"Ito na Ang katapusan natin pareng Alexander,kahit gaano pa Tayo kagaling sa pakikipaglaban ..pero Hindi natin Sila mauubos .." Nanghihina na ring wika ni kaloy. Naghahagihikan Ang napakaraming aswang na nasa paligid nila. "Gandara...!!! Pinatay niyo Ang pamilya ni Lolo Waldo..!! At pati na si Lolo Waldo...!! Kaya ito na Ang katapusan niyong lahat!! Hehehkkhekhek!!" Sigaw ng nangunguna sa mga aswang. "Gandara,ipikit nalang natin Ang ating mga mata,tanda ng pagtanggap ng katapusan nating lahat!!" Umiiyak na wika ni kaloy. "Panginoon ko! Tulongan mo po kami!!" Sigaw ni Alexander. At muling naghahagikhikan Ang mga aswang sa narinig Buhat sa kanila. "Hindi to pwedi,wala ng mamamatay pa sa amin!!! Isisiguro ko Yan...!!! Mga kampon ng kadiliman!! Wala kayong laban sa kapangyarihan ng nasa

