Set Two: His Reason

1935 Words
Nicolo's POV   "Ma, don't worry about me. I'm okey." Papasok na ako sa condo ko. Kanina pa tawag nang tawag ang mama ko. She is worrying about me since this will be the first time na mahihiwalay ako sa kaniya sa mahabang panahon. During high school ay umuuwi ako. Dahil sa mapapalayo na ako ng bahagya, napagpasyahan namin ni mama na bumili na lang ng condo para mas malapit at hindi nakakapagod. I am so blessed, dahil sa mama kong number one supporter ko. Napalaki niya ako nang maayos kahit walang tumayong tatay sa akin.   "Bakit ba kasi kailangan mo pang  lumipat pa ng school. 'Di naman hamak na mas maganda ang sports program ng Xavier." Inis na wika ni mama. Hindi ko maiwasang mapabuntonghininga.   "Ma, napag-usapan na natin ito 'di ba? Akala ko ba tapos na 'yong usapan tungkol diyan? Kaya nga tayo bumili ng condo  'di ba? Ma, just trust me on this, please. I'll be good, so don't worry. Besides, you will not believe who’s our new coach. Its Coach Kiko. He will be our new coach, Ma. Are you not happy?" Doon lang mukhang nabunutan ng tinik si mama. She knew Coach Kiko.   "Ok. I will trust your decision. I will talk to Kiko na lang after this. Anyways, I will do a money transfer to your account. Ayokong pinababayaan mo ang sarili mo." Sorry Coach Kiko mukhang magagambala ka na naman.   My mom is too protective pagdating sa akin. Maliit na bagay ay sobra siya mag-react. Minsan ay naririndi ako dahil nakakahiya kasi. But then, I love my mom. And I know she loves me.   Kaaggad kong ibinagsak ang katawan ko sa sofa. Inalala ko ang mga kaganapan kanina. Sino mag-aakalang ganoon ang mangyayari.   Napangiti ako nang lumitaw sa isip ko ang mukha ni Xander. 'Yong mga kilos at galaw niya. Parang nagso-slow motion sa isip ko at kung papaano siya humataw sa bola.   Napabalik ako sa reyalidad nang biglang tumunog ang phone ko. Kaaggad kong kinuha ang Iphone 6 ko at sinagot iyon.   "Open your television now." Biglang sigaw ni Harvey nang masagot ko ang tawag niya. Nailayo ko ang phone sa tainga ko.   "Ano bang meron?" Tumalima naman ako at hinanap ang remote. Habang nasa tainga ko pa rin ang phone.   "Ano bukas na ba? Sa sports channel, ha. Kailangan mo mapanoon ang next news." Nagmamadali nitong sabi.   "Saglit lang. Hinahanap ko pa 'yong remote." Nainis tuloy ako dahil sa pagmamadali niya. Ilang saglit pa ay nakita ko na rin ang remote at binuksan ang TV. Nilipat ko iyon sa sports channel.   "Oh, heto na bukas na! Ano ba 'yong ipapakita mo? Magpapahinga na ako."   "Maghintay ka. Malapit na siguro lumabas." Mataray na sagot ni Harvey. Sarap kutungan ang loko.   Hindi na ako nakasagot dahil napako ang tingin ko sa TV.   "University of  St. Benedict's Titan Knights started the pre-season game via having try out. Early today, around sixty hopefuls try out to be part of reigning champion on the Mens Volleyball League, including the Xavier International School Opposite Attacker as well as Wing Hitter, Brett Argus Martines."   Natigilan ako nang marinig ko ang linya ng reporter. Kasabay pa noon ang pagpapakita ng ilang clips ng try out primarily ni Brett.   Napatiimbagang ako sa nakikita at naririnig ko. Kung hindi lang matibay ang remote ay siguro ay nasira na dahil sa tindi nang pagkakahawak ko.   "Coach Anton Villegas, say that in order for them to retain the crown, they need to recalibrate their players to have effective play."   "Hello, Nicolo nandiyan ka pa ba?" Rinig kong tanong ni Harvey ngunit binalewala ko lamang. Nakatuon pa rin ang paningin ko sa report.   "Actually, hindi ko naman talaga ini-expect na magta-try out ako ngayon. But I am happy that I did. This team is the best and I am looking forward to play with the whole team." Si Brett.   "How about your other teammates?" Follow up question ng reporter.   "Well, I really don't know what’s their plan. What I care about now is what I think is best for me," sagot niya.   Pakiramdam ko ay tinakluban ako ng langit at lupa sa napanood ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang bagay na ito.   All the time na kasama ko si Brett. He's the one who always understands me. Mas close nga kami kaysa kay Harvey.   I feel betrayed. Parang pinipiga ang puso ko ngayon. Napaupo ako sa sofa. Hindi ko na inisip si Harvey sa kabilang linya. I feel mixed emotion to be honest. Hanggang sa naramdaman kong tumulo na ang luha ko. I don’t know if anong mararamdaman ko. Kahit anong control ko ay pumipiglas ang magkahalong galit at sakit sa loob ko.   “I hate you, Brett. And I will never forgive you for this.”   Harvey's POV   Umiiyak si Nicolo. Rinig ko sa kabilang linya. Marahil ay nabigla rin siya sa nalaman.   He and Brett are really close. Napagkakamalan ngang may relasyon ang dalawa dahil sa sweetness nila sa isa't isa. Well except sa mga araw na may topak ang isa sa kanila. Lahat ng ayaw at gusto ni Nicolo ay alam ni Brett. Kaya nagtataka ako kung bakit nagawa ito ni Brett. Kahit ako ay clueless din.   Galit si Nicolo sa Titan Knights. Kahit hindi namin alam ang rason ay naging vocal siya sa pagsabi at pagpapakita rito. Kaya dapat ay alam ni Brett iyon. Pero sa nangyaring ito wala akong makitang dahilan.   Nang hapon bago kami naghiwa-hiwalay ay malinaw na sa Warriors kami magta-try out. Kasado na lahat noon. 'Yong oras ng pagkikita, 'yong susuotin at iba pa.   D*mn, Brett anu ba ang pumasok sa kokote mo?   Kaagad kong tinawagan si Brett. Nakailang ring ang phone niya bago niya sinagot.   "Hello?" sagot niya.   "Ny*ta ka Brett! Ano 'yon?" Sigaw ko. Naha-highblood ako sa totoo lang.   "Sorry, biglaan. Mahirap i-explain." Nasa boses niya ang lungkot.   "Alam mo bang 'di siya mapakali kanina nang hindi ka dumating? 'Yon pala gano'n ang gagawin mo. Nakakainis ka!"   "Sorry na talaga. Alam na ba niya?" Nararamdaman kong parang iiyak na si Brett sa kabilang linya. He always care for Nicolo. Noon pa man.   "Ano ba sa tingin mo? Naku sinasabi ko sa 'yo, 'wag ka munang magpapakita sa kaniya. Alam mo naman ang isang 'yon." Pagpapaalala ko sa kaniya. “Kung ako, p'wede kong paisantabi ito. No big deal. Pero iba kay Nicolo. For God sake, sa Titans ka pa talaga nag-try out.”   Naiintindihan ko ang guilt na nararamdaman ni Brett para kay Nicolo. Pero minsan kasi may mga bagay na kahit hindi man natin gustuhin ay kailangang gawin.   Wala rin namang mangyayari. Nagawa na niya iyon. Kahit biglaan ay kailangan ko na lang intindihin. Tama ng si Nicolo ang magalit sa kaniya. Masyado nang nagiging komplikado ang sitwasyon para dagdagan pa.   "Hindi ko sinasabi na hindi ako masaya sa  nangyari sa 'yo. Pero sa nakikita ko hindi maganda ang kahihinatnan nito. We are friends for long time and I'm afraid na masisira iyon because of this." Nanghihinayang kong banggit.   "Let's hope na maintindihan niya ako." Hindi ko sure kung assurance iyon o alanganing litanya pero sa pagkakakilala ko kay Nicolo mukhang mahihirapan siya.   Tinapos ko na lamang ang tawag. Hindi ko alam sa ngayon kung paano ako maninimbang. Sa sitwasyon ngayon, gustuhin ko mang manahimik pero hindi ko iyon magagawa. Masyado kong mahal silang dalawa para hayaang masira sila.   Nicolo's POV   Hindi ko alam kung gaano ako katagal dito sa gymnasium.   Ilang bola na ang naihampas ko sa dingding. Makikita ang ebidensya sa wooden floor dahil nagkalat ang mga Mikasa MV200 na bola.   Pasensya na lang sa kalat, masama ang loob ko. Kailangan ko ng diversion para hindi ako sumabog.   Kagabi pa ako isip nang isip ng dahilan kung bakit nagawa ni Brett iyon. Kaninang umaga, umasa akong nasa tapat siya ng condo ko at hihingi ng tawad. Sasabihin na magko-quit na siya sa Titans at lilipat sa Warriors. P'wede pa naman kasi hindi pa nagsisimula ang season. Pero walang Brett na nagpakita.   "Mickelson, ang aga ah?" Napalingon ako sa nagsalita. Napataas ang kilay ko nang mapagtanto ko kung sino iyon.   "Parang ikaw hindi." Sagot ko sa kan'ya at muling nagpatuloy sa ginagawa ko.   Actually, nagsimula nang magsala si Coach Kiko kahapon. Ngayon ang final screening kaya kami ngayon nandirito.   "Are you okay?" tanong ng bagong dating habang nagsimulang pulutin ang mga nagkalat na bola.   "Seriously, Harvey tinatanong mo yan?" Kunot-noo kong tanong. Para kasing ewan.   "Sorry naman po." Aniya. "Nakausap mo na ba siya?"   "Wala akong balak kausapin siya. He made a decision for himself. He knows the consequence"   "Pero, Nicolo..."   "Salazar, tigilan mo na 'yan. Walang patutunguhan 'to. I made up my mind. Hindi mababago ng isang Brett ang plano ko. Tatalunin ko ang titans kahit makakalaban ko pa ang kaibigan mo." Tumayo ako para makalayo sa kan'ya. Baka sa kan'ya pa mabuhos ang inis ko.   "Pero mas mainam na marinig mo rin ang side niya." Pahabol ni Harvey.   "Harvey, para saan pa? Hindi naman noon mababago ang lahat. Paano kung hindi pala na balita iyon? Eh 'di mangangapa tayo." Singhal ko.   "Pero magkaibigan kayo." Sagot naman ni Harvey.   "Iyon na nga Harvey, magkaibigan kami. Pero nagawa niyang itago iyon sa atin." Lalong sumasama ang loob ko sa sitwasyon. Tila ayos lang kay Harvey ang nangyari, "Alam mo, yaman din lang naman na nagkakaintindihan kayo ni Brett, eh 'di magsama kayo. Kung gusto mo, roon ka na rin sa Titan Knights. Sirang-sira na ang araw ko kaya 'wag mo nang dagdagan pa!" Hindi na ako nakapagtimpi pa. Nakita ko ang pagkabigla ni Harvey, pero wala na akong pakialam doon.   Xander's POV   "Grabe naman 'yon. Nai-set pa niya 'yong ganoon kahirap." Hindi makapaniwalang komento ni Jim. Kanina pa sila nina Leopold at Blake nanonood ng mga video clip ni Nicolo Mickelson.   I admit that I was impressed sa mga ipinakita niyang galaw. Dagdag mo pa 'yong malaanghel niyang mukha na para bang hindi gagawa nang masama. Hindi ko inaasahan na matatalo kami nang gano'n-gano'n lang. Silent killer kumbaga. Hindi basta-bastang manlalaro. Napapahanga talaga ako. And to add, ang cute niya habang nagtatapang-tapangan.   Kasalukuyang nasa varsity lounge kami ngayon at naghihintay ng iba pa naming mga kasamahan. Ngayon kasi ang final cut ng mga nag-try out.   "Hindi pa ba kayo nagsasawa manood d'yan? Kagabi pa kayong manghang-mangha sa Mickelson na iyan, ah." Hindi ko mapigilang sita. Wala kasi silang ibang ginawa mula kagabi kung hindi ang panuorin ang video ni Nicolo Mickelson.   "Bro, hindi mo kami masisisi, biruin mo, nagawa niya tayong talunin. Bentaha pa n'yan kahapon lang niya nakasama 'yong mga pinili n'ya." Si Blake. Manghang-mangha pa rin ang mukha.   "He is called "Magician" for nothing." Napaayos kami nang mapagtanto kung sino ang nagsalita. It was the new coach. Coach Kiko as what he wants us to call him.   "Good morning, coach Kiko," bati naming naroroon pagkatapos kong magbigay hudyat.   "Stop patronizing Mickelson to what he did yesterday." Maawtoridad na wika nito, "Nangangahulugan lang kahapon na masyado kayong predictable." Narinig ko na naman ang salitang iyon.   "Meaning to say, nakitaan kayo ng patern ni Nicolo kaya niya kayo natalo. To be prank, 'yong nakalaro ninyong Nicolo kahapon? Hindi pa 'yon ang tunay na magician. Hindi ko alam kung anu ang itinuturo ng dati ninyong coach pero sinasabi ko sa inyo, kung ayaw ninyong mangyari ulit ang nangyari kahapon, you need to step up your game. Because as of now you just have the half of the eye. The other half is on the possession already of the Titan Knights," may diing anunsyo ni coach Kiko na nagpakunot ng noo naming naroroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD