Chapter 9

2933 Words
Chapter 9 Drixx's POV Masaya kong pinagmasdan ang maamo niyang mukha. Napakainosente nitong tingnan habang mahimbing na natutulog sa aking kama. Pagkatapos nitong kumain ay minabuti niyang mahiga sandali. Hinayaan ko lamang ito sa gusto nitong gawin. Natutuwa ako dahil naging komportable ito sa aking condo. Hindi siguro nito napigilan ang sarili na hindi makatulog. Sinipat ko rin ang mga braso at binti nito kung may galos ito pero wala naman akong nakita. Bahagya lang namumula ang leeg nito. Fuck! Hindi ko ito mapapalampas. Nirerespeto ko ang babaeng ito pero gan'on na lang lapastanganin ng manyak na matandang iyon. I already contacted Kuya Thread. Kaibigan siya ni Kuya Lucas na dati naming kapitbahay sa exclusive subdivision kung saan nakatira ang mga magulang ko. Kapag may problema naman daw ay maaari siyang lapitan. Sigurado ako bukas na bukas ay nasa kulungan na ang manyak na matandang iyon. Gumalaw ito ng bahagya. Bawat kilos nito ay hindi nakakaligtas sa paningin ko. I am staring at her for almost two hours. Iyon lang muna ang kaya kong gawin. Hanggat maaari ay ayaw ko lumapit kung saan siya natutulog. Nasa sofa lang ako at mataman itong tinititigan. Pinipigilan ko ang sarili na may magawa ako sa kan'ya. Ayaw ko mawalan ng tiwala sa akin si Tatay Mike. Bumalik sa isipan ko kung paano ko siya unang nakita. Buong akala ko ay lalaki siya dahil ang suot niya ay panglalaking kasuotan at may sumbrero pa siya kaya laking gulat ko ng matanggal ang suot niyang sumbrero at tumambad sa akin ang maamo niyang mukha. Mahaba rin ang buhok niya na bumagay naman sa kan'ya. Ang buong akala ko ay hindi ko na siya makikita ngunit nagkamali ako. Dahil nakita ko siyang tumatawid sa pedestrian lane. Pinakatitigan ko pa siya kung siya nga iyon. Napakaganda niya sa kanyang suot na uniform. Bagay na bagay iyon sa kan'ya. Hindi ako nagdalawang isip na bumaba ng sasakyan para tukuyin kung siya nga iyon. Hindi nga ako nagkamali. Tuwang-tuwa ako ng makita kong muli ang maamo niyang mukha. Simula ng araw na iyon ay sinabi ko sa sarili ko na hindi ako titigil na kilalanin siya. Nakipagkaibigan ako sa kan'ya pero nadismaya ako ng pilit siyang naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa. She was 18 years old pero hindi ko maramdaman na 9 years ang agwat ng edad ko sa kan'ya. Lalo akong humanga sa kan'ya ng malaman kong hindi lang iisa ang trabaho niya. Dagdag pa nito ay isa rin siyang estudyante. Hindi ko lubos maisip kung paano niya nagagawang pagsabayin ang trabaho sa umaga at sa gabi dahil nag-aaral din siya. Akala ko ay ayos lang ang makipagkaibigan sa kan'ya ngunit nakaramdam ako ng inggit kay Bart. She's comparing me to Bart. Si Bart na matagal na niyang kilala samantalang ako na kailan lang niya nakilala. Matagal akong hindi nagpakita sa kan'ya pero hindi ko pala siya kayang tiisin. She's always driving me crazy. Pumunta ako sa bahay nila kahit wala siya. Kinausap ko ang tatay niya. I confess my feelings to her father. Humingi ako ng basbas kay Tatay Mike. That was my first time na ginawa ko ang bagay na iyon kaya sobrang kabado ako. Ang akala ko ay hindi ako pahihintulutan ng ama niya ngunit sobra akong natuwa ng pumayag siya sa aking gusto. Isa lang ang pakiusap niya, ang respetuhin ko ang anak niya at hintayin kong makapagtapos ng pag-aaral. Sumang-ayon ako dahil kahit sa ganoong paraan na lang ay makasama ko si Mierve. Kinausap ko rin ang kapatid niya. Wala akong nakitang pagtutol kay Mandy. Sumang-ayon agad ito. Nang araw din iyon ay nagyaya uminom ang manyak nilang kapitbahay. Hindi ako tumanggi dahil gusto ko rin na makapalagayan ng loob ang mga kapitbahay nito. Sanay na rin ako pinagtitinginan ng mga tao. Iyon ang naranasan ko ng pumunta ako sa lugar nito. Nalasing ako ng araw na iyon. Tuwang-tuwa ako na inaasikaso niya ako. Well, hindi ako nagkamali ng babaeng pinaglaanan ng aking puso. Gusto ko matawa sa kan'ya ng punasan niya ako sa katawan na nakapikit ang isa niyang mata at bahagyang nakadilat ang isa. Napakainosente niya. Sinabi ko sa sarili na maghihintay ako. Hihintayin ko ang araw na nasa tamang edad na siya. 18 for me is still too young. Akala ko maayos na sa amin ang lahat. Pero parang may kung anong bagay na tumusok sa aking dibdib ng makita ko silang magkayakap ni Bart. Pakiramdam ko ay umasa lang ako sa wala. Gusto ko saktan si Bart ng araw na iyon ngunit pumasok si Tatay Mike sa loob ng bahay. May respeto ako sa tatay niya kaya hindi ko iyon tinuloy. Kahit labag sa loob ko ay umalis na lang ako pero hindi ko akalain na sumunod pala siya. Hindi ko alam kong narinig nga ba niya pero ang mama ko ang kausap ko. Pumunta ako sa bahay nila ng araw na nakita kong magkayakap sila ni Bart para sunduin sana siya dahil gusto ko siya ipakilala sa magulang ko at the same time ay dalawin ang puntod ng aking nakababatang kapatid. It was my sister second death anniversary pero iba ang nadatnan ko. She was trying to explain pero hindi ko siya pinakinggan. Bagkus ay nagbitaw pa ako ng salita na ako rin naman pala ang masasaktan sa bandang huli. Halos hindi ako nakatulog sa kaiisip sa kan'ya. Siya lang ang namumukod tanging nag pawindang sa buhay ko. Ilang linggo lang naman akong hindi nagpakita sa kan'ya at dahil ako lang nagpapahirap sa ginagawa ko ay hindi ko siya natiis. Pinuntahan ko siya sa school kung saan siya pumapasok. Iyon din ang university na pinasukan ko noon kasama ng mga kaibigan ko. Inaabangan ko siyang lumabas dahil may nakapagsabi sa akin na nasa library daw siya. Pero dahil kilala ako sa campus ay hindi maiwasang pagkumpulan ako ng mga estudyante partikular ng mga babae. Paano pa kaya kung kasama ko ang tatlo ko pang kaibigan. Panigurado ako ay hindi ko na siya malalapitan. Tinawag ko siya ng makita kong naglalakad siya palabas ng campus pero patuloy lang siya sa paglalakad. Marahil hindi niya ako narinig pero nagtaka ako ng tumakbo pa siya. Hinabol ko siya. Nang maabutan ko naman siya ay mabilis kong hinarang ang sarili sa daanan niya. Natawa ako ng sinabi niyang para akong kabute which is true. Kung saan-saan ako sumusulpot dahil sa kan'ya. I thought magiging okay na ang lahat. Pero nagkamali ako. Noong gabing dapat ay susunduin ko siya ay dumaan muna ako sa bahay nila. Gusto ko siyang ipagpaalam kay Tatay Mike. Pero nagulat ako ng dumating doon ang kaibigan niyang si Sandra. Hindi niya ako agad pinaalis. Until it happened, she confess her feelings for me. I don't like Sandra. There is something weird behind her beautiful face. When I said I don't like her and I have a girlfriend, I didn't expect what she did next. Saka ko napatunayan na may kakaiba nga sa kan'ya. She forced to kissed me. Iyon ang naabutang tagpo ni Mierve. Naitulak ko si Sandra. Nagpaliwanag ako sa kan'ya pero mas hindi ko inasahan ang ginawa niya sa akin. She slapped me. Ang mga sumunod niyang sinabi ang hindi ko matanggap. Ang sabihin niya na masaya siya ng wala ako. Nasaktan ako sa sinabi niya. Mabigat ang paa at laglag ang balikat na nilisan ko ang lugar nila. Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Dahil hiningi ko ang number niya kay Mandy ay tinawagan ko siya. Noong una ay hindi pa niya sinasagot. Nang marinig ko ang tinig niya ay umurong ang dila ko. Gusto ko magsalita ngunit kinain ako ng takot. Takot na baka tuluyan na niya akong alisin sa buhay niya. Napangiti ako ng marinig ko ang music na pinapatugtog niya. Simula ng mabanggit niya na kanta iyong sinabi ko sa kan'ya ay hinanap ko pa iyon sa YouTube. Naging paborito ko na ang kantang iyon. Ngunit nakaramdam ako ng lungkot ng maalala kong muli ang sinabi niya. Kahit gusto ko pa marinig ang boses niya ay tinapos ko na ang tawag. Simula niyon ay hindi ako nagpakita sa kan'ya. Pero araw-araw ako nakasubaybay sa kanya. Dumating pa sa punto na kailangan ko pa pakiusapan ang tatlo kong kaibigan na puntahan siya sa grocery kung saan siya nagtatrabaho. Nandoon ako pero hindi ako bumaba ng sasakyan. Gusto ko matawa sa mga pinagbibili nila sa loob ng grocery. Sinabihan pa akong duwag ni Syke which is true. Maging sa coffee shop ay pinapunta ko ang mga kaibigan ko. Wala silang magagawa kun'di ang sundin ako lalo na si Haru at Zick. Isa ako sa mga tumutulong sa kanila para hanapin ang mga long lost love nila na kahit hindi nila aminin ay nararamdaman ko iyon. Pagkatapos ng trabaho nila ay pinaalis ko sila kahit puro sila reklamo. Tatawagin ko lang daw sila kapag may kailangan ako. Wala naman ako magagawa dahil pare-pareho kaming busy sa mga kompanya namin. Until she came out to that shop. Gusto ko bumaba at sugurin siya ng yakap. I saw loneliness in her eyes at hindi ko alam kung para saan iyon. Hindi nakaligtas sa mata ko ng tumingala siya sa kalangitan. Nakita ko sa gilid ng mata niya ang mumunting kislap na kalauna'y naglandas ng tuluyan sa pisngi niya. Fuck! I hate seeing her crying. Dahan-dahan ko siyang sinundan gamit ang aking sasakyan ng maglakad siya. Then she stopped. Muli ko na naman nakita kong paano niya punasan ang kaniyang pisngi. Why is she crying? Hanggang sa sumakay na siya sa pampasaherong sasakyan. Nang marating ang lugar nila ay nag-alangan pa akong bumaba. Gusto ko siyang kausapin. Ang ginawa ko na lang ay tinawagan ko siya. Pero nakakailang ring na ay hindi pa rin siya sumasagot. Minabuti ko na lang ang puntahan siya. Matagal ko na dapat itong ginawa pero naduwag lang ako. Nasa madilim na bahagi ako ng eskinita ng may marinig akong umiiyak. Kinabahan ako. Then I saw that f*****g maniac touching my woman. Kahit madilim doon ay nabanaag ko kung sino ang tao sa madilim na sulok. May bahagyang liwanag na tumatama sa sulok na iyon. Hindi ko kinaya ang nakikita ko lalo na at umiiyak ang babaeng pinakaiingatan ko. Kung hindi lang niya ako hinawakan ay baka napatay ko na ang matandang manyak na iyon. Fucking bastard! Hindi na siya sisikatan ng araw sa bahay nila. Muli siyang kumilos. Gusto ko na siyang lapitan pero kailangan ko magpigil. This is not the right time. I will keep my promises to Tatay Mike. Tumayo ako at tinungo ang kusina. Natutuyuan na ako ng laway sa lalamunan. Matagal na panahon pa ang titiisin ko. Kakayanin ko h'wag lang mawala ang tiwala niya sa akin. Malapit na maghating-gabi. I already texted her father. Mabuti na lang at may tiwala rin sa akin si Tatay Mike at ayaw ko rin masira iyon kahit pa hindi na ako makapagpigil. "f**k!" bulalas ko at napasabunot ako sa aking buhok. Muli akong lumagok ng tubig. Sa kan'ya lang ako naging ganito. Siya rin ang dahilan kung bakit ako nagbago. I'm a type of a guy na palaging gimik ang nasa utak pero ng dumating siya ay naglaho ang lahat ng iyon. Kahit mga kaibigan ko ay nagtaka ng tumatanggi ako kapag niyayaya nila ako. Hindi nila ako masisisi dahil sila ay ganoon din. Nagbago sila ng dahil sa babae maliban lang kay Syke. Hindi pa yata ito nakakahanap ng katapat. "Drixx?" tawag sa akin ng malamyos na boses. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Pupungas-pungas pa siya ng sulyapan ko. Lumapit siya sa akin habang humihikab. Napaawang ang labi ko ng huminat pa siya sa harap ko. Kahit yata anong gawin niya ay napakaganda niya sa paningin ko. "Nauuhaw ako," she said. Wala na akong nagawa ng kunin niya ang baso na hawak ko. Nilagyan ko ito ng tubig. Bawat lagok niya ay parang musika sa aking pandinig. Humingi pa ulit siya ng tubig. Hindi nakaligtas sa mata ko ang paglinis niya ng natirang tubig sa kan'yang bibig gamit ang dila niya. Shit! Mamasa-masa pa ang labi niya. Dammit! Pinagmasdan ko ang labi niya. Pakiwari ko ay napakalambot niyon. Sigurado ako wala pang dumadampi doon. Napakaswerte ko kung gan'on. Matamis din siguro iyon. Fuck! Paano ako magpipigil kung ngayon pa lang ay hindi ko mapigilan ang mag-init. Mula sa labi ay tumaas ang tingin ko sa mata niya. Alanganin akong ngumiti sa kan'ya ng makita kong hindi maipinta ang mukha niya. Shit! Nakita yata niya kung paano ko pagnasaan ang labi niya. Tumaas ang isang kilay niya. She crossed her arms on her chest. "Anong iniisip mo, mister?" pagtataray nito. Lumawak naman ang pagkakangiti ko ng banggitin niya ang mister. Para iyong musika sa aking pandinig. Kalauna'y tumawa ako. "Anong nakakatawa?" tanong nitong muli. Lumapit ako sa kan'ya. Kitang-kita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Kung ano man ang iniisip niya ay hindi ko gagawin kahit hirap na hirap na ako. Hinawakan ko ang isang kamay niya at pinaikot ko siya na parang nagsasayaw. Nagsalubong ang kilay niya sa ginawa ko. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Napakaganda niya habang suot ang damit ko. Tamang-tama iyon sa kan'ya dahil matangkad din siya. Hanggang tuhod niya ang short ko at sakto lang din ang damit na suot niya. Baka nga tinadhana kami para sa isa't-Isa. "I like what you are wearing, Mier. It fits you," puri ko rito. Pagkasabi ko niyon ay dinala ko siya sa couch. Pinaupo ko siya doon. Kinuha ko sa drawer ang album ko. Gusto ko ipakilala sa kan'ya ang pamilya ko. Naupo ako sa tabi niya. Binuklat ko ang album at nilagay iyon sa kandungan niya. Ang nasa unahang bahagi ay picture ng pamilya ko. My Mom and Dad, me and my younger sister. Nakatayo ang magulang ko sa likod ng upuan kung saan kami nakaupo ng aking kapatid. Hawak ko ang kamay ng kapatid ko. I was 8 years old that time and my sister was 3 years old. Lahat kami nakangiti. Pinakilala ko sa kan'ya ang mga nasa picture na nandoon. Ultimo mga kamag-anak ng magulang ko ay pinakilala ko sa kan'ya. Natutuwa ako dahil ramdam ko na gusto na niya akong papasukin sa buhay niya katulad ng pagpapapasok ko sa kan'ya sa buhay ko. Siguro maghahanap rin ako ng tyempo para maipakilala ko siya sa magulang ko. "Ang cute naman ng kapatid mo. Sigurado ako Mahal na Mahal mo s'ya ano?" nakangiti nitong turan. May bumalot na lungkot sa akin ng banggitin niya ang aking kapatid. Wala pa siyang alam. "Sana makilala ko s'ya." Dugtong pa niya. "She died two years ago," mahina kong wika. Napansin kong natigilan siya. Inalis niya sa kan'yang kandungan ang album at nilagay iyon sa maliit na glass table na nasa harap namin. Hinawakan niya ang kamay ko. Nakita ko sa mga mata niya ang pakikisimpatya. "Sorry," sambit niya. Kalauna'y ngumiti siya sa akin. That smile makes me feel better. Kalauna'y sumimangot siya. "Hindi bagay sa'yo ang malungkot," sabi nito dahilan para mapangiti ako. Siya na yata ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsalikop iyon. "Ihahatid pa ba kita o dito ka na matutulog? Mukha naman komportable ka rito. Humihilik ka pa nga," biro ko. Napatakip siya sa bibig kasabay niyon ang panlalaki ng mata niya. Natawa ako sa hitsura niya. "Just kidding." Bawi ko. Hinampas niya ako sa braso. Ilang segundo lang ay binalot kami ng katahimikan. "Drixx," "Hmm?" Nilaro-laro ko ang bawat daliri niya. Gustong gusto ko iyong ginagawa. "Pasensya na kung itatanong ko, pero anong kinamatay ng kapatid mo?" tanong niyo. Tumigil ako sa ginagawa at muli kong pinagsalikop ang aming mga kamay. Sinandal ko ang aking likod sa sofa at humugot ako ng malalim na buntong-hininga. "She died in a car accident," dinig ko ang pagsinghap niya. "I was the one driving the car and she's with me. Where going home that night dahil galing kami sa birthday party ng pinsan namin. Then someone crossed. Hindi ko napansin ang papatawid na babae dahil naghaharutan kami ng kapatid ko. But the traffic light is 'Go' how does that lady cross when it's in go signal?" May pait sa boses kong sabi. After that night ay kinamuhian ko ang babaeng iyon. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko. Dahil sa pag-iwas ko sa kan'ya ay bumangga kami sa poste. Ugali ng kapatid ko na hindi magseat belt dahil alam niyang maingat ako magmaneho. Hindi rin ako lasing ng gabing iyon. Hindi ako umiinom lalo na at kasama ko ang kapatid ko. Dead on arrival ang kapatid ko. Samantalang ako ay na-commatose ng ilang buwan. Nagising ako ng binalita sa akin ng magulang ko na wala na ang kapatid ko. Hindi ko man lang siya nakita kahit sa huling sandali. Simula noon ay nagpaimbestiga ako. Ngunit hindi malinaw ang kuha sa CCTV dahil gabi. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na makikita ko siya. May mali sa ginawa niya. Hindi ko siya mapapakulong pero parurusahan ko siya. Naramdaman ko ang pagtanggal niya sa aking kamay. Tiningnan ko siya ngunit wala akong mabanaag na emosyon sa kan'yang mukha. "U-uwi na ako Drixx," garalgal niyang wika. Siguro ay hindi siya makapaniwala sa kwento ko. Tumayo na siya. Kinuha niya ang bag sa higaan. Nakahawak na siya sa seradora ng mabilis ko siyang niyakap. Naramdaman ko ang pamamasa ng aking balikat. She's crying. Mga babae nga naman, napaka-emotional. "I'm sorry," anas niya. Paulit-ulit niya iyong sinambit. Wala akong nagawa kundi ang yakapin lamang siya. Ipinangako ko sa sarili na huling beses ko na siyang makikitang umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD