CHAPTER 18

2249 Words
Kithin I went to school the following day because we still have a morning class. Nagbaon na rin ako ng damit para makapagpalit ako mamayang hapon. Of course, I won't wear my school uniform! It's a date! Gusto kong magdamit at mag-ayos na babagay sa kanya. He's mature so I have to look mature, too. After our morning class, nag-kanya-kanya ng magyaya ang mga classmates ko. Ang iba, sa computer shops para maglaro ng online games. Ang iba naman ay nagkayayaan kumain somewhere sa mall. Pero ako, excited na sa pagkikita namin mamaya. I decided to change my clothes in the nearby café. Doon na lang din siguro ako makikipagkita kay Andrew. Someone might see me going somewhere at baka mamaya'y isumbong pa ako kay Manong Rene. Though, I already to told him to pick me up at five in the afternoon. Kaya marami kaming oras ni Andrew para mamasyal. I fixed all my things and hurriedly went outside. Lakad-takbo na nga ang ginagawa ko dahil ang sabi ni Andrew ay malapit na siya. The last text he sent to me was he's on his way near the cafeteria, too. Kaya mas lalo akong nagmadali. Hindi ko na inalintana ang pagod ko sa paglalakad. I got long, slender legs kaya mahaba ang bawat hakbang ko. It was such a relief in my part when I arrived first at the cafeteria. Agad akong dumiretso sa comfort room at tinungo ang pinakadulong bahagi ng cubicle. I changed my clothes and wore the dress that Kuya Apollo bought me. Ito iyong wrapped dress na pinag-awayan namin sa department store! It looks perfectly good to me. Hindi nakahantad ang ilang bahagi ng katawan ko but the fabric fitted in my body beautifully. Nag wedge na lang ako bilang pansapin sa paa. Naglagay na rin ako ng kaunting face powder at lip gloss. Hindi na ako gumagamit ng eye glasses because I prefer contact lenses now. I don't need to put some blush on and tints because my lips and cheeks are naturally pink. Kaunting suklay lang sa maalon kong buhok at kaunting pasada ko pa sa aking sarili, lumabas na ako ng comfort room nang masigurado kong maayos na ang itsura ko. Pumila ako sa counter para um-order ng ice coffee. Pansin ko ang pagsulyap ng ibang tao sa akin habang nakapila. I got conscious because of that but I stayed lining up and stood there like no one's watching me. "One iced coffee, please..." mahinang sabi ko sa babaeng nasa counter. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. That must be Andrew. But since my attention now is in my order, mamaya ko na lang siguro iyon babasahin. The girl punched my order in the POS. I added a slice of strawberry shortcake on my order because I felt my tummy rumbling. If I will not going to eat now, baka manghina ang katawan ko. "Three hundred and eighty pesos po lahat, Miss." sabi sa akin ng kahera. I nodded and unzipped my bag to get my wallet. Una kong binuksan ang pinakamalaking bahagi ng bag ko pero hindi ko iyon nakita roon. Sinubukan kong hanapin iyon sa side pockets, maging sa front pocket nito pero binundol na ako ng kaba nang hindi ko mahanap iyon doon! I started to get worried when I can't find my wallet inside my bag! Medyo nagtatagal na ako sa pila at awkward na ang sitwasyon ko. My orders are already completed, too. Babayaran ko na lang. I tried to search it again once more but to my dismay, I found nothing. Where could it be? Naroon pa naman ang mga cards ko at ang monthly allowance na bigay sa akin ni Papa. "Uh, miss, can I cancel my order? Nawawala kasi ang wallet ko." Nag-aalalang sabi ko sa kanya. Mukha na rin siyang namomroblema dahil sa reaksyon niya sa sinabi ko. She became impatient talking to me, reason why she scolded me a bit. "Hindi pwede, Miss. Completed na ang order mo. Icha-charge ng management ang order mo kapag hindi mo ito binayaran." Aniya. Ramdam ko na ang iritasyon sa boses niya. Dumagdag ang guilt sa nararamdaman kong kaba. I suddenly felt restless. Bigla akong natuliro at hindi na malaman ang gagawin. I suddenly remembered that I haven't seen my wallet this morning! Kahit sa school, hindi ko maalalang inilabas ko iyon dahil hindi rin pala ako nakapag-meryenda sa morning break namin. Baka naiwan ko sa bahay! Napalunok ako. What should I do? Pwede kayang iwan ko na lang ang phone ko bilang pambayad? But that's totally insane! Mas mahal pa ang value ng cellphone ko kesa sa in-order kong pagkain. Before I try to talk to the cashier again, naramdaman ko ang presensya ng isang tao sa kanang bahagi ng katawan ko. "I'll pay for it," aniya at naglapag ng isang libo sa counter. "Keep the change. Pakibalot na rin dahil aalis na kami." Dagdag niyang sabi sa babae. His voice was deep and full of authority. Seryoso siya at parang hindi tatanggap ng pagtanggi. Nakita ko ang mabilis na pag-iiba ng reaksyon ng babae. I bet she became intimidated to Andrew. Ako man ay bahagyang nagulat din pero hindi ko na iyon masyadong pinagtuunan ng pansin dahil mas nakuha ng atensyon ko ang pag-akbay niya sa aking balikat. Narinig ko rin ang ilang bulungan ng mga babaeng naroon. Ganunpaman, hindi nakatakas sa pandinig kong si Andrew ang pinag-uusapan nila. "Is that Andrew Ortega?” Dinig kong sabi ng isang babae na nasa kabilang pila. “He is! Sino ‘yong kasama niya? New fling?” “I don’t think so. The girl looks way younger than him. Baka kamag-anak?” I don’t know but my I felt a pang of hurt in my chest. Hindi ba ako bagay sa kanya? Am I not the kind of girl he would date? Mukha talagang kamay-anak? For some reasons, totoo naman ang sinasabi nila dahil masyado pa nga akong bata para sa kasama ko. Wait for me to mature a little longer! Sigurado akong kapag tumuntong ako ng eighteen, I’ll be more beautiful than his past girls! Saka…fling? I know that for sure because I had a piece of knowledge of his reputation to other girls but why am I affected now? Bakit ngayon lang? Alam ko naman iyon noon pa pero bakit parang mabigat ang loob ko nang marinig ko iyon sa ibang tao? Hindi ko maintindihan! Pati itong nararamdaman ko, hindi ko alam kung paano ko itatrato! Wala sa sariling hinatak niya na ako palabas ng café na iyon. Natulala ako sa iniisip ko kanina i spaced out. Nang tuluyan na kaming makapasok sa kotse niya, agad niyang tinanong sa akin ang nangyari. “Are you okay?” He asked worriedly. Nilingon ko siya. Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa. Tila naghahanap ng mali sa akin. I noticed that he’s not in his corporate attire. Hindi siya mukhang galing sa trabaho. Though, he looked handsome in his suit and tie, bagay din naman pala sa kanya kung casual lang ang suot niya. Tumango ako. “I am. I-I’m sorry about that. Hindi ko mahanap ang wallet ko sa bag.” “You misplaced it?” Pilit kong inalala kung saan ko huling nakita iyon pero walang pumapasok sa isip ko. “I’m not sure.” He moved closer, na dahilan para matigil ako sandali sa pag-iisip. I remain my body unmoved because we’re so close to each other. Kaunting galaw lang ng ulo ko, tatama na iyon sa kanyang mukha. I smelled his expensive manly perfume and also, his minty breath that fanned on my skin. Nanuot iyon sa ilong ko. Ang bangu-bango niya! “A-Andrew,” nauutal na tawag ko sa kanya. My heart flustered more when he answered me. “Don’t move.” Aniya. Sinunod ko ang sinabi niya. I closed my eyes as I tried my best not to move as much as I can. Hindi rin ako naglakas loob na magsalita pa. I held the hem of my dress firmly to stop myself to do another stupid thing. Naramdaman ko na lang ang paglayo niya sa akin. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Then I heard the clicking of buckle belt beside me. “There…” he sighed. I am trying my best to calm myself. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Parang sasabog sa loob ng katawan ko. “W-Where are we going?” Pinaandar niya na ang sasakyan matapos niyang magsuot ng seatbelt. “Actually…” nilingon niya. “I don’t have a—where do you wanna go?” He asked me back instead. “Well, wala na akong masyadong alam na pasyalan dito kundi sa mga malls lang dahil matagal din kaming nanirahan sa abroad. Do you have any idea?” “I have something in my mind but you might get bored. Teens like you prefer malling ang shopping.” Ngumuso ako. Well, I enjoy strolling in the mall and shopping, of course. He’s giving me an option but I wanted to know his idea, too. “Saan ba?” I asked. “It’s an eco park. Medyo malayo rito but the view is nice. Refreshing din, hindi katulad sa ibang—-“ “Let’s go, then!” I said excitedly. He glanced at me while smirking. “You sure? It’s your call anyway—-“ “No! I want to go somewhere else. Puro na lang sa malls ako namamasyal. Gusto ko rin makarating sa ibang lugar.” Sagot ko. Isa pa, inaalala ko rin na kung sa mga nearby malls lang kami pupunta, baka may makakita at makakilala sa amin katulad nang nangyari kanina sa cafeteria. At least, kung lalayo kami ng kaunti, I can be more comfortable being with him kahit nasa pampublikong lugar kami. Niyaya niya muna akong mag-lunch sa isang restaurant. Doon ko na rin kinain ang binili kong cake at iced coffee. Isang oras din ang naging byahe namin. Sa entrance pa lang, kitang-kita ko na ang matatayog na puno sa paligid. I didn’t know that there’s a forest park here in the metro! Tama nga ang sabi niya, it’s refreshing! After he talked to someone and look for somewhere to park the car, nagsimula na kaming maglibut-libot sa parke. Ang gaganda ng mga halaman! The landscapes were perfect for pictorials. May nakita pa nga kaming nagpo-photoshoot sa kabilang banda. May horse back riding rin akong nakita at ziplines! The place is perfect for nature tripping! “This is going to be fun!” Wala sa sariling naibulalas ko. We strolled anywhere. Minsan ay nagpi-picture din kami pero pansin kong ayaw niyang kinukuhanan ko siya ng litrato. Siya ang naging tourist guide sa aming dalawa. Kabisado niya ang lugar. Minsan ay nagku-kwento pa siya ng mga bagay tungkol rito habang mataman lang akong nakikinig sa kanya. Malaki ang lugar na ito kung tutuusin pero hindi ko ramdam ang pagod. Mas nag-eenjoy ako ngayon. Mas masaya ako ngayon. We were just resting in one of the benches beside the old large tree. Ilang oras din kaming nag-ikot ikot sa lugar. Nang marelax ang mga paa ko, doon ko lang naramdaman ang pagod. But, I don’t mind. As long as I am with him, ayos lang. Iniisa-isa ko ang mga pictures na kinuhanan namin pareho kanina. Lahat ng kuha niya ay puro ako. Kaunti lang ‘yong mga views saka sa landscape. Pati sa butterfly haven, puro ako rin. Wala kaming litrato na magkasama, o iyong kahit solo lang niya. Umusog ako ng kaunti sa kinauupuan niya. I felt him moved a bit but I managed to rest my back on his left side. Mabilis kong inilagay sa camera mode ang cellphone at iminuwestra iyon sa harap namin. “Drew, let’s have a selfie,” ani ko. “Huh?” “Picture tayo!” I pouted. He chuckled and shook his head. “Hindi ako sanay sa mga ganyan, eh.” “Kapag ako ang kasama mo, dapat masanay ka. Kaya…dali na!” Nakangiting sabi ko. He bit his lip and finally nodded. Inayos ko pa ang pagkakasandal ko sa kanya at nagsimulang kumuha ng litrato. I was all smiles in every pictures I take but his face remained blank. “Come on, smile!” Tunog nagmamaktol kong sabi. He chuckled. “Fine.” Ang huling litratong kinuhanan ko ay tipid siyang nakangiti habang nakasandal ang ulo niya sa aking balikat. I was pouting in humor while I cringed my nose. This is my favorite photo now. Nang magsawa ako sa kakakuha ng litrato ay napasandal lang ulit ako sa kinauupuan namin. Pareho kaming tahimik. Nagpapahinga. But the silence between us is comforting. “This is nice…” wala sa sariling sabi ko bago ko siya nilingon. Tumango siya. His eyes are glued straight at the overlooking sight of the landacapes. “It is.” Itinuon kong muli ang mga mata sa paligid. It’s almost sunset…tanaw ko na ang nangungulay kahel na langit. I’m sure, any minute from now, magyayaya na siyang umuwi na. My heart tugged heavily when I felt Andrew’s large hand trailing to mine. He wants us to hold hands. Agad ko siyang nilingon pero ang mga mata niya’y nakatuon pa rin sa nakaka-in love na paligid. Hindi ako kumontra. I actually let him do that. I wanted to hold him, too. “I’ve never been so happy like this…” he said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD