Set Eight : Lowering the Pride

2098 Words
Nicolo POV 6 AM:  St. Luke Gymnasium “Are you sure they will come?” Hindi mapakaling tanong ng kasama ko.    “They should be. It’s their last chance. “ Sagot ko. Five thirty palang ay naririto na kami. Kakatapos palang naming mag-warm up. Tinungga ko ang battle water na kinuha ko mula sa bag ko. Saktong katatapos ko lang uminom nang matanaw ko si Kuya Jim na papalapit sa kina roroonan namin. Sa bandang likod niya ay sina Xander at Blake. “Xander Lim is in the house.” Napailing na lang ako sa kasama ko. Akala mo ay nasa nasa Xavier Gym lang siya. Kita naman ang pagtataka sa mata ng tinawag. Marahil ay dahil makakalaban nila ang kupunan ng kasama ko sa darating na Sabado. “Lucas, remember what I told you.” Banta ko sa kanya. Tumingin naman sa akin si Lucas at nagsign ng kunyari’y sinasaea ang zipper ng bunganga. Napaisip tuloy ako kung tama ban a siya ang dinala ko ngayon. Sumunod na dumating si Kuya Daniel.  Hinihingal pa ito nang makarating sa bench kung saan naroroon ang kapwa senior members.  Huling dumating sina Kuya Julius, Kuya Leopold, Kuya Rey at Kuya Roy na hindi maipinta ang mukha. Mukhang kinaladkad ata ito ng kakambal. Nang makitang ready na sila ay pumunta na ako sa court. “Shall we start?” May kalakasan kong tanong para marinig nila. Agad namang kumilos ang mga ito sa kinaroroonan ko. Sa totoo lang ay kagabi ay planado ko na lahat ng ipapagawa ko. Pero ngayong nandidito na ay mukhang kinakabahan ako. Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. Pinaalala ko sa sarili ko ang dahilan kung bakit ko ginagawa ito.  “Good morning.” Bati ko sa kanila. “This is Lucas. Isa siya sa makakalaban ninyo sa Sabado. And before you react, he's not here to spy on you since they knew already how you work and we will discuss it later. For now, I want you to do the usual warm up na nakasanayan ninyo. “I believe the Captain can lead you on that.” “Sure.”  Seryosong sagot ni Xander. I watch them do the warm-up routine.  Starting with the runs, stretching at ilang set ng drills. After noon ay binigyan ko sila ng ten-minute water break. “I just want to remind you guys that this will only be a short crash course. After this, kayo na magde-decide if aayusin ninyo at gagamitin ninyo yung sasabihin namin or you want to use yung nakasanayan ninyo.” Pagsisimula ko. “On this training, you are not allowed to talk back. You should do what is being told and try to lower your walls.” “Alam naman ninyo na ang team sports is a game that needs the help of everyone. It is also a game of mind. Meening, in order to move forward you must know each strength and weakness. Nang sa ganoon alam mo kung saan ka lulugar if the game start.” Nakakaamaze lang silang panuurin dahil wala talagang nagsasalita sa kanila. Sana nga lang ay nakikinig sila dahil ang sinasabi ko ay basic na wala sila. “In every team tear should be the one controlling the game. He is the most crucial position so he must widen his observation range. While everyone is doing their best to defend, the game controller should be able to think what and when to attack. In volleyball, it’s the setter who controls the team game.”  I look to Kuya Jim. “Jim Alcaras, I know you’re good but you tend to wait for the captain’s decision. You are the setter. Set the ball according to your assessment. This is your weakness, the lack of observation and control.” It was Lucas who continues.    “Blake Joaquin. You are strong receiver, but you lack flexibility. Nawawala  ka everytime na nagkakagulo na sa loob ng court. Hindi lang receive ang obligasyon mo kundi maging support. “ “For the Sarmiento twins, how do I start,” napaisip pa si Lucas bago magpatuloy. “I have no problem with your force in hitting the ball. If only you count try doing more variations. Both of you are easier to read. And with your heights you can build walls if both of you is under the net. All you need is to jump as if you mean it.” Sumunod kong binigyan ng assessment si Kuya Daniel. Si Lucas naman ang nag assess kay Kuya Julius. “Xander Cain Lim, You might be the strongest spiker of your team, but you are lacking conviction. Madalas nagdadalawang isip ka. If you want to dig, dig it properly. Madali ka din mataranta. Yes, you are the captain, but you can only do so much inside the court. Let your teammate do their job and stop ordering what to do. Let Jim, control the game and set to whoever he thinks deserving to hit the ball. Let the twins fly. Trust Daniel and Julius that they can attack from the back.” “So far, that’s your obvious weakness base on our own observation. As I said, nasa inyo if babaguhin ninyo or you let it be. Ang amin lang is to let you know what you need to improve.” Pagtatapos ko. “Shall we play? We can do a five by five.” Mungkahi ni Lucas na hindi ko tinanggihan. Nasa kupunan ni Lucas si Kuya Jim, The Sarmiento Twins and Blake. Nasa kupunan ko naman sina Kuya Leopold, Kuya Julius, Kuya Danieal at si Xander. Gaya ng mga sinabi naming mga weakness ay sinasaway naming sila sa tuwing nakakagawa sila ng mali. We also gave advices while playing. Hindi pa ganoon ka pulido pero sana ay maayos nila bago sumapit ang Sabado. “And this is the end of our crash course training. Thank you for your cooperation and hope you can use the insights that we provided to you.” Tumuloy kami ni Lucas sa shower room upang makapagpalit ng damit at nang makaalis na. I promised to treat Lucas a meal kaya kailangang magmadali. Nagugutom na din kasi ako. Ilang sandal pa ay nakapagbihis na din kami. Paglabas naming ay tumampad sa amin si Xander. Mukhang hinihintay niya kaming makalabas. “Thank you.” Rinig kong wika niya. “And I’m sorry for everything.” After niyang magsalita ay mabilis itong bumalik sa kinaruruonan ng kanyang mga kasama.  Hindi na ako nakasagot pa dahil sa ginawa niya. Napangiti ako sa inasal niya. Bago lumabas ng gym ay muli kong tinanaw ang mga senior members. “Hope you win the game.”  Bulong ko sa sarili.   Xander’s POV Gaya nang napag-usapan ay kagabi ay walang kumibo o sumagot sa mga kasamahan ko maliban nalang kung may itatanong. Nicolo is a good teacher as far as I can tell. Bukod sa magaling ito sa laro ay talagang napaka lawak ng sakot ng attention niya. After he and Lucas point out our weaknesses ay sumalang kami sa five versus five game. Boses lamang ng dalawa ang naririnig sa court. Maya-maya ay may napupuna sila na kahit ako ay hindi ko nakikita. Napapailing na lamang ako. Aaminin ko, maganda sa pakiramdam na makita ang ganitong side ni Nicolo. Game mode kung tawagin ng iba. Pero higit na tumatak sa akin ay yunng mga ngiti nito habang naglalaro. May kung anus a ngiti niya na hindi mo mapaliwanag. Isa ba ‘yun sa magic niya bilang magician? Paunti unti nakita ko ang pag-iba ng galaw ng mga kasamahan ko. Pero hindi pulido dahil bumabalik din sila after ng ilang sandali.   Nang matapos na kami ay naglakas loob akong sundan siya sa locker room para personal na magpasalamat. Pero dinaga ako sa kadahilanang hindi ko mapaliwanag. Hanggang sa maabutan na lang ako ng dalawa na nakatayo malapit sa pintuan. Dahil hindi ko malaman ang gagawin ay tanging thank you at sorry na lang ang nasabi ko.   Nangsumunod na mga araw ay puspusan kaming nag-training. Kasama naming ang bagong assistant coach. Kahit papaano ay masasabi kong nag-improve kami. Sana lang ay naririto si Coach Kiko para makita niya na bukod sa pagkakaiba naming ay hindi maitatanggi na gusto naming maglaro. Kinabukasan naming ang nakasalalay kaya ibibigay naming ang lahat. “Sa tingin nyo, paano kaya nila nalalaman ang mga weakness natin?” Tanong ni Blake. “Observing malamang, Nicolo is superhuman pagnasa court.” Sagot ni Jim. Ito ang unang beses na may nagsalita sa amin. Sa ilang araw na training naming ay halos lahat ay may kanya-kanyang iniisip. Pakiramdam ko nga ay hindi kami nagkikita-kita mata sa mata kahit magkakasama naman kami. “Tama ka. Ibang Nicolo nga ang makikita mo kapag naglalaro siya. Not only him, pati si Harvey din.” Dagdag ni Blake. “And Samuel Kingsman din is strong. It’s sad that we started on the wrong foot with them and never try to correct it.”  Malungkot na comment ni Jim. “We tried.” Hindi ko maiwasang sumagot. “But our pride fails us.”    Alas dos ng hapon ay sinundo kami ng isang mini-bus. Buong linggo ay tanging ang assistant coach lang ang kasama namin. Pinadalhan lamang kami ng instructions ni Coach Kiko. Alas kwatro pa naman ang laro kaya makakapagpahinga pa kami pagdating sa venue. Nagtaka ako nang pumasok ang sasakyan namin ang sasakyan naming sa isang sikat na subdivision. Agad akong tumungo sa driver upang magtanong. “Kuya, tama po ba ang pupuntahan natin?” Tanong ko. “Tama naman po, sir.” Sagot ni Kuyang driver. Hindi na ako bumalik sa inupuan ko dahil tumigil na ang sasakyan sa tapat ng magarbong bahay. Sinabi ng driver na pwede na kaming bumaba at babalikan na lamang niya kami mamaya. Pagkababa ay na pansin ko agad si Coach Kiko kasma ang isang may edad na lalaki. “Welcome, Boys.” Masayang bati nang kasama ni Coach. I’m Coach Rex. Head Coach of Xavier Volleyball Men’s Club. And this is our home.” Napalunok ako ng laway dahil napakaganda ng bahay. “Pumasok na kayo sa loob. Nasa loob na yung makakalaban ninyo.” Seryosong utos ni Coach Kiko. Mukhang hindi parin nawawala ang galit niya sa amin. Agad naman kaming pumasok sa loob. Dumeretso kami sa parang pool area kung saan naabutan namin ang players ng Xavier habang masayang nakikipag-usap sa mga bagong member namin. “Xander Cain and the team is in the house!” Hindi ko na inalam kung sino ang tumawag dahil boses palang ay kilala ko na kung sino iyon. Agad namang napabaling ang lahat sa amin. “Lucas, can you keep your mouth shut.” Si Nicolo, kampanteng  naka upo sa hindi kalayuan. “Lucas, show them where they can change.” Utos naman ni Coach Kiko. “Yes, coach.” Kung nalula kami sa ganda ng bahay ay mas nalula kami nang malangang may covered volleyball court sa likod ng bahay. “Cool right.” Wika ni Lucas. Nahalata niya yata na amaze an amaze kami sa lugar. “The first time I went here, I was so surprised. Maybe because volleyball really runs to this family that they even build a volleyball gym at the back of their mansion.” Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuhan ng court. Walang duda, it’s official size court. Maging ang taas ng net ay naka set para sa mens players. Wooden tiles ang sahig. May bench na para sa dalawang kuponan na maglalaban at may maliit na viewing area sa magkabilang banda ng court. “So you can change now and do your warm up here.  Good luck in your game, guys.” This is it. Wala nang atrasan. Kailangan naming manalo para makapagpatuloy sa paglalaro. Kung papalarin kami, I will do my best na baguhin ang nakagisnan naming pamamaraan. I don’t want to stop here. Humarap ako sa team ko na ngayon ay nagsisimula nang magbihis. “Guys, lets win this game.” Napatigil naman ang mga kasamahan ko sa ginagawa nila at tumingin sa akin. Kita sa mata nila ang pagsang-ayon sa sinabi ko. “Don’t worry, Cap, We’ll do our best.” Paninigurado ni Jim. “Tiwala lang, Cap.” Si Blake. Yes, I need ko trust my team that they can do their part. Practice match man ito sa iba pero this game will decide our fate.  And losing on this game is not an option.  I fail as a captain before but today is the start of new beginning. We have to fight in order to move forward. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD