kong tumulong kay Manang Elvie na magpeprepare ng lunch. Pagkalabas ko ng kwarto naglakad na ako sa pasilyo. Nakarinig ako ng tunog ng gitara kung san kaya hinanap ko kung san ito nanggagaling. And to my surprise, I saw Zach's friend Keith strumming the guitar. Alam kong sya yun kasi alam ko ang built ni Zach kahit nakatalikod. Talaga ba Ria? At kelan mo pa namemorize ang built nya? Naglakad pa ako ng kunti papalapit sa kanya para makita ang hitsura nya. Mukhang wala sya sa sarili at malalim ang iniisip. Lalapitan ko pa sana sya ng magsimula ulit syang magstrum sa gitara and then he started singing. This time, this place Misused, mistakes Too long, too late Who was I to make you wait? Just one chance, just one breath Just in case there's just one left 'Cause you know, you know, you know That I love you I have loved you all along And I miss you Been far away, for far too long I keep dreaming you'll be with me And you'll never go Stop breathing if I don't see you anymore Last chance for one last dance 'Cause with you; I'd withstand All of hell to hold your hand I'd give it all; I'd give for us Give anything, but I won't give up 'Cause you know, you know, you know That I love you I have loved you all along And I miss you Been far away, for far too long. . . . . While listening to him singing that song, I can feel his longing and sadness. Is he waiting for someone? I can see that he is hurting too based on his emotions. But he sings so good. Papasa syang vocalist ng isang banda. Wala sa sariling pumalakpak ako. Napatingin tuloy sya saken. I was halted when I saw his face. Is he crying? "I-im sorry. I didn't mean to, well interrupt you. But you sounded so good." I explained to him. "It's ok. I just borrowed this guitar from Zach." "You sing well. And that's a good song choice. Medyo malungkot lang un message ng lyrics." "Yeah. It's sad." Tumingin na lang ulit sya sa kawalan na parang malalim na naman ang iniisip. Nararamdaman ko ang bigat ng dinaramdam nya. Ganon ba sya kalungkot na pati ako naaapektuhan. Nacucurious tuloy ako at gusto kong tanungin si Zach. Pero baka isipin naman nya na ang pakialamera ko at ang chismosa ko.  "Nasan si Zach?" Pagiiba ko ng usapan. "In his room maybe. You can check on him." "Ahh. Hindi na siguro. Pababa na din naman ako. Ikaw, dito ka lang ba muna?" "Yeah. I'll stay here." "Ok. I'll go ahead." He just nodded and went back strumming the guitar. Sana kumanta naman sya ng rock, sa isip ko. Pababa na ako ng makita ko si Zach na papunta sa terrace. Maguusap na naman sila ni Keith. Hindi pa kami nakakapagusap ng maayos ni Zach about sa set up namin. At mukhang hindi pa namin yun mapaguusapan kasi nandito si Keith. Parang mas may time pa nga sya sa kanya kesa saken. It's not like I'm sulking because he is busy with someone else. But we need to talk about us. I heaved a deep sigh bago tuluyan ng bumaba. Pagdating ko sa kusina naabutan ko si Manang Elvie naglilinis ng mga gulay at may karne at isda. Meron din akong nakitang mga sugpo at alimango. Natakam ako bigla. "Manang Elvie, gusto ko pong tumulong. Ano pong lulutuin?" Tanong ko sa kanya. "Magluluto ako ng sinigang na sugpo, kalderetang baboy, sweet &sour fish saka steamed alimango." "Wow ang dami naman po nun. Talo pa ang may handaan ah." "Mga paborito ni Sir Zach saka ni Sir Keith." "Ahh. Palagi po bang bumibisita dito ang kaibigan ni Zach?" Naisipan ko ng magtanong, pagkakataon ko ng chumika kay Manang Elvie. "Ngayon na lamang ulit nagpunta dito si Sir Keith. Wala nga syang malay ng dalhin ni Sir Zach dito eh." Bahagya pa syang tumawa. Napaisip ako sa walang malay. "Yun pala lasing lang. Saka lima silang magkakaibigan, at sinasabi ko sayo Juri, walang tulak kabigin ang mga taglay nilang kagwapuhan." "Ahh. Hindi lang pala si Keith ang pumupunta po dito." "Oo, kapag nandito sila, naku! parang may fiesta dito. Halos araw araw may handaan at pag gabi naman magdamagan sila kung maginuman, walang kasawaan. Magigising nalang ako na nakakalat ang mga katawan nila kung san san. Nakakatuwa naman ang mga batang iyon, mga Bilyonaryo pero ang babait." "Ahh. Si Zac po Manang Elvie, mahilig padin pala sya sa sugpo." "Oo naman, paborito nya yun eh. Lalo na kapag sinigang saka sobrang asim ng sabaw. Mabuti nalang at madaming bunga ang puno ng sampalok sa may likod, yun ang gagamitin kong pang-asim." "Tulungan ko na po kayo magluto." "Sige Juri, umpisahan na natin sa mga gulay na ito." Ngumiti ako at tumango. Naghahanda na kami ng tanghalian ng magkasamang dumating sa dining room si Zach at Keith. Looking fresh pareho. Mukhang parehong bagong ligo. Nakita ko din na wala na ang stubbles sa panga ni Keith. Ang gwapo pala nya talaga, nakadagdag pa sa kagwapuhan nya ang magulo nyang buhok. Bumaling ako ng tingin kay Zach. Nakita ko ang madilim nyang mukha at matiim na titig saken. I wonder why. Nakita kaya nya ang pagtitig ko kay Keith. "Tinawag ko nadin si Lola saka Mama. Sumabay ka nadin po Manang Elvie. Nasan na po pala si Peter at Parker?" Tanong ni Zach. "Umuwi muna sa kanila pagkatapos nilang mamasyal ni Juri kanina." Sagot ni Manang Elvie. Tiningnan naman sya ni Zach. Tumango naman ito. After namin kumain, nagpasya akong umakyat ng kwarto. Hindi na naman kami nagkausap ni Zach dahil kasama nya si Keith. Everytime na nakikita ko silang naguusap, nakikita ko sa mga gestures ni Zach na parang pinagsasabihan nya si Keith. And to Keith's response, he always run his fingers on his hair desperately. Kaya pala laging magulo ang buhok nya. Nagbobrowse ako ng aking mga social media accounts nang makaramdam ako ng antok. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Paggising ko madilim na. Matagal ba akong nakatulog. Wala din naman kumatok at gumising sakin. Lumabas na ako ng kwarto, pagdaan ko sa hallway nakita ko na naman si Zach at Keith sa may terrace. Pareho silang nakaupo at sa harapan nila ay may table na may mga alak. Napakunot ang noo ko. Ang aga pa para maginom. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi. I chose the latter. Usapang lalake na naman siguro kaya anong kinalaman ko dun. "I don't know what to do now Zach. I'm lost. Since Alex came into my life, she became the reason of my existence. And now she's gone. I don't know how   to keep on living." Napahinto ako ng marinig ko ang sinabi ni Keith. I know it's not good to eavesdrop but I can't help it. Napasandal ako sa may pader malapit sa kanila. "Go on with your life Keith. Your life doesn't stop from there. Alex has her reasons of leaving you. I'm sure she'll find her way back to you. I know how much she loves you." "Kung kelan ako naging seryoso saka naman ganito." Nilaklak nya ang isang kalahating bote ng alak. "f**k that Lorraine. She ruined everything!!!" Ibinagsak nya ang bote ng alak sa mesa. "Pero bakit nya ako iniwan? Bakit bigla nalang syang nawala? Hindi naman ako gago para basta nalang iwanan. I need to know why she left? Bakit hindi muna nya ko kinausap? Sana man lang pinakinggan muna nya ang paliwanag ko, sana man lang nakinig muna sya sakin. Sana hindi nya ako agad iniwan at tinaguan. Sana...kasama ko pa sya..." A lone tear fell from his eyes. " It hurts like hell Zach. It's killing me. This pain, it's making me insane. I'm losing my sanity." Napahawak ako sa aking bibig ng marinig ko ang mga sinabi ni Keith. That's his problem. Kaya pala ang lungkot nya. Iniwan sya ng babaeng mahal nya. "Let's keep looking for her. Sisiguraduhin namin na malilibot natin ang buong Pilipinas para hanapin sya. Kahit pa buong mundo." Tinapik ni Zach ang balikat ni Keith. " Don't loose your hope Keith. Hold on to your love for her and give her time. Just don't give up on her. And if you really love her hold on to that and wait for her." And I don't like the idea of you losing your sanity. I don't like to visit a friend in an asylum." "Asshole. Ganito pala ang pakiramdam ng magmahal at masaktan. Tang ina talaga! Kung kelan ako naging seryoso saka mangyayari to. Itong gwapo ko tong iiwanan ng babae? Tang ina ako nangiiwan eh." "Shut up mother fucker." "What's going on with you and Ria?" "Not going well. She accepted my proposal." "So, when is the wedding?" "We havent talk about it yet. Mauuna pa pala akong ikasal sayo bro." "f**k you." "We will plan it then. And she will be mine forever." Umalis na ako after ko marinig ang sinabi ni Zach. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi nya. Is he really planning to keep me forever? That's not gonna happen. Yes, I will marry him but I will not be his wife forever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD