Set Ten: Seniors

2517 Words
Xander POV Pagkatapos ng practice game ay hindi na kami nagtagal pa. Buti na lang at naroroon na ang coaster na susundo sa amin. I admit na nanghihinayang ako sa kinalabasan ng laban. Pero Nagpapasalamat ako at nagkaroon kami ng pagkakataong makalaro. Ang tanging hihintayin nalang namin ay ang disisyon ni Coach Kiko. Sa sasakyan ay walang kumikibo. Tahimik lang ang byahe pabalik sa dorm kung saan kami sinundo kanina. Bago umalis ay nagpasalamat kami. Si Coach Kiko ang naghatid sa gate at sinabing magpahinga na kami at kakausapin nya kami sa Lunes. Balik training na kasi dapat ang Monday, lalo pa’t malapit na magsimula ang klase. Kung tutuusin ay simula palang ay may pakiramdam akong matatalo na kami. Nabuhayan nalang kami ng loob nang si Coach Kiko ang nag manage sa amin. Pero hindi ko akalaing may babangis pa pala ang mga kalaban naming. Sinong mag-aakalang nakapag-adjust agad sila sa mga galaw naming. Buti nga at pinuntahan kami ni Nicolo upang pagsabihihan. Naalala ko nanaman si Nicolo kanina habang nagsasalita. Masasabing isa talaga siya sa magaling na manlalaro. Biruin mo, nakitaan niya ulit kami ng mga mali. Pati yung pagpapatahimik kay Roy ay hindi ko inaasahan. Lihim nga akong natawa nang hindi makasagot si Roy nang angasan siya ni Nicolo. Nang makabalik na kami ng dorm ay bagsak balikat kaming pumasok at pumunta sa kanya kanyang higaan. Sa palagay ko ay ito ang pinakamahabang gabi dahil kung ako nga ay iniisip ang mga nangyari kanina at ang magiging disisyon ni Coach Kiko ay malamang pati mga kasama ko din. Ayaw lang nila magsalita sa ngayon. Hahayaan ko muna sila ngayon. Pero bukas ay kailangan ko talaga silang kausapin. ***** Linggo ng tanghalian nang muli kaming magsama-sama sa common area. Mukhang alam na nila na mangyayari ito kaya siguro nagkusa na sila. “So, guys, what are you plan now?” Pagsisimula ko. “Nanalo naman tayo ng isa baka pwede na yun.” Wika ni Blake. “Sana nga ganoon. Kung pwede naman kausapin si Coach Kiko.” Si Rey. “Ako, anu man yung maging disisyon, tatanggapin ko na lang. May mali tayo kaya dapat tanggapin natin yung consequence.” Natahimik naman sila sa sinabi ni Jim. “Sa tingin nyo ba naririto tayo kung iniba natin ang pakikitungo sa mga bago?” “I was thankful  na nangyari ito kasi na open nito yung pagkakataon na marealise natin ang mga pagkakamali natin bilang isang team. Yung kalaban natin kahapon, 18 below category pero ibang level ang kakayahan. Paano tayo makakasiguro na yung mga nakalaban natin last year ay hindi naghanda para this year?” “Given the chance, I want to begin again. I want to know more about our new member.” Singit ni Daniel.  “To think na yung taong akala natin ay puro salita pa ang tumulong sa atin to realise our flaws. Yung taong higit nating pinuna dahil maangas siya. Pero at the end, I realised na masyado lang tayong ma pride para matanggap na magagaling ang mga bagong members ng team.” Hindi ko mapigilan na sabihin. ***** Maaga akong nakarating sa school. Base sa napag-usapan naming mga senior member ay itutuloy na naming ang na udlot naming plano sana. Gagamitin na din naming ang pagkakataon upang makilala pa ang mga baguhan.  Ilang araw na lang din ay magsisimula na din ang klase kaya kailangan maihanda na naming ang lahat para maging matagumpay ang plano kahit pa sabihing hindi pa naming naririnig ang disisyon ni Coach Kiko. Agad akong tumungo ng coaches office upangmakausap at isangguni ang plano namin kay Coach Kiko. Kung kinakailangang magmakaawa ako ay gagawin ko payagan lang niya kaming makapaglaro at makabawi sa team. Naabutan ko si Coach Kiko sa kanyang desk. Nangmatapos ko siyang kausapin ay sinabi nitong kakausapin niya muna kami. Kahit kinakabahan ay naging positibo ang paniniwala kong mapagbibigyan kami ni Coach Kiko. Nang makarating ako sa gym ay naroroon na ang mga kasaman ko. "Wala pa sila?" Tanong ko. Ang mga new members ang tinutukoy ko. "Wala pa. Malelate ata yung iba." Si Jim ang sumagot. Lihim akong natuwa  sa sinabi ni Jim. Nakakahiya kasi if sasabunin kami ni Coach Kiko sa harapan ng mga bago.  Isa pa makakausap din naming si Coach ng masinsinan. Maya-maya pa ay dumating si Coach Kiko. "Kumpleto na ba kayo?" Tanong ni niya habang nililibot ang paningin. Tahimik lang ang iba kong kasama. Pakiramdam ko ay napakaawkward ng atmosphere. Nakita kong may tinawagan si Coach. "You captain came to me at sinabi ang plano ninyo." Marahang wika ni coach. “At sa tingin ko ay maganda iyon kung talaga bang magagawa ninyo iyon?” "Nag-usap-usap nap o kami Coach Kiko. Sa tingin namin yung nangyari last week ay big lesson na po iyon.” Sagot k okay Coach Kiko. "Nakakasiguro ba kayong pagbibigyan ko kayo matapos kayong natalo?” Nagsimula akong kabahan sa sinabi ni Coach Kiko. "Tandaan ninyo, kayo ang mga senior na dapat ay nagga-guide sa mga bago. Pero ang siste ay parang pinaramdam nyo na hindi sila welcome. Kailangan pa na humantong sa ganito para lang matauhan kayo sa mga mali ninyo?" Ramdam ko ang pagkadismaya ni coach. "Sorry coach." Aminado akong isa ako sa may kasalanan kung bakit nagkakaganito ngayon ang team. Bilang Team Captain ay malaki ang papel ko upang maging maayos ang pakikipagtungo ng mga senior sa bagong members ng team. "Hindi ko rin naman kayo masisi kung yan ang nakasanayan ninyo. Pero hindi iyon pwedeng gawing dahilan para iparamdam ninyo sa mga bago na superior kayo. Sige nga, gaano ninyo kakilala ang mga bagong members? May is aba sa inyo na kinakausap o kinikilala sila?." Napapailing nalang si coach habang nakatingin sa amin. "Ikaw, Roy, kilala mo ba kung sino ang tinulak at tinawag mong bakla? International Junior High player yun. Pero mas pinili niyang sumali dito. Maging si Harvey ay ganun din. Si Kingsman ay sumali rito dahil nabalitaan nyang dito magtatry out si Nicolo. Sa halip na gawin silang outcast ay dapat ay pinapapasok ninyo sila sa circle dahil parte na sila ng team. Oo, at naging maging close na kayong mga senior member, pero hindi na lang kayo ang bumubuo  ng team na to. Sa tingin ba ninyo maipapanalo ninyo ang laban kung kayo lang?" “To be honest sa inyo, sa pitong nakalaban ninyo, Tatlo lang doon ang official member ng team A. ang apat ay galing sa team B. Paano kung buong team A ang nakalaban ninyo?” Nakita ko ang pagkabigla ng iba kong mg aka team nang marinig ang sinabi ni coach. “Ganito nalang, pagbibigyan ko kayo sa pagkakataong ito. Pero, oras na may mangyaring gaya nito, pasensyahan nalang tayo.” “Thank you po, Coach.” “Get ready, parating na ang mga freshmen.” ******   "Tapos na ba kayo?" Biglang wika ng isang familiar na boses. Hilig talaga nitong biglang bigla dumarating. Pasalamat siya cute siya. Natigilan ako sa naisip ko. Nakita kong papalapit si Nicolo kasama si Harvey. He is wearing a casual clothes at hindi ko maiwasang tignan siya. Hindi ko tuloy malaman kung naaatract ba talaga ako sa kanya. “Katatapos lang.” Sagot naman ni Coach. "Sorry coach, kailangan kasi naming umatend ng orientation." Si Harvey. "Don’t worry, pinaalam naman kayo ng admin. Magbihis na kayo. Yung iba pala asan na?" Tanong ni Coach Kiko. "Don't worry coach, parating na din sila." Sagot ni Harvey . Hindi nga nagtagal ay nagsidatingan na ang iba pang first year. Napahinga ako ng malalim. Begin again, ito na ang pagkakataon naming bumawi. *** "Bago ang lahat mukhang may sasabihin ang team captain. Upo muna tayo at pakinggan natin ang sasabihin nya." Tawag ni coach Kiko. Nagsi upuan naman ang lahat. Tumayo ako sa gitna upang masabi ko na ang sasabihin. Natigilan ako nang magtama ang mata namin ni Nicolo. "Hoy, anu na? Natulala ka na diyan." Napa balik ako sa sarili dahil sa boses ni Blake. "Well, bago yung talagang sasabihin ko e, gusto ko munang humingi ng tawad sa naging pagtrato namin sa inyo simula nang matanggap kayo bilang parte ng team." Yes ito yung unang naisip kong gawin upang masimulan ang pagkakasundo. "Sana ay hindi pa huli ang lahat para magsimula tayo." *** Nicolo POV Gusto kong matawa sa itsura ni Xander. Hindi bagay sa kanya ana mag-speech. Para siyang ewan. Pero naa-appreciate ko ang tapang niya. Hindi siya yung tipong nagsosorry pero heto siya sa gitna at humihingi ng pagkakataong magsimula. Kami kaya, may masisinulan din? Napangiti ako sa naisip ko. "Next kong sasabihin ay isang surprise na sana ay magustuhan nyo." Pagpapatuloy niya. "I would like to announce that we will be having a team building. We are going to El Nido Palawan next week.”  Naghiyawan ang lahat sa narinig. Patuloy lang akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may anung pwersang humihila sa akin papunta sa kanya. Damn, anu bang nangyayari sa akin. "Ok ka lang?" Napaayos ako ng sarili at binalingan si Harvey. "Ha? Ahh, Oo naman." Tinignan lamang ako ni Harvey gamit ang makahulugang niyang tingin. "What?" Hindi ko mapigilang tanong. Sarap na niya kasing batukan. "Wala." Nakangising sagot niya. Alam ko namang may kung anung idea ang namumuo sa isip niya. Hindi ko na lamang siya pinansin pa at tumayo nalamang upang magsimula nang mag warm-up. *** "Are you sure, you're ok?" Nag-aalalang tanong ni coach Kiko. "Pwede ka namang di mag training ngayon. You can go somewhere to unwind. You can take Harvey if you want. Or Kingsman?" Natawa ako sa huling salitang binitiwan nya. Seriously, kahit si Harvey ay lakas ding maka-ship sa amin ni Samuel. "Pati ba naman kayo, Kuya?" Natatawa kong wika. Buti nalang at malayo kami sa karamihan. "He’s a friend." "Wala naman akong sinabing mali ah? Ang akin lang e baka nauumay ka nang kasama si Harvey. Tutal "friends" kayo kamo e baka gusto mong siya naman ang makasama." Napailing na lamang ako habang hindi mapigilang matawa. Coach Kiko is always like this ever since. He cares for each of us kahit minsan stress ang binibigay namin sa kanya. He could be badass coach if he likes but he can also be an angel. Kung naiba lang ang sitwasyon, namin  ni coach ay papangarapin kong siya ang maging boyfriend ko. But I grew up with the idea that he is my big brother.  Lalo akong natawa sa naisip ko. Nyeta, nagiging maharot na ako. "I'm relieve na makita kang nakakatawa pa." Biglang naging seryoso si coach. "Coach, I am ok. Don't worry I can manage. Halata naman pong naninibago pa sila. Ang their team culture is a bit odd." Which is totoo naman. Ever since we started training with them, you can sense the wall on their group. It’s hard to break that wall. Napatingin ako sa mga lumang members na ngayon ay nagsisimulang makihalubilo sa ibang mga bago. "But look at them now. They are trying to lowering the wall." "Let’s hope that this is the start." Ginulo pa ni coach ang buhok ko. Di ko tuloy maiwasang maalala ang taong gumagawa rin nito sa akin. Si Brett. *** "I will now let you play on the court. But I will going to take you out on your comfort zone." Wika ni coach Kiko. Nagsimula niyang tawagin ang mga maglalaban. Ang isang kuponan ay mga bagong member at ang isa ay ang mga luma. Walang nagbago. Grupo ni Lim laban uli iyon sa grupo ko. Wait, parang slam ko na gagawin ni coach ah.   "Jim, you will be the setter of new members. And Nicolo sa kila Lim ka." As I expected. Tinungo ko ang pwesto nina Lim. Ramdam ko agad ang kakaibang aura na bumabalot sa grupo nila. Ito ang grupong sinubaybayan ko ng halos tatlong taon. Alam ko ang bawat galaw nila. Pero ngayong kasama ko na sila ay tila naninibago ako. Sinubukan kong pakalmahin ang nagririgudong t***k ng puso ko. Coach bwisit ka din minsan. Nambibigla ka nanaman. ‘Pag ako nagkalat dito. "Good luck." Si Kuya Jim. Nasa harap ko siya. Pareho kaming nasa zone 3. Saka ko na isip, kailangan ko munang laruin ang game nila. From there, sisimulan kong palaruin sila sa game ko. Nagsimula na ang laban. Score: 6 - 3. Lamang kami ng tatlo. Alam kong nagtataka ang mga kasama ko dahil kuhang kuha ko ang istilo ni Kuya Jim. Pero wala na akong panahon intindihin pa yun. Nag-aabang na lamang ako ng tiempo para simulang baguhin ang play. Service ball na ng kalaban. Pumasok ang bola na agad namang narecieve ni Blake. Kasabay noon ang pag pwesto nila. Ang play na ito ang madalas nilang gamitin. Ito ang play na palaging may butas akong nakikita. Nakaabang naman ang kalaban dahil kabisado ni Kuya Jim ay naabisuhan niya ang kasamahan. Si Xander ang dapat papalo ng bola mula sa pwesto ng opposite hitter. Mabilis kong siniyasat ang pwesto ng mga kasama ko. Nakita ko ang kambal na nakaready nang maging decoy. Tila may bumbilyang sumindi sa aking utak nang makita ko ang opportunity para simulang baguhin ang play. Tumalon na si  Kuya Roy, malapit na ang bola kaya tumalon ako upang i-set ito sa taong pagbigyan. Kumilos na si Xander. "Kuya Rey, talon." Sigaw ko habang nasa ere na agad namang tumalima. Saktong na ipasa ko ang bola sa kanya. Pumasok ang bola sa kabila nang hindi naibalik dahil hindi nila napaghandaan iyon. Hindi naman talaga ganun ka lakas ang impact ng spike ni kuya Rey dahil biglaan lang din. Pero masaya ako na nakadagdag iyon sa aming score. Ang sumunod na mga tagpo ay unti unti kong binabago ang play. Nag simula na din akong magset mula sa back line na hindi nila madalas gawin. Pero dahil nakitaan ko ng pagkakataon ay sineset ko kahit mahirap sa part ko. Madalas ay si Xander ang pinapapalo ko sa back line dahil mas malakas siya at mataas tumalon. Hindi naman ako nabigo dahil palaging ace ang kanyang palo. Nakabisado din ng kambal ang bagong istilo ng kanilang quick attack na sumablay rin ng tatlong beses. Score: 25 - 22   Naipanalo namin ang game. Pero natuwa ako sa kinalalabasan ng laro. Nakita ko din kasing hindi naging patinag ang mga kasamahan kong bago sa team. Nakakaproud na kahit naninibago ay nakakasabay sila sa mga datihang members. Ang mga senior member naman ay bahagyang umiba ang kilos sa coaurt. Its good na natatandaan pa nila ang mga insights ko last week. Pero siyempre, hindi naman agad nila mababago yung play na nakasanayan nila. Paunti-unti tiwala akong ma sasanay din sila sa mga bagong play.  "O san kayo pupunta?" Biglang tanong ni coach. "Hindi pa tapos ang laban, oy! Change court pa." Napatawa nalang kaming lahat. Tignan natin kung matatandaan pa nila ang bagong mga play. "Ang matatalo pala dito magpapakain ha?" Anunsyo ni coach. "Umayos kayo wala akong pera!" Sigaw ni Kuya Jim sa kabila. Sabay tawanan. Nakakatuwang isipin na kahit papano ay natitibag na ang dingding nila. Unti unti ay nakakapasok na kami. Can't wait for the team building next week.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD