Herald POV Kanina pa kami paikot-ikot pero parang niloloko lang kami ng navigator na gamit naming. Naiinis na ako dahil mali din ang mga direksyong binibigay ng mga napagtanungan namin. “Tawagan mo nalang kaya si Capt. Mas madali tayong makakarating sa kanila.” Suggestion ni Harvey. “Surprise nga to diba?” “Wow, kelan ka pa naging romatic?” Nakuha pa akong bwisitin nitong kasama ko. “Kesa naman maikot na natin buong Tagaytay, hindi parin natin natutuntun ang bahay ng nobyo mo.” Kung tutuosin ay may point si Harvey. At dahil nakaramdam na ako ng gutom ay pinili ko munang tumigil sa isang restaurant. Wala namang naging reklamo si Harvey dahil pagkain ang pinag-uusapan. Agad kaming bumaba sa sasakyan ng maipark ko ito ng maayos. Sinalubong kami ng malamig at preskong hangin. Bumalo

