Kabanata Anim

2304 Words
Kabanata ANIM Max Point of View "I got my sources at napasok ko ng ang lungga ni Salcedo. Nakuha ko na ang tiwala nila. I am one of the bouncer now in Pegasus.. actually magsisimula na ako mamaya doon matrabaho. They're looking for a new stripper.. pagkakataon na natin ito para makahanap tayo ng ebidensya para tuluyan ng makulong ang walanghiyang lalaking iyon.. Ang problema nga lang walang available na agent sa field lahat sila may mga kasong hawak. Pati si Agent Clarisse tinawagan ko na kaso nasa Surigao pa siya at next month pa makakabalik. " kunut noong pinagmasdan ko si Inspector Cruz. He was holding a white folder at inabot niya ito sa akin. Binuksan ko iyon at binasa ko ang mga papel na nandoon, kasama na ang sticky note na nakalagay sa pinakang harapan noon. [ PAGKAKATAON MO NA ITO, MAX. ] Pinagmasdan ko ang mga kasamahan ko ngayon dito sa loob, tahimik silang lahat habang binabasa nila ang mga folder na hawak hawak nila na ibinigay din ni Cruz. Nagbawi lang ako ng tingin ng makita kong mataman akong pinagmamasdan ni Chief. Pakiramdam ko pulang pula ang mukha ko dahil sa klase ng tingin niya sa akin. Napangisi ito ng mapansin niyang naiilang ako. Ilang beses kong minura ng paulit ulit sa aking isipan ang lalaking iyon na may kasalanan ng lahat. Napaka kasi.. napaka possessive at seloso tama bang ipagsigawan at ipangalandakan niya sa aking mga kasamahan na asawa ko siya.. hindi lang iyon.. hinalikan niya pa ako.. at ako naman itong si tanga.. natangay naman.. nag init.. haissssttt.. damn Im horny!! and its because of my f*****g husband na kasalukuyang naghihintay sa aking opisina. Isa pa itong si Kuya Mamorou, hindi man lang ako matingnan, hindi ako pinapansin gayung magkatabi lang kami. His jaw was clenched at alam kong ako ang dahilan, siguro kung siya ang masusunod hindi niya ako gustong makita at makatabi pero wala siyang choice.. nahihirapan tuloy akong kumilos at magsalita dahil ramdam na ramdam ko sa paligid ang animosity sa pagitan naming dalawa.. galit siya.. galit silang lahat sa akin. " I'll do it." authomatic na napatingin sa akin ang aking mga kasamahan. Tapos agad na lumipat ang mga mata nila kay Kuya Mamorou pero wala ang inaasahan nilang outburst, ang pagtutol, ang pagmumura kasabay ng pagsasabing iba na lang.. He was just there.. nakatingin sa kawalan.. pero kitang kita ko ang pagpitik ng kanyang ugat sa sentido na tanda na nagpipigil lang siya.. his fist was closed na para bang makikipagsapakan siya any moment, kung sino man ang magtangkang magsalita at magtanong.. nakaramdam ako ng sakit.. kaya na pala niya akong tiisin.. " What? Unless may naiisip kayong pwedeng gumawa noon. Narinig niyo naman walang available na agent sa field dahil lahat sila may kasong hawak hawak. At gaya ng sabi ni Cruz, pagkakataon na natin ito, ang tagal tagal nating naghintay, palalagpasin pa ba natin ito. Dont worry I can dance.. hindi lang halata.. pero magaling akong sumayaw at isa pa kasama ko naman si Cruz, siya ang magiging bantay ko at kaya kong protektahan ang aking sarili. " basag ko sa nakakabinging katahimikan. Nakanganga sila habang pinagmamasdan ako na para bang sinapian ako.. parang hindi sila makapaniwalang marunong at magaling talaga akong sumayaw. Puno ng pagkainip ko silang pinagmasdang lahat. " Wala ka bang sasabihin Capt. Mamorou? " napalunok ako ng maraming beses dahil alam kong nararamdaman nilang lahat ang away namin ni Kuya. Iniiwas ko ang mga mata ko kay Chief at nagkunwari akong binabasa ang folder na hawak ko. Naramdaman ko ang pagpisil ng kanang kamay ni Cruz sa akin. Tanda na naguguluhan din siya at gusto niyang malaman, ngumiti lang ako ng pino sa kanya at saka nagpatuloy sa ginagawa kong pagbabasa " kuno" " What do you want me to say, Chief? Gusto mong tumutol ako, sumigaw at magwala gaya ng dati. I dont think so. Malaki na siya, matanda na para malaman niya ang kanyang ginagawa. I dont want to intefere anymore in her life and career.. Hindi pa kayo nasanay, matigas ang ulo niyan to the point na wala siyang pakialam kung nakakasakit na siya, kung mamatay man ang mga taong nag aalala sa kanya." I closed my eyes tightly.. nalukot na rin ang folder na hawak hawak ko. thats unfair.. really unfair.. bawat binitawan niyang salita tumatagos sa dibdib ko.. siya. niya, kanya he was refering me like he dont care anymore.. tahimik.. tahimik na tahimik sa paligid.. kahit si Chief napipilan.. samantalang napakadaldal ng huklubang matanda na iyon. " T-that's r-really unf---------------------------------- Tumayo siya ng marahas mula sa kanyang pagkakaupo at walang babalang inihagis niya sa dingding ang upuan niya na gumawa ng malakas na ingay sa loob ng conference room.. gulat na gulat ang mga taong kasamahan namin.. pati na rin si Chief pero nanatili siyang nakaupo at pinagmamasdan kaming dalawa ni Kuya.. Hinapit ni Cruz ang bewang ko para magkaroon ng malaking distansya kami ni Kuya dahil the way he looks at me parang kayang kaya niya akong saktan.. " Unfair!!! Unfair, Maxene!!! Ikaw ang unfair!! 4 years!!! 4 goddamn years, itinago mo sa aming ikinasal ka na!! na may asawa ka na!!! Were family right? pamilya mo kami pero binalewala mo kami at alam kung ano ang masakit.. You choose him.. instead of us.. tinutukan mo ng baril si Kuya Maxwell just to save that f*****g husband of yours!!! " galit na galit na sigaw niya habang dinuduro ako.. ngayon lang siya nagalit sa akin ng ganito.. ngayon lang niya ako nasigawan ng ganito sa buong buhay ko.. my eyes began to watered pero ikinurap kurap ko iyon para mapigilan ang pagpatak noon.. Ayaw kong mas lalong lumala ang sitwasyon, ayokong bigyan ng magandang drama show ang aking mga kasama sa loob.. I cant feel their stare in me.. syempre ba naman sinong mag aakalang ang Kapitan na bumasted at nanakot ng mga lalaking nanliligaw sa kanya ay may asawa na pala.. nakatali na.. and take note.. 4 years na.. 4 years na akong kasal. " You really wanna do this here, Kuya!! sa harap nilang lahat!! ok fine!! I did not chose him,tinutukan ko ng baril si Kuya Maxwell iyon ay dahil papatayin niyo sa bugbog si Marcus!! Anong gusto mong gawin ko panoorin ko kayong magbasagan ng mukha.. inaawat ko kayo pero para kayong mga tigreng gutom na gutom.. nobody was listening to me.. kaya nagawa ko ang bagay na yun.. but I did not chose him.. wag ganito kuya.. wag niyong gawin sa akin ito.. alam niyo kung gaano ko kayo kamahal.. alam niyo yan.. tama ka nagsinungaling ako sa inyo iyon ay dahil hindi ko alam kung paano ko itatama ang pagkakamaling ginawa ko.. I was young, we were drunk, one night of f*****g pleasure.. and then nagising na lang akong kasal na pala kaming dalawa.. iniwan ko siya.. na walang kaalam alam na ikinasal kami.. na asawa ko siya.. ngayon niya lang din nalaman.. ngayon lang kami ulit nagkita.. I did not intend this to happened.. I di-------------- " tsss.. akala ko kilalang kilala na kita dahil kapatid kita.. pero hindi pala.. hindi ko akalain na makati k---------------------------------- Nangapal ang aking mukha.. How dare him.. I am not a promiscuous woman.. they know me better than that .. o talagang sarado na ang kanyang isipan.. hindi ako makapaniwalang sinasabi niya iyon sa akin at sa harap ng ibang tao.. "Damn you!!!" ang boses na iyon.. papaanong? booooogssshhhhh Bumagsak si Kuya Mamorou paupo, napatingin ako sa lalaking galit na galit na nakatingin sa aking kapatid.. si Marcus, nakapasok siya sa conference room ng hindi namin namamalayan.. naunahan niya ako.. ako dapat ang mananakit kay Kuya, gusto ko siyang sampalin, suntukin para mapadugo ko ang bibig niya dahil.. sa mga sinabi niya.. kapatid niya ako pero ganoon ang tingin niya sa akin.. nagkagulo na sa loob ng conference room.. lalo na ng hatakin ni Marcus ang kwelyo ng damit ni Kuya patayo.. akmang aawat pa sana ako ng hatakin na ako palayo ni Cruz, hinanap ko si Chief at ang matandang lalaking iyon nakangiti pa habang nakaupo na para bang napakaganda ng palabas na pinapanood niya. Lalo tuloy kumulo ang dugo ko. Tiningnan ko ng masama si Valdez, kasimple simple lang naman ng pinapagawa ko pero hindi pa niya nagawa.. ang sabi ko dalhin niya si Marcus sa opisina ko hindi dito sa conference room.. malilintikan talaga siya sa akin once matapos ang kaguluhan dito. " Damn you!!! damn you wala kang karapatan na sigawan ang asawa ko!!! wala kang karapatan na sabihin sa kanya ang mga salitang iyon!!! Bawiin mo!!! bawiin mo!!! Gago ka!!! gago!!! kapatid ka niya pero hindi ka marunong umunawa!! ang kikitid ng utak niyong magkakapatid!!! I swear to God!!! ulitin mo pa ulit ang ganito, bastusin mo pa ulit ang aking asawa sa harapan ng ibang tao lalong lalo na sa harapan ko!! Ipapakita ko sayo kung sino talaga ako!! kung ano ang mga Montefalco!!!" pabalyang binitawan ni Marcus si Kuya at walang sabi sabing naglakad siya palapit sa akin.. puno ng galit ang kanyang mga mata at lalong umusok ang ilong niya ng makita niyang nakahapit sa bewang ko si Cruz.. hinatak niya ako agad dahilan para mabitawan ako ni Cruz.. niyakap niya ng mahigpit ang bewang ko sa harap ng mga kasamahan ko dito sa loob ng conference room.. he was claiming me.. possessing me infront of this people.. damang dama ko ang pagbabawi niya ng hininga para pakalmahin ang nagwawala niyang galit.. " Let's go, Maxene. Wala akong oras sa mga taong makikitid ang mga utak. Say goodbye to them and we will go home.. Dont you dare argue with me again dahil punung puno na ako. Pinagbigyan na kita, binigyan na kita ng oras kaya ako naman ang sundin mo. " bulong niya sa aking tenga ng akmang papalag pa ako. Punung puno iyon ng warning at galit. Napipilan tuloy ako kaya kahit gusto kong makipagtalo hindi ko na ginawa dahil sa araw na ito.. quotang quota na ako sa mga kadramahang nangyayari sa aking paligid. " Max, I-Im sor-------------------------------- Tiningnan ko si Kuya Mamorou na nakatayo ilang pulgada ang layo sa amin ni Marcus. Naramdaman kong humigpit lalo ang kamay nito sa aking bewang na tanda na nagpipigil lang ito. One day.. it takes only one day para guluhin niya ulit ang aking isipan, ang aking nararamdaman.. Si Marcus.. hindi ko kayang ipaliwanag yung ginagawa niya sa aking sistema.. he makes me feel that Im a woman, ang mga salita niyang nagbibigay ng kilig at tuwa sa aking puso.. ang mga actions niyang punung puno ng pag aangkin.. ang mga pagtatanggol niya sa akin.. sa aking mga kapatid.. nakakataba ng puso.. hindi ko akalain na Im capable of feeling this way.. akala ko kasi.. tuod ako.. marami ngang nagsasabi sa aking kasamahan na baka daw tomboy ako at hindi lang ako umaamin.. ngayon siguro.. maliliwanagan na silang lahat.. " Not now Kuya.. kasi sa totoo lang baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at basagin ko ang mukha mo. Alam kong may kasalanan ako sa inyong lahat pero wala kang karapatan na sabihin sa akin ang mga masasakit na salitang iyon.. At alam mo kung ano ang masakit.. kahit sigawan niyo ako, murahin... kayang kaya ko kayong patawarin dahil mahal ko kayo.. pero kayo.. hindi niyo ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.. nahusgahan niyo na ako.. kaya ano pang silbi ng mga sasabihin ko. " punu ng hinanakit kong sabi sa kanya, kitang kita ko ang pagsisisi sa kanyang mukha kaya agad kong iniwas ang aking mga mata sa kanya at humarap ako kay Chief at sa aking mga kasamahan dito sa loob ng conference room. " Im married and this man on my back is my husband. Im sorry kung naglihim ako.. Im sorry kung nasaksihan niyo pa ang mga kadramahang ito. Im sorry but I need to go home. Magkita na lang tayo bukas dahil ngayon wala na akong oras pang makipag usap at sagutin ang mga tanong niyo." hindi ko na sila hinayaang sumagot dahil hinatak ko na si Marcus papalabas. Tuluy tuloy akong naglakad habang hawak hawak ko ang kanyang kamay, hindi ko na pinansin ang mga mata ng aking mga kasamahan.. alam kong alam na nila. Nakakapagod at nakakafrustrate ang araw na ito.. idagdag mo pa ang mga sinabi sa akin ni Kuya.. nakakainis.. nakakagalit.. " Stop crying.. s**t!! sumigaw ka na lang!! magmura ka!! balikan mo yung kuya mo at sapakin mo!! pero please lang wag kang umiyak.. haisssst!!!" nagulat ako ng pahirin niya ng marahan ang aking magkabilang pisngi, umiiyak na pala ako ng hindi ko man lang namamalayan. His eyes was on my face, pinagmamasdan niya ako ng maiigi.. yung mga mata niyang galit na galit kanina na parang papatay.. unti unti iyong lumambot.. naging payapa na ang kanyang mukha habang pinagmamasdan niya akong mabuti.. Napalunok ako ng ilang beses ng dumako ang kanyang mga mata sa aking labi na bahagyang nakaawang.. dugdug..dugdug..dugdug.. dugdug..dugdug..dugdug.. tama ba itong nangyayari? yung puso ko.. parang gustong lumabas sa aking dibdib.. ano yun? bakit ganun? kakaiba.. nakakatakot... nanlaki ang aking mga mata ng unti unting bumaba ang kanyang labi sa aking mga labi.. dampi lang.. isang dampi lang ang kanyang ginawa pero sapat na iyon para makaramdam ako ng libu libong kuryente.. " I feel it too, Max.. and whatever this thing between us.. I.AM.GOING.TO FIND.OUT." he said in a deep husky voice, bago niya tuluyang inangkin ang aking labi na punung puno ng pananabik.. wala na.. talo na ako.. kusa kong ipinaikot ang aking dalawang braso sa kanyang leeg at ipinikit ko ang aking mga mata at marubdob kong tinugon ang kanyang halik.. nagpapaligsahan kami.. nag uunahan.. but in the end.. we were kissing like its meant to be.. meant to be... ============================
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD