Last week na bago magsimula ang pasukan. Unang araw palang ay sumabak na ang mga Warriors sa bagong training plan. Tahimik lang ang lahat sa pagkakataong ito. Dama and hindi mapaliwanag na tension sa paligid. Laking pasasalamat na lamang ni Coach Kiko na nakapaghire na ang school ng assistant coach niya at siyang magmamanage ng grassroot team o mas kilala sa tawag na team B.
Gaya ng ini-expect ng karamihan, wala sa ngayon si Nicolo. Walang malay ang lahat kung anu ang nang yari sa kanya maliban kay Coach Kiko. Napapabuntong na lang ito habang kinakalma ang sarili.
“Pa, paano kami maghahanda kung nasasayo ang setter ko?” May halong inis na tanong ni Coach Kiko. Kausap nito ang kanyang ama na Head Coach ng makakalaban nilang kupunan sa darating na sabado.
Hindi pa nasasabi ni Coach Kiko sa mga players niya ang magaganap na practice match nila sa manlalaro ng Xavier. Sinadya niya iyon dahil gusto muna niyang magfocus ang kanyang mga players sa bagong training plan niya. Isa pa, Gusto niya ring tutukan ang sirang team work ng grupo.
“Ikoy, alisin mo muna si Nik-nik sa systema ng team mo. Buohin mo muna ang samahan ng bago at luma. Kapag nagawa mo ‘yon, hindi mo na po-problemahin si Nik-Nik.” Mungkahing sagot ng kayang kausap.
Napaisip si Coach Kiko sa sinabi ng ama. Sa lagay ng kanyang team ngayon, mahihirapan siyang mag-build ng team work kung naririto si Nicolo. Hindi naman sa sinasabing mahirap pakisamahan si Nicolo kundi sa ngayon ay treat ang tingin ng senior sa kanya. Sa takbo ng pag-iisip ng mga senior member, naapakan ni Nicolo ang mga pride nila nang ilang beses nitong matalo ang mga ito. Hindi nila kayang tanggapin na wala silang nagawa. Sa assessment na ginawa ni Coach Kiko ay tinuro sa mga ito ang paniniwalang superior sila which is not a good teaching. There is no superior or inferior pag dating sa team game.
Agad na lumabas si Coach Kiko sa kanyang kinaroroonan at tinungo ang gym kung saan nagti-training ang kanyang team. Laking gulat niya nang maabutan niyang nagkakagulo ang mga ito.
“What the hell is happening here?” Hindi na niya na pigilan magtaas ng boses.
Harvey POV
Muli ko nanamang sinubukang tawagan si Nicolo. Kanina pa nagsisimula ang training pero wala pa din siya. Aligaga na ang mga kasamahan ko dahil wala kaming kahit na anong balita sa kanya. Sinubukan ko siyang daanan sa kanyang condo kaninang umaga pero ang sabi ng guard ay nakaalis na daw ito.
Napabuntonghininga ako nang operator ang sumagot ng tawag ko. Nakapatay nanaman malalamang ang kanyang phone. Buti na lang at sa mga nagdidrill yung attention ng assistant coach. Bawal kasi ang phone sa training.
“Any chance?” Hingal na tanong ni Sam. Kakatapos lang nito gawin ang drill.
“Nakapatay ata yung phone niya.” Sagot ko naman sa kanya.
“Buti na lang wala yung pabidang bakla rito.” Inasikan ko ng tingin ang nagsalita. Siya rin ang tumulak kay Nicolo last week.
“What did you say?” Hindi ko na napigilan pa si Sam na sugurin ang nagsalita.
“Bakit totoo naman ah pa bida naman talaga yung baklang yun ah.” Nagtawanan pa ang ilang kasamahan niya.
“Pabida ba o sadyang naapakan lang ang pride mo dahil natalo kayo. Kelan nga kayo nanalo sa amin? Ah oo nga pala, hindi pa kayo nananalo sa amin.” Hindi ko na talaga kayang pagtiisan pa ang ganitong tao.
“Guys, enough!” It was the Captain.
“Bakit kakampihan mo nanaman yang kaibigan mo? Palalabasin mo nanamang ayos lang ang ginagawa niya kasi senior member siya?” Hindi ko matandaan ang pangalan ng nagsalita pero alam ko siya yung pagaling mag serve.
“Wala akong sinabing ganoon.”
“Matuto kang lumugar ha, kabago bago mo pa lang.” It was that guy again. So toxic siyang kasama.
Naglapitan na din ang ilang mga kasamahan namin. Sinasaway na din kami ng assistant coach. Pero hindi pa din kami nagpaawat. Nagkakaduruan na at ilang sandali pa ay pakiramdam ko ay mahahampas ko na ang taong ito.
“What the hell is happening here?” napatigil ang lahat nang umalingawngaw ang boses ni Coach Kiko.
Tumahimik ang lahat ay walang halos gustong magsalita. Namumula na sa galit si Coach Kiko. Unang beses ko siyang nakitang ganito.
“Can someone tell me what happen?” Tanong ni Coach pagkatapos ng ilang sandaling pananahimik. Nakatayo lang ito pero halatang pinipigilan lang ang sarili. “Xander?”
“Coach, I really don’t…”
“You don’t know what happens or you are just saying that because your friend started it?” May diing putol ni Coach kiko sa sasabihin ni Xander. Napayuko naman ang huli. “This is the second time, Xander. “You really disappoint me this time.”
“Harvey, what happens?” There’s no use in hiding the truth. One way or another, someone will be punished. Knowing Coach Kiko, he’s Coach Rex’s son after all.
I told coach everything. Wala akong iniwang detalye dahil baka sabihing dagdag-bawas ang kwento ko. Matapos kong magsalita ay muli kaming binalot ng katahimikan.
“I am so disappointed with this team specially you senior members. Mukhang mali ata na kinuha ko ang trabaho bilang coach ninyo.” Habang pinakikinggan ko ang sinasabi ni coach ay subrang bigat ng nararamdaman ko.
“ Do you think, ang gagaling ninyo para umasta kayo ng ganyan? You might be the senior but you are nothing compare sa mga taong minamaliit ninyo. You are playing in the most prestigious league here in the country and young people will look up to you. Itong pinapakita ninyo, ito ba ang gusto ninyong matutunan nga mga kabataang umiidolo sa inyo? Pagiging mapagmataas, Pagpapairal ng pride, Pagmamaliit sa kapwa? No wonder hindi binibigay sa inyo ng pagkakataon ang manalo kasi lalo lang lalaki ang ulo ninyo. Magaling kayo, given yun. Pero ang pangit ng prinsipyong pinaiiral ninyo sa sarili ninyo. At wala kayong karapatang maglaro.”
“Gusto ninyong ipakita na magaling talaga kayo? Sige, pagbibigyan ko kayo. Sa darating na sabado, you will be having a practice game with Xavier’s Volleyball Boys Club. Kung mananalo kayo, susunod ako sa gusto ninyong mangyari. Kung gusto ninyong tanggalin si Nicolo, tatanggalin natin. Pero kung matatalo kayo, Senior members, tatanggalin ko kayo sa varsity list. Kesehodang magpa try-out uli ako wala akong pakealam. Ayoko tulad ninyo sa team ko dahil nakakasira kayo ng team work.”
Pagkasabi noon ay agad nang tumalikod si coach. Nang malapit na ito sa pinto ng gym ay muling humarap ito sa amin.
“And before I forget, you don’t have a choice kundi pumayag. Otherwise, I’ll kick you out in my team. Train with yourself. Magagaling naman kayo diba? New members, you can go home now. Wait for my instruction.”
Pagkaalis ni Caoch Kiko ay agad kong tinungo ang gamit ko. Maging ang iba pang mga baguhan ay ganoon din ang ginawa. Niligpit na naming ang mga gamit namin. Naiwan pa din ang mga senior member sa kanilang kinatatayuan.
Binalingan ko sila ng tingin. Kahit na ang tataas ng pride nila at hindi maganda ang trato nila sa amin ay hindi ko maiwasang maawa. Coach Kiko’s words are hurtful but masisisi ba nila si Coach kung sila din naman ang may kasalanan?
Nagsilabasan na ang ilan sa amin. Tanging si Sam at Ako nalang ang natira kasama ang mga senior members na hindi alam ang gagawin.
“Let’s go.” Rinig kong wika ni Sam.
Bago pa man ako sumunod kay Sam ay muli akong bumaling sa mga senior.
“Just a piece of advice, try to lower you pride a little bit. Bumaba kayo ng kaunti sa pedestal na inaapakan ninyo. Ang hirap n’yo kasing maabot.” Hindi ko mapigilang sabihin bago sumunod kay Sam.
Xander POV
Nakatayo lang ako sa pagkakataong ito. Gusto kong mag-isip pero wala akong maisip. Feeling ko ay hindi gumagana ang utak ko. Paulit-ulit kong naririnig yung sinabi ni coach. Nararamdaman kong nanginginig ang buo kong katawan. Hindi ako nilalamig pero nangangatal ako.
“I told you to keep your mouth shut, Roy. Ilang beses ko yun sinabi. But you still manage to open your d*mn mouth.” It was Rey. Puno ng galit ang kanyang tono.
“We talk about this last week, diba? Bat may ganito ulit?” Hindi ko maiwasang masabi. “Guys, we been together since the beginning yung iba last year but my point is, matanda na tayo. Alam na natin kung tama o mali ba ang ginagwa natin.”
“And we agree na sisikapin nating makuha ang loob ng mga bago. Tama na yung pataasan ng ihi, noong umpisa palang alam nyo sa sarili ninyo na talo tayo sa kanila.” Si Jim naman ang nagsalita.
“Maybe tama si coach sa sinabi niyang feeling natin magagaling na tayo dahil we are considered as one of the best team. But looking back I realised how shallow we are as a team.” Si Blake.
“So, what will we do?” Tanong ni Rey. “We can’t afford to lose our scholarship.”
Walang sumagot sa tinanong ni Rey. Kahit ako ay wala akong lakas na loob sumagot. Si nicolo at Harvey palang nga ay hirap na kaming talunin buong team pa kaya ng Xavier.
“What you need to do is practise and aim to win.” Halos lahat kami ay napalingon sa nagsalita. Wala man lang nakapansing naririto siya.
“I choose to be here because I have a crusade of my own. I don’t care if you don’t like me at all. All I care is you playing the best that you can give. I’m willing to help you if you are willing to help yourself. I’ll be here tomorrow morning if you are interested but please, leave your pride at home.” Walang pasabi sabi ay umalis na ito. Naiwan kaming tulala. Sa dami nang nangyayari wala na akong lakas na habulin siya at tanungin ng mga bagay-bagay.
Nicolo POV
Yung gusto mo nalang sanang matawa pero at the same time naawa ka din. Yun ang naramdaman ko habang pinanonood ko ang mga senior members. Para silang mga basing sisiw na binalian ng pakpak. I don’t know what happen pero base sa mga narinig ko, mukhang ginalit nanaman nila si Coach.
The problem in making Coach Kiko angry is that he will do what he says. Magkapareho ang ugali nila ni Coach Rex kahit tumagi pang umamin si Coach Kiko. And beating Xavier Team is not an easy task. Kung monster ang batch ko, mas monster team ang batch ngayon. At baka maudlot pa ang tunay na dahilan kung bakit ako sumali sa team nila.
Hindi ko alam kung tatanggapin nila ang tulong ko. Pero kung seryoso sila sa mga sinabi nila kanina ay hindi nila sasayangin ang pagkakataon. I’m willing to set aside everything na ayaw ko sa kanila para lang makausad kami. I waited so long na makaharap ang kupunan ng Titan at palamunin sila ng bola. At hindi ko magagawa iyon kung ang mga ma-pride na senior naming ay hindi na makakalaro.
Kinuha ko ang Iphone ko at binuhay ito. Sinadya kong patayin ito ilang araw dahil malamang magugulit lang si Harvey at si Sam. May morning training din kanina sina Coach Rex at pinapunta ako kaya hindi ako agad naka punta sa training session namin.
Pagkabukas ng phone ko ay agad kong tinawagan ang isang taong makakatulong sa akin. Hindi pwedeng malaman ni Coach Kiko ang gagawin ko baka madamay pa ako sa galit niya kaya pasekreto ko nalang sila tutulongan. Bahala na si Batman sa kahihinatnan nito. For sure hindi naman malalaman sa taas ng pride ng mga yun, hinding hindi naman sila magsasabi kay Coach Kiko na tinulungan ko sila. Isa pa, isang araw ko lang silang sasamahan. After na makapagbigay ng pointers ay bahala na sila kung anung plano nilang gawin.
- to be continued