KABANATA LIMA
Max Point of View
[ Yes, Hello. SPO 3 VALDEZ, Anong problema? ]
[ Kapitan, may emergency meeting po kasi ngayon sa HQ. Kayo na lang po ang hinihintay, kanina ko pa kayo tinatawagan kaso naka off yata ang phone niyo kanina. They're all here its about the women slavery na hawak niyo. ]
Napamura ako ng maraming beses sa aking isipan, dahil ang ayaw na ayaw ko sa lahat yung ako ang nagiging dahilan ng pagkabinbin ng aking trabaho. Lalo na ngayon napakalawak at napakalaki ng sinosolve kong kaso. [ Give me 15 minutes, nandyan na ako. Pasensya na may inasikaso lang kasi akong importante ikaw na ang bahalang magsabi sa kanilang lahat. I'll be right there. ]
[ Roger that, Kapitan. ]
Nanghihinang ibinalik ko mula sa aking bulsa ang cellphone ko. I need to go there, kaso papaano? alangan namang isama ko ang hudyong lalaki na iyon na kasalukuyang nasa ensuite ng opisina niyang kinalalagyan ko. Bahala na.. mas importante ang trabaho ko ngayon kaysa sa pride ko.. kung kinakailangan kong makiusap sa kanya para samahan ako o ihatid ako ngayon sa HQ gagawin ko. Peste naman talaga ang timing ng pagpapakidnap ni Dad sa akin.. nakakainis!!! nakakainis!!! Bahala na.. kailangan ko na talagang makaalis ngayon. " Lets go, kailangan na nating makauwi dahil marami pa tayong pag uusapan, asawa ko." nabitin sa aking lalamunan ang gagawin ko sanang pambabara sa kanya dahil naiirita ako sa itinatawag niya sa aking asawa ko.. kaso, muntikan na akong mapanganga sa lalaking nasa aking harapan ngayon.. kahit putok ang labi nito at medyo namumula ang mukha nito dahil sa mga suntok na inabot nito.. hindi mo mapagkakailang napakagwapo niya.. nakapagpalit na rin ito ng damit at mukhang galing pa ito sa shower dahil basa ang gulo gulo nitong buhok.. napalunok ako ng maraming beses ng mapadako ang aking mga mata sa muscle nito sa magkabilang braso na nakaflex, alaga siguro nito ang katawan sa gym.
" Do you like what you see, Mrs. Montefalco? " namumulang iniiwas ko ang aking mga mata sa kanya. Kulang na lang tumulo ang laway ko.. haissst!! ano ba naman kasi ang lalaking ito lahat na yata ng magandang biyaya ng diyos sinalo.. Halos mapatalon ako sa gulat ng ilapit niya ang kanyang mukha at marahan itong bumulong sa aking kaliwang tenga.." Dont worry, wala kang dapat ikahiya.. because I get that a lot.. Mas may karapatan ka pa nga kaysa sa kanila dahil asawa kita."
Itinulak ko siyang bigla pero imbis na mainis at magalit siya tumawa pa siya ng malakas. " Peste ka!!! ang hambog mo!!! " Muntikan na akong mapanganga dahil sa kanyang itsura mabuti na lang at naalala kong kailangan ko ng makaalis at makapunta sa HQ, naghihintay na sila sa akin doon.
Hinatak niya ako papalapit sa kanya at pinagdaop niya ang aming kamay.. "Let's go ng makarami tayo." aangal pa sana ako ng hatakin na niya ako at nagsimula na kaming naglakad pasakay ng elevator. Nakakakuha kami ng atensyon dahil parang sira ulong nakangisi at nakangiti ang lalaking ito. Haiiissst hindi ganito ang inaasahan kong mangyayari.. pero wala na akong magagawa.. nandito na ehh kailangan ko ng panindigan ito.
"Ahh, Marcus pwede bang samahan mo muna ako sa HEAD QUARTERS namin. M-May biglaan kasi kaming meeting at ako na lang ang hinihintay. Sandali lang naman yun, hindi kasi ako pwedeng mawala doon dahil ako ang may hawak ng kaso na yun. Kung makakaabala ako sayo, ihatid mo na lang ako doon at iwan, daa-------------
" Ituro mo ang daan at dadalhin kita doon. Hihintayin kong matapos ang meeting mo dahil mahirap na wala kasi akong tiwala sayo. Kung nakaya mong iwan ako noon ng walang kaalam alam, hindi maaaring hindi mo ulitin yun. " hindi na ako nakipagtalo dahil totoo naman ang sinabi niya. Tumahimik na lang ako habang binabagtas namin kung nasaan naka park ang sasakyan niya. Natigilan ako ng mapansin ko ang suot ko.. short short at sleeveless na damit with matching tsinelas na pambahay.. great.. just great.. late na nga ako, hindi pa proper ang attire ko and for christ sake pagkakaguluhan ako sa HQ nito kapag nagkataon.. dahil for the first time makikita nila akong ganito ang suot suot.. Anu ba yan!!! kutakot takot na kamalasan naman ang haharapin ko.. isama mo pa itong gwapong lalaking kasama ko ngayon.. Paano ko maipapaliwanag sa kanilang lahat na asawa ko ang mokong na ito!!!! hay!!! bahala na si batman..
" May problema ba?, bakit mukhang hindi ka mapakali dyan? Kulang na lang magbuhol yang dalawang kilay mo. " tanong niya sa aking habang binubuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya. Iginiya niya ako papasok doon at ng maisara niya ang pintuan, umikot siya sa kabila at siya naman ang pumasok sa loob ng driver seat. Kailangan kong remedyuhan ang suot ko ngayon. " May extra ka bang tshirt dyan? Hindi kasi ako komportable sa aking suot lalo na at pupunta tayo sa trabaho ko."
Bumaba ito ulit at binuksan nito ang compartment ng sasakyan niya. Nang makabalik ito inabot niya sa akin ang isang puting tshirt na mukhang bago pa dahil may tag pa iyon. " Here, isuot mo na. Pagtyagaan mo na lang dahil malaki yan.. but that will do."
" S-Salamat. " Walang babalang inabot ko ang laylayan ng aking damit at hinubad ko iyon mismo sa harapan niya.. narinig ko ang malakas na pagsinghap niya dahil hindi niya inaasahan ang aking ginawa, nakita ko pa sa gilid ng aking mga mata ang pagkatulala .. ang panlalaki ng kanyang mga mata habang gumagala sa aking hubad na katawan .. tanging itim na bra at ang puting short ko ang natira sa aking katawan.. mula sa pagkatigalgal, unti unting namula ang kanyang mukha pero hindi naman niya maiiwas ang kanyang mga mata lalong lalo na sa aking dibdib.. hindi ko mapigilang mapangiti sa aking isipan, so tinatablan din pala siya sa akin.. mabuti kung ganoon.. patas lang pala kami. Imbis na magmadali ako.. dinahan dahan ko pa ang pagsusuot ko ng tshirt na ibinigay niya. at dahil malaki iyon at halos matatakpan ang kalahati ng hita ko ibinuhol ko iyon sa likuran kaya mas madali akong makakakilos. Kahit medyo hindi pa rin ako komportable mas mabuti na rin yung ganito at least may manggas ang suot kong pang itaas.. tungkol naman doon sa suot kong short.. carry na yan tutal.. sandali lang naman kami doon.
" O, bakit para yatang natuka ka ng ahas dyan, Montefalco? Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng naghuhubad? Akala ko ba sanay ka ng makakita nyan? Pakipunasan ang laway na natulo, mahirap na baka magbaha dito sa loob ng sasakyan mo. " gusto kong matawa ng mas lalong mamula ang kanyang magkabilang pisngi, iniiwas nito ang mga mata at nagtagis ang bagang nito habang humihigpit ang pagkakahawak nito sa manibela ng sasakyan. Nagmamaniobra na ito palabas ng parking lot ng humarap ito ulit sa akin at gusto kong matunaw sa klase ng tingin na kanyang ibinibigay.. gumanti lang naman ako... gumanti lang ako sa ginawa at sinabi niya sa akin kanina pero bakit mukhang gigisahin ako sa sarili kong mantika.
" Gawain mo ba talagang maghubad sa harap ng ibang lalaki? " napipilan ako dahil yung kaninang mapagbiro niyang aura, seryosong seryoso na. Halos manliit ang mga mata niya sa pagkakatingin sa akin, tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang isa akong bakterya na nasa ilalim ng microscope. Puno ng diin ang kanyang pagsasalita na tanda na nagagalit siya. Ako naman ang nakaramdam ng kaba dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan nangingilag ako sa kanya. I intimidated a lot of men that I've met kahit mga kapatid ko kayang kaya kong payukuin at pasukuin pero ang lalaking ito.. hindi ko iyon magawa sa kanya..
" Bakit hindi ka makasagot, asawa ko? Simple lang naman ang katanungan ko, ah. Gawain mo bang maghubad sa harap ng ibang lalaki? Sumagot ka ng maayos dahil hindi na ako nakikipagbiruan sayo." kung magsisinungaling pa ako sa kanya malamang lamang mauwi na naman kami sa bangayan at mas lalo kaming tatagal.. baka hindi pa ako makarating sa dapat kong puntahan kapag nagkataon.. atrasado na ako at natitiyak kong masesermunan ako ni Chief nito.. At saka.. puno na ng pagbabanta ang boses nito at ang kanyang mga mata kulang na lang sakalin niya ako kung magkakamali ako ng sagot sa kanya.
Sa nanghihinang boses at takot ko sa kanya.. sumagot ako. " N-No.. sayo l-lang. "
" Mabuti kung ganoon. Ituro mo ang daan para makarating na tayo sa dapat mong puntahan. "
===========================
Yun na yata ang pinaka matagal na labing limang minuto ng buhay ko. Wala kaming imikan, walang usapan.. Kung magtatanong siya, sasagutin ko lang ng isang salita.. Nang pumarada ang sasakyan niya sa parking space na nakalaan para sa akin. Doon na ako nakaramdam ng kaba.. dahil natitiyak kong the moment na bumaba ako ng sasakyan na kasama ang lalaking ito sa aking tabi.. mag iiba na ang lahat.. maraming magugulat, dahil sa itinagal-tagal ko sa serbisyo walang nakakaalam na ako ay may asawa na maliban na lang sa aking Chief.. yeah, he knows wala kasi akong maitatago sa matandang hukluban na iyon.. his like a true father to me.. he cares a lot for me kahit pa nga napakasungit noon, napakareklamo, lagi na lang galit.. pero pagdating sa akin.. malaki ang puso noon.." Let's go they're waiting for me." hindi ko na hinintay na ipagbukas niya ako ng pintuan dahil ako na mismo ang nagbukas noon. Halos sabay kaming nakalabas ng sasakyan, hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha dahil inililibot na nito iyon sa buong paligid. Habang ako naman ay inaayos ang aking damit dahil hindi nga ako komportable.. litaw na litaw ang mga hita ko sa suot kong short.. at gusto kong sumigaw sa inis dahil naiirita ako sa aking tsinelas..
" K-Kap-------------------------- natigilan si SPO3 Valdez sa gagawin sanang pagbati ng makita niya ako. Halos hindi pa nga ako nakakapasok sa pintuan ng HQ pero ramdam ko na ang mga tingin ng aking mga kasamahan sa trabaho.. papalit palit ang tingin nila sa amin ni Marcus, puno ng pagtataka at pagtatanong ang kanilang mga mata pero inignora ko iyon. Napansin kong salubong ang kilay ni Marcus habang nakatingin sa lalaking nasa aming harapan, nakasaludo pa ito sa akin. " Kapitan, k-kanina pa s-sila naiinip sa paghihintay sa inyo. K-kailangan niyo na pong magmadali." nakita kong hindi mapalagay si Valdez habang kaharap ako at parang namumula ang magkabilang pisngi nito dahil sa nakikita niyang itsura ng damit ko.. pasimple din itong tumingin sa mga hita kong litaw na litaw dahil sa suot kong maiksing short.. sinasabi ko na nga b------------------
" Gusto mo bang mawalan ng mata? sabihin mo lang at pagbibigyan kita, madali naman akong kausap. " laglag pangang napatingin ako sa kanya, nakakuyom ang dalawang kamao nito sa magkabilang gilid ng hita niya at ang kanyang mga mata kulang na lang lamunin niya ng buo si Valdez. Nakita ko kung paano mapalunok ng ilang beses si Valdez, namutla pa nga ito at bahagyang napaatras. " Wala sa mga hita niya ang mukha niya, kung sino ka man. " doon na ako humakbang at hinawakan ko ang kanang kamay niyang nakakuyom dahil baka bigla na lang siyang manuntok, baka makasuhan pa siyang physical injury kapag nagkataon, hindi ba alam ng lalaking ito na pulis ang kausap niya at kasalukuyan kaming nasa lungga ng mga pulis.
" Kumalma ka nga. "
" Paaano ako kakalma kung lahat ng mga mata ng mga lalaking nandito sayo nakatutok, kulang na lang kainin ka nila ng buo!! Kulang na lang maglaway sila dyan sa mga hita mong bilad na bilad!! " galit na galit niyang sigaw sa akin. Nakakakuha na kami ng atensyon lalo dahil nakita ko ang mga tsimoso kong mga kasamahan sa trabaho nakatingin sa amin. Napamura ako ng malakas sa aking isipan.
"Will you shut up!!! wala akong oras na makipagtalo sayo ngayon, ok!!! Pwede mamaya mo na lang ako lecturan at dakdakan kung tayo na lang dalawa. Nakakahiya oh!! Hindi ko intensyon na magpunta dito ng ganito ang damit ko, pero wala na akong choice dahil kailangan ako dito ngayon. " papalit palit ang tingin sa amin si Valdez na hanggang ngayon nasa harapan pa pala namin, ilang pulgada lang ang layo namin. Mukhang natutuwa pa siya sa mga nakikita niya.. peste talaga!! tiningnan ko siya ng masama.. kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana nag taxi na lang ako at iniwanan ko na lang siya!! He was breathing very hard, halos mabasag ang ngipin niya sa sobrang pagtatagis ng bagang niya. He closed his eyes tightly siguro paraan niya iyon para kumalma..
" Sige na Valdez, papasok na kami. "
" O-Ok, Kap."
Nang mawala sa aming harapan si Valdez, nagulat ako ng hatakin ako ni Marcus papasok ng HQ. His face was unreadable. Bawat kasamahan kong nadadaanan namin sumasaludo bilang paggalang sa akin. Tumatango lang ako bilang tugon, puno ng pagtataka at pagtatanong ang kanilang mga mata pero wala isa man ang nakuhang nagsalita.. ang mga mata nila ay nakatutok sa mga kamay naming magkahawak. Tatanggalin ko sa na ang mga kamay naming magkahawak pero hindi ko iyon magawa dahil ang higpit higpit ng pagkakahawak niya doon. " Dont.. just dont.. " hindi na ako nagpumilit dahil kitang kita ko ang warning sa kanyang mga mata. At saka ayaw ko ng mas makagawa ng eksena, knowing this man.. walang pakialam sa paligid kahit pa nga marami kaming taong kasama.
Iginiya ko siya kung nasaan ang conference room, at nakita ko si Valdez na hindi na mapakali habang naghihintay sa akin. Nang makita niya akong paparating doon lang ito kumalma ng kaunti. " Valdez, please escort my hu---------- packing tape!!! madudulas pa yata ang bibig k---------------------
" I am her husband." halos manlaki ang mga mata ko ng maramdaman kong hinahalikan na niya ako ng buong alab sa aking labi.. tulala lang akong nakadilat habang paulit ulit na pinaglalaruan ng lalaking ito ang bibig kong nakaawang.. his tongue was doing wonders on my mouth.. he was sucking, nipping and tasting it like it was a delicious food... hindi ako aware na nasa mga batok na niya ang aking mga kamay at ang kanyang braso ay nakapulupot na sa aking maliit na bewang, halos walang hangin na makakaraan sa amin.. god.. anu bang meron sa labi ng lalaking ito.. nawawala ako sa aking sarili... nakakalimot ako... I closed my eyes.. and kissed him back with equal intensity, hindi ko alintana ang mga katrabaho kong nakatingin sa amin.. lalong lalo na si Valdez na nasa harapan lang namin..
" Eehem, CCaptain Maxene Leila Nicol.. wag mong sabihin sa akin na ang lalaking ito ang dahilan ng paghihintay namin sayo kanina pa." naitulak ko sa sobrang pagkabigla si Marcus na hindi man lang natinag pero nagkahiwalay na ang aming mga labi.. pulang pula ang aking mukha at hiyang hiya ako sa aking sarili.. sa lahat naman ng makakahuli sa akin sa ganitong tagpo.. ang huklubang matanda pang ito.. si Chief..
Kill me now please....
masesermunan ako nito mamaya...
about good manners and conduct..
about rules and regulations...
Damn!!! mapapatay talaga kita Marcus Montefalco!!--