Set Three: Divided Team

2143 Words
Xander's POV Sa ikalawang pagkakataon ay naibalik ng kupunan ng mga baguhan ang bolang pinaghirapan kong maipasok sa pamamagitan ng quick attack sa tulong ni Jim, ang setter namin. Nakuha naman ito ni Blake. "Jim, ulit." Sabay senyas sa kaniya. "Leo, quick." Gaya nang ginawa ko ay pumuwesto ito sa pwesto ko at ako naman ay bahagyang tumabi kay Jim na ngayon ay isinet ang bola. Kaagad akong tumalon at umarteng papaluin ang bola, ngunit ang totoong papalo ay si Leopold. Walang nag-attempt na mag-block ng bola kaya agad na pumasok iyon. Ngunit agad naman din iyon naisalba ni Harvey. Nainis ako bahagya dahil doon. Napakahirap naman kasi nilang mahanapan ng butas. Sa loob ng isang linggong pagte-training ay hindi pa rin namin natatalo ang grupo ng nina Nicolo. Palagi itong nakakahanap ng butas at napaka-unpredictable ng laro nila. Kahit anong gawin kong pagmamarka sa mga kilos nila ay nababasag nila ito kasabay ng pagbalik ng bola sa side namin.  Nakita kong sumenyas si Nicolo. Hindi ko alam kung anung ibig niyang sabihin. Ngunit sabay-sabay na kumilos ang mga kasamahan niya partikular na ang apat na nga spikers. Sa tuwing ginagawa nila iyon ay laging nanghuhula kami kung sino ang papalo ng bola. Hindi ko masabayan kung paano nagagawa ni Nicolo ang technique niyang ito. Maigi kong pinanood si Nicolo. D*mn, sa tuwing ginagawa niya iyon ay lalo akong namamangha sa kaniya. Kahit anong tanggi ko ay name-mesmerized ako sa mga galawan niya. Hindi naman ako ganito sa ibang magagaling na player pero pagdating sa kaniya ay iba ang nararamdaman ko. Bawat kilos niya ay parang nagso-slow motion siya. Kung hindi lang siya nagsusungit sa akin sasabihin kong enjoy na enjoy itong makipaglaro.  Using overhead toss ay mabilis niyang nai-set iyon kay Kingsman. Si Kingsman na hindi pumapaltos sa tuwing napapalo ang bola.  Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko man lang naramdaman na pumuntos na sila. Panalo na naman sila. Napamura ako nang mahina at kinalma ang sarili.  “Nice game team! Okay lang 'yan.” Pag-aalo ko sa mga kasamahan ko habang 'yong kabilang team ay naghihiyawan dahil sa panalo. "Bumabalik kayo sa dating play ninyo. Hindi naman ganoon kahirap ang pinagagawa ko, 'di ba?" May galit na wika ni coach Kiko sa amin. Tinuro niya kasi sa amin ang ilang mga play na p'wedeng gamitin. May iba pa siyang pinagagawa sa amin na talaga namang nakakapanibago.  "Coach ginawa naman namin, hindi lang talaga namin masundan 'yong gusto ninyo," rason ko. Nakakapag-init na rin ng ulo. Talo na nga kami, papagalitan pa kami. "Wala akong nakitang ginawa niyo ang mga itinuro ko. Sa unang part siguro, pero nang nako-corner na kayo, nakalimutan na ninyo. Ginawa niyo 'yong nakasanayan ninyong play." Grabe tigre talaga itong si coach. "Mickelson! Ilang beses?" Bigla niyang baling kay Nicolo na ngayon ay umiinom ng tubig sa bench. "All in all, thirteen times, coach." Sagot niya. Napakunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.  “Thirteen what?” Agad kong singhal. "Thirteen times niya kayong nakitaan ng patern at butas. Ibig sabihin labing tatlong beses din kayong nakitaan ng kahinaan." Napahawak na sa ulo si coach. Marahil ay nag-iinit ang ulo niya kung kaya lumabas ito ng gym pagkatapos kaming pinayagang mag-break. Nakikita ko naman sa mga kasamahan ko na sinusubukan nilang makuha ang mga pinagagawa sa kanila ni coach Kiko. Kung tutuusin ay kakaiba ang approach niya kung ikukumpara sa dating coach. Pantay rin ang turo niya. Hindi ko nararamdaman na may pinapaburan siya.  "Kuya Jim." Napalingon akong muli kay Nicolo nang tawagin niya si Jim. Wala naman itong sinabi pero mukhang naintindihan ni Jim ang gustong pahiwatig ni Nicolo kaya lumapit ito sa kaniya. Nakita kong nginitian nito si Jim habang papalapit sa kaniya. “Kung ako kaya, ngingitian mo rin ba ako ng ganiyan?” Naitanong ko sa sarili ko. Nicolo POV "Kuya, ihahagis ko ang bola isa-isa patungo sa kahit saang parte ng court. Ang aim ay makuha mo iyon at mai-set sa sasabihin kong zone." Alam kong mas nakakatanda si Kuya Jim sa akin. Nakakahiya man pero mas kailangan niya ngayon matuto sa akin. "Okay po ba, Kuya?" Tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya bilang pagsang-ayon. Bago pa umalis si Coach Kiko ay may binilin itong exercise para kay kuya Jim. Hindi nabago sa akin 'yon, dahil ito ang naging training ko noong nagsisimula pa lamang ako.   Bago magsimula, ay tumawag muna ako ng apat na aalalay sa amin. Buti na lang at may mga revisionary member dito. Twenty-five players kasi lahat na pinili. Fifteen lang ang nasa official list at ang natitirang sampu ang masasabing second team. Training partner kung sa iba tawagin. Pero nakakapaglaro pa rin sila sa mga minor event.  Nang masiguro kong nasa ayos na sila ay kinuha ko ang isang ball cart na sa tantiya ko ay may twenty-five na Mikasa MV200.  "Ready, Kuya Jim." Nakita kong nag-ready na siya kaya kaagad kong pinalo ang bola. "Zone 2." Sigaw ko habang papuntang zone 6 ang bola. Mabilis niyang hinabol ang bola. Naabutan naman niya ang bola, kaso lang ay hindi nakaabot ang kaniyang set sa zone na ipinagawa ko. Alam kong mahihirapan siya sa simula, pero kapag nasanay na siya ay madali na sa kaniya ito.  Ilang beses ko inulit ang nauna kong ginawa. Sinadya kong mapunta sa iba't ibang zone ang bola at ipapa-set sa mahirap na zone. Naghahanda naman ang mga nakakatulong ko na pumalo ng bolang naise-set nang tama. Kahit papano ay nakakahabol naman si Kuya Jim. Nakikita kong hingal na siya pero kinakaya pa rin niya. Nakaramdam ako ng awa, pero ito lang ang nalalaman kong exercise para masanay siya na dumiskarte nang hindi inaalala ang patern.  Bilang setter, ikaw ang may hawak ng laro. Ikaw ang magdidikta kung sino ang gagalaw, papalo at magiging decoy. Volleyball is not about strength, but battle of brain as well. Diskarte mo laban sa diskarte ng kalaban. "Wala ka bang balak pagpahingahin si Jim? Kanina mo pa siya pinahihirapan, ah." Singhal ni Roy Sarmiento. "Iyon ba ang tingin mo?" Kunot-noo kong tanong na may bahid ng taray. Kung may pinaghuhugutan siya, pareho lang kami.  "Ang angas mo rin, 'no?" Tinulak niya ako. Dahil sa may kalakasan iyon ay napaupo ako sa sahig. Kaagad namang naglapitan ang mga kasamahan niya upang awatin siya. “Kung inaalam mo ang sitwasyon, maiintindihan mo ang ginagawa ko.” Hindi rin naman ako nagpatinag kahit hirap akong tumayo. "Kabago bago mo rito akala mo kung sino ka. Hoy bakla! Teritoryo namin to kaya umayos ka!" Sigaw nito habang sinasaway ito ng mga kasamahan niya. Ang mga baguhang tulad ko ay sa akin dumalo. "Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Kingsman. Sa lahat ng baguhan ay siya ang close sa akin. Tinanguan ko lang siya. Patuloy pa ring nagbubunganga si Kuya Roy pero tahimik lang ako. Nagulat na lang ako nang sinuntok ni Kuya Jim si Kuya Roy. "Ano sa tingin mo ginagawa mo?" Kahit hingal ay nagawa pa rin nitong makapagsalita. “You cross the line, Roy.” Natahimik kaming lahat sa nasaksihan. Hindi ko inaasahang mangyayari ito. "Huwag mong dalhin dito ang asal-kalye mo. Isa na siya sa atin kaya teritoryo na rin niya ito.  Puro ka sita sa ginagawa niya na hindi mo nakikita na nag-e-efort siyang makatulong." Galit na rin si Kuya Jim. "Tama na 'yan, Jim. Roy, umayos ka. Mickelson, hindi ka naman siguro nasaktan 'di ba." Si Lim ang nagsalita. Gago ba siya? Narinig naman siguro niya ang sinabi ng kasama niya. "As if you care. Kung ikaw kaya ang itulak ko kasinglakas nang pagtulak ng ugaling squatter mong kasama? Magiging okay ka? Binilinan lang akong gawin kung ano man ang ginagawa ko. Ngayon, kung sa tingin ninyo ay mahirap na 'yon ay wala talaga kayong mararating at mananatili lang kayong talunan." Pabalang kong sagot sa kaniya. Muli kong hinarap si Roy. “And Roy, alam kong bakla ako, pero at least hindi ako kailan man natalo sa larong sinalihan ko.” After that tumalikod ako sa kanila at naglakad palayo. Bakla! Bakla! Bakla! Paulit-ulit iyong naririnig ko sa aking isip. Napangiti ako nang mapait habang inaalala ang isang parte ng buhay ko. Nang marating ko ang bench ay kaagad kong kinuha ang bag ko at tinahak ang daan palabas ng gym. Harvey's POV "Seriously, Lim? That's the best question you can ask?" Hindi ko maiwasang sabihin. “Hindi ka naman nasaktan 'di ba?” Hindi ko inaakalang ganito siya kawalang kwenta. “Iyung hindi mo pagpansin sa aming baguhan ay tanggap ko, pero 'yong hinayaan mong ipamukha sa amin ng Roy na 'y  an na hindi kami welcome dito ay ibang usapan 'yon.”  Napatingin silang lahat sa akin. Kaya napailing na lamang ako sa kanila. "At okey lang sa 'yo na lait-laitin ng kaibigan mong homophobic si Nicolo? Wow! Just wow! Sa totoo lang, you are the worst captain ever na nakilala ko." Kaagad din akong lumayo sa kanila upang sundan si Nicolo. Nicolo must be strong pero he also had weaknesses. At isa na room 'yong ginawa ni Roy. Ang laitin at ipamukhang bakla siya na para bang napakalaking kasalanan ang pagiging bakla. Nakita ko si Nicolo na naglalakad malapit na sa gate. Tinakbo ko ang distansya namin upang maabutan. "Hey, Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko. Tanging kibit-balikat lang ang sinagot niya sa akin. Kumaway ito at muling nagpatuloy sa paglalakad.  Hindi na ako nagtangkang habulin siya. Kilala ko na si Nicolo. Kapag ganoon, ay gusto niyang mapag-isa. Ayaw na ayaw pa man din niyang kinakaawaan siya. Nagdesisyon na lamang akong bumalik sa gym. Pagbalik ko ay naroon na si coach Kiko. Naghihimutok ito gawa marahil nang nangyari. Who will not be? Bumaling ito sa akin. "Where is he?" May himig ng pag-aalala ang boses nito. "He'll be okay." Habang pinatatamaan nang matalim na paningin ang grupo ni Lim. "Pero coach, once na 'di na bumalik si Nicolo, I might withdraw my application for varsity." Nakita kong umiba ang mukha ng mga baguhan. "This is s*cks!" Si Kingsman. "I choose to be here, because I thought you are different. I saw these guys play and I can see their brotherhood, but to witness this side of you guys, I am a bit disappointed. We don't complain that you treat us as outsiders, but to discriminate the only person who cares for us, that’s a big no for me." Litanya pa niya. Galit na rin siya sa nakikita ko. Kanina nga ay gusto niya nang sugurin si Roy. "Dagdag ko lang din po." Usal ng isa pa, ngunit 'di ko matandaan ang pangalan. "Dapat kayong mga lumang naririto na maging open kayo sa mga bago. Ang siste kasi, kayo-kayo lang. Lalo na 'yong captain. Pero ni 'di man lang namin nakikitang ina-approach kami. Alam niyo po ba ang feeling namin, 'di kami welcome. Buti nga si Kuya Nicolo, pinag-aaksayahan niya kami ng panahon." Gusto ko siyang bigyan ng award. 'Yong grupo naman ni Lim ay tahimik lang. "See, what I mean?" Singit ni coach Kiko, "Ang mga bagong member na ang nagsalita. Pinapaalala ko lang sa inyo mga old member, iisang team kayo. Walang bago at walang luma. Baguhin ninyo 'yang attitude ninyo. Hindi 'yan nakakatulong sa team. At 'wag ninyong minamata ang s****l orientation ni Nicolo, wala kayong pakialam at wala kayong karapatan. Hindi pa nga kayo nananalo sa kaniya.” Tumahimik bigla. Walang nais magsalita. Maging si coach ay tiimbagang na rin. Parang 'di na alam ang gagawin. Bigla tuloy akong naawa sa kaniya. "Sige na, magsiuwian na muna kayo. Wala na rin namang saysay kung ipagpapatuloy natin ang ensayo." Biglang utos ni coach, "Harvey, kausapin mo si Nicolo." "Tomorrow, coach. Wala po 'yon sa wisyong kausapin," sagot ko kay coach. Well, kilala naman niya si Nicolo. Xander's POV "Anong plano?" tanong ni Rey. Nandito kami ngayon sa usual tambayan namin. "Hindi ko alam." Sa ngayon ay magulo ang isip ko. "Napag-isip-isip ko 'yong sinabi ni coach at no'ng mga bago. Masasabi kong tama sila." Malungkot na wika ni Blake. "Tulad dati, ganoon 'yong naramdaman natin noong bago tayo. Ngayon, dahil nakapwesto tayo, pinaramdam natin sa kanila 'yong ginawa ng mga senior natin. Sabi natin noon hindi tayo tutulad sa kanila, pero sa huli, kagaya nila, tumaas ang ere natin," segunda ni Jim, "Look, yung pinagawa ni Nicolo kanina, nakita ko nang ginawa niya 'yon. Exercise 'yon ng mga setter para masanay sila sa pagse-set in ng uneasy situation." I know, we fail our juniors, pero sana ay mabigyan nila kami ng pagkakataon makabawi lalo na si Nicolo. "Guys, I think I know kung paano tayo makakabawi," sambit ko bigla. "Mukhang gusto ko 'yang naiisip mo, Xan." Si Leopold. Nagsilapitan naman sila upang makinig sa planong naisip ko. Sa paraang naisip ko ay sana maging simula ng pagkakasundo at pagbuo ng iisang grupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD