Xander POV Hindi ko maitago ang saya ko nang makitang nandirito si Nicolo. Gusto ko sanang samahan siya sa mesa nila pero dahil kulang nga ng tao ang restaurant ay kailangan ko munang tumulong. “Chef magluluto kayo?” Rinig kong tanong ng assistant chef sa kuya. Nang tignan ko si kuya ay tinatali na nito ang kanyang apron. “I’ll cook for my brother’s guest. Ikaw bahala sa mga order ng ibang customer.” Sagot niya. Hindi basta basta nagluluto si Kuya sa mga taong hindi niya gusto. Naalala ko noon noong pumunta si Clarisse dito ay hindi niya pinag-aksayahan ng oras. Unlike now na talagang nilapitan pa niya si Nicolo. Kanina nga sa sasakyan ay panay tanong nito tungkol sa kanya. Ngayon ay magluluto pa siya for him. Sino ba ang hindi magugustuhan si Nicolo? Well, if ile-less natin ang pa

