Nicolo POV Gaya ng sinabi ni Kuya Kiko ay isang photo shoot nga ang dinaluhan ko. Iyon ay para sa susunod na issue ng Sports Magazine na pag-aari ng Game Field. Ito ang ikatlo kong pagkakataon na mapasama sa content ng nasabing magazine pero ito ang unang pagkakataon na mapapasama ako sa cover shoot at feature article. Kasama ko sa cover photoshoot ay ang apat pang manlalaro na umangat sa international game na hawak ng Game Field gaya na lamang ni Hugh Hudson ng Volleyball, Icarus Ignacio ng soccer, Victor Heinz Fajardo ng Swimming at Blue Ismael Sambrano ng Diving. Ito rin ang unang beses kong makita sila ng personal dahil madalas ay hindi kami sabay-sabay ang game events namin at maging sa training. Pero kilala ko sila dahil endorser din sila ng Game Field. Naging maayos naman ang paki

