Set One: Try Out

2103 Words
Nicolo's POV   "Anung oras na, ba't wala pa siya?" Takang tanong ko kay Harvey. Sa totoo lang ay naiinis na ako dahil hindi naman ganito si Brett. Madalas ay nagsasabi ito kung malelate ito.   "Tinawagan ko na, can not be reach. Baka na-traffic lang. Alam mo naman kung saan manggagaling 'yon." sagot naman niya. Kahit siya ay nahahalata na rin ang pagtataka. Usapan naming tatlo na magkikita-kita sa main gate ng Colegio de San Luis. Ngayong araw kasi gaganapin ang try out ng Warriors.   Kung tutuusin ay may kupunan na sana kaming paglalaruan. Bilang miyembro ng varsity ng isang tanyag na international school ay hindi na mahirap sa amin ang makapaglaro sa commercial at international league. Pero determinado talaga akong mapasali sa Warriors. Mas lalong lumakas ang loob ko, dahil todo support sina Brett at Harvey. At nagdesisyon din silang mag-try out sa isang state university team.    "Mauna na kaya tayo sa loob. Anong oras na, oh? Baka magsisimula na sila roon." Tumingin pa si Harvey sa orasan.   Walang anu-ano ay dinampot ko na lamang ang sling bag ko at sumang-ayon na lang kay Harvey. Mahigit isang oras na kaming naghihintay kay Brett. Hindi ko tuloy maiwasang mag-init ang ulo dahil sa kaniya. Kung nag-abiso man lang sana siya.   "Hayaan mo na muna. Kung ano man ang dahilan ni Brett pakinggan na lang natin. Saka may second batch try out pa naman daw sabi nang napagtanungan ko." Litanya ni Harvey.   Kung may matatawag akong positive person, si Harvey. Puno siya ng positiveness, pag-involve ang taong gusto niya. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad.   "He must have a valid reason, or else." Nasabi ko sa sarili.   Mabilis naman naming narating ang gymnasium na pagdadausan ng try out. Marami-rami na rin ang mga naroroon. Hindi ko maiwasang kilatisin ang mga ito habang naghahanap kami ng mapupwestuhan.   Nagwa-warm up na ang ilan sa mga naroroon. Nakaset-up na rin naman ang court kung kaya may mga naglalaro na roon. Ilan ay nagpapakitang gilas para mapansin kaagad. Sa side ng court  ay naroroon ang mga lumang member ng team na mukhang kausap ng kanilang coach. Napaismid ako nang makita ko ang coach nilang walang kalatoy-latoy. I don’t even know why they keep him as the head coach.   Naupo kami ni Harvey sa isang bench 'di kalayuan sa mga ibang magta-try out.   "Wait 'di ba sila 'yong taga-international school?" Narinig kong tanong ng isang lalaking nakaupo malapit sa amin.   Napakunot-noo ako habang tinitingnan si Harvey. Tinuro naman nito 'yong bag namin. Doon ko lang napansin na gamit naming bag ni Harvey ay bag na galing sa sponsor ng volleyball team namin noong nakaraang season. Nakabalandra din sa sling bag namin  ang pangalan ng school at dati naming team.   Hindi ko na lamang ininda at nagkunwaring hindi ko narinig ang bulungan nila. Kung bulungan nga naman ang matatawag doon.   Kinuha ko na lamang ang Beats bluetooth earphones ko at nakinig sa music. Mukhang  'di pa naman magsisimula. Kailangan kong mag-relax at i-set ang isipan ko sa try out. Pero bago pa man ako makapagsimula ay naramdaman ko ang mahinang pagsiko ni Harvey sa akin na kaagad ko namang binalingan. Itinuro nito gamit ang nguso ang mga paparating. Kaagad namang dumako ang aking mata sa itinuturo niya. Doon tumambad sa akin 'yong tatlong lalaking paparating, suot-suot ang team jersey nila. Namukhaan ko naman kaagad ang mga ito, dahil na rin sa pagiging stacker ko ng mga laban at maging sa f*******: page ng Warriors.   Yung sa kaliwa ay ang setter. Jersey #16, si Alcaras, Jim.   Spiker naman ang nasa kanan. Jersey #7, Garcia, Leopold.   At 'yong nasa gitna ay ang team captain—spiker din. The ace player with Jersey #1, Lim, Xander Cain.   These three are shouting awesomeness sa tindig pa lang.   Aakalainin mong mga modelo ang mga ito na bagay gawing cover sa magazine. But I should know better. Napasinghal ako nang mapadaan sila sa tapat namin. Sinamaan ako ng tingin ni Harvey sa ginawa ko. What? I mouthed.   "Ok newbies, get ready magsisimula na ang try out." Sigaw ng isang 'di katangkarang lalaki, pero cute naman siya. Jersey #12, Juaquin, Blake—the lebero.   Nagsihanda na rin ang lahat. Napagkasunduan namin ni Harvey na h'wag nang gumamit ng jersey ng dati naming team na kinabilangan namin para iwas pansin. Hindi naman sa pagmamayabang, our team is the top team in high school category. We even play in international league.   Nang lumapit kami sa pila ay nagsimula muli ang bulong-bulongan.   “Seryoso? They’ll try out?”   “No way. I heard they turned down the international offer.”   Ilan sa mga nahagip ng pandinig ko. Ang awkward lang kasi dahil naririnig namin ang bulungan nila. Muli kong siniyasat ang mga magta-try out. May mga mukhang familiar naman akong nakita, dahil ang iba ay volleyball player din ng ibang school na ka-division namin. Sa kabuuan, kulang-kulang labindalawang katao ang naririto sa side namin. Samantalang may sampu namang katao sa kabila, naroon 'yong isang lalaki na kung kumilos ay akala mo kung sino. Akala mo naman ang galing niyang coach. Nasabi ko sa isip ko.   "Welcome newbies. I'm coach Nilo. You are here today because you want to be part of Warriors. Pero syempre, you need to prove na karapat-dapat kayo. As you can see, I already got nine official members. Only six ang available spots. Kaya kung ayaw n'yong umuwing luhaan, galingan n'yo." Litanya ng coach.   "You mean kahit 'di na sila mag-try out, pasok na sila?" Hindi ko mapigilang magsalita. Nasanay kasi ako na sa mga try out bago magbukas ang season ay back to zero ang lahat.   "Why they need to try out if they are already the best?" Nakataas kilay na sagot ng palpal na coach.   "I'm not convinced though." Pinipigilan na ako ni Harvey, pero dedma lang ako. Sinabi ko naman 'di ba, tatalunin ko ang Titans sa susunod na season. Kung ganito ang magiging kalakaran ay hindi ko magagawa iyon.   "Problema mo na iyon. Why do I need to convince you? Kaya ka nga narito, kasi gusto mong makasama sa Warriors 'di ba?"   Napangiti ako sa tinuran ng hambog na coach na 'to, "Well, if you really believe that they are the best, ba't sila natalo last season? Straight set, right?" Hindi ko intensyong mambastos, pero kung ipamumukha sa 'min ng coach na 'to na mahina at hindi kami papantay sa sinasabi niyang magagaling, might as well na magkaalaman na.   "Hindi na maganda ang lumalabas sa bibig mo, ha." Boses ni Lim. Sh*t! Hindi ko alam na para palang musika ang boses niya. Sarap sa pandinig. Umayos ka Nicolo!   "I'm just stating the fact, Lim." Mukhang nabigla pa siya nang apelyido niya ang ginamit ko, "Dahil talo kayo last season, 'di ba nangangahulugan iyon na pangit ang kumbinasyon ng coach. Kaya dapat mag-reassemble." Depensa ko. Alam kong nasa akin na lahat ang mata ng mga tao rito. Pero I am a fighter. I don’t back down.   Nilapitan na ako ni Lim. Nahiling ko tuloy ng lihim na sana ay 'di na lang siya lumapit. Kung gwapo siya sa malayuan. D*mn! Ibang-iba pala ang feeling sa malapitan.   Understatement 'ata ang salitang gwapo. Aakalainin mong alagang derma ang mukha niya. Makinis at pantay ang kulay ng mukha niya. Bumagay ang hugis ng kaniyang mukha sa kaniyang may kasingkitang mata at maayos na kilay. Idagdag pa ang may katangusan niyang ilong. Hindi pa ako nagkokomento sa labi niya, ha. Manipis na mapula na tila cherry. Chinito Hunk ang dating.   "Hey are you listening!" Patay na. Nagsasalita pala siya.   "What?" Nakakahiya, pero 'di ko kailangang magpahalata. Nakita ko sa gilid ng mata ko si Harvey na ngingiti-ngiti. 'Pag nagkakaganito siya malamang natutuwa siya sa nakikita, “Para naman kasing tanga, Nicolo!”   "Malapitan na nga akong nagsasalita 'di mo pa na dinig. Masyado ka bang na-mesmerized sa mukha ko kaya ka natigilan?" Ibinulong na niya iyon sa akin. Syempre, 'di ako aamin!   Sinamaan ko siya ng tingin, "Ang hangin mo din, ano? In your dreams, Lim." Bahagya ko siyang tinulak. Nagsimula namang nagkantyawan ang mga ka-teammates niya sa kabila.   "Hoy, hindi porke't dati na kayong member ng varsity ng Warriors, kayo na magaling. For sure, iba sa inyo ay kayang lampasan ng ilan sa mga magta-try out." Itatayo ko bandera ko.   "Can you prove it?" May himig ng yabang niyang sabi   "Fine! First six mo sa first six na pipiliin ko." Nakita kong tumaas ang isang kilay nito. Mukhang di niya naintindihan. "Garcia, Alcaras, Barrios, yung dalawang Sarmiento at ikaw. Isali mo na si Juaquin bilang lebero."   Nakita kong nabigla ang mga mukha nila, dahil sa binanggit ko. Well, tatlong taon na nilang ginagamit ang set na iyan. Nakabisabo ko na.   "Wow. Stalker much?" Rinig kong sambit ni Xander.   "Hindi rin. It happened that your team is so predictable. Juice colored, Lim, sa loob ng three years ba naman kayo-kayo ang unang sinasabak."   Which is true. Sabi nga eh, nagpalit ang mukha pero hindi ang game. Warriors signature iyon. Tinalikuran ko na siya at hinarap ang mga magta-tryout. Shet, hindi pa nga nagsisimula may gyera na akong ginawa. Pero this is our time to prove that they have a lousy game strategy.   "Harvey, get ready. May tuturuan tayo." Seryoso kong sambit.   "I'm all yours." Nag stretch pa ito. Ibinaling ko muli ang paningin ko sa iba pang players, "Kayong dalawang naka jersey ng Holy Cross Academy, anong position n'yo?" Tanong ko sa dalawang matangkad na lalaki malapit sa amin.   "Middle blocker, " sabi ng isa. Sebastian 'ata ang apilyido.   "Outside hitter," sagot naman ng isa. Castillo 'yong surname.   "Get ready, sasabak kayong dalawa." Agad naman silang kumilos. "Sinong Opposite hitter at Right side hitter sa inyo?" Muli kong tanong.   "Ako, right side hitter po ako." Presenta na isa pang may katangkaran din. Espin ang nakasulat na surname.   "Opposite here." Ay ito foreigner. Kingsman ang peg. British accent kasi.   "Good. Let’s play then." Ngumiti ako nang makumpleto ang kakalaban sa mga hambog.   "Ano, handa na ba 'yang pinagpupulot mo?" Sigaw ni Alcaras. Tanging ngiti lang ang tinugon ko.   Bago pa man magsimula ay nagpalit kami ni Harvey ng jersey. “You’ll see.”   ***   Well gaya nga ng inaasahan paulit-ulit lang ang ginagawa nilang play. Predictable masyado ang kilos at galaw. Madali ring basahin ang kilos ng setter kaya madaling naiba-block ang mga palo nila. Hindi naman ako binigo ng mga pinili kong manlalaro. Nakikinig sila sa mga ipinag-uutos ko. To be honest, they exceeded my expectation.   Pero gano'n pa man, ay 'di ko maiaalis na malalakas ang mga miyembro ng Warriors. Madiskarte lang talaga ako.   Sakto lang ang bawat lundag ng mga blocker. Bumabaon naman ang mga spike ng apat na spiker lalo na si poging foreigner. Pawang may future ang mga ito sa larangan ng volleyball.   Nakuha na namin ang dalawang set. At malapit nang matapos ang ikatlong set. Sinusubukan ng mga Warriors na humabol. Mukhang balak ibangon ang pride. Kaya nangiti na lang ako.   Hindi na maipinta ang mga mukha nila. Hindi nila inaasahan na kahit hindi ko pa kabisado ang mga manlalaro ay kaya kong magset.   "Go, magician! Go, go, go!" Rinig ko cheer ng mga nanonood. Isa lang naman ang requirement ko sa mga nasesetan ko. Tumalon ka lang at ipakitang karapatdapat kang pumalo ng bola.   Flashback   "Ako magsi-set sa inyong apat. Hindi ko man kayo kabisado maglaro, pero kung gugustuhin n'yong pumalo ng bola walang problema sa akin. Ipakita n'yo lang na karapatdapat kayo."   "Si Harvey bahala sa defense at receive. Pero kailangan niya rin ng assist. Lahat ng sasabihin nya sa likod susundin nyo. Kung anu ang sasabihin ko sa harap susundin n'yo."   "I saw you already setting a ball and I'm confident that I can go to your lead." Si Kingsman.   "Good to hear that." I smile at him. "So let’s kick some ass."   ***   Hindi magkadamayaw ang sigawan ng mga nanood nang maipanalo muli namin ang third set. Napansin kong walang imik ang Warriors. Hinintay ko na lamang na humupa ang hiyawan at kantyawan. Napadako ang mata ko sa coach nilang walang nagawa.   "So tama nga ang hinala kong dito maglalaro ang magician ng Xavier International School." Napalingon ako sa nagsalita.   "Coach Kiko?" Gulat kong sigaw. "Anung ginagawa mo rito?"   Natigilan ang lahat nang mapansin si Sir Kiko at ang kasama nito na hindi ko man lang napansin. 'Di umano ay siya ang president ng school ayon kay coach Kiko.   "Good afternoon." Bati ng president. "I'm here to introduce to you your new coach. Coach Francisco Sarmiento. And together with his team, he will be managing this try-out.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD