Kithin
We finished researching videos later that afternoon. We compiled the downloaded videos and will present it to our coach on Monday. Sa school na rin kami magsisimulang mag-practice ni Austin.
Meanwhile, Andrew stayed until midnight in our house. Masyado silang busy ni Kuya Apollo. Kahit sa dinner, negosyo pa rin ang pinag-uusapan. I didn’t mind them, though. Hindi na rin ako nakialam. Hindi ko rin naman maintindihan iyon so I think there’s no reason for me to get acquainted with what their doing.
Kaso I’m already bored after that dinner. Ni hindi nila ako inimikan. Si Mona naman, kauuwi lang galing sa school. Nag-aaral na siya sa isang university malapit sa amin. As much as I wanted to go and talk to her, hindi ko na rin itinuloy dahil alam kong pagod na siya sa school.
“Kith, can you still handle your schedule of practices? Every afternoon ang practice mo sa Corps tapos may practice din tayo para sa dance sport.” Austin said.
Nasa gymnasium kami ngayon. It’s past five o’clock in the afternoon. Simula nang mag-umpisa kami sa pag-practice, ginagabi na ako ng uwi. Nagpaalam naman ako kay Kuya Apollo kaya kahit late na, okay lang sa kanya. Kung hindi siya, ang driver naman namin ang sumusundo sa akin.
Umiling ako. “I’m cool with it. Nage-enjoy ako.” Ani ko at saka tinungga ang bottled water na baon ko.
Naupo siya sa isa sa mga bleachers habang nakatayo naman ako. I’m already tall but I needed to wear heels. Mabuti na lang, matangkad din si Austin. Kaya ayos lang kung magsuot ako ng sandals na may takong.
He smirked. “Konti na lang, we can already master the steps. Hindi ko alam na you’re good at this, Kithin.”
Isinara ko ang bote bago ilapag sa tabi ng bag ko. I’m not looking at him but I can see in my peripheral vision that he’s looking at me intently. Medyo naasiwa ako. Hindi lang naman siya ang unang lalaking tumitig sa akin ng ganoon pero kay Austin, bigla akong nailing.
“Stop staring at me, Austin.” I said awkwardly. Mahina kong hinampas ang kanyang braso at idinaan na lang sa tawa ang nararamdamang pagkailang.
He barked a laugh, too. “Ang ganda mo kasi. I can’t help but to stare at your face.” Walang gatol na sabi niya.
I blushed profusely. This straightforward guy! Walang preno ang bibig pag kausap ako. Kapag nasa room naman kami, napakatahimik. I wonder if he’s like this, too, to some of the girls in the class?
Kung hindi ko naman siya naging partner dito, I won’t be able to be with him.
“Bolero!” ganti ko para mapalis ang matinding hiya na gumapang sa katawan ko.
Sandali pa kaming nag-practice at nag-usap para sa susuotin namin. Next week na ang intramurals. Kaya dapat sa weekends, maghanap na kami ng masusuot.
Sabay na kaming lumabas sa gym dahil naroon na rin sa parking lot ang susundo sa kanya. Madilim na sa paligid. Sigurado akong naroon na rin ang sundo ko.
“We can actually go to the boutique tomorrow afternoon para makapili na tayo ng susuotin. Tutal ay final assembly na ng mga teams. May practice ba kayo bukas sa DBC?” tanong niya sa akin habang naglalakad kami sa covered walk papuntang parking area.
Tumango ako. “Yes. Pero sige, I can squeeze some time after lunch. Umaga ang practice namin with the DBC sa field.”
In a short span of time chatting with him, halos hindi ko na namalayan na narating na namin ang gate ng campus. Malapit na kami sa parking area. My eyes roamed to look for Kuya Apollo or the driver but I was stunned when I saw Andrew leaning on his car, with his hands placed on both sides of his pockets and his eyes darting at us darkly and sharply.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng pagkataranta. O kaba ba itong nararamdaman ko? I don’t know which one. Pero isa lang ang alam kong sigurado, parang hinahabol ang puso ko dahil sa bilis ng t***k nito.
I can’t even move my feet anymore. Para akong natuod sa pagkakatigil ko. Titig na titig siya sa amin. Salitan ang mata niya sa akin at sa kasama ko. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko.
Napansin ni Austin na hindi na ako nakasunod sa kanya. Ilang hakbang din ang pagitan ng distansya namin. I’m not looking at him because my eyes are glued to the man whose looking at us ruthlessly. But as I can see Austin in my peripheral vision, pabalik siya sa kung saan ako nahinto.
“What’s wrong, Kith?” tanong niya sa akin.
Hindi ako sumagot. Bumaling siya sa direksyon kung saan ako nakatingin. Umayos sa pagkakatayo niya sa si Andrew, mukhang lalapitan kaming dalawa. Kung kanina, kinakabahan ako, ngayon, trumiple pa iyon.
Gusto ko na lang siyang iwan at kumaripas ng takbo para maiwasan siya!
“Siya ba ang susundo sa’yo?” tanong niya.
I glanced at him and nodded unsurely. Siya nga ba? Wala naman akong natanggap na tawag o text galing kay Kuya. Tatawag naman siya sa akin kung hindi niya ako masusundo, eh. Si Manong Rene ang madalas na sumusundo sa akin kapag wala siya. Kaya ang makita sa rito si Andrew ngayon ang nagbigay sa akin ng kwestionableng pag-iisip.
Alam kong ilang beses na rin niya akong nasundo noon kapag naipapakausap ako ni Kuya sa kanya pero pansin kong hindi na iyon naulit pa.
Napaatras ako ng isang hakbang nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Hindi nagbago ang paraan ng pagtitig niya sa akin. It became more define. Malalim at mataman niya akong pinagmasdan. I can only reciprocate my anguish stares towards him.
“What are you doing here?” bungad ko sa kanya.
“Sinusundo kita.” Malamig na sagot niya.
I blinked my eyes a couple of times.
“W-wala kasing sinabi si Kuya Apollo sa akin, Andrew.” Tanging sagot ko.
Nakita kong gumalaw ang panga niya ng ilang beses. He sighed exasperatedly. Hindi agad siya nakasagot. What? I’m just saying! Kahit crush ko naman siya at gusto ko ring sumabay ulit sa kanya, ayoko namang suwayin ang kuya ko.
I’m spoiled at some point but I don’t want to break his law.
“Shouldn’t you address him ‘kuya’? He’s way older than you.” Bulong sa akin ni Austin.
Tss. Shut up, Austin.
“I’m not his brother.” Malamig na sagot niya kahit hindi naman directly para sa kanya ang sinabi ni Austin.
Natahimik na lang ang kasama ko dahil sa maangas na sagot niya. Good thing, Austin got it instantly. Hindi na siya muling nagsalita pero hindi pa rin niya ako iniwan doon.
Lumingon ako sa malaking gate ng school kung saan nakita kong may pumasok na pamilyar na kotse. Sigurado akong si Manong Rene iyon.
“Kith…” si Austin. “Naroon na ang sundo ko. Should I…” nilingon niya si Andrew sandali bago ibinalik ang tingin sa akin. “…leave you here now?”
I nodded at him and smiled at him widely. Pero agad ding nabura iyon sa mga labi ko nang marinig ko ang nanunuyang pagsinghap ni Andrew. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon. Para siyang naghahanap ng away.
My gosh. I can’t imagine him asking a fight from Austin, or anyone of our age! He’s already what? 27? 28?
Ang tanda niya na para roon!
Tahimik na umalis si Austin. Magalang din siyang nagpaalam sa kaharap ko pero hindi siya nito inimikan. Napakasuplado talaga. Nang mapag-isa kami roon, lakas-loob akong tumingin sa kanya kahit kanina pa ako intimidated sa mga ikinikilos niya ngayon.
“Nandito na si Manong Rene, Andrew. Aalis na rin ako.”
Ipinanatag ko ang sarili ko. I have to act normal, though my system is shaking already because of his presence. Hindi ko naman naramdaman ang ganitong kaba noon sa kanya. It’s a different, unlike now, may halo itong takot at agam-agam.
May ideya na ako kung bakit ganito ang mga kilos niya pero kung siya ang pag-iisipan ko ng ganoon, napakaimposible! It’s like I’m trying to freeze a fire in my own ways!
Mariin siyang pumikit. Kahit alam kong naghihintay na sa akin si Manong sa akin, hindi ko siya maiwan dito. My conscience crawled my mind when I saw how he struggle in front of me. Parang may gustong sabihin pero hindi niya masabi-sabi.
What’s wrong, Andrew?
“Are you okay?” I said.
Dumilat siya. His pleading eyes darted on me. I gave my best to looked calmer because I want him so spill the tea already.
He sighed. “I…I shouldn’t be here. I-I’m…just making myself fool out of this whole damn thing.” Mababang sabi niya.
Ako naman ngayon ang natigilan. What does he mean by that? Kung hindi ka dapat nandito, why did you come here?
Hindi na siya muling nagsalita. Iniwan na ako roon. My lips parted when he left me. Gusto ko siyang pigilan pero…para saan? He can’t even talk to me straight. Hindi niya ako masagot ng maayos. His quizzical actions made me anxious and confuse. Kung pipigilan ko siya, ano’ng sasabihin ko?
Unti-unti siyang nawala sa paningin ko. Hindi ako umalis agad sa kinaroroonan ko. I saw him slid in his car, turned on its engine, and drove away.
Confusion with a heavy heart marred my peaceful night. Hindi ako makatulog. Kahit nakahiga na ako ngayon sa kama at handa nang matulog, lumakbay ang isip ko sa nangyari. I can’t move on. There’s really something the way he stared and acted on me. Kung iisipin ko ang ideyang pumasok sa isip ko, bukod sa napakaimposible, hindi rin matatanggap iyon ng murang pag-iisip ko.
I don’t want to put color on it. Bata pa ako. I shouldn’t think that way.
As I was about to sleep when I heard my phone beep. When I reached it in the bedside table, I saw a message from Austin.
Austin:
Kith, can I court you?