MARAHANG iminulat ni Jeziel ang kanyang mga mata, nakahiga na siya sa kama at mag-isa lang sa loob ng kuwarto. Bahagyang kumunot ang kanyang noo at agad na napatingin sa buong paligid, hindi siya maaaring magkamali dahil mukhang nasa loob na siya ng hospital room. Ramdam niya pa rin ang konting paghilab ng kanyang tiyan pero hindi na ito gaano kasakit kumpara kanina. Nang maalala ang huling pangyayari ay para siyang nataranta at biglang kinabahan. Kahit nanghihina ay pinilit niya pa ring bumangon, sakto namang pagbangon niya ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng nurse. “Ma'am, gising na po pala kayo. Kumusta naman po ang pakiramdam niyo?” “I'm okay now, Miss. A-Ano pala ang nangyari? K-Kumusta ang baby ko? Okay naman siya, 'di ba?” kinakabahan niyang tanong na sinabayan ng

