Nang matapos kumain ay seryosong tinitigan ni Alexandros si Cassandra. Nasa harap pa rin sila ng mesa at nakatali pa rin ang dalaga. Sa wakas ay binasag ni Alexandros ang katahimikan sa gitna nilang dalawa. “It’s funny,” simula niya. “We know nothing about each other except our names, and yet, we are here in my flat together. You broke my door, slept in my sofa and cooked in my kitchen, pero hindi pa rin tayo nag-uusap tungkol sa sarili natin.” Kumibot-kibot ang mga labi ng dalaga na para bang may ibig sabihin. Ilang segundo rin niyang pinagsawa ang mga mata sa magandang mukha nito. “Maybe it’s time for us to know each other, Cassandra,” ngumiti siya upang maging relax ang dalaga. “You forgot something, Alexandros,” walang kurap na tugon nito. “What?” “We made love as well.” Nagul

