Nicolo POV
Nakita ko na lang ang sarili kong nasa harapan na ng dati kong paaralan, ang Xavier International School. Dahil sa hindi pa talaga nagbubukas ang klase ay halos walang tao sa paligid. Napagdisisyonan kong pumasok sa loob. Para namang kusang bumalik ang mga sandaling nag-aaral pa ako dito. Kahit Kamakailan lang kami nagtapos ng Senior High School sa paaralang ito.
Malaking bahagi ng buhay ko ang ginugul ko dito. Mula nang pagsimula akong pumasok sa school ay dito na ako en-enrol ng Mama ko. Hindi ko nga lubos maisip kung paano niya nakayang pag-aralin ako sa ganitong paaralan gayong napakalaki ng tuition fee. Ni minsan ay hindi ako nakatanggap ng payment notice. Kahit may mga araw na nakikita ko ang Mama ko na subrang aligaga sa pinapasukang business. Kaya nga kahit papaano ay pinilit ko siyang pasayahin sa pamamagitan ng pagkuha ng matataas na grades at umiwas sa gulo.
Attending on this school is not easy especially that I’m out. Hindi ko tinatago ang pagiging malambot ko. Kaya madalas noong elementary days ko ay tampulan ako ng tukso at minsan ay nahahantong sa pagbu-bully sa akin. I tried to hide that to my mother but eventually she discover and seek justice. Naalala ko nga yung mga batang nambu-bully sa akin ay napatalsik sa paaralan. Hindi ako makapaniwala na kayang gawin iyon ng Mama ko. Turns out, the School President is my ninong .
Dahil sa nangyari, natakot na ang mga estudyanteng lapitan o gawan ako ng masama. Na kuntento na lamang sila na pag-usapan ako sa tuwing nakikita nila ako. Pero may mangilan ngilan pa din namang malalakas ang loob but that time, I have Brett in my side. Transferee si Brett noong grade four kami. Hindi siya pala imik o palakaibigan. Bakas nga minsan sa mukha niya ang inis dahil madalas ay kinukulit siya ng mga kaklase namin. Nang mga panahong iyon ay nagsisimula na akong maglaro ng volleyball.
Minsang mag-isa siya sa room nang maisipan kong yayain siya maglaro. Nagulat ako nang bigla itong tumayo sa kinuupuan at lumapit sa akin. Napalunok ako ng laway sa pag-aakalang pag-iinitan niya ako. Pero hindi iyon ang nangyari. Inabot niya ang bola sabay sabing “Tara.”
Iyon ang simula nang samahan namin ni Brett. We shared an interest sa volleyball kaya madali kaming nag-click. Soon after that, we become the youngest member of the Volleyball Club Elementary and the rest is history.
Akala ng iba ay basta basta lang naming napulot ang mga galing namin sa laro. Pero hindi nila alam na hindi matatawarang pawis, pagod at determinasyon ang ginugol naming upang tumuntong sa kung anung kakayahan ang meron kami ngayon.Tama nga ang sinasabi ng ilan, it is easy to judge that to understand someone.
Narating ko ang school’s oval. Naroroon ang ilang mga court kabilang ang outside court ng volleyball. Madalas kapag maganda ang panahon ay doon kami nag-eensayo. Saksi ang court nay an sa lahat ng mga napagdaanan ko habang sinasanay ko ang sarili upang maging magaling na manlalaro maging si Brett.
Napangiti ako nang maalala ko ang nakaraan. Sinong mag-aakala na darating ang panahon na magkakaharap kami ng taong tinuring kong matalik na kaibigan bilang magkalaban sa larong nagpalapit sa aming dalawa.
Inalala ko muli ang nangyari kanina. May kung anung damdamin na tila nagsasabi na mali ang disisyon kong sumali sa Warriors. Bukod kasi sa kanya-kanya system ng mga seniors ay tila napakataas ng bakod na tinatayo nila. Hindi ako sanay sa ganitong uri ng attitude. Walang papapatunguhan ang ganitong uri ng samahan. Ilang beses kong mag-try na tumulong pero parang kasalanan ko pa. Wala sa loob kong tinignan ang mga kamay ko. Bakas dito ang gasgas dulot ng pagkakatulak ni Kuya Roy. Buti nalang at hindi ganoon kalala ang impact ng pagkakatumba ko.
“Look who’s here?” Napalingon ako sa nagsalita.
“Lucas?” Hindi makapaniwa kong banggit. “Why are you here?”
Si Lucas ay junior player namin noon. Dahil kailangan ng parents niyang bumalik ng Europe, napilitan itong mag-withdraw sa team at mag transfer ng school.
“Ako nga dapat ang magtanong niyan, right? Graduate ka na here.” Natawa ako sa accent niya dahil talagang pinipilit niyang mag-filipino.
“I just missed the place,” pagtatapat ko sa kanya. Lumapit naman ito sa kinauupuan ko. Laki na talaga ng pinagbago niya. “So, why are you here?” Tanong ko ulit.
“Isn’t it obvious? We got training”, may pakindat-kindat pa itong nalalaman habang binabalandra ang suot. Saka ko lang napansin nan aka suot ito ng bagong team training uniform.
“Oh, I forgot. International School Sports Cup will start in two months” may halong excitement na wika ko.
“You got it,” may kalakasang sagot nito.
International School Sports Cup is a series of sports competitions amongst International Schools around Asia, Europe, and Oceania. This is the first competition on the International school sports calendar. As I remember, ever since I joined the volleyball club, I never missed attending this competition.
Dahil may time pa naman itong si Lucas ay dumaldal muna ito. Napag-alaman kong after two years na nanirahan sa Europe ay nagpaalam siyang bumalik ng Philippines. Hindi naman daw siya nahirapan kumbinsihin ang mga magulang dahil may kamag-anak naman ang mother niya here. Nagkwento din ako nang mga nangyari sa amin. Nagulat pa nga ito nang malaman na we chose to enrol here kaysa mga sister school ng Xavier na may college program.
“And how about Kuya Brett? “ Out of the sudden question ni Lucas.
“He chose to be with other team. The Titan,” wala sa loob kong sagot. Wala naman kasi akong dapat maramdaman pa. But kanina inaalala mo siya.
“That’s sad. I never thought that he will choose a team without you,” malungkot nitong komento.
“Well, people change, Lucas,” ani ko.
Ilang sandali pa ay niyaya ako nitong sumama sa training nila. Dahil sa excitement na makilala ang bagong line up ay hindi na ako humindi pa at agad naming tinungo ang gym.
Nangdumating kami sa gym ay halos nadodoon na ang lahat. Agad naman akong lumapit kay Coach Rex, ang Head Coach, upang bumati.
“Ilang buwan palang kita hindi nakikita marami nang nabago sa iyo.” Anito.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Nagkwentohan pa kami ng konte bago niya ako utusang mag palit.
“Po?” Maang kong sagot.
“Nandito ka na din naman sumama ka sa training. Wala pa akong assistant dahil kinuha ninyo yung assistant ko.” Tinutukoy nito ay si Coach Kiko.
Dali-dali naman akong nagbihis dahil hindi pwede malate kay Coach Rex. I remember noong nagsisimula pa lang ako ay talagang tinututukan na niya ako hindi dahil paborito ako but because he saw potential in me. Kaya laking pasasalamat ko sa kanya at kay coach Kiko dahil they are the reason why I acquired the title “Magician”.
Agad akong tumungo kay Coach Rex nang matapos akong magbihis. Agad naman niyang tinipon ang mga player na ngayon ay excited nang magtraining. Sa pangkalahatan, may fourteen official members ang Team A. Ito madalas ang team na sumasali sa mga international leagues and games. Ang Team B nalaman ay kadalasang naglalaro sa local games mina-manage ito ng isa pang assistant coach sa directive na rin ng Head Coach. May mga araw na magkakasama silang nagte-train at meron naman magkahiwalay lalo pa at intensive ang training ng Team A.
Sa harap naming ni Coach Rex ay ang Team A. Halos kilala ko pa ang karamihan sa kanila dahil nakasama ko sila ng dalawang taon. Apat ang mga bagong mukha at isama ang nagbabalik na player na si Lucas.
“In today’s training, makakasama natin ang former Co-Captain ninyo, si Nicolo. To those new here, I knew you already know one of our pride players. So We don’t need further introduction.” Walang paligoy ligoy na saad ni Caoch Rex sabay stary ng training.
Nagsimula ang lahat sa exercises and drills. After noon ay nagsimula na kaming mag ball drills. Sa totoo lang ay na-miss ko ang ganitong training. Yung magaan lang at masaya sa pakiramdam. Walang angasan at walang sapawan ng pride. Lahat pantay-pantay at willing makinig sa mga sasabihin.
“Mickelson, try their attacks.” Utos ni Coach Rex.
Xavier’s players are carefully picked. Each of the members has their own role to play. Pero hindi nangangahulogan na magpo-focus ka nalang doon. He wants his player to be versatile as possible para saan mang position ay kaya nilang umatake. Kaya lahat ng mga players dito, maliban sa Lebero at Setter ay kayang humampas ng bola. May kanya kanya ngalang specialty.
Nagbigay ng fifteen minute-break si Coach Rex after matapos ang lahat ng mga drills. Susunod na ang game mode practice. Agad naman akong tinawag ni Caoch Rex.
“How’s your training sa Warriors?” Naitanong nito. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o pagtatakpan ko. Baka kasi mapagalitan si Coach Kiko.
“Adjusting?” Hindi ako sure sa sinagot ko pero iyon lang kasi ang naisip kong safe na sagot.
Tinignan lamang ako ni Coach Rex ng tila nanunuot na tingin. Tila nagbabanta ito na mananagot ako kung sakaling magsinungaling ako. Napabunton-hininga na lamang ako at ikinuwento ang buong nangyari. Sana lang ay sumakto sa fifteen minute ang kwento para makabalik training na. Lihim akong nagsorry kay Coach Kiko dahil sigurado akong masasabon talaga ito ng Tatay n’ya. Coach Rex is an incredibly coach and he wants his son follow his footstep. That is the reason kung bakit pinili ni Coach Kiko na maging coach ng ibang team, to take himself away from his father’s foot step.