Kithin
The whole trip on our way to his condo felt like a cold war. Hindi kami nagiimikan pero nararamdaman ko ang matinding tensyon sa pagitan naming dalawa. He’s looking at me intently na para bang binabantayan ang bawat kilos ko. At kapag gagalaw lang ako ng kaunti ay agad siyang mapapalingon sa kinauupuan ko.
What’s wrong with him? Hindi ko siya tatakasan! Not at this hour that all I wanted to do is to lie down on the bed and sleep. Kahit nakakairita siya dahil sa ilang beses niya akong tinawag na brat, I will not turn down his offer for an overnight.
But... is he trustworthy? Mapagkakatiwalaan ko ba siya? Knowing that I barely know him and here I am now in his condo at this hour.
Kailangan ko bang mangamba?
“You can sleep in my room.” He said coldly after he put his keys on the counter.
Marahas ko siyang nilingon. “Why would I sleep in your room?” Maarte kong tanong sa kanya.
Tamad siyang nag-angat ng tingin sa akin habang nakataas din ang kilay. He doesn’t look like interested in my question.
“Para kumportable ka. Don’t worry, I’ll sleep here.” Aniya at naupo na sa mahabang sofa.
I pursed my lips as I look at him taking off his shoes. Parang nakaka-guilty namang kumportable akong natutulog sa kama habang siya na may-ari ay dito sa couch matutulog.
“D-do you have other r-room? I can sleep there instead.”
He took off his wrist watch and place it on the center table.
“Not available.” Iyon lang ang sabi niya. Nahiga na siya roon at ipinatong ang isang kamay sa ulo at saka pumikit.
“I can sleep on the couch.” Mahinang sabi ko. Kahit alam kong hindi ako magiging kumportable roon.
“You think I’ll allow that?” He asked while his eyes are close.
“Pero—-“
Dumilat siya at tumingin ng supladong tumingin sa akin. Tuluyan na akong hindi nakaimik dahil pakiramdam ko, magtatalo kami lalo.
“I’m offering you my room. Bakit mo pinoproblema kung saan ako matutulog?”
Napanganga ako sa sinabi niya but somehow, I was able to answer him.
“I-I just thought...t-that I’ll sleep in your bed comfortably pero ang may-ari, d-dito lang sa sofa.”
What the heck? Ba’t ako nauutal?
“Why? Will you allow me to sleep with you on the same bed?” He asked. His voice are already hoarse.
Kaso nang maproseso ng isip ko ang tanong niya, nalukot ang mukha sa iritasyon. He realized how I reacted to it. Instead of seeing him regretful, ngumisi pa siya.
“Stay in my room and sleep on my bed. Lock the door if that’s what make you feel safe. And don’t try to escape, bratinella. I will know.” He said coldly. Umayos na siya sa pagkakahiga at saka muling pumikit.
My lips rose in irritation. Kahit nakapikit na siya, I gave him a deathly glare. I even grimaced at him, makabawi man lang sa iritasyon ko sa kanya. Nang magsawa ako, I decided to go to his room na.
Kahit ang itsura ng kwarto niya, alam mong lalaki ang may-ari. Actually, his place can describe him; dark and cold.
I smirked. Bakit ko ba iniisip ‘to? He’s like an older brother to me. Mas matanda pa nga siya kay Kuya Apollo. Kaya dapat lang na tratuhin ko rin siyang parang nakakatandang kapatid ko.
I shouldn’t put anything on every single thing he does for me.
Nakahiga na ako sa kanyang maluwang na kama. Nag-iisip. It’s past midnight already. Sa tingin ko, hindi pa nalalaman nila Kuya Apollo na wala ako ngayon sa bahay. He just know that I’m in my room, sleeping soundly.
Ang hindi nila alam, dito ako dinala ng matinding galit ko dahil sa nalaman.
Sabagay, so what if Mommy will not be coming back to me? I’m grown up now! Kaya ko naman na siguro kahit walang inang kumakalinga sa akin. Isa pa, I maybe mad to Kuya Apollo for trying to hide all these things to me but I know that he cares a lot for me.
Binalot ko ang aking sarili sa kumot. Amoy ko ang panlalaking pabango ni Andrew. Nanunuot ang amoy no’n sa ilong ko. Kung tutuusin, dahil kaamoy niya ang kama at kumot na narito, pakiramdam ko, katabi ko lang siya ngayon.
I glanced at the door. Saka ko lang naisip na hindi ko pa pala iyon nai-lock. He told me to lock it, though. If that’s what makes me feel safe.
Nagdalawang-isip ako kung babangon pa ako para i-lock iyon. I’m dead tired already. Gusto ko na lamang matulog dahil sa tindi ng pagod ko. Idagdag pa na medyo makirot pa ang kaliwang bahagi ng katawan ko dahil sa pagkakabalandra namin sa parking area.
He saved me. Inisip niya pa rin ang kapakanan ko.
Sa huli, pumikit na lang ako. I feel safe in him. Dahilkung hindi, wala sana ako ngayon dito sa kanya.
Nagising ako mula sa mga boses na nagtatalo sa labas ng kwarto. May nag-aaway ba sa labas o galing lang sa TV ang ingay.
Tuluyang nagising ang ulirat ko nang makarinig ako ng kalabog ng ilang gamit sa labas. Oh boy, I think it’s real!
“Where the hell is she?! Christine!!” Sigaw ng isang pamilyar na boses lalaki.
Gulat akong bumangon sa kama at agad na tinungo ang pintuan. Mariin ang hawak ko sa door knob. Hindi ko alam kung lalabas na ba ako ro’n o ila-lock na lang ang pinto.
Nagwawala si Kuya Apollo sa labas.
“Calm down, Apollo. Lalo siyang matatakot sa inaasal mo!”
Napatda ako sa narinig. It’s Andrew. But...how did my brother know that I am here? Did he tell him?
I gritted my teeth. Of course! Siya lang naman ang nakakaalam na nandito ako.
Inilapit ko ang tainga ko sa pintuan. Wala na akong naririnig na nag-uusap. Nasaan na sila? Umalis na lang bigla?
Hindi ako makapagdesisyon kung lalabas na ba ako o hihintaying may tumawag sa akin dito sa kwarto. At aaminin ko, natatakot akong harapin ngayon ang galit ni Kuya Apollo. He never yelled at me. And hearing him shouting while looking for me now, pakiramdam ko, gusto ko na lang magtago rito sa loob ng kwarto.
Napatalon ako sa gulat nang makarinig ako ng sunud-sunod na mahihinang katok. Sino na ngayon ‘to? Kuya Apollo? Andrew?
“Kith...” tawag niya sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag nang makilala ko kung sino ‘yon.
Pero...bubuksan ko ba?
He knocked again. This time, it’s louder than the first.
“Christine?” And knocked again.
I felt alarmed when his knocks became heavier and demanding. Binalutan ako ng kaba kahit na alam kong si Andrew naman iyon. Pero...paano kung kasama niya na pala si Kuya?
“Damn it!” Nahampas niya ng minsan ang pintuan at dinig kong palayo ang mga yabag niya roon.
Bumalik ako sa kama at nagtukbong. Tama! Magpapanggap na lang akong tulog para may rason ako kung bakit hindi ko agad siya napagbuksan ng pintuan.
I calmed myself. I forced myself to breath normally and get rid the nervousness that’s enveloping my whole system. Dahil kung hindi, mabubuko niya ako.
I closed my eyes when I heared the clanking of keys. Sigurado akong bubukas na ang pintuan anumang oras. Kaya hinanda ko na rin ang sarili ko sa pagkukunwaring tulog ako.
And when he entered the room abruptly, narinig ko na naman siyang nagmura. But this time, he whispered his unending curses in the air.
Narinig ko pa ang malalalim niyang paghinga. Why? What is he thinking? Na tumakas ako?
Bakit? Does he care for me?
I stopped myself from thinking impossible things. Siyempre. I was with him the whole time. Responsibilidad niya ako. Kaya kung makakawala ako sa kanya ngayon, paniguradong siya ang babalikan ng pamilya ko.
Naramdaman kong lumundo ang kama. Abut-abot ang kaba ko pero hindi ko iyon ipinahalata. Ayokong bigyan siya ng ideyang nagpapanggap lang ako na tulog.
“Kith...” tapik niya sa braso ko.
Didilat na ba ako agad? Or...hindi ko alam! I should have thought about executing my pretensions a while back!
Inayos niya ang buhok kong sumabog sa harap ng aking mukha. Inipit niya iyon sa aking tainga. My breath hitched when he did that. And the warm touch of his fingers from my skin made me moved a bit.
Para akong napaso. O nakuryente. I don’t know which one I felt. Or maybe...pareho.
He withdrew his hands from my hair. It was my signal to open my eyes gently. Parang bagong gising. I have to do this properly so I won’t be caught.
Una kong nakita ang kanyang mukha. He looked tired kahit bagong gising siya. The dark circles below his eyes are evidence of lack of sleep. His hair is dishelved, too. Mukhang hindi nga talaga siya nakatulog ng maayos sa sofa.
I gotta myself a grip. Tuluyan na akong naupo sa kama. Ang kanang kamay niya ay nakatukod sa kaliwang bahagi ng katawan ko habang matamang nakatanaw sa akin. I gulped. Hindi ko maiwasang kabahan sa mga titig niya. I avoided his stared but I can’t keep myself be tamed.
“How’s your sleep?” He asked. Hindi pa rin natatanggal ang titig niya sa akin.
Tumango ako, never minding the fast beating of my crazy heart.
“I had a good sleep.” I answered.
He sighed. Para siyang nagpipigil. His stares are different. Hindi naman siya ganito kung makipag-usap sa iba. I’ve seen him talking to his secretary, to our housemaids, and to Mona. But he never looked at them the way he look at me.
Or am I just fooling myself because I know that there’s something unexplainable feeling that’s brewing in me, too?
“I cooked our breakfast. Hindi ko alam ang gusto mo kaya kung ayaw mo ang niluto ko, you can tell me so I can cook what you like.”
I smiled a bit. Should I ask him about Kuya Apollo? Pero baka mahalata niyang alam kong nandito rin siya ngayon.
“And...” he placed the loose strands of my hair at the back of my ear. “I have to bring you home now. Your brother is furious when he knew what you did. Baka...mapatay ako no’n kapag hindi pa kita inuwi sa inyo.” He chuckled.
Tiningnan ko siya. Mata sa mata. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob pero sa mga oras na iyon, gusto ko lang talaga siyang tingnan ng ganito kalapit. Dahil alam ko...aalis na ako. Hindi ko rin alam kung bakit ako nakakaramdam ng pagkadismaya pero...being with him, somehow made me felt comfortable.
Tumayo na siya at saka inilahad ang kamay sa akin.
“Let’s go.” He said.
I looked at his hand. Nagtagal ang tingin ko roon. Hindi niya iyon binawi. Instead, he extended it more.
Inilipat ko ang tingin sa kanya. I saw a ghost of smile at the side of his lips.
Marahan kong inangat ang kamay ko para tanggapin iyon. At nang tuluyan na niyang magagap iyon, I looked at him again.
He smiled. And at that moment, it cleared my thoughts for him but at the same time, I’m stuck.