“Pakiulit nga ng sinabi mo.” “Isa kang demonyo— ah mali pala, mas masahol ka pa sa demonyo. Mas demonyo ka pa kaysa sa ama mo!” Dylan lips parted for a moment, tila ito hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya. “Ah talaga? Mas demonyo pa ako kay Dad?” “Oo, mas masahol ka pa sa halimaw mong ama!” Dylan's jaw clenched. Muling bumalik sa pagiging mabagsik ang anyo nito at bigla na lang namula ang mukha sa galit. “Alam mo ba kung ano ang ginagawa ni Dad kay Mom, ha?” Isang nakakalibot na halakhak ang pinakawalan nito at sandaling napatingala, bumuga ng hangin. At nang ibalik nito muli ang tingin sa kanya ay mabagsik na. “Gusto mong malaman kung gaano ka demonyo si Dad? Then fine, let me show you!” Mapasigaw na lang si Jeziel nang biglang hinablot ng malakas ni Dylan ang kanyang buhok

