Five Years Later SA LOOB ng isang malawak na kuweba na napapaligiran ng mga armadong bantay ay mala-haring nakaupo si Dylan sa upuang gawa sa ginto habang nakatingin sa isang lalaking nakaluhod sa kanyang harapan na nanginginig na sa takot. “Siya ang tutulong sa atin para mapabagsak ang isla ng kalaban. It's time to take revenge, boss,” nakangising wika ni Veronica sa kanya na ngayo'y nakatayo katabi ng kanyang ilang mga tauhan sa tabi ng nanginginig na lalaki. “What's your name?” Dylan asked the man kneeling in front of him. “A-Arel.. Arelo po ang pangalan ko,” may panginginig nitong sagot habang nanatiling nakayuko at nakaluhod. “Arelo.” Napatango-tango siya habang nanatiling seryoso. “You have a good name. Balita ko ay isa kang tauhan ni Vandrec na naninilbihan naman bilang isang t

