Jeziel's POV MATAPOS ang board meeting ay dumiretso ako agad sa loob ng opisina ni Kuya at pinirmahan ang mga nakatambak na papeles na dapat sana ay siya ang pipirma. Sa dami ng mga papeles ay halos nangawit ang leeg ko at sumakit ang mata ko kakabasa, talagang inisa-isa ko lahat ng basa para hindi magkamali sa pagpirma. Kung alam ko lang talaga na ganito ang mangyayari, hindi sana ako pumayag na gayahin ang kanyang signature. Ngayon alam ko na kung bakit napaka-effort niya dati na turuan ako para lang magaya ng perfect ang kanyang pirma. Talagang natuwa pa ako nu'n, aalipinin niya lang pala ako sa huli. Hays, kainis siya sa totoo lang. Ang sarap niyang isumbong sa Chairman, kay Daddy, siguradong sermon ang abot niya. Pero dahil good sister naman ako, and I love him as my only brother, p

