Tahimik na nakaupo sa backseat ng kotse si Cassandra. Sari-saring emosyon ang umaalipin sa kaniyang pagkatao ngayon. Kung hindi lang niya alam na may mas mahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ngayon kaysa sa damdamin niya ay baka kanina pa siya humagulhol sa matinding depresyon at kabiguan. Hindi lang ang ginawang pagtataboy sa kaniya ni Alexandros ang nagwasak sa buo niyang pagkatao’t kaluluwa. Higit ay ang katotohanang tila gusto lang siya nito habang magkahinang ang kanilang mga katawan. Once their bodily connection was cut, his true self would reveal. He was no different. He was just a typical man who loves a woman while being inside of her. Maya-maya ay pilit niyang kinontrol ang sarili. Alam niyang sa tindi ng pinagdadaanang emosyonal niya ngayon ay malaki ang tsansa n

