CHAPTER 5

1840 Words
Kithin I do not literally know where to go. Nakapuslit din ako sa security ng subdivision namin. Yakap ang sarili, naglalakad ako sa kahabaan ng kalsada sa gitna ng gabi. Hindi naman madilim dahil nasa Makati kami. You know, the city lights at night made my mind a bit comforting knowing that I don’t know where I am actually going to. Tawagan ko kaya si Daddy? Pero baka magalit lang siya sa akin at ibalik lang din ako sa bahay. Ayoko silang makita. Si Mommy, si Daddy, at si Kuya Apollo. I don’t want to see them now! I don’t want to talk to anyone of them! Pero wala akong kakilala rito. How am I going to rest for the whole night? Sa paglalakad ko, may nadaanan akong isang coffee shop. I decided to go inside and stay there for a while so I can collect my thoughts and plan to where am I will be going. Nakaupo lang ako roon sa loob ng cafe. Nakatulala. Nai-serve na ang in-order ko pero halos hindi ko pa iyon nagagalaw. Hindi ko alam kung alin ang unang iisipin. Kung ano ang mararamdaman. Kung paano ko ako magre-react sa nalaman. What? Are they expecting me to accept everything because it’s already done? I know Mommy’s so upset about her sour relationship with Daddy. I understand if they go separate ways and if she finds another man who will love him. Walang problema. Dahil sawang-sawa na akong makita silang nag-aaway. Pero...she promised me. She’ll never leave me. I hold on to her words. I waited patiently. It didn’t end well to us but... I hoped that she’ll come back for me. But after what I heard to Kuya, I shook my head. If she doesn’t want me anymore, then, I don’t want to see her again, too! I hate Daddy, too! He made my Mommy miserable, didn’t give the what she deserves! He can marry my mother but he chose not to. We have been living under the shadows of unrecognition. At lagi na lang kami ang naga-adjust. Kami ang laging naggi-give way. We don’t deserve this! I don’t deserve this! “Miss, can I ask for your ID?” Magalang na tanong sa akin ng receptionist after I told her that I want to get a room. Napanganga ako sa tanong niya. I wasn’t ready for this. I need to think quick! Pagod na rin ako at gusto ko na ring magpahinga. By now, alam kong hindi pa rin nila napapansing wala na ako sa bahay. “I...lost my wallet, Miss. Naroon ang mga ID ko. But I was able to save my debit card and s-some cash h-here.” I stuttered when I reasoned out. The receptionist looked at me intently. Tila kinikilatis kung nagsasabi nga ba ako ng totoo. Though, my heart is beating loudly, I managed to look ate her straight into my eyes para kapani-paniwala lahat ng sinasabi ko. “I’ll let the manager know about his Ma’am. Please wait for a while.” At mabilis siyang nawala sa harap ko. Ilang minuto lang siyang nawala pero parang ang tagal-tagal ko nang naghihintay sa kanya. I can’t blame her for asking too many questions to me. I went to a 5-star hotel. And I understand if she will look for an identification card. I just hope they will reconsider my reason dahil kung hindi, hindi ko na alam kung saan ako magpapalipas ng gabi! Agad akong umayos ng tayo nang matanaw ko siyang pabalik sa akin. I smiled so I can hide the brewing nervousness in me. Pero nang makita ko ang reaksyon sa kanyang mukha, kahit hindi ko pa naririnig ang sasabihin niya ay para na akong nanlulumo. “I’m sorry, Ma’am but I still need to see your ID.” She said apologetically. Lumunok ako. I will try again. “Miss, kahit ngayong gabi lang. I will pay in cash. N-Nawala lang talaga ang mga ID ko on my way here. I don’t know where to go now.” I said. Umiling siya. “You can try to other hotels, Ma’am. I’m really sorry.” I bit my lip. Bagsak ang mga balikat kong nilisang ang front desk. Naiiyak na ako sa frustration! Saan na ako matutulog ngayon? Sarado na ang mga malls. Nagsara na rin ang cafe. I know because I’m their last customer. Kung hindi pa ako nilapitan ng crew, wala akong balak na umalis dun. My vision became blurry when tears pooled on my eyes. Kinusot ko iyon habang naglalakad sa engrandeng lobby ng hotel. I didn’t notice that someone is on my way, too. Malakas na tili ang narinig ko mula sa babaeng nabunggo ko. Naramdaman ko rin ang sakit ng pagkakabunggo niya sa akin pero hindi ko na iyon inintindi. Without looking at her any longer, I uttered a short apology and continued walking. “I-I’m sorry.” Garalgal na sabi ko at lalong binilisan ang lakad. Lalong lumakas ang sigaw ng babae. She’s yelling at me to stop. Hindi ko na siya nilingon dahil natatakot akong baka balikan niya. Then I heard a man’s voice. Pinapatigil niya ako sa paglalakad. Mas lalo akong kinabahan! Binilisan ko ang paglalakad. Nang makalabas ako sa exit at hahakbang na sana pababa sa hagdanan ay naramdaman kong may humawak ng mahigpit sa kaliwang braso ko! My reflexes automatically defended and using all my force, binawi ko ang braso ko at mabilis na tumakbo palayo sa lalaking iyon. “Hey!” Sigaw niya. “Come back here, you little brat!” What the hell did he calls me?! I am scared that he may harm me so I ran as fast as I could. Huli na nang mapansin ko ang paparating na sasakyan sa harap ko. Mabilis ang takbo no’n. Nanigas na ang katawan ko dahil alam ko...sa bilis ng takbo ko, hindi ko na magawang kontrolin ang katawan ko. Inasahan kong masasagasaan ako ng sasakyan na iyon. “f**k!” Sigaw ulit ng lalaki. But I didn’t mind it at all. I heard the loud screeching of the tires of the car. Sa bilis ng mga pangyayari, hindi ko namalayang may dumamba na sa katawan ko. In a split seconds, I just found myself falling and rolling on the ground, with a pair of strong arms wrapped around my body. Naramdaman kong tumama kami ng kung sinong nakayakap sa akin sa isang matigas na bagay. Narinig ko ang kanyang daing at mga mura. Pero ako, ang tanging naramdaman ko ay ang pagbalandra ko lang sa matigas niyang katawan. Sandali akong nahilo sa mga nangyari. Nabitawan niya rin ako. I moaned when I felt the pain from my sides. Parang tinamaan din ako. I don’t know. I heard a worried voice of a man. Agad niya akong dinaluhan at may tinanong sa akin pero hindi ko na iyon maproseso. Then I heard screams and...what’s that? May nag-aaway ba? Nakahiga pa rin ako at nahihilo. I closed my eyes and darkness totally consumed me. “You can bring her home, Mr. Ortega. Cleared naman ang x-ray niya. Her scratches can be treated at home. At iyong pasa niya ay pwedeng idaan sa compress. I’ll give you her prescriptions and you’re good to go.” Narinig kong sinabi ng kung sino. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. It’s still blurry but I forced myself to adjust my vision. “Thank you, Doc.” I heard coming from a diffrent voice. I can only see white cellings, white curtains around me and the bright light. Nakahiga ako sa kama. At...naaninag ko ang isang bulto ng lalaking nakatayo sa gilid ko. Nakahalukipkip ito at mariing nakatingin sa akin. “W-Where am I?” Namamaos kong tanong sa lalaki. Lumiwanag din ang tingin ko. Lalo akong nanghina nang makilala ko kung sino ang lalaking iyon. Si Andrew. Umupo siya sa kama at hinawi ang buhok na bahagyang gumulo sa gilid ng mata ko. I gulped. Hard. “You’re in the hospital.” Sagot niya. Tumango ako. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Nakita ko ang bag sa paanan ko. “You made me worry.” He said, almost a whisper. Tumayo ang balahibo ko sa paraan ng pagsasalita niya. I can sense the guilt in his voice. “Kung hindi kita hinabol, baka hindi nangyari sa’yo ‘to.” Dagdag niya. So he was the man who chased me? Siya rin ba ‘yong nagligtas sa akin? “I’m sorry.” Sabi ko kahit hindi ko alam kung bakit ako humihingi ng tawad sa kanya. Umiling siya. “Why are you there anyway? Where’s Apollo?” Tanong niya. Naramdaman ko ang diin ng boses niya sa huling tanong niya sa akin. Naalarma ako nang marinig ko ang pangalan ni Kuya. No! Hindi niya dapat malaman kung nasaan ako ngayon. “Tinawagan mo ba siya?” Mabilis kong tanong sa kanya. I gave my whole strenght para makabangon. Pinigilan niya ako pero hindi ako nagpatinag. Narinig ko ulit ang pagmumura niya. This man loves to curse. Nakakainis. “Kith—-“ “Did you call my brother?!” I asked hysterically. Umiling siya. Medyo guminhawa ang pakiramdam ko sa nalaman. Magkaganun pa man, tuluyan na akong bumangon para makaalis na sa lugar na ‘yon. “Where are you going?” He said in a low voice. Sinulyapan niya ang bag ko at muling ibinalik ang tingin sa akin. “Naglayas ka ba?” Dagdag niya. Nairita ako bigla. Bakit ba ang dami niyang tanong?! “Wala ka na ro’n!” Pabalang kong sagot sa kanya. I glared at him and showed to him that I am not afraid to him. Nanliit ang kanyang mga mata. “Oh, don’t answer me that way, you little brat.” Aniya. I gritted my teeth. “I’m not a brat, you old man!” Depensa ko. He smirked evilly. Hindi ako nagpatinag sa madilim niyang mga titig. I equalled his stares in complete wrath. He leaned closer. Ang binuo kong tapang ay unti-unting nalulusaw na parang kandila. Mainit ang kanyang mga titig pero madilim iyon. Malamig. May halong pagkaarogante. “You are, baby.” He whispered. “What...” tanging naisatinig ko. Lumayo na siya sa akin at tumayo na. Tumaas ang isang kilay niya at nagsalita. “Fix yourself. I’m bringing you home.” He said coldly. Umiling ako. Bumangon na rin ako kahit medyo nanghihinanpa. “Ayokong umuwi sa bahay, K-Kuya.” Saad ko. His jaw clenched and stared at me sharply. “Stop calling me ‘kuya’. I am not your brother!” He slashed out. Natigagal ako sa bahagyang pagtaas ng boses niya. Unintentionally, tumulo ang luha sa mga mata ko, causing him to change his reaction. Bumuntong-hininga siya. Binitbit niya ang bag ko. Hindi pa rin ako umiimik dahil mahina akong humikbi. “Fine. Iuuwi kita ngayon sa akin. Magpahinga ka muna roon.” And heard his unending curses again. “f**k it, I’m doomed!” Mahinang anas niya at saka hinila na ako palabas doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD