Chapter 6
Mierve's POV
"D-Drixx?" sambit ko at mabilis akong kumalas sa pagkakayakap ni Bart.
Sa gilid ng mata ko ay nakatingin ito sa akin. Marahil nagtaka ito kung bakit ko iyon ginawa. Pero wala na akong pakialam doon. Nakatuon kasi ang aking atensyon sa nagbabagang tingin ni Drixx na pinupukol sa kaibigan ko.
Nagpalipat-lipat ang mata nito sa akin at kay Bart. Nagtatanong ang mga mata nito.
Hindi nakaligtas sa mata ko ang tagisan ng mga bagang nito kasabay ang mariing pagkuyom ng dalawang kamao nito. Nakipagtitigan ito kay Bart. Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda.
Nabahala ako ng humakbang siya papalapit sa kinatatayuan namin ni Bart ngunit kalauna'y huminto rin siya ng mapansin niyang pumasok sa loob si tatay.
"Oh, nandito ka rin pala Drixx," sambit ni tatay na hindi alintana ang tensyon sa loob.
"Anak, kumain ka na ba? Drixx, Bart, halina kayong dalawa at sumabay na kayong mag-almusal sa amin." Yaya ni tatay sa dalawa. Napangiwi naman ako sa tinuran ni tatay. Kung alam lang nito ang nangyayari sa loob.
"Aalis na po ako," malamig na wika ni Drixx.
Sinulyapan ko ito ngunit hindi ko masalubong ang mata nito. Umiiwas ito na magtama ang aking mga mata. Kalauna'y tumalikod na ito sa amin.
"Pero kararating mo lang, Drixx. Aalis ka na agad?" takang tanong naman ni tatay.
Sinulyapan kong muli si Drixx. Pumihit itong muli paharap kay tatay. Pilit itong ngumiti sa harap ni tatay.
"May aasikasuhin pa po kasi ako. Sige po aalis na ako." Pagkawika niyang iyon ay nilisan na nito ang aming tahanan. Kagat naman ang ibabang labi na nakatitig ako kung saan siya lumabas.
"May problema ba, Mierve?" tanong ni tatay.
Hindi ko na nagawang sagutin si tatay dahil mabilis akong lumabas para habulin si Drixx ngunit may humawak naman sa kamay ko para matigilan ako sa paghakbang.
Sinulyapan ko kung sino ang pumigil sa akin. Ang nagtatakang mukha ni Bart ang aking nakita.
"B-Bart, kailangan ko habulin si Drixx," sambit ko sa kan'ya habang tinatanggal ko ang kamay ko na hawak niya ngunit lalo lang itong humigpit.
"Bakit, Erve? May gusto ka ba sa kanya?" sambit nito na ikinatigil ko sa pagpupumiglas sa pagkakahawak niya.
Nakipagtitigan ako sa kan'ya. Pero wala ako panahon na sagutin siya. kapagkuwa'y marahas kong hinila ang aking kamay na hawak niya at tinakbo ko ang palabas ng kanto.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang nakatayo sa harap ng sasakyan niya.
Kahit nakatingin sa kan'ya ang mga tao na nandoon ay wala na akong pakialam. Ang mahalaga ay malapitan ko siya at makapagpaliwanag. Alam ko kung ano nasa isip niya ng makita niya kaming magkayakap ni Bart. Ayaw ko na may isipin siya na kung ano. Gusto ko malinawan ang isip niya.
"Yeah, I'm coming. I missed you too… I love you, bye." Sa narinig ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Para akong nauupos na kandila mula sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang sinabi niyo.
Hindi na ako makagalaw sa kintatayuan ko. Sinubukan kong humakbang paatras. Matagumpay ko naman itong nagawa. Tumalikod ako sa kan'ya. Sapat na rin ang narinig ko.
May kung anong kumislot sa puso ko. Nakagat ko ang aking ibabang labi kasabay ng paghapdi ng aking mata. Naramdaman ko ang pagbara sa aking lalamunan. Sumakit iyon na hindi ko mawari.
"Mier?" hindi ko na nagawang humakbang pang muli. Parang gusto ko na lang kainin ako ng lupa.
Huminga ako ng malalim. Lumunok ako para mawala ang bara sa aking lalamunan. Pumihit ako paharap sa kan'ya na nakangiti kahit pa pilit iyon.
Salubong naman ang kilay niya ng sulyapan ko. Blangko ang kan'yang mukha habang nakapamulsa siyang nakaharap sa akin. Tumaas ang isang kilay niya. Parang umurong yata ang dila ko.
"May sasabihin ka ba?" malamig nitong tanonh.
Naramdaman kong muli ang pagkislot ng aking puso sa tanong niya. Nasaktan ako sa pagiging pormal niya sa harap ko.
Napaisip tuloy ako. Ano nga ba ang sasabihin ko sa kan'ya? Bakit kailangan ko magpaliwanag sa kan'ya? Para ko lang pinahiya ang sarili ko kapag ginawa ko iyon.
"U-umalis ka kasi agad. B-bakit?" tanong ko na lang. Hindi ako sigurado kung nahatala niya ang pag-garalgal ng boses ko.
Kumunot ang noo nito ngunit nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Hinintay ko siyang magsalita ngunit ilang segudo na ang nakalipas ay hindi ko narinig ang boses niya.
"D-Drixx, 'yong kanina kasi ano, nagkasagutan kami ni Bart… tapos," sabi ko na hirap na hirap ako kung paano ko sisimulan.
Paano ko ba ipapaliwanag?
Ngunit nanlumo ako ng tinalikuran niya ako. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan pero hindi ito agad pumasok.
"You don't have to explain, Mier. I realized na hindi ko kayang pantayan si Bart sa'yo," turan nito na hindi ako sinusulyapan.
Unti-unti nangilid ang luha sa aking mata. Kumurap-kurap ako dahil baka pumihit siya paharap ay hindi ko mapigilan na tumulo ang aking luha.
"No wonder na mas matimbang siya kaysa sa akin. Sino ba naman ako hindi ba? I'm just your new friend. Hindi mo pa nga ako pinagkakatiwalaan eh," sabi nito na bahagyang humina ang boses. Bakas sa boses nito ang lungkot.
Pumasok na ito ng sasakyan at agad na pinaharurot paalis sa lugar namin. Mabigat ang mga paa at laglag ang balikat na bumalik ako sa bahay. Nakita ko pa naghihintay si Bart sa labas. Tumayo ito agad ng makita ako.
"Erve," sambit nito. Mapait naman akong ngumiti sa harap niya.
"Mali ka ng iniisip, Bart. Pasensya ka na kung nakalimutan kita." Malungkot kong wika.
Pagkatapos ko ito sabihin ay tinalikuran ko na siya at humakbang na ako para pumasok sa loob.
Malapit na ako sa pintuan ng hawakan ako sa kamay ni Bart at pinihit ako paharap saka mabilis akong niyakap ng mahigpit.
Hindi ko napigilan kumawala ang kanina ko pa pinipigilan na luha.
"I-I'm sorry, Bart. Nasaktan kita. Hindi ko sinasadya," anas ko sa gitna ng pag-iyak.
Kung makikita man ako ng kapatid at tatay ko ngayon na umiiyak ay maiintindihan nila kung ano ang nararamdaman ko. Malalaman nila kahit hindi ko sabihin.
"Naiintindihan ko, Erve. Handa akong masaktan para sa'yo. Akin ka na lang, hindi kita paiiyakin, promise." Puno ng sinseredad na sabi ni Bart.
Sa sinabi nito ay humagulgol na ako ng iyak. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kan'ya. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon. Sobra akong nalulungkot at nasasaktan na hindi ko mawari.
Sa mga nakalipas na araw ay hindi ko na nakita pang muli si Drixx. Tinanggap ko na rin sa sarili ko na hindi nabibilang si Drixx sa amin. Malayo ang agwat namin sa isa't-isa.
Inaamin ko na-mi-miss ko ang presensya niya pero ayaw ko ng umasa na magkikita pa kaming muli. Iba ang antas ng pamumuhay ni Drixx sa kinagisnan ko. Siguro napagisip-isip na rin niya na hindi ang katulad ko ang nararapat niyang kaibiganin.
Malapit ng matapos ang buwan. Busy na rin ako dahil matatapos na rin ang first semester. Maya't maya ang mga project na pinapagawa sa amin. Before end of the semester dapat maipasa na rin ang lahat ng iyon.
Naging abala kami ni Sandra. May mga tinatanong siya sa akin tungkol kay Drixx pero sinasabi ko na lang na hindi ko alam at wala na akong balita.
Pakiwari ko ay may gusto si Sandra kay Drixx. Kung magkagayon man ay masaya ako para sa kan'ya. Mas bagay naman sila ni Drixx dahil pareho sila na may sinasabi sa buhay.
Pilit ko na lang rin iwinawaksi ang kirot na nararamdaman ng aking puso. Lalo pa at paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak ko ang sinabi niya sa kausap niya sa cellphone.
Bumalik na rin kami sa dati ni Bart. May pagkakataon na naiilang na ako sa presensya niya pero hindi ko na lang iyon pinapahalata. Ayaw ko isipin niya na nagbago ako sa kan'ya. Siya pa rin ang kaibigan ko. Tumatak kasi sa utak ko ang huli niyang sinabi.
Madalas pa rin naman dumadalaw sa bahay si Bart katulad ng nakagawian nito. May pagkakataon nga lang talaga na hindi na siya makatingin ng deretso sa akin. Pero kapag may ganoong awkward moments sa pagitan naming dalawa ay ako ang nauunang kumuha ng atensyon niya.
Kasalukuyan kaming nasa library ni Sandra. May mga tinatapos pa kami na dapat namin tapusin. Last week na ng pasok namin. Last week na rin ng deadline ng mga research at project. Mabuti na lamang at hindi na ganoon karami ang gagawin.
Nang matapos kami sa ginagawa ay lumabas na kami ng library. Niyayaya niya akong lumabas ngunit tumanggi ako. Mas gusto ko pa ang umuwi na lang kaysa ang lumabas pa.
Humiwalay na ako sa kan'ya. Uuwi na kasi ako. Dadaanan ko rin si tatay sa pwesto niya kung saan siya nagtitinda.
Napansin ko na may nagtatakbuhang mga estudyante. Karamihan ay babae. Halata sa mga boses ng mga ito ang kilig base na rin paraan ng tili ng mga ito.
"Anong mayr'on?" bulong ko.
Pinagwalang-bahala ko na lamang ang kaguluhang iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit kalauna'y huminto ako dahil tila narinig ko ang pagtawag sa aking pangalan.
Wala naman ibang tumatawag sa akin ng ganoon. Muli ko na naman naramdaman ang pamilyar na pagkabog sa aking dibdib.
Matagal na rin iyon ng huli ko maramdaman. Simula ng huli naming paguusap.
Nagpalinga-linga ako. Hindi naman mahagilap ng aking mata kung nasaan ang tumawag sa akin. Ang tanging nakita ko lang ay mga kakabaihan na nagkukumpulan na abala sa pakikipagsiksikan sa kung sino man ang pinagkakaguluhan ng mga ito.
Pinagtitripan lang yata ako ng aking pandinig. Kung anu-ano ang naririnig ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Mier!" muli kong narinig ang pangalan ko ngunit hindi ko na iyon pinansin.
Mabilis akong naglakad dahil pakiramdam ko ay minumulto na yata ako. Lakad takbo ang ginawa ko. Mabilis naman akong nakalabas ng campus.
Hanggat maaari ay ayaw ko nang marinig ang boses nito. Pati ba naman dito ay sinusundan ako ng boses niya? Tama na, huwag na sana ako paglaruan ng aking imahinasyon.
Nilakad ko ang daan patungo sa pwesto ni tatay. Nakiusap na rin ako sa manager ko sa coffee shop na hindi muna ako papasok dahil marami akong hinahabol na projects. Babawi na lang ako kapag wala ng pasok.
Sa grocery naman ay araw-araw ako may pasok. Walang paltos iyon. Kahit off ko ay pinasukan ko. Binabawi ko na wala akong pasok sa shop.
Napaigtad ako ng may sunod-sunod na bumusina sa likuran ko. Hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin dahil marami naman ako kasabay sa paglalakad. Baka isa sa mga kasabay ko ang binusinahan ng sasakyan.
Isang kamay ang humawak sa aking braso na nagpahinto sa aking paglalakad. Nilingon ko kung sino iyon. Ang naghahabol sa paghinga at pawisan na si Drixx ang nabungaran ko.
"Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin," anas nito sa gitna ng paghingal.
"Tinakbuhan mo pa ako." Dugtong pa nito.
Pinunasan nito ang mumunting butil sa noo nito. May tumulo din na pawis sa gilid ng sintido nito. Ibig palang sabihin ay hindi ako pinaglalaruan ng imahinasyon ko. Totoong boses nito ang narinig ko.
Bumuga ito ng hangin. Tiningnan ko ang kamay nitong nakahawak sa aking braso. Marahas ko itong tinanggal at walang salitang tinalikuran ko ito.
"Mier!" tawag nitong muli sa akin pero nagpatuloy ako sa paglalakad.
Ano ba problema niya at basta basta na lang siya sumusulpot sa harap ko? Kapag gusto niya magpakita ay saka lang siya magpapakita sa akin.
Humarang siya sa daanan ko. Sa laki niyang tao ay hirap akong makaalis sa harap niya.
"Mier, please, let's talk. I have something to tell you," pakiusap nito ngunit hindi ko siya sinagot.
Naghanap ako ng paraan para makalusot sa kan'ya ngunit hindi ko siya matakasan. Nainis na ako sa kan'ya kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Drixx, pwede ba, h'wag mo na akong guluhin. Nanahimik na ako. Umalis ka na." Pagtataboy ko rito.
Bumalik ako kung saan ako galing. Baka sakali doon ay may madaanan ako pauwi. Ngunit sadyang pinanganak yata si Drixx na makulit. Muli niyang hinarang ang sarili sa daanan ko.
"Mabuti ka pa nananahimik na. How about me? Hindi ako matahimik sa kaiisip sa'yo," sambit nito dahilan para matigilan ako sa sinabi niya.
Hindi ko alam kung dapat ba ako maniwala sa sinasabi niya. Sasaktan ko na naman ang sarili ko kapag naniwala ako.
"Look, hindi naging maganda ang huli nating pag-uusap. I'm sorry, I want to talk to you, Mier. Please, mag-usap tayo." Muli nitong pakiusap sa akin at hinawakan nito ako sa aking kamay
Pagbibigyan ko ba siya? Baka kasi umasa na naman ako na dapat ay hindi ko naman maramdaman. Kaibigan lang ang binibigay niya sa akin. Nag-i-expect kasi ako na hindi lang basta kaibigan ang gusto niya. Mapaka-asyumera ko kasing babae.
"Bakit ba para kang kabute, kung saan saan ka sumusulpot?" Sermon ko rito dahilan para tumawa ito.
"So, pwede na tayo mag-usap?"
"Nag-uusap na tayo," mataray kong sagot.
"Ang taray naman ng Mier ko," nakangiting sabi nito.
Para na naman akong lumutang sa alapaap ng sinabi niya iyon. Anong ibig sabihin niya ng 'Mier ko?'
Hinawi nito ang buhok ko. Inipit nito ang takas kong buhok sa aking tenga.
"I miss you, Mier," sambit nito.
Napaawang na naman ang labi ko dahil sa sinabi nito.
"D-Drixx,"
Waka na akong nagawa ng kinuha niya ang bag ko at ang dala kong mga libro. Hawak ang kamay ko ay sabay namin tinungo ang sasakyan nito.
Pinasok muna niya sa back seat ang mga gamit ko at pagkatapos ay binuksan niya ang pinto ng front seat. Inalalayan niya akong makapasok sa loob. Nilagay pa niya ang kanyang kamay sa aking ulo para hindi ako mauntog. Sweet si Drixx pero mas lalo pa yata siya naging sweet sa akin ngayon.
"Pupuntahan ba natin si Tatay Mike?" tanong nito. Tumango lamang ako bilang tugon.
Nang marating namin ang pwesto ni tatay ay tuwang-tuwa ito ng makita si Drixx. Pakiwari ko ay may pinag-usapan ito at si Drixx na hindi ko alam dahil iba ang pakikitungo nito kay Drixx. Hindi naman siya ganito kay Bart.
Gusto sana tulungan ni Drixx si tatay ngunit tumanggi ito. Kaunti na lamang daw iyon at mamaya ay uuwi na siya. Hindi na rin nagpumilit pa si Drixx. Minabuti na lang niya na ihatid na ako sa bahay.
Pagdating sa bahay ay naghihintay na roon si Mandy. Natuwa rin ito ng makita si Drixx. Nagtaka naman ako sa kinilos nito dahil pareho sila ni tatay na tila sabik na makita si Drixx.
Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Nakaupo si Drixx at Mandy na hinihintay akong lumabas. Hindi ko pinansin ang mga ito.
Patungo ng sana ako ng kusina nang magsalita si Mandy.
"Kuya Drixx, mabuti naman at hindi mo natiis si ate. Alam mo bang mainit lagi ang ulo niyan simula ng hindi ka na nagpapakita," saad ni Mandy na ikinalaki ng mata ko. Pinanlakihan ko naman ng mata ang magaling kong kapatid.
"Hoy! Umayos ka Mandy sa sinsabi mo ha. Alam mong hindi totoo 'yan," sita ko sa kapatid.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Drixx. Sinulyapan ko ito. I saw longingness in his eyes kung tama nga ang nakikita ko.Matagal kaming dalawang hindi nagkita. Napansin ko rin ang pangingitim sa ilalim ng mata niya. Hindi ba siya nakakatulog ng maayos?
"Pwede ba ate, dapat lang din malaman ni kuya na umi--"
"Mandy!" putol ko sa sasabihin pa nito. Kahit kailan talaga ay walang preno ng bibig nito. Ang sarap lagyan ng busal ang bibig nitong matabil.
Hindi na dapat pa malaman ni Drixx iyon. Baka kung ano pa ang isipin nito. Tinikom naman ng kapatid ko ang sarilig bibig.
Hindi ko na nagawa pa ang sulyapan si Drixx. Tinungo ko na ang kusina para magluto. Mamaya ay nandito na si tatay. Gusto ko pagdating niya ay kakain na lang siya.
"Is it true that you cried?" tanong nito dahilan para tumigil ako sa paghihiwa ng sibuyas. Pag-alis talaga ni Drixx sasabunutan ko ang magaling kong kapatid.
Sinulyapan ko ito. Ang tingin nito na naghihintay ng sagot ko. Alanganin akong ngumiti sa kan'ya.
"Emotional talaga ako. Mababaw ang luha at kaligayahan ko," dahilan ko. Sana lang ay maniwala siya sa sinabi ko.
Tinuon kong muli ang atensyon sa ginagawa.
"I'm sorry, Mier. f**k. I hate my self," usal nito. Muli ko siyang sinulyapan.
Bakit naman siya magagalit sa sarili niya?
Lumapit siya sa akin. Tumigil na naman sa pagtibok ang puso ko ng hinaplos niya ng marahan ang mukha ko.
"Don't cry, Mier. I don't wanna see you crying," pakiusap nito sa akin.
Pagkatapos niya iyon sabihin ay niyakap niya ako. Muntik ko pa mabitawan ang hawak kong kutsilyo. Nilapag ko na lamang iyon sa mesa at baka madaplisan ko pa siya. Gumanti ako ng yakap sa kan'ya. Sobra kong na-miss ang lalaking ito.
"Iniisip mo ba na umiyak ako dahil sa'yo? Pwede ba, h'wag kang assuming." Dahilan ko rito. Kalauna'y pareho kaming tumawa.
"Maipapangako mo ba sa akin na hindi ka na iiyak?" tanong nito sa malambing na boses.
"Hindi ko maipapangako. Sabi ko naman sa'yo na mababaw ang luha ko," tugon ko.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan nito ang baba ko. Sa tangkad nito ay kailangan ko pa itong tingalain.
"Sa susunod na iiyak ka dapat iyak na ng kasiyahan," nakangiti nitong turan. Tumango na lamang ako bilang tugon kahit hindi ako sigurado kung matutupad ko nga ang sinabi nito.
Nanatili lang siyang nakatitig sa akin ng hindi binibitawan ang aking baba. Hanggang sa hinaplos niyang muli ang aking mukha.
"Mabuti na lang at nakilala kita, Mier. Nagkaroon ng katuturan ang buhay ko. I never felt this before. Ikaw ang nagpabago ng buhay ko. Hindi kita kayang tiisin. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko sa ginagawa ko." Puno ng sensiredad na sabi nito.
Kinuha niya ang isang kamay ko at nilagay niya iyon sa tapat ng kanyang dibdib. Naramdaman ko ang mabilis na t***k ng puso niya sa paglapat ng aking palad. Sa ginawa niya ay bumilis na naman ang t***k ng puso ko.
"D-Drixx," anas ko.
"I can't help my self thingking about you, Mier. Araw-araw kitang na-mi-miss. I miss your smile, your pagtataray," seryoso nitong wika. Napangiti naman ako sa sinabi nito. Mataray talaga?
"I think I'm-"
"Hi Drixx!" sabay kami napalingon sa nagsalita. Si Sandra na abot tenga ang ngiti.
Mabilis kong hinila ang kamay ko na nakalapat sa dibdib nito at bahagyang lumayo sa kan'ya.
Ngayong nandito na si Sandra ay naglaho ang lahat ng pag-asa ko na baka pareho kami ng nararamdaman ni Drixx.
Gusto ko makabawi sa kaibigan ko. Kahit hindi sabihin ni Sandra na gusto niya si Drixx ay nararamdaman ko iyon dahil babae rin ako.
Sa naisip ay parang hindi ko kayang tuparin ang pangako ko kay Drixx na hindi umiyak.