Magkasunod na sumakay sa chopper sina Alexandros at Cassandra. Saglit na tinapunan ni Alexandros ng sulyap ang Indian national na ngayon ay nakahandusay sa helipad. “Sa ganitong paraan mo rin ba pinatay dito ang isang Pakistani Salvadorian few days ago?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong ng binata. “Oo,” walang alinlangang tugon ni Cassandra habang abalang sinusuri ang gauges ng chopper. “Actually, dalawa silang pinatay ko dito.” “Only one was reported to the police,” tugon ni Alexandros habang inilalagay sa sariling ulo ang headset na iniabot niya. Saglit siyang natigilan. Ang ibig bang sabihin ay buhay pa ang asong si Dalton? “Marunong ka?” Biglang tanong ni Alexandros nang i-turned on niya ang battery power upang paganahin ang lahat ng cockpit instruments. Hindi nito napigil

