“Mr. Brickson Greco, kasama mo ngayon ang anak na babae ng DX group, ibig sabihin ba nito ay may namamagitan sa inyo? Totoo ba ang bali-balita na may lihim na relasyon kayong dalawa?” Kuya Bricks ignored the reporter's question. “Miss Dimitriou, maaari ba naming malaman kung sino yang isa niyong kasama?” “Siya na ba si Axle Dimitriou, ang CEO ng DX group?” Oo, siya na nga! “No, he's just my bodyguard,” I answered. Nakakahilo ang tanong ng mga reporter at kislap ng mga camera papunta sa amin, parang ayaw pa kaming padaanin dahil talagang pinalibutan na kami, buti na lang may mga lumapit na security at hinarang ang mga ito para bigyan kami ng daan. “This is the reason why I don't want to reveal myself as the CEO of DX group,” pagbuntong hininga ni kuya at napailing na lang. Nakayapos

