CHAPTER 4

1803 Words
Kithin Few days had passed pero wala pa rin akong naging balita kay Mama. Hindi ko pa rin siya ma-contact. She is not even trying to reach me. I’m starting to get worried for her and...my stay here in the Philippines becomes longer. Maybe I should approach Kuya Apollo? But he’s busy. I heard that he has been dealing business with Kuya Martin. Aside from that, he’s also with Andrew’s wing. Kaya kung magkita man kami, tuwing dinner na lang. Even on weekends, he locks himself in the library. Kaya bored na bored na ako sa bahay ma ito. Buti na lang, nandito si Mona. We decided to kill the time in the pool. I’m wearing a color yellow bikinis. Pero nang makita ako ni Kuya, he told me to wear a short. I got no choice but to obliged. Niyaya ko si Mona na mag-swimming pero ang sabi niya, wala siyang pampaligo. I rummaged my closet and found a color pink swimsuit. Dahil sobrang mahiyain niya, I also lend her a short shorts. “Kith, ang sexy ko!” She blurted out while checking herself in the mirror. I giggled and looked at her, too. “It fits you! And wow, your morena complexion suits the color of the swimsuit.” I saw her blushed. Lalo akong natawa sa kanya. “Tara na sa pool!” I said. She brought the sunblock and the towels. Bitbit ko naman ang swimming ring na watermelon ang design. May floating flamingo kami pero sa pool side na namin iyon pinaayos. She braided my hair. Nakaupo na ako sa gilid ng pool habang pinapahiran ko ng sunblock ang mga kamay ko. Sinalubong niya ang isang kasambahay na magdadala ng food namin. Inilapag niya iyon sa mesang may malaking payong. “Let’s go, Mona!” Yaya ko sa kanya. Nangingiti siyang tumango sa akin at lumapit sa pool. Inilubog ko na rin ang sarili ko sa tubig. Though, hindi na ganoon kataas ang sikat ng araw, medyo mainit pa rin iyon sa balat. Nagharutan kami ni Mona sa pool. We kept splashing each other. Since we both know how to swim, we also raced. Ang lakas ng tawanan namin. Rinig sa buong kabahayan. Minsan napapalingon pa ang ibang kasambahay namin dahil sa lakas ng tili ko kapag nananalo ako sa laro namin. Nang mapagod kami pareho ay kinuha namin ang salbabida. We rode there and let ourselves float. “Mona...” tawag ko sa kanya. Umahon ang ulo niya mula sa pagkakasandal sa swimming ring. Ginamit ko kasi yung floating flamingo. “Bakit?” Ngumuso ako. “Nag-aaral ka ba?” She shook her head and smiled. “Kailangan kong magtrabaho para sa mga kapatid ko, eh. Pero graduate ako sa high school.” I nodded. Malapit na rin ang pasukan sa school namin. Kailan ba talaga ako babalik sa America? “Pangarap ko ring mag-aral, siyempre. Gusto ko ring magtrabaho sa mga opisina. Parang...sa pinagtatrabahuan nila Sir Apollo?” Dagdag niya. Tumango ako. “Why don’t you apply as secretary?” Tanong ko. Natawa siya sa sinagot ko. “College graduate ang kailangan do’n! Saka bali-baliko nga ang english ko eh. Kaya gustung-gusto kong makipag-usap sa’yo para nahahasa ang pananalita ko.” I giggle. I scooped some water on my palm and splashed it on her. Gumanti rin siya ng pagsaboy sa akin. “Do you have a boyfriend, Mona?” I asked again. I saw how she blushed profusedly! She even bit her lower lip! Natawa ako sa naging reaksyon niya. “Tsk. Don’t answer it. Alam ko na ang sagot!” “Eh ikaw? Meron?” Balik tanong niya. I pursed my lips and shook my head. “Wala. Puro crushes lang.” patay malisyang sagot ko. “Ako rin! Meron!” She answered. Ramdam ko ang excitement niya sa topic namin ngayon. Nanliit ang mata ko. “Sino naman?” She pouted and lips while trying to purse her smile. Kinikilig siya! “Ikaw muna!” “Tss.” Naiiling na sagot ko. “Si Carter at Mason. Uhm... pwede ring si Everett.” Tumingala ako. Nag-isip pa ako ng pwedeng idagdag sa sasabihin. “Ang dami naman!” Palatak niya. “Gano’n naman ang crushing ‘di ba? You admire them because you see something special to them.” Sagot ko. Umiling siya. “Dapat isa lang. Saka... ‘di ko naman kilala ‘yong mga crush. Dapat ‘yung nandito sa Pilipinas!” I looked at him weirdly. She giggled, though. Sino bang pwede kong maging crush dito eh halos hindi nga ako madalas lumalabas ng bahay? Si Kuya Apollo lang ang lagi kong nakakasama ‘pag lumalabas kami. May mga times na nakasama ko na rin si Andrew. Uhm. Andrew is good-looking but...he’s too mature for me. Though he got some boyish look kapag hindi siya naka-corporate attire. But still, he’s way older than me. Pero hindi ko itatanggi na gwapo nga siya. He looked ruthless but hot. His muscles are firm and it’s in their proper places. Even his thighs looked powerful. In short, he got a body that every woman will drool for. Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung itsura niya noong pumunta kami sa condo niya. He’s only wearing his boxer shorts. I unconsciously bit my lower lip. What am I thinking? Pinagnanasaan ko ba siya?! Am I crushing on him? “Huy, natahimik ka! May naalala ka, ‘no?” Malisyosang tanong niya sa akin. Humalakhak ako at sinabuyan siya ng tubig. “Sino ba kasi ang crush mo?” Tanong ko. Ngumuso siya habang nilalaro ang tubig sa kamay niya. “Kuya mo.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Is she bluffing me or what? “Kuya ko? Sino sa kanila? Marami akong kuya!” I said in a high pitch tone! Sinaway niya ako at sinenyasan na hinaan ang boses ko. I pouted. Hindi ko napigilan ang sarili. I find it amusing. Haha! “Kuya Apollo mo...hehe. Uy secret lang ah!” Bulong niya sakin. Humalakhak ako sa rebelasyon niya. I saw how her eyes twinkled when she told me about it. Kinikilig talaga siya! Mula sa pool ay may naaninag akong bulto ng isang tao. Kasama ang isang kasambahay ay nakita kong papalapit sila rito. I let myself sank on the waters and went nearer to the side of the pool. Nang maaninag ko kung sino ‘yon ay tumaas pareho ang aking mga kilay. May dala siyang isang malaking brown paper bag na may print ng isang fries store. Sa kabilang kamay niya ay may bitbit siyang dalawang cups ng drinks. “I...brought some snacks for you...” at sumulyap din siya kay Mona bago ibalik ang tingin sa akin. “...and for Mona.” Aniya. I glanced at Mona to see her reaction. Kahit hindi ko siya tanungin ay bakas sa mukha niya ang matinding gulat. Her lips parted while looking at the visitor. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Andrew is still looking at me intently. Nang bumaba ang kanyang tingin sa katawan ko ay nangunot ang kanyang noo. “Thank you.” I said cooly. Itinukod ko ang dalawang kamay ko para makaahon sa pool. He extended his arms and grabbed mine to help. Nang makaahon ako ay nag-iwas siya ng tingin. “Kuya Apollo is in the library. Should I call him?” Muling tanong ko sa kanya. He looked at me straight to my eyes, not minding my wet body. He looked younger in his light blue dress shirt and maong pants. And...he shaved, too. “Go get the towel and wipe yourself first.” Mariing sabi niya. Inilapag niya ang mga dala niyang pagkain sa mesa bago kami iwan doon. Saka ko lamang naisip na hindi yata magandang ideya na humarap ako sa kanya na nakaganito. But why? Is he bothered? Tss. I can only pass as his younger sister. Ang layo ng edad naming dalawa. Hindi dapat siya maapektuhan kung haharap ako sa kanya ng nakaganito. O katulad lang din siya ni Kuya na overprotective? Na itinuturing lang din niya akong nakababatang kapatid na babae? Kaya nahimigan ko ang iritasyon sa kanyang ekspresyon dahil kahit sinong may kapatid na babae ay ayaw nilang humarap ito ng nakabikini lamang sa kahit sinong lalaki. Siguro ganoon nga. But...why do I feel like I don’t want him to look at me that way? That I want him to treat me like someone other than being his colleague’s younger sister? I tried to ignore what I feel towards it. Wala lang, ayoko lang i-entertain itong nararamdaman ko. I’m too young to entertain thay kind of...how can I even name this kind of feeling? My irritation started to grow as days passed by. Hindi na ako mabigyan ng klarong sagot ni Kuya Apollo. Daddy became more busy and has no time to see me. Tapos lagi pa akong nandito sa bahay. One midnight of Saturday, I went downstairs to drink some water. Pabalik na ako sa kwarto ko nang mapansin kong bahagyang bukas ang pintuan ng library. Sumilip ako sa siwang. The room was dim and the only source of light is coming from the office table lamp. Narinig ko ang boses ni Kuya Apollo na may kausap sa cellphone niya. “Mommy, isipin mo si Christine. Come home now. She’ll be hurt if she’ll learn about your decision.” Mariing sinabi niya. Natigilan ako. Kausap niya ngayon si Mommy! Sandaling natahimik si Kuya. Akala ko, naputol na ang tawag. Pero halos gumuho ang mundo ko nang marinig konang huling sinabi niya sa kausap. “Don’t do this to Christine, Mom! Don’t abandon her.” Marahas siyang humigop ng hangin at saka ibinagsak ang kamay sa mesa. Kahit ako, napapitlag sa gulat. “Fine. Mukhang hindi ko na talaga mababago ang desisyon mo. But I will tell you this, once you left her, I will never let you see her again.” Mariin niyang sabi. I felt a lump on my throat. Gusto kong lapitan si Kuya at tanungin kung ano ba talaga ang napagusapan nila. Na bakit...hindi na ako kinakausap ni Mommy. Kung bakit...hindi pa rin ako pinababalik sa Amerika. Dahil...wala naman na pala akong babalikan doon. Umalis ako sa kinatatayuan ko at humalik sa aking kwarto. I can’t stop my tears from falling. Lalo lamang iyon nagpapatuloy sa pagtulo kahit ano’ng pigil ko. My outrage ate my whole system. If she doesn’t want me anymore, ayaw ko na rin sa kanya! Nagpalit ako ng jeans at tshirt. I took a my jacket and my cap. Tiningnan ko rin ang wallet ko. I have few bills but I have my cards. Pwede na siguro ‘to. Magtitipid na lang ako para sa ilang araw. Umalis ako sa bahay na iyon nang walang nakakakita sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD