Ganadong nagluto si Cassandra habang pinapanood siya ni Alexandros. Tila nawiwili na ito sa panonood sa bawat galaw niya dahil hindi nito inaalis ang tingin sa kaniya. Maliit lang ang kitchen kung kaya madali niyang nakita ang mga kakailanganin niya, mula sa kitchen tools at ingredients ng naisip niyang menu. Paminsan-minsan ay sinasabi nito kung saan niya kukunin ang mga kailangan niya. Gamit ang grilling pan, nag-ihaw siya ng bangus at talong habang nagluluto ng kanin sa rice cooker. Nang matalupan ang inihaw na talong ay nilagyan niya ito ng ginayat na sibuyas, kamatis at tinadtad na manggang hilaw. Binuksan niya ang de-latang fruit cocktail, inilagay ang laman sa isang bowl at binuhusan ng syrup na ginawa niya pagkatapos ay inilagay niya sa freezer upang madaling lumamig. Pag

