Set Nine: Practice Game

2183 Words
Kahit sa isang practice match lang ang magaganap na laro ay kumuha pa din ang mag-ama ng official na magpa-facilitate ng laro. Nakasanayan na iyon nila. Nagsinula nang magwarm-up ang kupunan ni Xander. Habang ang kupunan ng Xavier ay nagb-briefing sa bench area. Sa viewing area ay naroroon ang iba pang members ng Xavier Volleyball Men’s Club. Naroroon din ang mga bagong members ng Warriors. Nasa unahang bahagi ngka upo si coach Kiko katabi niya sa kaliwa ang kanyang Mama at sa kanan naman ay si Nicolo. “Sure ka bang hindi mo sila iko-coach, Kuya?” Tanong ni Nicolo sa katabi nang hindi inaalis ang tingin sa nagwo-warm up seniors. “Malalaki na yan, kaya na nilang magdesisyon. Isa pa balita ko, may taong tumulong daw sa kanila. Nagdala pa nga daw ng  Parrot yung tumulong.” Seryosong sagot naman ni Coach Kiko. “Sa tigilan mo ako sa kaka-kuya mo at official game ito.” “Official game eh ayaw mo nga mag coach diba.” Ganito silang dalawa kapag nasa labas. Palibhasa ay halos lumaki si Nicolo na si Coach Kiko ang kasama. Magkaibigan kasi ang Mama ni Nicolo at ang Mama ni Coach Kiko. Kaya sa tuwing may lakad ang Mama ni Nicolo ay kina Coach Kiko ito naiiwan. Para nan gang adopted son ang turing ng Mama ni Coach Kiko kay Nicolo. “Anak, hindi ito ang panahon para magmatigasan ka sa mga bata. Coach ka na kaya dapat kaya mong isantabi ang galit mo at i-guide mo sila sa tama.” Sumabat na ang Mama ni Coach Kiko na kanina pa pala nakikiramdam. “Sige na at mag-coach ka na doon. Yang assistant mo parang wala pa namang alam.” Walang nagawa si Coach Kiko kundi tumayo at lumapit sa kanyang manlalaro.   Tinawag na ng referee ang mga team captains. Lumapit naman sina Alexis Santillan ng Xavier at si Xander. Nag-toss coin ang mga ito para malaman kung sino ang unang magse-serve.  Nakuha ng Xavier ang serve. Bakas sa mukha ni Xander ang pagkahinayang. Mas mainam kasi na makuha ang first serve lalo na kung may serving specialist ang grupo. Nawala din ang paghihinayang nang pagbalik ni Xander sa team ay naroroon na si Coach Kiko at nagbibigay instruction sa mga kasamahan niya. Kahit papano ay lumakas ang loob niya knowing na sinusuportahan pa rin sila ng coach nila sa kabila ng lahat. Nagbigay nan g hudyat ang referee ng pagsisimula ng game. Pumwesto na ang mga manlalaro sa magkabilang dulo ng court. Sa muling pagpito ng referee ay kumupas ito sinyales na lumapit sa gitna. Nang makarating ang mga ito sa gitna ay nagkamustahan ang mga manlalaro at pumunta sa kanikanilang bench at naghanda na para sa unang set. Dahil practice match ito at hindi naman buong team ang maglalaro sa kupunan ng Warriors at best of two ang mangyayaring laro. Ibig sabihin ay ang unang maka dalawang panalo ang magwawagi. Kahit wa-walo lang ang kupunan ni Xander kita sa kanilang mga mukha ang disididong lumaban.  Sa walo ay si Julius magiging substitute. Dahil libero si Blake ay pwede itong pumasok once may dapat palitan sa back area. Nakapwesto na ang kupunan ng Xavier. Alexis Santillan #1 Jenrick Nicocia#7 Louie Von Yu #8 Jasper Miguel Lozada #11 Harmel Chen #3 Akito Yumahiko #9 Jonest Cruz – Libero #13 Lingid sa kaalaman ng karamihan ay hindi purong team A ang makakalaban ng kupunan ni Xander. Tatlo lang ang official member ng team A at ang iba ay member ng team B. Madalas gawin ito ng ilang teams upang magkaroon din ng collaboration ang dalawang kupunan na kabilang sa iisang club at maikubli din ang ibang players. Lalo na ang mga key players ng team. Pero may ibang pagkakataon din na purong A o B ang ginagamit lalo na if official request iyon.   Nasa service line na ang unang mag se-serve ng bola. Sa hudyat ng whistle ng referee isang jump serve ang pinakawalan ni Yu. Hindi iyon na anticipate nina Xander kaya service ace ang kinalabasan. 1 – 0 ang score. Sinundan pa ito ng dalawang service ace bago makabwuelo si Blake. Hindi inalis ni Nicolo ang tingin sa Libero upang mapag masdan ang kilos nito. Lihim itong napangiti dahil iba ang kinilos nito sa usual nitong ikinikilos. Agad na kumilos si Jim at isinet ang bola kay Xander na handang handang pumalo ng bola. 3 – 1 ang score at kina Xander ang service.    It was Xander who about to serve. Isang safe serve ang pinakawalan nito. Haghanda naman ang sina Rey at Roy sa ilalim ng net . Gaya ng inaasaha ay nag-set ang Xavier. Si Yumahiko ang pumalo ng bola ngunit na hadlangan ito ng blokers ng Warriors dahilan upang umusad ulit ang score. Kitang kita naman sa mga senior player na ginagawa nila ang mga mungkahi ni Nicolo. May mga pagkukulang pa na dapat bigyang pansin ngunit para kay Nicolo, maayos ang mga galaw nila at kampante siyang mananalo ang Senior members sa set na ito. Gaya ng prediction ni Nicolo ay nanalo nga ang mga Senior members sa sa score na  25 – 20. Kitang-kita sa mga mata ng mga ito ang tuwa. Ngunit hindi pa doon natatapos ang laban. Alam ni Nicolo na mahihirapan na ang mga Senior members sa susunod na mga set. Hindi nya tuloy maiwasang mapatingin kay Coach Kiko na ngayon ay nakatingin din sa kanya. This is Coach Rex strategy to assess their opponent. Hindi na iyon bago sa akin dahil trabaho ko ang manood ng first set  noong naglalaro pa ako sa kanilang kuponan.  Ito ang dahilan kung bakit madalas ay sa second set ako naglalaro lalo pa kung ang makakalaban namin ay hindi naming masyadong kabisado. Kaya naming ipamigay ang unang set dahil tinitiyak naming amin na ang susunod. Magsisimula na ang second set. Ginamit muli ng Xavier ang mga naglaro sa unang set. Iyon ang usapan ng mag-ama kanina upang pantay lang ang laban.   Nang magsimula na ang second set ay nagsimula na din ang pagbabago ng kilos ng mga manlalaro ng Xavier. Mukhang alam na nila ang mga ikikilos at kung paano dumipensa sa kalaban. Halata ang pagkabigla sa mukha ng mga Senior members. Ito na ang kinatatakutan ni Nicolo. Sa mga ganitong sitwasyon nawawala ang kunsentrasyon ng mga senior members. Mabilis silang ma-disorganize at mawala sa focus. Ito rin ang dahilan kung bakit sila nakikitaan ng butas. “Are you okay?” Napalingon si Nicolo sa nagsalita. It was Lucas.  “Why will I not be okay?” Seryosong balik na tanong niya. “It’s in your face, Kuya.” Sagot naman ni Lucas na ngayon ay nakaupo na sa tabi ni Nicolo. “For what its worth? At least they improve somehow.” “Yes. That’s what matter.” Nais sabihin ni Nicolo pero pinili naman na ibulong sa sarili. Hindi na rin nabigla sina Nicolo at Coach Kiko sa resulta ng second set. 25 – 16 in favor of Xavier. Wala ring imik na maririnig mula sa likuran ni Nicolo. Tahimik lang ang mga kasamahan niya habang nanonood ng laban. Kanina ay pinaalalahan niya itong pag-aralan ang bawat galaw ng mga manlalaro na iyon naman ang ginagawa nila ngayon.   Nicolo’s POV Third and final set. Bago pa man magsimula ay lumapit na ako sa kinaroroonan nila. Kita niya sa mga mukha nito ang magkahalong pagod at paghihinayang. Pakiramdam nga niya ay pinanghihinaan na ang mga ito ng loob. “So anung planu n’yo?” Rinig niyang tanong ni Coach Kiko sa kanil Walang sumagot sa mga ito. “You know what the problem is?” Pagsingit ko na ikinabigla nilang lahat. “Mabilis kayong mataranta. You are doing well on the first set. Nakita nyo lang na nagbago ang game nila disoriented na agad kayo. Mabilis kayong madistract.” “It’s easy for you to say hindi kanaman naglalaro.” Hindi talaga nakakapagpigil si Roy na sumagot. Siya talaga ang toxic na taong nakilala ko. “Shut up,  Roy nagsasalita ako. ‘Wag mo akong paandaran ng pagiging toxic masculinity mo.” Hindi ko mapigilan ang sarili na sagutin siya. “Focus on your aim, ilang beses kang  pinasahan ni kuya Jim ng good set pero hindi mo mapalo-palo ng maayos. You don’t even jump correctly. If you want to win, play seriously and leave that d*mn pride of yours in your bag.” Bumaling ako sa iba pang manlalaro. Bakas sa mga pagod nilang mukha ang pagkabigla sa inasal ko. “Kuya Jim, I told you to focus around you. Don’t mind how good your opponent play but how can you stop them. Amazing sila, given na ‘yon. So what is the good way to stop them? Don’t set the ball to those who are unworthy of it. Hindi porke malakas sila pumalo yun na ang ipanlalaban mo sa kalaban. Kuya Rey can do better as well. You could use him instead of the other twin na mala tore ni Rapunzel ang pride “ “Kuya Dan, be aware of your position. If hindi ka tutulong then don’t get on the way.” “Blake, you improve a lot. Keep it up.” “Captain, ‘wag sugod ng sugod. Assess din ng situation. You are good but hindi pwedeng papakawala ka nalang palagi. Hindi porke nagpakawala ang kabila ay magpapakawala ka din para lang magpakitang gilas. This is not competition of who is strong but who can score. “ After kong masabi ang saloobin ko ay bumalik na ako sa kinauupuan ko. Magalit na sila if magagalit sila but I’m only saying the truth at hindi sila uusad kung hindi ko ‘yon sasabihin. The third set start. Kung ikukumpara ang kilos nila kanninang second set ay naging iba ang galaw nila. Kuya Julius is playing instead of Kuya Roy. Naging mas observant si Kuya Jim. Kung kanina ay panay set nito sa maling tao ay ngayon ay naging tactical na ito sa bibigyan ng bola. Kuya Rey was able to score few times at naging aware si Kuya Dan sa placing niya. Xander on the other hand, naging calm na ang galaw nito. Hindi na ito tulad ng kaninang panay palo ng palo na sumasablay na. Naging accurate na ang galaw niya at tinatansya na ang mga gagawin. It is nice to know na kahit hindi maganda ang pagbibigay ko ng insights sa kanila ay ginawa naman nila ang mga sinabi ko. 17 - 15 in favor of Xavier. Alam kong hindi nila maipapanalo ang set na ito pero ang mahalaga ngayon ay nasusundan na nila ang kalaban. May mga pagkakataon na nabubutasan sila pero normal lang iyon dahil naninibago palang sila sa mga ikikilos nila. 19 – 18 in favor of Xavier. Kung tutuusin malalakas naman talaga ang mga senior members. Hindi lang sila na hasa dahil marahil sa uri ng training na meron sila noon. Pero hindi rason iyon para hind imaging magaling. Madaming paraan upang matuto. All 20 ang score. Naging exiting na ang laban. Kung papalarin ay baka mag-iba ang ihip ng hangin at palaring manalo sila. Pero suntok sa buwan iyon. Kahit sabihin pang hindi purong team A ang kalaban ay matatag pa din ang pinapakitang husay ng mga manlalaro ng Xavier. Pantay kasi ang training kaya masasabing hindi nagkakaiba ang kilos at galaw ng bawat isa. 22 – 20 in favor of Xavier. Kitang kita na ang pagod sa bawat isa. Ngunit hindi mo sila makikitaan ng pagsuko. Bawat isa ay ibinibigay na ang lahat na para bang ang labang ito ay isang official match. 23 – 21 in favor of Xavier. Nalalapit nang matapos ang labang ito. Nakikita kong ginagamit nan g Xavier ang mga combination set na nagpapalito kay Kuya Jim maging sa ibang kasamahan niya. And again, nawala nanaman sila sa kanilang laro. 24 – 21 in favor of Xavier. Masasabi kong sakabila ng magiging resulta ay natutuwa pa din akong makitang kaya ng mga senior na baguhin ang  nakasanayan. Hindi man nila nagawa ng pulido ay hindi na rin masama ang pinakita nila. Pero ang kapalaran nila ay kay Coach Kiko. Ang  tanging magagawa ko na lamang ay ang mag hintay ng magiging disisyon niya. Sana ang larong ito ay magbigay sa mga senior ng bagong perspective. Sana ay maging kasangkapan ito upang magbukas ng kanilang kaisipan na hindi sakanila iikot ang laban. Matanggap nila na ang galing ay hindi sa tagal mo sa isang team kundi sa kung anu ang kaya mong ibigay para sa grupo. They might be senior members but they are not perfect and they must admit it. Kailangan nilang tanggapin na kakailanganin nila ang tulong naming mga bagong members upang maipanalo ang laban. Nasa ere na ang bola. Agad na kumilos ang Xavier. Na-received iyon ni Cruz. Sinet ni Yu ang bola. Magkasabay na gumalay sina Santillan at Yamahiko. Ngunit sa huli ibinigay ni Yu ang bola kay Chen na nasa back line. Buong lakas namang pinalo ni Chen ang bola na mabilis na tumawid sa kabilang court at tumama sa sahid. Score: 25 – 21, winner  Xavier Volleyball Men’s Club.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD