Chapter 2
“Damn it!” malakas na singhal ni Vahn nang makapasok siya sa opisina. Inis na inis niyang pinunasan ng tissue ang basang polo. Aksidente kasi iyong natapunan ng mainit na kape nang may makabanggaan siyang babae sa labas kanina.
“Damn!” singhal niya ulit. Umaga pa lang ay sira na ang araw niya dahil sa nasirang blue print na katatapos niya lang gawin at ngayon naman ay kailangan niyang um-attend ng hearing at late na siya.
“Good morning, Sir Giovannie!” bati ng kanyang sekretarya nang mamataan siya nitong bugnot na bugnot sa pagpupunas ng sarili.
Tinanguan niya lang ito. Hindi na ito nagtanong pa dahil alam naman nitong wala siya sa mood ngayon. “Tsk!” Tumalikod siya upang pumasok sa maliit na closet na pinasadya niya pa upang may pang-emergency outfit siya kagaya ngayon. Ngunit pagkabukas niya ng closet ay puro t-shirt ang naroon. Napakamot siya sa kanyang ulo dahil sa inis.
“s**t!” malakas niyang singhal. “You’ll gonna pay for this lady.” Pumasok siya sa banyo upang magbihis. Napipilitan man ay kinailangan niyang magbihis upang makahabol sa hearing. Isa siya sa mga mag-o-obserbang attorney.
Ilang oras din ang iginugol niya sa loob ng korte. Kalalabas niya pa lang mula roon nang tumunog ang cellphone niya. Si Ash ang tumatawag. Ang kaibigan niya simula pagkabata. Sabay silang lumaki, nag-aral, at nakipagpasalaran sa mundo. “How was your day?” tanong ng kaibigan nang sagutin niya ang tawag nito.
Bumuntonghininga siya bago sumagot. “Dramatic,” walang ganang sagot niya.
“Why?” usisa nito nang marinig ang tinuran niya. “What happened?” dagdag nitong tanong.
“Nothing,” tipid niyang sagot. “I think I’m just tired,” usal niya.
“Take some rest, bro. You need that,” suhestiyon ng kanyang kaibigan. Wala siyang oras para magpahinga dahil sa dami ng ginagawa niya at gagawin pa.
“Want to hang out?” tanong nito.
“I don’t have free time ‘til Sunday,” pagod niyang sagot.
“Wow!” bulalas ng kaibigan. “That’s tough, bro,” komento nito.
He laughed. “That’s life.” Binuksan niya ang pinto ng opisina bago pumasok. Inilagay niya sa mesa ang mga dalang gamit saka naupo sa swivel chair. Ipinaikot-ikot niya iyon habang hawak sa isang kamay ang cellphone. “Anyway, how are you?” tanong ni Vahn sa kaibigan na biglang tumahimik.
Ilang buwan na rin niya itong hindi nakikita dahil abala rin ito sa ginagawa. Ash is now the CEO of deVlaire’s Group of Companies. It was Ash’s grandfather who founded the said company and now, it’s Ash’s turn to manage it. Malaki ang kompanya. May mga cruise itong naglalayag sa buong mundo.
“It’s great!” Ash’s exclaimed in excitement.
“Maganda ang trabaho pero minsan nakakatakot,” anito.
Tumawa siya. “Bakit? Akala ko ba maayos ang trabaho? Ano ang nakakatakot?” usisa niya.
“Minsan kasi ay malalakas ang alon and I don’t like it. But I have to endure this. It’s part of the training, tsk!” singhal nito, halatang nanginginig. Iyon kasi ang kondisyon ng lolo nito. Kailangan niya munang pagdaanan ang mamahala sa barko bago ito bumalik sa opisina nito sa Makati bilang CEO.
He laughed at his best friend. “Well, sabihin mo lang kapag nandito ka na. Gala naman tayo, nandito pala si Ridge,” usal niya. Ridge is his cousin and their best friend too.
“Sana all!” anito na sinabayan nang malakas na tawa. “Sige, babalik na muna ako sa trabaho.” Pinatay nito ang tawag kaya hinarap na niya ang iba pang papeles na kanina pa nakalapag sa mesa niya.
Pagkatapos ng tawag ay inatupag niya na ang trabaho. Ilang oras din siyang nagbabad sa kanyang opisina. He is striving hard for himself. “Good afternoon, Sir!” bati sa kanya ng babaeng kapapasok lang sa kanyang opisina. She’s his secretary.
“What do you want, Glenda?” paasik niyang tanong sa matandang sekretarya niya. Ang ginang ang kasalukuyang nagsasanay sa baguhan niyang sekretarya dahil magre-retiro na ang matanda. Hindi na nito kayang gampanan ang responsibilidad nito kung kaya’t kinailangan nitong maghanap nang sasanayin.
Sa edad na animnapu’t lima ay mukha pa rin itong dalaga kung titingnan. Sopistikada ang ginang, marunong itong maki-uso sa mga trending outfit-of-the-day ng mga kabataan ngayon. Elegante itong tingnan kapag naglalakad. Hindi halata sa pangangatawan ng ginang na lagpas animnapu na ito.
“Ano ba iyong narinig kong nahuli ka raw sa hearing?”
Napaayos siya ng upo pagkarinig ng tanong ng ginang. He sigh loudly to let Glenda know that he was tired. Ayaw niya munang makarinig ng sermong galing dito. He shrugged his shoulder matapos maalala ang babaeng naghagis at nagtapon sa kanya ng kape. “Naaksidente ako,” tipid niyang sagot sa matanda.
“Really? What a rubbish reason, Giovannie.” She rolled her eyes in disbelief.
“Come on, Glenda!” naiinis na singhal niya. “Someone throw a coffee on me,” pagbibigay alam niya rito.
She grinned. “Tsk!” Naglakad ito papalapit saka prenteng naupo sa sofang pang-isahan. She crossed her legs while tapping the sides of the said sofa. It made a tingling sound because the product was made from rattan. “Iyon lang ba talaga? You knew it’s your training, right? Paano mo pamamahalaan ang malaking Law Firm ng pamilya mo kung ganitong natapunan ka lang ng kape ay nahuli ka na sa hearing? Ano ‘yon? Nakipag-away ka pa?” panghuhula nito.
Naiiwas niya ang sarili. Ayaw niyang makita ng ginang sa mga mata niya na totoo ang sinabi nito. Nakipag-asaran pa kasi siya. “Glenda, I’m already late! Wala nang mangyayari kung sesermonan mo pa ako,” pigil ang inis na usal niya.
Glenda rolled her eyes. “Ganiyan! Ganiyan nga! Humanda ka sa sasabihin ng Lolo mo.” Tumayo ang ginang at naglakad palabas.
As always, she walked with elegance.
Bumuntonghininga si Vahn nang sumara ang pintong kinalabasan ni Glenda. Pagod na siyang makinig sa mga patutsada ng pamilya niya—mali—pamilyang kailanman ay hindi niya kinagisnan.
Bigla na lang nagpakita sa kanya ang matandang may-ari ng The Zenith Law Firm upang sabihin sa kanyang siya ang nawawalang apo nito. Pinilit siya nitong magpalit ng apelyido. He obliged. Sa isang kondisyon, ipapa-opera nito sa ibang bansa ang kanyang inang umampon sa kanya. And now here he is, trying to be the Giovannie Zakynthus Zenith he doesn’t want just to help his sick mother. Nasa ibang bansa na ito ngayon para magpagaling.
Mabilis niyang tinapos ang lahat ng ginagawa at mahahaba ang mga hakbang nang lumabas ng opisina. Pinatunog niya ang sasakyang bigay ng matanda. He gladly accept it dahil kapag hindi, ititigil nito ang lahat ng kakailanganing gawin upang mapagaling ang kanyang ina.
He sighed loudly as he step into his car banging the door loudly after he shut it. Natigilan siya. Hindi siya dapat ganito. Dapat ay magpasalamat siyang may tumulong sa kanya. Dahil kung siya lang ay mahihirapan siyang gampanan iyon. He’s not born with a silver spoon.
Nagpapasalamat siya’t kinaibigan siya ni Ash noong nasa kolehiyo sila. Malayo ang agwat ng kanilang pamumuhay. Isa lang siyang taga-tinda ng kung ano-anong klase ng pagkain noong siya ay nag-aaral pa.
“Hi!”
Napapitlag siya nang may lumapit sa kanya. Isang magandang lalaki ang nakatayo sa harap niya. Matipuno ang katawan nito. Makinis ang puting balat. Mahaba ang maitim nitong pilik-mata at pinong-pino ang maitim nitong buhok. Sa tantiya niya ay magka-edad lang sila nito.
Tumango siya bilang pagbati. Pilit siyang ngumiti. Nahihiya siyang lapitan ng mga mayayamang mag-aaral dahil kung madungis siyang tingnan kapag tumabi sa mga ito.
“Do you wanna hang out? With us,” nakangiting usal ng binata. “By the way, I’m Ash,” pakilala nito sa sarili.
“Ano ang ibig mong sabihin?” nahihiyang tanong ni Vahn sa binata.
“Hmm . . . I don’t have a friend,” anito. “Gusto kong ikaw ang magiging kaibigan ko. You see, you are a hard working person. Ilang beses na kitang nakikita rito,” nakangiting wika ng binata sa kanya.
Napangiti siya. Doon nagsimula ang pagkakaibigan nila hanggang sa dumami ang naging kakilala niya at ang mas nakaaaliw ay tumutulong ang mga itong magtinda upang may maipambayad siya sa matrikula. Later on, Ash told him he was his childhood friend.
“Nakakapagod!” bulalas niya nang maihiga ang katawan sa sofa. He is now living in luxury thanks to his old man. Makulimlim ang buong kabahayan. Hindi pa kasi niya binubuksan ang ilaw nang makapasok siya.
Tinatamad siyang tumayo. He’s tired. Tired of everything. Pinilit niyang bumangon upang makapagluto ng hapunan. Hinilot-hilot niya ang sentido habang padarag na naglakad papuntang kusina. Binuhay niya ang ilaw at doon kumalat ang liwanag. Natakpan niya ang mga mata dahil nakasisilaw iyon. Nagsalin siya ng tubig sa baso saka ininom iyon. Dahan-dahan at paulit-ulit siyang sumimsim sa baso.
Napapitlag siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis niya iyong tiningnan. Ang kanyang ina, ang inang nakagisnan niya.
“Hi, Vahn!” malambing nitong bati nang sagutin niya ang tawag.
“Hello, ‘Nay,” aniya. “Kumusta po kayo?” tanong niya rito.
Narinig niya itong marahang tumawa. “Ayos lang ang pakiramdam ko,” anito. “Ikaw? Kumusta ang trabaho?” usisa ng ginang.
Bumuntonghininga na naman siya. Hindi niya sinabi rito ang kapalit nang pagpapagamot niya sa ginang ay ang pagiging isang ganap na Zenith. He’s not a de Gracia anymore. He is now a Zenith.
“Ayos lang po ako, ‘Nay. Pagaling po kayo riyan,” aniya. “Bukas po ay magpapadala ako sa probinsya,” dagdag niyang usal.
“Hindi mo naman obligasyon iyon, Vahn. Maayos ang pamumuhay sa probinsya. Alagaan mo na lamang ang iyong sarili,” pangaral nito sa kanya.
“Sige po, ‘Nay. Kayo po ang masusunod.”
Nagsimula siyang mag-prito ng itlog nang matapos ang tawag.
Nagsaing siya ng isang baso ng bigas saka iyon isinalang sa rice cooker. Habang naghihintay na maluto ang pagkain ay nagtingin-tingin muna siya sa mga papeles na kailangan niyang pag-aralan bilang bagong CEO. He’s not into this type of business. Maayos na sa kanya ang magkaroon nang magandang trabaho. Ngunit sadyang mapilit ang matanda. Ipinahanap pa siya nito dahil ayaw nitong mapunta sa wala ang kanyang pinaghirapan.
“You are the only one qualified to be the CEO of my company. Hindi ako papayag na mapunta sa iba ang pinaghirapan ko. Pinabantayan kita. Nakita ko ang pagpupursigi mong makatapos ng walang tulong na natatanggap mula sa akin. Sa iyo ko ipamamana ang lahat.”
Hindi niya iyon makakalimutan. Tumatak iyon sa kanyang puso at isipan. Napabalik siya sa huwisyo nang tumunog ang rice cooker, hudyat na luto na ang kanyang sinaing. Mabilis niya iyong pinatay at inihain sa hapag. Mag-isa siyang kumain ng gabing iyon. Sanay na siya. Pagkatapos niyang kumain ay hinugasan niya ang kanyang pinagkainan. Nagbabad siya sa banyo dahil masakit ang likod niya sa mahabang oras na iginugol niya sa opisina. Nang matapos ay kaagad siyang nagbihis ng pantulog. His whole body and mind is tired.
Nainis siya nang maalala ang babaeng nakabunggo sa kanya kanina. “Tsk!” singhal niya nang maalala ang mukha nito. Ang ginawa nitong pagtitig sa mukha niya. Ang pag-angat ng talukap nito nang maaninag ang mukha niya. “Damn! She looks like an idiot staring at my face!” malakas niyang singhal dahil naiinis siya sa pagmumukha ng babae.
“She looks stupid!” Padapa siyang nahiga sa kama. Iniisip kung ano ang mangyayari kinabukasan.