Set Six: Unexpectedly

2010 Words
Xander POV “Kung sinuswerte ka nga naman,” mahinang bulong ko sa sarili nang makitang wala nang maupuan sa pinuntahan kong fast-food restaurant. Huli na para ipabalot dahil naka order na ako. “Parang may bakante pa naman kanina ah?” Takang tanong ko. Nilibot ko ang paligid. Nagbabakasakali na may vacant na upuan kahit makishare nalang ako ay ayos na sa akin. Nagugutom na ako kaya wala nang hiya-hiya pa. Naglakad ako pa ikot ng dining area para makakita ng bakanteng upuan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahagip ng mata ko ang taong hindi ko inaakalang napunta sa ganitong klaseng kainan. Wala kasi sa itsura niya. Busy ito sa kakapanuod sa kanyang Iphone. Nang makita na may available na upuan sa tabi nito ay agad akong lumapit. Kumatok ako sa lamesa. Agad naman itong lumingon habang tinatanggal nito ang isang airpod sa right ear nito. “Hi? Pwedeng makiupo?” Alangan man ay naitawid ko rin ang sasabihin ko. Bakas ang pagtataka sa mukha nito. Hindi ko mapigilang secreting mapangiti dahil sa itsura niya. Sarap kasi niyang kurutin sa ayos niya. He is wearing white Harry Potter signed t-shirt. Meron kasi akong ganoong shirt kaya alam koi yon kahit initial lang ang naka design sa shirt. Nakaindian seat pa ito sa upuan at ngumangatngat ng french fries. “Puno na kasi lahat,” dagdag ko pa. Nagpalinga-linga ito at muli akong tinignan. “Okey,” maikli niyang sagot at ibinalik ang airpod sa taenga nito. Umupo naman ako kahit medyo awkward lang. Yung kaninang gutom ko ay pakiramdam ko ay nawala. Pasimple akong sumilip sa pinanunuod niya. Nanlaki ang mata ko nang makitang European Volleyball Cup ang pinanunuod nito. Magsasalita na sana ako nang biglang may dumating na lalaki. “Grabe, ang daming tao. Buti may seats pa us,” hapong wika ng lalaking dumating. Nilapag nito ang pagkain na dala at umupo sa tapat niya.  Agad nitong kinuga ang isang quarter pounder na burger at nilantakan. Ilang sandal pa ay na punta ang tingin nito sa akin. Agad kong iginawi ang tingin ko palayo sa kanya. “Hey, I know you. You’re that captain right?” May himig  ng amusement ang tinig nito. “Excuse me?” Sagot ko naman. Mukhang mapapalaban ako sa englisan. “Lucas, stop that. Kumakain yung tao. Finish your food nang makaalis na tayo.” Biglang saway ng katabi ko.  “Ahhh, I don’t know that you were close? You’re sitting with each other pa. How cute,” hindi ko alam kung anu ang pinupoint-out niya pero sakabilang banda ay natutuwa ako lalo na sa reaction ng katabi ko. Mabilis kasi nitong dinampot ang burger at isinaksak sa bunganga ng lalaking kaharap. “Ang dami mong alam. Kumain ka na lang,” may himig ng pagbabantang wika niya. Agad namang nanahimik yung kaharap niya. Balik sa panunuod naman siya. Maya-maya pa ay lumipat ng upuan ang lalaking foreigner. Pumwesto ito sa harapan ko at tumitig sa akin na parang naunuri. “Dude, you creeping me out.” Alangan kong sambit. Tumawa lang ito na para bang ayos lang sa kanyang tawaging creepy. “I’m Lucas Brin Heinrich, I play for Xavier International School Volleyball Men’s Club.” Pagpapakilala nito. Inilahad niya ang kanyang kamay. Agad ko namang iniabot ang aking kamay upang makipagkamay. Sasabihin ko na sana ang pangalan ko ng bigla siyang magsalita. “You’re Xander Cain Lim, Captain of Collegio de San Luis Warriors. You wear jersey number one and you play wing spiker andor outside hitter.” Napanganga nalang ako dahil kilala na pala niya ako. “Lucas Brin.” Ito nanaman siya sa mapagbanta niyang boses. “What? I’m being friendly here. Isn’t his your captain?” Sagot nito sabay baling uli sa akin. Napag-alaman kong si Lukas ay junior under him noong bago palang siya. Galing daw siyang Team B. Grade seven palang ay nagsimula na siyang maglaro pero Grade Eight ay official siyang nilipat sa Team A. Ikinuwento niya kung papaano siya e-winelcome ng mga seniors. Habang nagkukwento siya ay hindi ko maiwasang mainggit sa mga nararanasan niya. Napaisip tuloy ako. Naalala ko din ang mga nagdaang araw at ang mga pakikitungo naming sa mga bagong members. Hindi ko maiwasang mahiya sa katabi ko. “So Captain, hihingi pala ako sayo ng favour.” Naging seryoso ang boses nito. “Sure.” Maikli kong sagot. “I looked up with kuya Nics so much. I consider him as my older brother. He chose to play with your team and I respect his decision. But please can you take care of my kuya. Be good to him. Okay?” Natigilan ako sa sinabi niya. Muling bumalik muli sa isipan ko ang mga kapalpakan ko bilang Captain noong nagdaang mga linggo. “Lucas, that’s enough. We’re going.” Hindi na ako na ka react pa dahil mabilis na tumayo ang katabi ko at lumakad na palayo. Dali-dali namang inayos ni Lucas ang mga gamit niya at hinabol ang lalaking patay malisya habang naglalakad lakad palayo. Naiwan akong  may kung anung bumabagabag sa isipan ko. Gusto ko sana siyang habulin ngunit pakiramdam ko ay na duduwag ako sa maaari niyang sabihin. Coach Kiko POV Nakagawian ko nang magdiner sa bahay ng mga magulang ko from time to time. Malaking tipid din kasi kung sa kanila ako kakain. Kaya nang magsabi si Mama na nagluto siya ay automatic na iyon na sa kanila ako kakain. Buti at walang training ang mga bata ngayon. Sa totoo lang ay hindi ko na alam ang gagawin ko para maayos ang relasyon ng mga senior players at new members. Hindi ko lubos maisip kung anung klaseng pagtuturo ang ginagawa ng dati nilang coach. Hindi ko masyadong kilala ang dati nilang coach. Naririnig ko lang ito sa tuwing nagkakaroon ng coaches summit at mga training pero hindi ko siya nagawang makaututang dila. Kahit magaling siya ay  naririnig ko na hindi maganda ang core ng turo niya. Kaya nga ngayon ay talagang hirap akong mag-adjust sa mga dati niyang players. Hindi tuloy nagiging productive ang training. Naalala ko pa noong pinakilala ako bilang bagong coach ng Warriors ay tututol pa sana ito pero wala na siyang nagawa dahil final na ang desisyon ng president at ng board. Biglaan din ang nangyari kaya halos nagulat lahat. Next week ay muling magpapatuloy ang training ng mga bata. Sana lang ay maisip ng mga senior members ang mga mali nila. Dahil kung hindi, hinding hindi nila makukuha ang respeto ng bawat new members. Ngayon pa na naka-angkla kay Nicolo ang tiwala ng mga bago. Speacking of Nicolo, hindi ko pa siya nakikita o nakakausap man lang. Nag-aalala na ako sa kanya. Mula pa nang elementary level palang si Nicolo ay saksi na ako sa kung paano niya pinaghusayan ang paglalaro. He value everyones opinion at ina-udjust niya upang makasabay ang lahat sa kanya. Sa buong buhay niya sa paglalaro ng volleyball ay ngayon palang niya naranasan ang ganitong uri ng kasamahan. And knowing Nicolo, he’ll do everything to prove a point. Pero hindi ibig sabihin ay malakas na siya. He also has baggage and triggers.  And unti unti nang na aabot ng mga senior members ang boiling point niya. I don't know what to do if sumabog ang batang iyon. Si Nicolo pa man din ang taong pabugso-bugso ang decision pero pinaninindigan niya kapag nasabi na niya.   Dahil hindi naman kalayuan ng parents ko sa condo ko ay mabilis kong narrating ang bahay nila. Mula kasi nang makapagtapos ako ay nagsimula na akong bumukod. Pinark ko ang sasakyan at mabilis na bumaba. Pagpasok ng bahay ay tamang tamang naghahain na ang Mama. “Hi, Ma.” Bati  ko sa kanya sabay halik sa pisngi. “Tamang-tama ang dating mo at ready na ang hapunan. Tawagin mo na ang papa mo sa study at nang makakain na tayo.” Utos nito na agad ko naman sinunod. Agad kong tinungo ang kinaruruonan ni Papa. Naabutan kong siyang tutuk na tutok sa pinanunuod sa TV. Kung hindi ako nagkakamali European Volleyball Cup ang pinanunuod niya. “Pa, kain na po daw,” magalang kong tawag. Lumingon ito sa akin ng saglit at bumalik din sa panunuod.      “Kanina ka pa ba?” Tanong nito. “Kararating lang po, Pa.” Pinatay nito ang TV at tumayo. Pinuna ko siyang lumabas ay sumunod ako sa kanyang likuran. My father is the reason why I choose to be a coach. All of my knowledge started to him. I admire how he handle a team kaya naman minahal siya ng mga manlalarong dumaan sa kanyang mga kamay. Hindi gaanong strict ang Papa kung nasa labas kami. Pero sa oras ng trabaho ay seryoso ito at kung mahina ang loob mo ay tiyak na susuko ka nalamang. Ito din marahil ang dahilan kung bakit ayaw siyang pakawalan ng Xavier International School. Pulido ang kanyang training routines at mga game plans. Iwitness it first-hand since I was his assistant for almost four years. And I witness how he nurtures players that exceed expectation and reach their potentials. Adding to the list of his extra-ordinary players are Brett Argus Martinez known as the Hawk Eye Digger and Nicolo Mickelson, the Magician.   “So, how was your team, Ikoy?” Tanong ni Papa habang kumakain. I wish he stops using Ikoy. I’m twenty-seven years old already. “Honestly, I’m having problem, Pa.” No sense din naman kung magsisinungaling pa ako. “My team is divided and I don’t know what to do.” “You are my son; I know you can work on it. Just remember the there is no easy way. If you want to last in this profession, you have to look for a way to make things right.”  “Sana ganoon lang kadaling gawan ng paraan,” mahina kong bulong. “By the way, Nic-Nic is helping me out on my team this few days.” He is referring to Nicolo. My father really wants to give names. “He seems down.” “Is something happen ba, Kiko?” Agad na tanong ni Mama. She knew most of the players from Xavier dahil madalas ay dito sila tumatambay. May volleyball court kasi sa likod bahay kaya madalas kahit walang pasok ay nagte-train pa din sila. Si Mama naman ang dakilang fans at taga luto ng meryenda.   “Not that serious mo. Kailangan lang sigurong mag-udjust ng bawat isa.” “Sana naman maayos mo na ‘yan, anak. Sayang ang oras. Magpapasukan na kaya mababawasan na yung time ng mga batang makapag training.” “I’m still working on it, Ma.” “Alam mo ba kung bakit hindi sumunod si Bitoy sa inyo?” Bitoy is Brett sa pagkakatanda ko. “Hindi ko din nga po alam, Pa. Hindi pa din kasi kami nagkikita ni Brett. Mukhang hindi din nga alam nina Harvey at Nicolo.”   Sagot ko naman.   Kahit ako ay nagtataka kung bakit pinili ni Brett na sumali sa ibang team gayong alam niyang makakalaban niya si Nicolo at Harvey. Hindi din ako naglaks loob na magtanong sa dalawa dahil alam kong ayaw nilang pag-usapan iyon. Nicolo and Brett are so close na aakalainin mong may namumuong relasyon sa pangitan nila. “You know what, I have an idea,” excited na sabi ni Mama. “Why not invite your team hear, anak. Ikaw din, Hon, you can bring your kids hear. Matagal-tagal na din akong hindi kakakapanood ng practice match.” Napangiti ako sa idea ni Mama. This is also a nice experience for my players. “No problem, Love.” Sagot agad ni Papa. Never namang umaayaw yan basta match. “Then it settled. Next weekend we will having a volleyball match sa pagitan ng team Xavier at team Warriors. I’m so excited na.”  Wait, hindi pa naman ako nag ye-yes ah? Naku ang Mama talaga. Mukhang wala na akong choice kundi ang pumayad since it's my mother who ask. And her idea is nice. All I need to do is to make my team ready.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD