Pinagtatawanan lamang Ni madam Santana Ang naghihirap sa pakikipaglaban sa kanya na sina Kalaisha at Ismael. Kahit Anong gagawin ng mga ito ay di siya matatalo Ng mga ito. Kitang kita ang mga pagod sa Mukha ng mga ito. Hindi alam Nina Kalaisha kung paano nila matatalo ang malaking halimaw na aswang na walang iba kundi si madam Santana. Halatang halata na pinaglalaruan lamang sila ni madam Santanang halimaw! Sunod sunod na hinagisan ni Kalaisha ng Maraming maliliit na espada Ang halimaw at Ganoon din si Ismael. Ngunit bigla lamang mawala si madam Santana at bigla lang din itong lilitaw sabay titirahan Sila ng simpleng kapangyarihan lamang nito na kapwa Naman ikinatumba Nina Kalaisha! Ang mga liwanag ng maliliit na espada Ang siyang nagbibigay ng kunting sinag sa kanilang paligid kaya m

