“Terron, bakit ka narito? Baka maabutan ka ni Dylan!” Hindi ito sumagot sa kanya at patuloy lang ang paglalakad habang hila-hila ang kanyang isang braso. Pagkalapit nila sa puting kotse ay agad na binuksan ni Terron ang pinto at walang sabi-sabi siya nitong binuhat papasok sa loob sasakyan at mabilis na kinabitan ng seatbelt. Matapos siya nitong isakay ay pumasok na rin at naupo sa driver seat. “Sandali lang, Terron.” Mabilis niyang pinigilan ang braso nito sa akmang paghawak sa manibela. “Saan mo ako balak dadalhin? H-Hindi ka na dapat pumunta pa rito at baka—” “At bakit hindi?” Terron faced her. “Tingin mo ba, pinaubaya na kita sa lalaking 'yon, ha? No, Jeziel, that won't never happen. Hindi lang ako kumilos nitong mga nakaraang araw dahil masyadong komplikado ang sitwasyon, lalo na't

