Chapter 5

3240 Words
Chapter 5 Mierve's POV Ala-tres na ng madaling araw ay nagre-research pa rin ako. Mabuti na lamang at natapat na naman iyon ng martes. Makakatulog ako ng mahimbing. Hindi na rin ako mahihirapan matulog dahil 'yong nagpapahirap sa akin matulog sa gabi ay nasa kabilang kawarto lamang. Hindi na nito nagawang umuwi. Dito na lang daw siya magpapalipas ng gabi na ikinatuwa ko naman. Syempre, hindi ko pinahalata dahil baka magbuhat na naman ito ng sariling bangko. Iyon din naman ang suhestyon ni tatay. Si tatay naman ay pinatulog ko na lang sa kwarto. Sa lapag na lang ito natulog para kapag natulog ako ay may mahihigaan pa ako. Buti pa sila mahimbing ng natutulog, samantalang ako ay nakababad pa rin sa laptop. Sumasakit na ang mata ko. Mabuti na lamang at may salamin ako na iwas radiation. Thanks to Bart. Lagi talaga siya concern sa akin, sa amin ni Sandra. Hindi matutumbasan ang kabaitan niya kahit pa may pagkakataon na inaaway ko siya. Sa naisip ay humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Kapag may mga pasaring na sinasabi si Bart na alam ko na may kahulugan ay ipinagsasawalang bahala ko na lamang. Dumalas iyon ngayon lalo na ng mag-eighteen ako. Ayaw ko masira ang mayroon kami ni Bart. Itinuring ko na siya na para kong nakatatandang kapatid. "Mier?" napaigtad ako sa malaking boses na tumawag sa pangalan ko. I mean sa nagiisang taong tumatawag sa akin ng gan'on. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Si Drixx na pupungas-pungas pa ng mata. Ang gwapo pa rin nito tingnan kahit magulo ang buhok nito. Para itong dinaanan ng bagyo ngunit hindi nakabawas sa kagwapohan nito. Lumapit siya sa kinauupuan ko. Kasalukuyan akong nasa kusina. Doon talaga ako gumagawa ng mga homeworks ko. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya at tinuon muli ang atensyon sa ginagawa dahil ang puso kong pasaway ay nagsisimula na naman magwala. "You're still awake at this hour?" hindi nito makapaniwalang tanong. "Bakit, ano problema sa ganitong oras?" tanong ko rin sa kan'ya. Tumabi ito sa akin. Nanuot sa ilong ko ang amoy alak ngunit hindi nawala ang mabango nitong amoy. "Talaga bang ugali mo ang magtanong pabalik?" he asked in his lower voice. I chuckled. Iyon pala ang napupuna niya. Salubong ang kilay nito ng balingan ko. "Gusto mo ba kumain? Ipaghahain kita," tanong ko. Hindi na kasi ito kumain kagabi ng niyaya ko. Ugali raw nito na kapag nakakainom ay hindi na kumakain. Tatayo na sana ako ng hawakan niya ako sa kamay. "Pahiram ako ng damit ni Tatay Mike. Gusto ko ng maligo. Ang baho ko na. Nakakahiya tumabi sayo," sabi nito saka tumayo. Sinundan ko naman ito ng tingin. Patungo ito sa banyo. "Sandali!" pigil ko rito. Napalakas yata ang boses ko kaya natutop ko ang sariling bibig. Nagtatanong naman ang mata ng sulyapan ako nito. "H'wag ka muna papasok. Kukuha muna ako ng damit." Sabi ko at mabilis akong tumayo para kumuha ng damit. Ayaw ko nga ibigay sa kan'ya na nasa banyo na siya. May kapilyohan si Drixx. Baka may gawin siya na hindi ko inaasahan. Kumuha ako ng t-shirt at short. Tama na siguro iyon pamalit niya. Pagkatapos mo kumuha ay sinara ko ang tokador. Ngunit pagpihit ko paharap ay bumangga ako sa matigas na bagay. Muntik na akong mauntog sa tokador dahil parang bola na tumalbog ang mukha ko ngunit mabilis na may humarang sa likod ng ulo ko. Napasandal ako sa tokador at pag-angat ko ng mukha ay ang nakangising mukha ni Drixx ang nabungaran ko. Ganoong ngisi ay tila may kapilyohan na naman ang tumatakbo sa utak nito. Sa kalahating buwan na nakilala ko ito ay nakilala ko na kung sino ito. Si Drixx na masiyahin at hindi ilag sa mga tao lalo na sa mga katulad ko na malayo ang agwat ng estado ng buhay sa kan'ya. Hindi siya mahirap lapitan at makapalagayan ng loob. May pagkakataon lang na hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. Bigla lang siya nagbabago ng emosyon. Nilagay ko ang aking kamay sa dibdib niya at bahagyang tinulak siya ngunit mas lalo siyang dumikit sa akin. Tinanggal niya ang kamay sa likod ng aking ulo. Lumipat iyon sa braso ko at pumulupot ang isang braso sa aking bewang at hinapit ako. "D-Drixx, m-maliligo ka 'di ba?" nauutal kong wika. Gusto kong batukan ang sarili dahil nahirapan na naman ako magsalita. Ganito ako kapag sobrang lapit niya. Nababahala rin ako dahil baka marinig niya ang nagwawala kong puso. "Can I borrow your toothbrush, Mier?" sabi nito na nagpaawang ng labi ko. Ano daw ulit? Hinihiram niya ang toothbrush ko? Ayos lang ba siya? Lalong naghuramintado ang puso ko ng bumaba ang tingin niya sa labi ko. Tinikom ko ang aking bibig ngunit lalo yata tumagal ang titig niya sa labi ko. May balak ba siyang halikan ako? Hell , no! Ngunit heto ako at hinihintay ang posible niyang gawin. "I wonder, how does it taste like?" halos pabulong na lang na sabi nito. Pagkasabi nito ay dahan-dahan niyang inilapit ang kan'yang mukha sa akin. Shocks! Ito na ba 'yon? Gusto ko pumikit pero ayaw ko na isipin niya na gusto ko kung ano man ang gagawin niya. Nagsalubong ang kilay ko ng nanatili lang siyang nakatitig sa labi ko. "Drixx, ano ba? Ano ba iniisip mo?" tanong ng bahagi ng utak ko. Awtomatikong bumaling siya ng tingin sa akin. Maya-maya lang ay tinanggal na niya ang kamay na nakahawak sa aking braso. Dinig ko kung paano siya kumawala ng malalim at mabigat na buntong-hininga. Tinanggal na rin niya ang braso na nakahapit sa aking bewang. Nakapamulsa siyang tinalikuran ako ngunit kalauna'y huminto siya sandali. Narinig ko ang mariin ngunit mahina niyang pagmumura. Muli siyang bumalik sa kinatatayuan ko. Kinuha niya ang hawak kong damit at wala ng lingong likod na mabilis na umalis sa kwarto. Hindi pa rin ako makagalaw kahit na lumabas na siya ng kwarto. Nanatili pa rin akong tulala at nakatitig sa pintuan kung saan siya lumabas. Bago ako lumabas ay kinalma ko muna ang sarili dahil konti na lang ay lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Ngayon ko lang naranasan ito at kay Drixx lang. Pinilit ko ang maging kalmado. Tinuon kong muli ang atensyon sa aking ginagawa. Halos salubong na ang kilay ko dahil wala na akong maintindihan sa ginagawa ko. Iyon ang epekto sa akin ni Drixx, ng mawala ako sa focus, konsentrasyon at sa sarili. "Argh! Ayoko na!" sabay sabunot sa sariling buhok. "Stop it, Mier. You're hurting your self," sita nito sa akin. Sa narinig ay nag-angat ako ng mukha. Para na naman akong nabato-balani sa aking. Mamasa-masa pa ang buhok niya. Napakafresh niya tingnan. Bakit ba ang gwapo niya sa lahat ng bagay? Nag-iwas ako ng tingin. Kung pwede ko lang na h'wag ng ituon ang mga mata ko sa kan'ya ay gagawin ko ngunit hindi ko naman ito magawa. "Where's your toothbrush? I will borrow it." Sambit nito. Sinulyapan ko ito. Akala ko nagbibiro lang siya kanina. Seryoso ba talaga siya? "Seryoso ka ba?" hindi ko napigilang itanong rito. "Yeah, what seems to be the problem if I used your things?" sabi nito na parang balewala lang rito na gumamit ng ibang toothbrush. Tinuyo nito ang sariling buhok gamit ang maliit na tuwalya. Pinigilan ko ang sariling matulala sa ginagawa niya. Kahit sa ganoong kasimpleng bagay ay para akong may nakikita na mga bituin na nakapalibot sa kan'ya at nagniningning. Bawat galaw niya ay tila slow motion sa aking paningin. Gusto ko magmura pero sa isip ko na lang iyon ginawa. "Mier, I said I will bo-" "Oo na, ang kulit," putol ko sa sinabi nito. Padabog akong tumayo at tinungo ang estante kung saan nakalagay ang aming mga toothbrush. Kinuha ko doon ang toothbrush ko. Padabog kong binigay sa kan'ya ito at muling naupo. "Galit ka ba?" "Hindi," "Bakit ganyan hitsura mo?" "Wala," "You look stressed," sabi pa nito dahilan para tingnan ko siya ng masama ngunit tumawa lamang ito. Tinalikuran na niya ako at tinungo ang lababo para magtoothbrush. Nanggigigil na kinuyom ko ang kamao at tinaas iyon at hinarap sa kan'ya. Hindi naman niya makikita dahil nakatalikod siya. Gusto ko siyang sabunutan. Isa pa sa katangian nito ay malakas din itong mang-asar na talagang hindi ko kayang tapatan. "Kung hindi ka lang gwapo sinabunutan na kita," mahina kong turan. "Really? Thank you, Mier. Napansin mo rin ang kagwapuhan ko," sambit nito saka tumawa. Napaawang naman ang aking bibig. Narinig pa pala niya ang sinabi kong iyon? Nang tapos na ito magtoothbrush ay binalik na nito sa lalagyan ang toothbrush ko. "Tastes sweet, huh?" sambit nito saka lumapit sa akin na agad ko naman inabala ang aking sarili sa ginagawa. Hindi ko na rin siya magawang sulyapan. Kahit hindi na ako makapag-focus sa ginagawa ko ay tinuon ko pa rin ang aking atensyon sa aking ni-re-research. In my peripheral vision ay nakita ko pa na inamoy nito ang sariling hininga. Gusto ko matawa sa ginawa nito. Ganoon ba ito ka-conscious sa hygiene nito? Parang bata naman na inusog niya ang upuan palapit sa akin. Pinigilan ko ang sarili na mapapikit. Ang fresh ng amoy niya. Ako naman tuloy ang na-conscious sa sarili. "Ano ba ginagawa mo?" tanong nito na sinilip pa ang gingawa ko sa laptop. "Research," tugon ko. "Like?" "How to kill a talkative man," hindi ko napigilang sabihin kasabay ang matalim kong tingin sa kan'ya. Tumawa naman ito sa ginawa ko. Inirapan ko lamang siya. "Matulog ka kaya ulit. Guguluhin mo lang ako eh." Reklamo ko. "Sa tingin mo ba makakatulog pa ako?" sambit nito. Sinimangutan ko lang siya at muling tinuon ang atensyon sa ginagawa ko. Hindi ko na rin siya pinansin. Sa awa naman ng D'yos ay hindi na ako nito ginulo. Ngunit hindi yata ako sanay na tahimik ang lalaking ito. Sa gilid ng mata ko ay nakapangalumbaba ito. Mataman itong nakatitig sa ginagawa ko. Sulat at reasearch lang naman ang ginagawa ko. Kung ano ang importante ay iyon ang isinusulat ko. Mabuti naman at nakapag-focus na ako kahit malapit lang ang presensya ni Drixx sa'kin. Nakisama naman ang puso ko. Dahil tutok na tutok ako sa ginagawa ay hindi ko inasahan ang ginawa niya. Gamit ang ballpen ay hinawi niya ang takas kong buhok at inipit niya iyon sa aking tenga. Tumigil ako sa pagtipa sa keyboard sa ginawa nito dahil muli na naman nagwala ang nananahimik kong puso. Awtomatiko akong napatingin sa kan'ya. "Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kan'ya kahit pa batid ko na kung ano ang ginawa niya. "Staring to the most beautiful woman I've ever met in my whole life," sambit nito. Muli na namang napaawang ang labi ko. Pardon, please? Shocks! Gusto ko magwala sa sobrang kilig. Mataman siyang nakatitig sa akin kaya hindi ako maaaring magkamali. He's not joking. Seryoso siya sa sinabi niya. Pero dapat ba ako magdiwang sa sinabi niya? Inangat ko ang aking isang kamay at tinapik ang kan'yang kamay na may hawak na ballpen. "Yung totoo, ugali mo ba talaga ang magbitaw ng mabulaklak na salita sa kaibigan mong babae? Kasi, hindi po uubra sa akin iyan." Seryoso kong sabi at muling tinuon ang aking atensyon sa ginagawa. Tumahip na naman ang puso ko na ayaw na yata magpaawat dahil mabilis itong tumitibok. Mabuti na lamang din at hindi na ako nautal. Dinig ko ang buntong-hininga nito. "I told you, ikaw lang ang nag-iisang kaibigan kong babae," sabi niya at lalo pang lumapit sa akin. Habang nakapangalumbaba ay pinagmasdan niya ang kabuuan ng aking mukha. "Paano ko mapapatunayan sa'yo na ikaw lang?" dugtong pa nito. Parang dinala ako sa ibang dimensyon sa sinabi nito. Napakasarap pakinggan na ako lang talaga ang babae sa buhay nito. Pero ang katotohanan ay ako lang ang babae na kaibigan niya. Kaibigan lang niya ako. Sa naisip ay inayos ko na ang aking mga gamit. Nakaramdam ako ng kalungkutan. Ayaw ko mag-expect ng kung ano pa man at isa pa malayong malayo ang agwat namin sa buhay. Hindi ako ang babae na nararapat sa kan'ya. Sapat na sa akin ang maging kaibigan niya. Kung ano man ang natuklasan ko sa nararamdaman ko ngayon ay hindi na dapat pa magpatuloy. Baka nga panandalian lang ito. Baka nga ganito talaga siya magsalita. Ako lang itong assuming. Kung ano kami ngayon ay dapat hindi masira iyon. Mabait si Drixx. Gusto ko siya maging kaibigan hanggang kailan ko gustuhin. Hanggang doon lamang iyon. Pagkatapos ko magligpit ay tumayo na ako. Sapat na sa akin ang na-research ko. Kailangan ko lang siguro itulog ito. "Matutulog na ako, Drixx. Ikaw din, baka makatulog ka pa kapag nahiga ka." Sambit ko ng hindi ko siya sinusulyapan. "Why are you doing this to me, Mier?" Napahinto ako sa sinabi nito. Sinulyapan ko siya. Deretso siyang nakaupo at matamang nakatitig sa akin. Kinuha niya ang hawak ko at nilapag iyon sa mesa. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at marahan niya iyong hinila para mapalapit ako sa kan'ya na hindi ko naman nagawang tanggihan. Palagi niya ako napapasunod sa gusto niya. Dahil nakatayo ako ay patingala niya ako tingnan. "Pakiramdam ko kasi ay hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko. Ano ba ang dapat kong gawin para maniwala ka sa akin?" nakikiusap na sabi nito. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kan'ya. Dapat ko bang sabihin na ayoko paniwalaan dahil baka sinasabi lang niya ang mga bagay na iyon dahil kaibigan lang talaga ang gusto niya? Paano ko sasabihin na lahat ng mga sinasabi niya ay tumatatak sa aking isipan at kahit itanggi ko man na balewala lang sa akin iyon ay iba naman ang sinasabi ng puso ko? "Wala kang dapat gawin, Drixx. Hindi mo obligasyon na paniwalain ako sa mga sinasabi mo sa'kin." Tugon ko at hinila ang kamay ko na hawak nito ngunit nagulat ako ng hilahin din niya iyon at mabilis niya akong niyakap. "I can wait, Mier. Alam ko darating ang araw na maniniwala ka rin sa akin," puno ng sensiridad na sabi nito at naramdaman ko ng marahan nitong hinagod ang likod ko. "You better go to sleep." Pagkasabi nito ay muli niyang hinawakan ang aking kamay. Siya na rin ang nagdala ng mga gamit ko. Pero imbes na sa kwarto namin ni Mandy niya ako dalhin ay sa kwarto ni tatay ang aming tinungo "D-Drixx," kinabahan ako. Wala naman siguro siya balak na masama. Tumawa siya ng mahina. "Don't worry, I won't do anything bad to make you angry. Hindi ko sisirain ang pinangako ko kay tatay Mike." Nakangiting sabi nito. Nagsalubong ang kilay ko sa huling sinabi nito. May pinag-usapan ba sila ni tatay na hindi ko alam? Binigay niya sa akin ang gamit ko. Binuksan niya ang pintuan ng kwarto at pinapasok na niya ako sa loob. "Uuwi na ako. Sleep well, Mier." Sabi nito at tumalikod na sa akin ngunit nanatili pa rin akong nakatingin sa kan'ya habang naglalakad siya patungong pintuan. "Drixx," tawag ko sa kan'ya ng akma niyang bubuksan ang pintuan. Pumihit siya paharap sa akin. "Salamat." nakangiti kong turan sa kanya. Gumanti siya ng ngiti sa akin. "I'll do anything for you, Mier." pagkasabi nito ay tuluyan na nitong nilisan ang bahay namin. Tulala akong nakatingin sa pintuan kong saan siya lumabas. Marami siyang sinasabi na hindi ko mapaniwalaan. Dahil sa maganda naman ang aming paghihiwalay ni Drixx ay hindi ako nahirapan matulog. Mabuti naman kung ganoon dahil nakabawi na ako ng tulog. Nagising na lamang ako sa yugyog ni Mandy. "Ate, may balak ka bang pumasok. Mag-i -eleven na," pukaw sa akin ng kapatid ko. Sa sinabi ni Mandy ay mabilis akong tumayo at naligo. Nagmamadali na rin akong kumain ng hinain ni tatay sa hapag-kainan. Napansin kong nagpipigil ng ngiti si Mandy. Kunot ang noo ng binalingan ko ito. "Bakit, anong nakakatawa?" tanong ko sa kan'ya. "Si ate, nagbibiro lang ako. Nine palang ng umaga," sabi nito sabay tawa ng malakas. "Ikaw talaga," tumayo ako para kurutin sana ito ngunit mabilis itong lumabas ng kusina. Naabutan ko ito sa sala. Kinurot ko siya ng marahan sa tagiliran. "Wala ka bang pasok at nandito ka pa ha?" tanong ko sa kan'ya habang kinukurot sa tagiliran. "Aray, ate! Tama na!" pigil nito sa akin sa gitna ng pagtawa. Tumigil naman ako sa ginagawa. "Wala naman gagawin sa school ate. May mga activities lang eh wala naman ako sinalihan kaya hindi na ako pumasok." paliwanag nito. "Erve," sabay kami ng kapatid na napalingon sa nagsalita. Si Bart iyon. Madilim ang mukha nito. Bakit na naman kaya? "Ate, ililigpit ko lang pinagkainan mo. Maiwan ko muna kayo ni kuya Bart," paalam ni Mandy saka kami iniwan sa maliit na sala. "O, Bart, ang aga naman ng punta mo. Wala ka bang trabaho?" tanong ko sa kan'ya. "Isa pa, grounded ka pa sa bahay hindi ba?" dugtong ko. Pinanliitan lamang niya ako ng mata. Kakaiba ang tinging iyon ng kaibigan ko. "Talaga, grounded ako? Kaya pala okay lang sayo na patulugin ang lalaking iyon dito sa bahay ninyo. Bakit, Erve, matagal na ba kayo magkakilala para magpatulog ka rito ng wala pang isang buwan mo kakilala? Ha?!" Napaatras ako ng bahagyang tumaas ang boses nito. "Baka nakakalimutan mo Erve, hindi mo pa lubos na kilala ang lalaking iyon. Akala mo hindi ko alam na sinundo ka niya no'ng araw na hindi kita nasundo. Ang bilis mo naman magtiwala, Erve. Hindi na kita kialala." Pagkatapos nito iyon sabihin ay tumalikod na ito sa akin. "Bart!" tawag ko sa kan'ya. Hinarap naman niya ako. Galit siya sa ginawa ko at naiintindihan ko iyon. Pero may mga sinabi siya na hindi ko nagustuhan. "Si tatay ang nagdesisyon na patulugin si Drixx dito hindi ako. Lasing si Drixx kaya minabuti ni tatay na pagpahingahin muna siya. Hindi ko naman ginusto na dito siya matulog. Isa pa, paanong hindi mo na ako kilala? Bakit, mali na ba ang makipagkaibigan sa iba? Bakit ka ba nagkakaganyan? Mabait na tao si Drixx. Hindi siya mapagsamantalang tao tulad ng iniisip mo. Ano ba problema mo?!" tumaas na rin ang boses ko. "Putang ina naman, Erve!" nanlaki ang mata ko sa binitawan nitong salita. Mariing nakakuyom ang kamao nito. Ngayon ko lang nakitang nagalit si Bart ng ganito. "Manhid ka ba?! Ang tagal na, Erve. Bakit ka ba ganyan? Imposible naman na hindi mo nararamdaman. Tang'na talaga!" nanggigigil na sabi nito at napasabunot sa buhok. "B-Bart, h-hindi kita maintindihan," garalgal ang boses na tanong ko sa sa kaibigan. Parang gusto ko maiyak dahil iba ang Bart na kaharap ko ngayon. Nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha nito. Lumambot iyon ng mapansin nito na nangingilid na ang luha ko sa mata. "Putang ina talaga," narinig ko pang wika nito. Mahina lang iyon pero may diin. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Sorry, nataasan kita ng boses. Pasensya na, hindi ko sinasadya." Sabi nito at niyakap ako ng mahigpit kasabay ng pagtulo ng aking luha. Sa kabila ng away naming dalawa ay ito ang palaging nauuna humingi ng tawad. Isa sa mga katangian na nagustuhan ko kay Bart. Hinagod nito ang aking likuran. Kahit may pagkabarumbado ang kaibigan ko ay lumalambot ito pagdating sa akin. "Sorry din. Hindi ko naman kayo nakakalimutan. Kayo pa rin naman ang tunay kong kaibigan." Sambit ko. Dinig ko ang pinakawalan nitong mabigat na buntong-hininga. "What the f**k is going on here?" sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Ang madilim na mukha ni Drixx ang aking nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD