Nicolo’s POV Gaya nang nakasanayan naming sa nakalipas na araw ay maaga akong nagising. Dumeretso ako nang banyo upang maghilamos. Pagkatapos ay nagbihis ng damit at humanda sa morning run. Paglabas ng apartment ay inilabas ko ang Airpod at isinoksok iyon sa aking tainga. Binuksan ko ang spotify at nag-play ng music bago magsimulang tumakbo. Pagkatapos ng makailang ikot ay nagdisisyon akong umuwi na. Satingin ko ay ala-syete na ng umaga. Pagbalik sa apartment ay gising na si Kuya Kiko. Nakaboxer shorts lang ito na para bang sinasadyang ipakita ang magandang katawan nito. Kapag siya nakita ni Harvey ewan ko na lang. “Wala ka bang shirt, Kuya?” Tanong ko sa kanya. “Bakit, natetemp ka kapag nakikita mo akong ganito?” Malokong sagot nito. “Funny. I see all of you. Nothing interestin

