Chapter 10

3109 Words
Chapter 10 Mierve's POV Nang marinig ko ang kwento ni Drixx ay hindi na ako nakatulog pagkarating ko sa bahay. Hindi na rin ako nakapasok sa grocery. Sa unang pagkakataon ay nagawa kong um-absent sa trabaho. Nang nasa sasakyan kami ay ito lang ang nagsasalita. Tahimik lamang akong nakikinig sa sinasabi niya. Masarap sana sa pakiramdam na habang nagmamaneho siya ay hawak niya ang aking kamay. Ngunit pinipigilan ko lang ang aking sarili na bawiin ito dahil ayaw na may isipin siya. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba kami ng tadhana. Sinadya ba na pagtagpuin kami para malaman niya ang katotohanan? Ang katotohanan na ako ang dahilan kung bakit nadisgrasya sila at namatay ang kapatid niya? Hindi ko na nagawang humarap sa kan'ya ng gabing hinatid niya ako. Tinawagan niya ako pero hindi ko ito sinasagot. Nag-text na lang ako sa kan'ya na matutulog na ako para hindi na siya tumawag pang muli. Ngunit tuluyan ng kumawala ang pinipigilan kong iyak ng sumagot siya sa mensahe ko. Drixx Yabang: I miss you every day, Mier. Sobrang nagpahirap sa akin ang text niyang iyon. Kinabukasan ay nagtaka si tatay dahil hindi pa ako nag-aasikaso para pumasok sa trabaho. Doon ay hindi ko napigilan ang umiyak sa harap niya at niyakap siya. Nag-alala ito sa inasal ko. Nagsimula akong magkwento sa kan'ya. Hindi rin ito makapaniwala sa narinig mula sa akin. Noong araw na naaksidente si Drixx at ang kapatid nito ay hindi ako umalis kung saan nangyari ang aksidente. Ako rin ang tumawag ng ambulansya. Fifteen years old lang ako noon kaya hindi ko alam ang gagawin. Umiiyak ako ng makita kong nasa stretcher ang dalawang taong nasa loob ng sasakyan habang buhat ng mga paramedics. Natakot ako noon. Simula ng araw na iyon ay parati na ako nagkakaroon ng masamang panaginip. Hindi ako pinatahimik ng konsesnya ko. Ang blurd na mukha ng lalaking palaging dumadalaw sa panaginip ko. Pinaparusahan niya ako sa paraang hindi ko lubos matanggap. Parati niyang isinisiksik sa utak ko na ako ang may kasalanan kaya dapat akong parusahan. Kaya kahit hirap kami noon ay pinatingin ako ni tatay sa phsychologist. Malaking tulong din sa akin iyon dahil hindi na ako dinadalaw sa panaginip ko ng lalaking iyon. Subalit hindi ko akalain na magtatagpo ang landas naming dalawa. Ngunit kahit pinagtagpo kami ay ito rin ang magiging dahilan para magkahiwalay kaming dalawa. Dahil gusto ko ng kausap at mahihingan ng payo ay nagkwento rin ako kay Bart at Sandra. Tulad ni tatay ay hindi rin amakapaniwala ang dalawa kong kaibigan na si Drixx ang naaksidente ng gabing iyon. Nang malaman nila ito ay nagsimulang mag-search si Sandra sa internet sa taon kung kailan nangyari ang aksidente. Totoo nga, internet na mismo ang nagsabi na may aksidenteng naganap ng taon na iyon. Dead on arrival ang kapatid niya at si Drixx ay commatose ng limang buwan. Ganoon kalala ang nangyaring aksidente sa kanila at dahil sa akin iyon. Doon ko rin nalaman na galing nga sa kilalang pamilya si Drixx. Anak siya ng isang business tycoon sa pilipinas. Marami silang pag-aari sa bansa at isa na doon ang Hotel and Restaurants at mga shopping mall sa bansa. Isa bilyonaryo si Drixx. Lalo akong nanlumo dahil wala nga talagang pag-asa ang tulad ko sa kan'ya. Nasa tuktok siya samantalang ako ay nasa lupa. Hindi maaaring magsama ang langit at ang lupa. Kaya kahit mahirap sa akin ay nagsimula na akong umiwas sa kan'ya. Kapag pumupunta siya sa bahay ay hindi ako nagpapakita. Ang tatay at ang kapatid ko ang palaging gumagawa ng dahilan. Kapag nasa trabaho naman ako ay palagi akong alerto. Lalo na sa shop dahil madalas siyang pumupunta doon. Pinapaubaya ko na rin sa mga katrabaho at sa manager ko ang pagdadahilan. Tinatanong nila kung bakit ako umiiwas kay Drixx pero tanging kibit-balikat lamang ang nagiging sagot ko. Bago rin ako lumalabas ng shop ay pinapasilip ko sa kasama ko kung may sasakyan bang nakahinto sa labas. Kapag sinabi nilang wala ay mabilis akong umaalis ng shop. Hindi ko na rin magawang mag-overtime. Ginagawa ko ang lahat ng paraan para iwasan siya. Sobra na akong nahihirapan sa ginagawa ko. "Anak, bakit hindi mo sabihin sa kan'ya ang totoo para hindi ka iwas ng iwas sa kanya ng gan'yan. Alam ko nahihirapan ka sa ginagawa mo pero mas doble ang hirap na nararanasan ni Drixx sa pag-iwas mo. Wala siyang ideya kung bakit palagi ang iwas mo sa kan'ya." Mahinahong paliwanag sa akin ni tatay. Kauuwi ko lang galing shop. Kasalukuyan akong kumakain ng lumabas si tatay sa kwarto niya. Umupo siya sa harap ko at mataman niya akong tinitigan. Pakiwari ko ay binabasa ni tatay ang nasa isip ko. Tinapos ko na rin ang pagkain. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Hindi ko po kayang humarap sa kan'ya, tay. Natatakot ako na magalit siya sa'kin. Hindi ko po kaya iyon. Ayoko magalit siya sa akin," sabi ko na hindi na iwasan na gumaralgal ang boses ko. Dinig ko rin ang pagbitaw ng buntong-hininga ni tatay. "Walang lihim na hindi nabubunyag, anak," mahinang turan ni tatay saka tumayo. Nabahala naman ako sa sinabi ni tatay. Pero nagdesisyon na ako na bago nito matuklasan ang totoo ay hindi na ako nito makikita. Nagsimula na itong humakbang ngunit kalauna'y huminto ito. "Si Kanor nga pala dinampot ng mga pulis noong araw na hindi ka pumasok sa trabaho." Nang marinig ko iyon sa aking ama ay tumayo ako at binalingan ko siya. "T-talaga po?" hindi ko makapaniwalang wika. Hindi alam ng aking ama ang nangyari ng gabing iyon. Minabuti ko ng hindi sabihin dahil baka sumugod lang ang tatay ko sa bahay ni Mang Kanor. Ayoko rin na maiskandalo ang pamilya namin. Kaya pala hindi ko na napapansin kahit anino ng matandang manyak na 'yon. Mabuti nga sa kan'ya ng hindi na siya makapamirwisyo sa lugar namin. Hindi ko alam kung may kinalaman si Drixx sa pagdampot kay Mang Kanor pero nagpapasalamat na rin ako sa kan'ya. Bago ko tinungo ang kwarto ay nagligpit muna ako ng aking pinagkainan. Si tatay naman ay bumalik na sa kwarto niya. Nasa sala na ako ng mapaigtad ako sa lakas ng kulog. Napakagat ako sa aking labi. Ang pinakaayaw ko kapag umuulan. Sa lugar namin kapag umulan ay nag-iiwan ito ng perwisyo sa daan dahil puro putik ang madadaanan namin. Papasok na sana ako sa kwarto ng marinig kong tumunog ang aking cellphone. Sinilip ko kung sino ang tumatawag. Hindi ako nakagalaw ng makita ko ang pangalan niya sa screen. Nanatili lang akong nakatitig sa screen ng aking cellphone. Tumigil ito ngunit kalauna'y muli siyang tumatawag. Hinayaan ko lang itong tumunog. Kakayanin kong hindi sagutin ang tawag niya. Papasok na sana ako sa kwarto ng muling kumulog ng malakas. Dahil sa gulat ay hindi ko napansin na napindot ko ang answered button. Nakagat ko ang ibabang labi dahil nasagot ko ito. Dahan-dahan kong nilagay sa aking tenga ang hawak na cellphone. "I know you're there. Akala mo ba hindi ko napapansin na iniiwasan mo ako. Why, Mier? Why?" may lungkot sa boses na sabi nito. Hindi ako sumagot. Papatayin ko na sana ang end button ng marinig ko muli siyang nagsalita. "Alam ko nasa loob ka. Please, mag-usap tayo. Nasa labas ako ng bahay ninyo." Muntik na akong mapasinghap ng marinig ko ang sinabi niya. Paano pa ako iiwas kung nasa labas siya ng bahay? "U-umuwi ka na, Drixx. Kanina pa kumukulog. Baka maabutan ka ng ulan," bagkus ay sabi ko. Nag-aalala ako dahil baka maulanan ito. Isa pa, hindi ko rin siya kayang harapin. "Uuwi lang ako kapag kinausap mo na ako. I want an explanation, Mier. May ginawa ba akong hindi mo nagustuhan? Kung mayroon man, I'm sorry. I didn't meant to hurt you. Please, kausapin mo ako." Ramdam ko ang sinseredad sa boses nito. Gusto ko na siya pagbuksan ng pinto pero pinigilan ko lang ang aking sarili. Hindi na ako sumagot bagkus ay pinatay ko na ang tawag. Lalo lang akong mahihirapan kapag pinakinggan ko pa ang mga sasabihin niya. Hindi siya makakatiis ay aalis din siya. Pumasok na ako sa kwarto. Pahiga na sana ako ng matigilan ako. Unti-unting pumapatak ang maliliit na butil sa aming bubungan hanggang bumuhos ang malakas na ulan kasabay niyon ang pagkulog ng malakas. Mabilis akong lumabas ng kwarto para sana silipin si Drixx sa labas pero kalauna'y umatras din ako. Kailangan ko na itong panindigan. Sana maintindihan niya ako. Tinungo ko ang kwarto ni tatay. Kinatok ko ito. Nang nakailang katok na ako ay saka lumabas si tatay. "Bakit, anak?" tanong nito. "Tay, si Drixx po nasa labas. Kausapin n'yo po na umuwi na. Malakas po ang ulan, baka magkasakit siya," natataranta kong turan kay tatay. Mabilis naman niyang tinungo ang pintuan. Nang binuksan niya iyon ay nagtago ako sa likod ng pintuan. "Drixx, basang basa ka na!" sambit ni tatay na bahagyang nilakasan ang boses dahil sa lakas ng ulan. "Tay Mike, gusto ko po makausap si Mier. Gusto ko lang po malinawan kung bakit niya ako iniiwasan!" sagot naman ni Drixx. Nakikiusap angt tono ng boses nito. "Umuwi ka na Drixx. Saka na kayo mag-usap kapag maayos na ang lahat!" I bit my lower lip. Paano magiging maayos ang lahat kung hindi pa niya alam na ako ang dahilan ng pagkawala ng kapatid niya? "Gusto ko po s'ya makausap, Tay Mike. Please, nakikiusap po ako," muling pakiusap nito. Bahagyang ring humina ang boses nito. Kumikirot ang puso ko sa mga naririnig ko. Unti-unti ko nararamdaman ang pangingilid ng aking luha sa aking mata. Sumasakit ang aking lalamunan na parang may bumara rito. "Sige na, Drixx. I-respeto mo na lang ang gusto mangyari ng anak ko. Hintayin mo na siya ang unang kumausap sa'yo. Sige na, umuwi ka na at baka magkasakit ka pa niyan sa ginagawa mo." Pagkasabi ni tatay niyon ay sinara na niya ang pintuan. Nag-aalalang tumingin sa akin si tatay. "Mier, sige uuwi ako pero hindi ako titigil na puntahan ka. Kukulitin kita kahit magalit ka sa'kin. I miss you so much, Mier. Hinding hindi kita susukuan." Sa sinabi niya ay tuluyan na naglandas ang aking luha sa mata. Kung pwede ko rin sana sabihin sa kan'ya na miss na miss ko na rin siya. Hinintay kong muli siyang magsalita ngunit wala na akong narinig na boses mula sa labas. Marahil ay umalis na siya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakinig siya sa tatay ko. Sinulyapan ko si tatay na mataman nakatitig sa akin. "T-tay…" garalgal kong wika. Hindi ko napigilan yakapin si tatay ng ibuka niya ang kan'yang dalawang braso. Ipinaparating nito na yakapin ko siya. Napahagulhol ako ng iyak na sumugod ako ng yakap sa kan'ya. Kay tatay lang ako nakakahinga. Pero sa pagkakataong ito, kahit yumakap ako sa kan'ya ay walang nagbago sa nararamdaman ko. Naninikip ang dibdib ko na para itong pinipilipit sa sakit. Hindi ito ang gusto kong mangyari sa amin ni Drixx pero tila mapaglaro ang tadhana sa aming dalawa. Kinabukasan ay maaga akong pumasok kahit na namumugto ang mga mata ko. Mabuti na lamang at hindi ito pinuna ng mga kasama ko sa trabaho. Pagkatapos ko sa trabaho ay didiretso sana ako kay Bart bago ako dumiretso sa shop. Nakapagpaalam na rin ako sa manager ko. Noong una ay ayaw ako payagan ng manager ko ngunit kalauna'y sumang-ayon rin ito. Igagalang daw nito ang desisyon ko. Bago ako natulog kagabi ay maraming beses kong pinag-isipan ang isang desisyon. Sa desisyong ito ay marami akong kailangang isakripisyo. Si Bart din ang makakatulong sa akin at tatanawin kong isang malaking utang na loob ito sa kanya. Ngunit isang pamilyar na mukha ang aking nakita sa labas ng grocery. Hindi ko ito pinansin dahil tiningnan lang naman niya ako. Siya iyong isa sa tatlong lalaki na pinagkaguluhan ng nakaraang araw sa loob ng grocery. Siya rin ang lalaki na pinagkaitan yata ng ngiti sa labi. "Drixx needs you," natigilan ako sa sinabi nito. So, kaibigan pala niya si Drixx. Kaya pala nakapagtataka na ang katulad nila ay mapadaan sa grocery. Hindi rin coincidence ang makita ko sila sa coffee shop. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Puputulin ko na kung ano man ang ugnayan naming dalawa. "He's sick." Dugtong nito. Tumigil ako sa paghakbang. Pumihit ako paharap sa kan'ya. Ang tipo niya ang hindi marunong magbiro. "N-nasaan s'ya?" bagkus ay tanong ko. Kitang-kita ko kung paano nawala ang linya sa pagkakakunot ng noo nito. Umaliwalas rin ang mukha nito. Sumama ako sa kan'ya. Dinala niya ako sa condo ni Drixx. Hindi na siya pumasok sa unit ng kaibigan niya dahil hindi naman daw siya kailangan doon. Bago ako pumasok ay humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga. Pinihit ko ang pinto. Ang kasama ko na rin ang nagbukas nito para sa akin. May code kasi iyon. Hindi ko pala natanong ang pangalan niya. Pero hindi ko na siguro pag-aaksayahan ng panahon dahil buo na ang desisyon ko. Nang pumasok ako sa unit niya ay wala akong narinig na ingay kahit kaluskos. Ang sabi ng nagdala sa akin dito ay may sakit si Drixx. Tinungo ko ang kwarto nito. Nang buksan ko iyon ay nakahiga ito sa kama nito at nakatalukbong ng kumot. Sigurado naman ako na siya iyon. Hindi naman siguro ako magagawang lokohin ng gwapong lalaking iyon. Hindi ito gumagalaw. Marahil ay tulog siya. Marahan akong lumapit sa kinaroroonan nito at pinakatitigan ko itp. Tumigil ang paghinga ko ng bahagya itong kumilos. Tinanggal nito ang nakatalukbong na kumot sa kan'yang parte ng ulo saka nagpakawala ng bahagyang ungol. Para lamang itong bata na natutulog. Ang kalmado ng mukha nito. Gusto ko haplusin ang gwapo nitong mukha. Napaatras ako ng makita ko siyang nagmulat ng mata. "M-Mier," sambit nito na tila nahirapan magsalita. Umatras ako ng akma niya akong hahawakan. "W-What are you doing here?" tanong nito saka bumangon ngunit kalauna'y humigang muli. Muli itong nagtalukbong ng kumot. Nagtaka naman ako sa sinabi nito. Ibig sabihin ay hindi nito alam na pupunta ako. Napansin kong nanginginig ito Lumapit ako sa kan'ya para hawakan siya. Nakagat ko ang ibabang labi ng dumampi ang palad ko sa noo niya. Napakainit niya. Nilalagnat siya. Mabilis akong nagtungo sa kan'yang kusina para kumuha ng maligamgam na tubig at plangganita. Pagkatapos ay naghalungkat ako sa closet niya para maghanap ng bimpo. Nakahanap naman ako at sinimulan ko na siyang punasan. Noong una ay ayaw pa sana niya dahil nahihiya raw siya pero kalauna'y hindi na siya tumutol. Hindi ako makapag-focus sa ginagawa ko dahil alam ko nakatitig siya sa akin kahit hindi ko siya sulyapan. Naninibago ako dahil hindi siya madaldal. Hinahayaan lang niya ako sa ginagawa ko. Pagkatapos ko siya punasan ay kumuha ako ng damit sa closet niya para makapagpalit siya. Lumabas muna ako ng kwarto niya para itapon ang ginamit na tubig. Nakialam na rin ako sa kusina niya. May nakita akong noodles kaya iyon na ang niluto ko para pagpawisan na rin siya. Naghanap rin ako ng gamot. Mabilis ko naman itong nakita. Siguro naman ay tapos na siya magbihis. Pumasok akong muli sa kwarto niya dala ang noodles na niluto ko. Nilagay ko iyon sa bedside table. Pinaupo ko siya. Bago ko siya subuan ay hinipan ko muna ang noodles. Pinaubos ko sa kan'ya ang noodles kahit ayaw na niya. Pinilit ko siyang ubusin ito. Pagkatapos ay pinainom ko na siya ng gamot. Humiga siyang muli pagkatapos kinain. "Thanks, Mier," anito sa mahinang boses. Hindi ko ito sinagot bagkus ay niligpit ko na ang pinagkainan niya. Tatayo na sana ako ng hawakan niya ako sa kamay. "Stay, please." Pakiusap nito. Pinakatitigan ko siya. Gusto ko haplusin ang mukha nito sa huling pagkakataon. Gamit ang isang kamay ay marahan kong hinaplos ang mukha niya. Gusto ko i-rehistro sa utak ko ang bawat detalye ng mukha nito dahil hindi ko na ito makikita pang muli. Napapikit naman ito sa aking ginawa. "Drixx, masaya akong nakilala kita. Isa ka sa nagpakulay ng mundo ko," sambit ko at bahagyang gumaralgal ang boses ko. Nagmulat siya ng mata. Nababanaag ko sa mga mata niya ang pagtataka. "Why? Is there something bothering you? Tell me, aayusin ko." Hindi ko na napigilan ang paglandas ng aking luha. Kahit hirap siyang umupo ay ginawa niya iyon at niyakap ako. "I told you, umiyak ka lang kapag masaya ka. I hate seeing you crying, Mier." Paano ko sasabihin sa kan'ya na ako ang naging dahilan ng pagkawala ng kapatid niya? "Hinding hindi kita makakalimutan, Drixx. Pinaramdam mo sa'kin kung gaano ako ka-espesyal. Mami-miss ko ang ngiti at tawa mo. Ang kayabangan at kapreskohan mo," sabi ko. Dinig ko ang mahina niyang tawa sa huli kong sinabi. "Higit sa lahat ang Drixx na nakilala ko. Mami-miss kita ng sobra, Drixx." Hanggang sa hindi ko na napigilan ang humagulgol. Marahan naman niyang hinagod ang likod ko. "Bakit mo sinasabi 'yan? Aalis ka ba?" tanong niya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Pinunasan niya ang luha sa aking mukha. Umiling ako. "Magpapahinga lang ako, Drixx," sagot ko at hinawakan ko ang kamay niya. "Sana mapatawad mo ako." Pagkasabi ko nito ay tumayo na ako. Hawak pa rin niya ang kamay ko. "Gusto ko palagi kang masaya, Mier. Gusto ko palaging nakikita ang ngiti sa mga labi mo. Gusto kong nakikita ang maamo mong mukha. Ang makilala ka ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Hindi kompleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita." Puno ng sinseredad na wika nito. Muli na naman naglandas ang luha ko. "I never felt this before, Mier." Pinilit kong hilahin sa kan'ya ang kamay ko. "Magpahinga ka na, Drixx," sabi ko ng hindi siya sinusulyapan. "Hindi ka aalis 'di ba?" tanong niya. I bit my lower lip. "Stay, Mier." Pakiusap nito. Binawi ko na ang kamay sa kan'ya. Binalingan ko siya at ngumiti. Umiling ako. Sumilay ang ngiti sa kan'yang labi na hindi ko na makikita pang muli. Ang makita siyang nakangiti ay babaunin ko hanggang sa aking paglayo. "Patawarin mo ako, Drixx. Ito lang ang tanging paraan para hindi na tayo magtagpo pang muli. Ang lumayo sa'yo. Babaunin ko ang lahat ng masasayang alaala kasama ka." Anang bahagi ng utak ko. Hinintay ko siyang makatulog. Nang makatulog na siya ay pinakatitigan ko muna ang gwapo niyang mukha. Marahan ang pagtaas baba ng kan'yang dibdib. Senyales ito na mahimbing na siyang natutulog. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking labi. Nilapit ko ang mukha sa kan'ya. Dinampian ko siya ng halik sa labi. Siya ang first kiss ko. Bago ako umalis ay muli ko siyang sinulyapan. Kasabay ng pagpatak ng aking luha ang pamamaalam sa kan'ya. "Paalam, Drixx. Mami-miss kita ng sobra." And my tears fell down again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD