Prologue

948 Words
Prologue Mierve's POV Walang tigil sa pag-agos ang aking luha habang nakatayo sa harap nito. Nakadungaw pa din ito sa labas ng wall glass ng condo nito. Wala akong nagawa ng dalhin ako ng sekretarya nito sa condo nito kahit naka-duty pa ako. Isa pa utos ng may-ari ng mall na pinapasukan ko. Sino ba ako para tumanggi? Wala akong ideya kung bakit nito ako pinapunta dito. Bakit hindi na lang sa opisina nito? Bakit kailangan pa sa condo unit ako papuntahin? Alam ko galit siya sa akin dahil sa nalaman nito. Pero hindi pa ako handa na kausapin siyang muli. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa pagkikita naming muli. Ngunit heto ako sa harap nito. Paulit-ulit na humihingi ng tawad sa kan'ya. "You want me to forgive you?" malamig nitong wika ng hindi ako sinusulyapan. "Alam ko hindi madaling magpatawad pero gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako," sambit ko sa gitna ng pag-iyak. Nakapamulsa itong humarap sa akin. Madilim ang kan'yang mukha. Nagtatagisan ang bagang nito at mariing nakalapat ang kan'yang maninipis na labi. Iba sa masiyahin na Drixx na nakilala ko noon. Hindi ko na siya kilala ngayon. He's mad at me. He smirked. "Are you sure, gagawin mo ang lahat?" tanong nito. Malaki ang kasalanan ko sa kan'ya. Dahil sa akin nawala ng maaga ang kapatid nito. Kailangan ko pagbayaran iyon sa kan'ya. "Start undressing," maawtoridad nitong utos. Napatda ako sa tinuran nito. Hindi ako sigurado sa narinig ko. "What? You said you would do everything, right? Now, get undress." walang emosyon nitong utos. Naglakad siya palapit sa akin. Napaatras ako. "H-hindi kita maintindihan," biglang nanginig ang boses ko. Nakaramdam ako ng takot. Huminto ito sa paglapit sa akin. "I want you to be my s*x slave, Mierve," madiin nitong sambit sa nais mangyari. Muling naglandas ang masaganang luha sa aking mata. Hindi ko na siya kilala. Paano nito nasasabi ang mga iyon. Hindi madali ang hinihingi nito. I bit my lower lip. Umiling ako. "D-Drixx, please h'wag sa ganitong paraan," nanginginig ang labi ko. Hindi ko alam kung sa lamig ba ng aircon na nagmumula sa silid nito o dahil sa Natatakot na ako sa kan'ya. Hindi ko inaasahan ang sasabihin nito. "Kung gusto mo patawarin kita gawin mo ang gusto ko!" napaigtad ako ng tumaas ang boses nito. "Kung hindi ka maghuhubad ako ang gagawa." Dahil sa haba ng biyas nito ay inilang hakbang nito ang kinatatayuan ko. Hindi ako nakagalaw ng nakalapit siya ng tuluyan sa akin. Mabilis na gumalaw ang kamay nito sa butones ng aking suot na uniform. Nakagat ko ang ibabang labi. Ganito na lang ba kadali makukuha ang matagal kong pinakaiingatan. Dahil sa madami iyong butones ay marahas nitong pinunit ang damit ko. "Drixx!" sigaw ko. Hinawakan nito ako sa braso at marahas na hinagis sa kama. Napahiga ako doon. Mabilis akong bumangon sa kama at naupo. "Drixx, please. Parang awa mo na. Ayoko," tutol ko. Niyakap ko ang sarili dahil bahagya ng lumabas ang aking dibdib. "No! I Want it now! Don't waste my time Miss Alfonso. Busy akong tao." Pagkatapos nito iyon sabihin ay mabilis itong naghubad sa harapan ko. Nag-iwas ako ng tingin. 24 years of existence inosente pa ako sa mga ganitong bagay. Ni hindi nga ako nanunuod ng mga kalaswaan sa cellphone ko. In my peripheral vision lumapit siya sa akin. "Stop pretending innoscent. Alam mo kung ano ang gagawin natin hindi ba?" Lumapit siya sa akin. Hinawakan nito ang baba ko at hinarap sa kan'ya ang aking mukha. Hindi ko siya matingnan sa mata. Dahil inuusig ako ng konsensya ko sa tuwing gagawin ko iyon. Napapaso din ako sa paraan ng titig nito. Isa pa, kahit hindi ko tingnan ang kabuuan nito ay alam kong wala na siyang saplot sa buong katawan. Tahimik na lang akong umiyak habang sinimulan nitong tanggalin ang natitirang butones sa aking blouse. Itinulak nito ako pahiga. Lumantad na sa mga mata nito ang itinatago kung dibdib na kahit man lang ipasilip ang mga iyon sa suot ko ay hindi ko magawa. Ganoon ako kaingat sa aking katawan. Pagkatapos nitong gawin iyon ay alam kong pinasadahan nito ng tingin ang aking hubad na katawan. Umibabaw siya sa akin. Pilit nitong hinaharap sa kan'ya ang aking mukha ngunit nakikipagmatigasan ako. Wala na akong mukhang maihaharap sa kan'ya. May naramdaman din akong matigas na bagay sa aking binti. "Dammit!" bulalas nito. Tumayo siya. In my peripheral vision ay nagsusuot na siya ng pantalon. Sa pagkakataong iyon ay umupo ako. Muli kong niyakap ang sarili. "Ayusin mo na sarili mo," utos nito. May kinuha ito sa closet nito at hinagis nito iyon sa akin. "Isuot mo 'yan." Pagkatapos nito iyon sabihin ay lumabas na ito ng kwarto. Nang lumabas siya ay doon kumawala ang kanina ko pa pinipigilan na paghagulhol. Ito ba ang kabayaran ng kasalanan ko. Ang magpaalipin sa kan'ya at maging parausan nito. Hindi man nito itinuloy ngayon ay sigurado ako na kapag gusto nitong gawin ay ipatatawag nito akong muli. Tumayo ako at tinungo ko ang banyo nito at doon ako nagbihis. Paglabas ko ng banyo ay nadatnan ko siyang nakapamulsa at nakatanaw muli sa labas. "A-aalis na ako," nanginginig pa din ang boses ko. Nilagpasan ko na siya. "H'wag ka ng pumasok. Ako ng bahala sa supervisor mo," malamig nitong wika. "And we're not finished yet Miss Alfonso. Hintayin mong ipatawag kita. Ready your self dahil sa pagkakataon na iyon ay hindi na kita palalagpasin." May diin sa bawat sinabi nito. Ipinaparating nito na seryoso ito sa sinasabi nito. Muling naglandas ang masaganang luha sa aking pisngi. Lumabas na ako ng unit nito. Baon ang masakit na salitang hindi ko inaakala na bibitawan ni nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD