Semis is around the corner. Kaya naman patindi nang patindi ang training ng Warriors. Inayos din ang mga support personnel nila. Gaya nga ng pagtanggal sa assistant coach na hindi naman talaga nakatulong sa progress ng mga manlalaro. Tumulong si Von sa pagtitrain na labis namang pinasalamatan ni Coach Kiko. Ginawa na din ni Coach Kiko ang bagong line up ng manlalaro. Dahil hindi na bumalik sina Roy at Xander ng dalawang araw ay tuluyan na silang tinanggal sa team. Bukod sa list ay binago din ng Game Field ang uniform at jacket ng Warriors nagagamitin para sa Semis. Same pa rin naman ang colors pero mas maganda ang desenyo. Mas naging strict si Coach Kiko sa pagsasanay sa kanyang mga players. Sinuguro nitong magiging handa ang bawat isa. Nagturo din ito ng ilang mga routine plays para

