Set Eleven: Feelings Inside

2117 Words
Nicolo POV The following days before the team building the training are a little bit better. May mga awkward moment pa din naman at yung may kanya-kanya pero pagdating sa training itself ay wala kang makikitang problema. Kahit papaano, palagay ko ay nabunutan ng tinik si Coach Kiko. Nagiging open na ang mga seniors at napapansin naming nagsisimula na silang mag reach out for us. Nagsimula na ring mag-insert ng mga tactics si coach Kiko na combination ng senior at bagong members. Goodthing na nakukuha nila ang gustong mangyari ni coach kaya hindi na nahirapan ang mga ito para mag-execute. “Sana tuloy-tuloy na yung pagbabago ng seniors.” Komento ni Harvey. Nasa isang fastfood chain kami ngayon kumakain kasama si Sam. “Para mo namang sinabi na nagpapakitang tao lang ang mga yon. Nakita mo naman they trying na nga.” Sagot ko sa kanya. “I still feel awkward though.” Pagtatapat naman si Sam. Saglit ko palang nakilala itong si Sam ay kahit papaano ay nahuli ko na ang ugali niya. Open siya sa mga bagay-bagay at sasabihin niya ang gusto niyang sabihin. Sa nagdaang araw ay madalas siyang magcomment sa training. Ramdam ko na hindi iyon gusto ng ilang senior.  Lalo na kung napapatunayan ni Sam na may point siya. Aaminin kong kagaya ni Sam ay nararamdaman ko din ang nararamdaman niya. Lalo na kung nagkukumento ako tungkol sa pamamaraan nila ng pagpalo ng bola. Narinig ko nga minsan na nagkumento si Roy na kung bakit pa kailangang pahirapan pa kung pwede namang simplihan. Lihim nalang akong napailing. “Let’s give them a chance. They are still adjusting.” Ayoko kasi mag-conclude. “Sabi mo eh.” Walang ka buhay-buhay na sagot ni Harvey. Si Sam naman ay nagpatuloy na lamang sa pagkain. Nagpatuloy na lang din ako sa pagkain nang makauwi na at makapagpahinga buti na lang walang training last tomorrow.   “Do you have plans tomorrow?”  Tanong ni Sam. Kakalabas lang namin sa fast food chain na kinainan namin.   “I don’t have plans yet, why you asked?” Sagot ko sa kanya. “Ako hindi mo ba tatanungin, Sam?” Singit ni Harvey sabay taas kilay na tumingin sa akin. May kung anu nanamang iniisip ang taong ito. “Don’t mind him.” Nginitian ko siya habang yung isa kong kamay ay nakakurot sa tagiliran ng katabi kong magre-react pa sana. “Well, I am planning to go to the mall, tomorrow to buy some stuff and I was thinking if you want to go with me. Nahihiyang paliwanag niya. Hindi ko maiwasang matawa ng palihim sa inaasal niya. “You too, Harvey, if you want to join. Dagdag niya. “Ay, I forgot that I have things to do din tomorrow.  But Nicolo is very much free tomorrow. He will definitely join you tomorrow, Sam” Pinandilatan ko si Harvey sa sinabi nito. “Totoo?” Bakas yung saya nito. Tatanggi pa ba ako kung ganito kaamong mukha ang tatampad sa iyo? Sam is around 5’10 tall. Maamo ang mukha nito at may medium built na katawan. Halatang alagang gym. Noong try out day ay isa siya sa mga napansin ko na mag angking galing base sa pangangatawang meron siya. Nakakainsicure ngalang yung kaputian niya dahil kung ikukumpara siya kumpara sa aming dalawa ni Harvey. Angat ang kaputian ni Sam. Malamang may lahing Briton nga diba? “I plan to buy some things din naman for the Team Building so the more the merrier.” Plano ko naman talaga mamili ng mga pwedeng dalhin sa team building pero hindi bukas. Pero dahil nakakahiyang tumanggi sa taong kumikinang na ang mata ay sige na, mamimili na ako bukas. Kahit naman may pera ako ay nakasanayan ko nang magdala ng mga food at other stuff sa tuwing may pupuntahan kami.  Mas mainam na may dala ka dahil minsan ay duble ang presyo ng bilihin sa mga resort. Natigil nanaman ako at naalala ang taong iyon. Yung taong taga bitbit, taga takbo at kung anu anu pa mapagbigyan lang ang kapriso ko. If only…  Hay naku! Lagi ko nalang naaalala ang taong iyon. Magdadalawang buwan na nang malaman naming official na siyang player ng Titans. Ni hindi ko yun inasahan na magagawa niya iyon. Mula nang magsimula kami maging magkaibigan ay alam niyang gustong gusto ko nang matalo ang Titans. Hindi man ako naging vocal sa reasons ko ay akala ko ay naiintindihan na niya ako. Marahil ay naging kampante ako na naririyan siya kung nasaan ako. Nasanay akong palaging nasusunod. Nasa subra kong pag-aakala ay sa huli, magkaibang landas pala ang tatahakin naming dalawa.  “Are you okay?” Napabalik ako sa sarili ko sa tanong ni Sam. Nakita ko namang binigyan ako ni Harvey ng makahulugang tingin. Mukhang nakuha kaagad niya ang dahlia ng pagkatahimik ko. “Sam, Bili muna tayo ng ice cream.” Biglang yaya nit okay Sam. Wala namang nagawa si Sam kundi sumunod nalang dahil hila-hila na siya ni Harvey pabalik sa loob ng fast food store na kinainan namin. Naiwan naman akong mag-isa. Sinundan ko ng tingin ang dalawa. Minsan napapaisip ako if paano ako napagtitiisan ni Harvey. Sa totoo lang ay nang malaman niya na inayawan ko ang offer ng isang international college ay sumunod ito sa akin. Ang swerte ko kasi kahit iniwan na ako ng isa ay nandidiyan pa din siya kahit alam kong mas higit niyang gusto ang taong iyon. “Hi.” Yung hindi ka pa tapos mag-moment nang biglang may naninira ng eksena. Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Tumampad sa akin ang taong hindi ko inaasahang makikita ko ngayon. “C-capt.” Yung na-blank yung isip mo dahil sa mabilis na pag harurot ng kung anung pwerso sa loob mo. “Ikaw lang ba mag-isa?” Tanong niya sa akin na hindi ko kaagad nasagot dahil naka-focus ang paningin ko sa kabuuhan niya. Ngayon ko lang kasi siya nakitang naka-casual clothes. Simple lang naman iyon pero bumagay talaga sa kanya. Lakas maka-Kpop ang dating ng ayos niya. “Ahhmm… Kasama ko si Harvey at Sam.” Sa wakas nahanap ko din ang boses ko. Ito ang una naming pagkikita sa labas ng school. Kitang-kita mo ang kaibahan niya kumpara sa ayos niya sa training at practice. Or baka naman may date kaya nag-ayos siya. Wait, anu ba itong iniisip ko? Kelan pa ako naging interesado sa personal life niya. Naku po, Nicolo malala na ata ang tama mo. “Oy, Captain nandito ka pala. Saan ang date mo at purmadong pormado ka?” Lihim kong pinasalamatan ang kadaldalan ni Harvey. Nagtaka ako at hindi nito kasama si Sam. Nang ibalik ko ang tingin sa loob ay naroroon pa si Sam. Mukhang hinihintay pa ang order nila. “Ah, may usapan kasi kami ng girlfriend ko.” Natatawa naman niyang sagot. “Ay, taken na pala si Capt. Sayang naman po may irereto pa sana ako sayo. Maganda at ang haba ng imaginary hair niya.” Tumingin ulit sa akin si Harvey na para bang may pinahihiwatig. Nilakihan ko nalang siya ng mata. Ang daming alam nitong Iguana na to. Isang malakas na tawa naman ang sinagot ni Xander. Sinaway ko naman ang sarili upang pigilang magkumento o kahit na mag-isip ng patago. May girlfriend na siya that’s the fact. Ay, affected ka Nicolo?   Sa aming tatlo dati pa man ay mabilis maka-adopt si Harvey sa mga tao at maging comfortable. Yun ang charm niya marahil. This past few days, half na ata ng senior ay nakakaututang dila na niya. Pero ganoon pa man alam niya kung saan at kelan siya magsasalita.  Minsan ngalang ay ako ang napapahamak. Nagtataka nga sila kung bakit naging kaibigan daw ako ni Harvey na kung tutuusin ay kabaliktaran ng ugali niya ang ugali ko. Kahit nga ako minsan ay nagtataka din.  Xander’s POV Hindi ko inaasahang makikita ko si Nicolo sa labas ng isang fast food store. Nagtaka ako kung bakit siya nag-iisa. Alangan man ay nilapitan ko siya upang batiin. Muntik pa akong natawa nang makita ang reaction niya nang lumingon ito sa akin. Maya-maya pa ay lumitaw si Harvey mula sa loob ng fast food store. At nagsimula nanaman ito ng mga banat niya. Nakakatuwa itong si Harvey. Napaka jolly niya kasi at madaldal hindi tulad ni Nicolo na tahimik, at seryoso masyado. Kung kakausapin mo naman ay tipi dang sagot. Pero kung ngumiti talaga namang liliwanag ang paligid. Teka, erase, erase natin yung huling line. To be honest, palagay ko naman ay mabait na tao itong si Nicolo. Nasanay lang siyang minimal lang ang mga tao sa personal life niya. His close with the new members but not to close na napapanaliti niya yung boundery na dapat ay hanggang doon lang. Tanging si Harvey lang at Samuel ang hinahayaan niyang lumagpas sa boundery na gawa niya. Hindi ko maiwasang maisip kung ang isang tulad ko ay makakapasok din sa boundery na iyon. “So Capt pakilala mo naman kami sa girlfriend mo, para makilatis namin.” Umandar nanaman ang kakengkoyan nitong si Harvey. “Harvey, stop. Sunduin mo na muna si Sam sa loob ay kanina pa ‘yun nandodoon.” Saway naman sa kanya ni Nicolo na lihim kong pinasalamat. Maho-hot seat ka kasi pag pinagtripan ka ni Harvey. Agad namang sumunod si Harvey sa kanya at pumasok uli sa loob ng store. “Sorry about that. You don’t need to indulge Harvey all the time. ‘Pag palagi mo siyang hinahayaan na he could overstep your personal space. “ Seryosong wika ni Nicolo. “It’s not a big deal naman. Everybody knows that I’m dating the women’s volleyball team captain.” Sagot ko sa kanya. He just smile as a respond. Somehow parang may naramdaman akong regret sa sinabi ko. Pero yun naman ang totoo. “Mauuna na kami, Capt.” Tinuro nito ang dalawang tao na kakalabas lang ng store. Napatango na lamang ako dahil hindi na ako hinintay pang makasagot ni Nicolo. Lumapit na kasi ito kina Harvey at Samuel. Nakita kong kinuha ng huli ang bag ni Nicolo at isinukbit sa sariling balikat. Inabot naman ni Nicolo yung ice cream at nginitian si Samuel. Hindi ko na nga napansin yung sigaw ni Harvey dahil nakatutuk ang attention ko sa dalawa. May kung anu sa loob ko na gustong kumawala. Hindi ko alam kung bakit pero apektado ako sa nakikita ko. Ilang sandali pa ay nawala na sila sa paningin ko pero yung nararamdaman ko ay hindi pa din maalis alis. Hindi ko dapat paramdaman iyon dahil unang-una, may girlfriend ako. And I love her.   Nicolo’ POV “Kung papipiliin ka, Si Samuel  Jeffrey Kingsman o si Xander Lim?” Tanong ni Harvey. Napagdisisyunang niyang ditto matulog sa condo ko. No choice dahil gusto kong maiba ang attention ko pero mukhang madadagdagan ang sakit ng ulo ko sa mga tanong nito. Kanina pa niya ako tinatanong tungkol kay Sam at Xander. Kanina ko pa sinasaway ayaw patinag. “Papauwiin kita o mananahimik na ka?”  Naiinis kong singhal sa kanya. “Ito na mananahimik na.” Aniya. Nong akala ko ay nanahimik na ay saka naman siya bumangon uli. “Pero seryoso? Si Sam o si Xander?” May mababalibag talaga ako ng unan pag di tumigil ito. “Salazar!” “Alam mo pabebe ka, Mickelson. Halata naman na may  something ka sa dalawa. Mag-iinarte ka pa. Kahit anung deny mo hindi mo ako maloloko. Sa mata mo palang basing-basa ko na. Kaya sagutin mo tanong ko.” Wow. Siya pa talaga yung naggalitigalitan. Akon g itong ini-invade niya ang privacy ko. “For goodness sake, Oo na pareho na silang pasok sa shortlist ko. Pero Harvs naman, mga straight yun. May girlfriend na nga yung isa diba? Kaya utang na loob manahimik kana. Isasako talaga kita paghindi ka tumigil.” “May pashortlist-shortlist ka pang nalalaman. Anu trabaho lang? Scholarship sa universities ganoon?” Rinig kong sagot ni Harvey. Hindi talaga siya nauubusan ng sasabihin. “I’m glad that you are okey na. Alam ko kaya ka nagiging absent-minded kanina naalala mo siya. Pero sana, dumating yung araw na magkausap kayo at magkaliwanagan. “ Bakas sa seryoso niyang boses yung paghihinayang sa samahan. Alam ko ay namimiss din niya ang taong yun, pero pinili niya na samahan ako.   Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi ng Harvey. Inayos ko nalang ang pagkakahiga ko at binalingan ang isang picture frame sa side table ko. Kuha iyon noong huling game namin bago tuluyan na kaming gumraduate ng senior high school. Ito din yung araw na nag-agree kami na magtatry-out sa Warriors.     “Kung ganoon lang sana kadali.” Mahinang sambit ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD