NANG sabihin ko kay Kuya Axle ang tungkol sa modelo ay talagang nagalit ito at agad na inanunsyo sa buong kumpanya na ayaw na niyang magkaroon ng koneksyon ang kumpanya sa model na si Denise Sedestre, at kung sino man ang magtatangkang kumontak sa babae ay tatanggalin niya. Well, ganoon talaga si kuya ka-over protective sa akin. Siya rin 'yong klase ng kuya na mapang-asar, malambing, maalalahanin. He's the best brother ever, and I'm so lucky to be his little sister. Kung hindi dahil kay kuya ay baka abo na lang ako ngayon dahil sa pagsabog ng eroplano na siyang sasakyan ko sana para tumakas, five years ago. Buti na lang talaga ay naabutan ako ni kuya kasama ng kaibigan niyang si Bricks sa airport nung araw na iyon bago pa ako makasakay ng eroplano. Nagpumiglas pa ako nu'n nang yakapin ak

