CHAPTER 12

1987 Words
Kithin     Hindi ko sinagot ang text ni Austin. I don’t know how to react. I’m not up for a boyfriend-girlfriend thing. I may be crushing pero hanggang doon lang iyon. Wala sa isip ko ang pumasok sa relasyon dahil bata pa ako para roon!   Tuloy, nang magkita kami kinabukasan sa school, nakaramdam ako ng matinding pagkailang. Hindi ko muna siya nilapitan agad para makausap sa plano naming pagpunta sa boutique after lunch. Nagpaalam na ako kay Kuya Apollo. He gave me his card so I can pay for my needs. I can actually pay for my things dahil may debit cards naman akong binigay ni Daddy pero iyon nga, hindi iyon pinagalaw ni Kuya.   Mataas ang sikat ng araw nang mag-umpisa kami sa practice sa DBC. Mabuti na lang, sa covered court kami pumwesto. Hindi ako nahirapan sa pagsaulo ng commands sa kanila. Kahit sa exhibition, hindi ako nalito. I gave my full focus. Kahit na baguhan ako sag anito, hindi ko hinayaang magkaroon kahit ng kaunting pagkakamali sa mga ginagawa ko.   Everyone will watch us next week, there’s no room for mistakes here.   We spent half of the day practicing. Sa hapon naman, kanya-kanyang teams na ang magpa-practice para sa mga palaro. Naisip ko tuloy kung magpapasama na lang ako kay Kuya Apollo dahil hindi pa rin nawawala ang pagkailang ko sa kay Austin.   This is all sudden. Manliligaw siya sa akin? What? He likes me? I’m not judging my peers having a relationship at a young age but these things to me are just petty! Young love is just…   I shook my head. I remembered my mother again.   Pero naisip ko, hindi ko pa rin maiiwasan ang presensya ni Austin. He is my partner in the dance sport. May goal pa kaming kailangang ma-achieve; ang manalo sa sinalihan namin.   Kaya nahihiya man, ako na rin mismo ang lumapit sa kanya.   “Austin…” tawag ko sa kanya habang nakikipag-usap siya sa mga kaklase namin sa corridor.   His eyes went on me immediately. Agad siyang umayos ng tayo at mabilis na lumapit sa akin. I can sense his enthusiastic aura as I called him. Umaliwalas ang mukha niya. He smiled widely at me, na sinuklian ko lamang ng friendly na ngiti.   “H-Hi Kith…” bati niya sa akin.   I nodded once and smiled at him again. I paused for a while. The awkwardness consumed my mind for a couple of seconds. Hindi ako agad nakapaimik. Mukhang ganoon din siya dahil napahawak pa siya sa kanyang batok at umiiwas ng tingin sa akin.   Hindi kami pwedeng ganito na dalawa. Siguradong maaapektuhan ang performance naming dalawa sa dance sport kapag nagpatuloy kami sa ganitong klaseng pakikitungo sa isa’t-isa.   “Ano’ng oras tayo pupunta sa boutique?” lakas loob kong tanong sa kanya.   He met my eyes and with his lips parted, hindi agad siya nakapagsalita. Tinitigan niya lamang ako. For a moment, he only looked at me like we’re alone in this busy corridor.   Namula ang pisngi ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko kayang makipagsabayan sa mga titig niya sa akin. I felt uncomfortable. His stares are crowding me already.   “Stop staring at me…” nahihiyang sabi ko.   “Kith---”   “Austin, let’s just be friends.” There, I said it.   Lumunok siya. Umiwas ng tingin at muling ibinalik sa akin.   Ayokong magpaasa. Mas magandang umamin na ako sa kanya ng ganito kaaga. I don’t want to give him mix signals or any false hopes for that matter. I wanted to clear things so he won’t expect to me in return.   “Basted agad…” he smirked.   Ang bigat sa pakiramdam. Hindi ko alam kung awa o guilt itong nararamdaman ko. He looked miserable. Napahiya ko pa yata dahil sa diretsahang pagtanggi ko sa kanya.   I touched his arm and cleared my throat before I smiled a bit. I felt him stiffened. Nanginginig din ang kamay ko pero kung paiiralin ko ang pag-aalangan, hindi ako matatapos sa pagkaklaro tungkol sa sinabi niya kagabi sa akin.   “I hope this will not affect our performance next week. Huwag kang mailing sa akin, please? I promise…” umiling ako., trying to convince him. “I’ll try my best not to feel awkward when you're around.”   His eyes trailed off and looked down on my hand on his arm. I don’t know what it came on my mind but I gripped it a little harder. Siguro dahil nanginginig na rin ako sa pagkakahawak ko sa kanya o dahil sa kagustuhan kong pumayag siya sa hiling ko sa aming dalawa.   He held my hand and gently took it out of my grip. My lips parted, felt down on his action, because I think I lost it. Parang hindi papayag sa gusto kong mangyari.   “Don’t be bothered about it. I’m fine, Kith.” Aniya.   I smiled in relief. Bahagya pa akong humalakhak at saka tumango na rin sa kanya.   Magkasama kaming pumunta sa boutique na sinasabi niya. Namili kami ng costume na susuotin. Austin’s family is well-known to the boutique’s owner. Mukhang family friend nila ang may-ari. We were entertained well.   Sa itsura at ayos ng shop, pati na rin sa mga magagandang disenyo ng mga tinatahi nilang gowns, cocktails at iba’t-ibang damit for special occasions, I can say, this is not a common couture shop.   “Ihahatid na kita, Kith.” Alok niya sa akin pagkatapos namin sa shop.   Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I’m busy texting Kuya Apollo. He’s on his way here. Susunduin ako dahil maaga siyang natapos sa trabaho.   Umiling ako. “I’m fine, Austin. Kuya’s on his way. Susunduin niya ako.”   Tumango siya. “Sasamahan na lang kita, kung gano’n.”   Hindi na ako umalma. Hinayaan ko siyang samahan niya ako hanggang sa makarating ang kuya ko. though, we’re still aloof with each other, he tried his best not be affected about how I rejected him. Bumili pa siya ng meryenda sa katabing milk tea shop at nagkwentuhan pa kami just to kill the time.   Austin’s a good guy. Mabait. Gentleman, not to mention that he’s intelligent, too. Hindi ko ito sinasabi sa sarili ko base sa pakikitungo niya sa akin. I can see how he treats my classmates well and fair. Mapababae man o mapalalaki. Favorite nga siya ni Mrs. Upano, ang pinakamatandang teacher namin sa Mathematics.   He goes along well with many. Hindi siya mahirap pakisamahan. Kaya lang, I don’t like him the way he likes me. I only like him as my friend.   “He’s here.” Aniya. Tumayo siya para salubungin si Kuya mula sa entrance door ng shop.   Nasa sofa kami ng boutique habang nag-hihintay sa kanya. Naabutan niya kaming nagtatawanan dahil sa isang video na pinapanood namin sa phone ni Austin.   I stood up and went near him. Austin greeted my brother politely. Medyo kabado pa ako dahil nadatnan kami ni Kuya sa ganoong ayos. But he doesn’t look like pissed off, na siyang ipinagpasalamat ko.   “Thanks for accompanying my sister, Austin.” Si Kuya. Umiling siya. “It’s alright po. I can’t leave Kithin alone here, either.” Sagot niya. then we went separate ways.   Kaya lang, nang makalabas na kaming dalawa ni Kuya sa shop at dumiretso na ako sa kotse, bigla siyang nagsalita.   “Kith, stay in the back seat.” Aniya nang hawakan ko ang door handle ng passenger’s seat.   His car is heavily tinted. May nakaupo ba sa harap? I shrugged my shoulders and opened the door in the backsit.   When I was able to settle on my sit, napatingin ako sa harap. In my utmost shock, I saw Mona sitting on the passenger’s seat of Kuya Apollo’s car.   “Monaliza!” tawag ko sa kanya   Marahan siyang lumingon at nahihiyang ngumiti sa akin. She even managed to wave her hand on me.   “H-Hi Kith.” She said in her low shy voice.   My lips formed an ‘O’, marahang tumangu-tango. Sumulyap din ako kay Kuya pero mukhang hindi niya kami napapansin na dalawa. I silently giggled as I looked my friend with my teasing eyes. She only pouted and grimaced.   Namumula pa siya. Kitang-kita sa kanyang mukha kung paano siya mag-blush. Napalakas ang tawag ko kaya nang magsalita si Kuya Apollo, agad umayos ng pagkakaupo si Mona.   “Kith, aalis ako ngayong weekend.” Sabi ni Kuya.   “Saan ka pupunta?”   “Sa Japan. Business trip.” Matipid niyang sagot.   “Sino’ng kasama mo? Gaano katagal, Kuya?” muli kong tanong.   Iniliko ni Kuya Apollo ang sasakyan niya sa kanan at napansin at pumasok sa drive-thru ng McDonald’s.   “Si Martin at Andrew. Two weeks.” Sagot niya at saka um-order ng kakainin namin.   Oh. I see. So, Andrew will not be around for quite long. Naalala ko tuloy iyong inasal niya kagabi sa covered walk. Hindi nga ako nakatulog dahil doon. Kung hindi lang nag-text si Austin no’ng hatinggabi, baka hanggang ngayon, naglaro pa rin sa isip ko kung bakit ganoon ang pakikitungo niya sa akin.   Since Kuya Apollo’s trip will be on weekends, naghigpit siya sa akin. Hindi niya ako pinayagang lumabas ng bahay. He suggested that Austin can go here for our rehearsal. Okay lang naman ‘yon sakin dahil I don’t feel going out, too. Nakakatamad.   Sa maluwang na sala na kami nag-practice ni Austin. Mona joined us in the sala while she’s busy taking down notes from my laptop that she borrowed. May paminsan-minsan siyang sulyap sa amin at ngingiti-ngiting parang nang-aasar, at saka muling ibabalik ang atensyon sa ginagawa.   I sneered. Ba’t kasi nandito siya? Nagbabantay?   Nasa taas pa si Kuya, naghahanda na dahil aalis na rin mamaya. Ang sabi ay susunduin siya rito nila Kuya Martin. So… does it mean that my I’m gonna seem my half-brother now?   I felt worried and at the same time…excited. Hindi ko pa sila pormal na kilala. I only see them in TV’s and in the Internet. Ang unang personal na encounter namin ay noong bata pa ako.   I was eager to meet them all. Mukhang chance ko na itong makilala ang isa sa mga kuya ko ngayong araw.   “Ang galing!” pumalakpak si Mona matapos ang isang round ng practice namin ni Austin sa pagsasayaw.   Humalakhak ako at bumaling kay Austin. He smiled at me, too. Kuhang-kuha na namin ang mga steps. At kahit baguhan, mukhang may ilalaban din kami sa darating na sports fest.   We decided to take a short break. Nagkukulitan kaming tatlo sa sala habang nag-me-meryenda. Naghahalakhakan dahil sa mga kwentong nakakatawa. Hindi namin napansin na may mga bisita pala kami ngayong iginigiya si Manang.   “Nasa kanyang silid pa si Sir Apollo, Sir Martin. Tatawagin ko ba?”tanong nito sa kanya.   Nalusaw ang mga ngiti sa labi ko. My eyes darted on the man who’s standing near on the couch. I gulped hard when I looked at him, smiling warmly at me.   “Hi there, princess.” Nakangiting bati niya sa akin.   I stood up slowly. Hindi naputol ang tingin ko sa kanya. I’m in complete awe! What am I gonna do? Babati rin ba ako? Lalapitan ko siya?   I gulped again. Sa huli, I smiled while my lips are trembling.   Nilapitan niya ako. Lalo akong kinabahan. Kung kanina, butil-butil ang pawis ko dahil sa pagsasayaw, ngayon, dumoble pa iyon.   I’m eager to meet him, to meet them all! At ngayong nandito na siya sa harap ko, hindi ko na alam ngayon ang gagawin.   “I’m Martin.” Inilahad niya ang magkabilang kamay, parang…nanghihingi ng yakap.   Should I embrace him? Baka mabaho ako. He looked fresh and crisp with his business attire. Habang ako, naka-shorts at racerback shirt. Pawisan pa at magulo ang itsura.   Narinig ko ang mahina niyang halakhak at siya na mismo ang yumakap sa akin. I was stunned! He took his hankies from his pocket and wiped off my sweat.   “Sa wakas, nagkita rin tayo, Christine.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD