Nicolo POV
Tahimik ang buong coaster bus. Hindi ako alam kung matutuwa o maiinis ako ngayon dahil pansin ko naman na may gusto silang sabihin pero tila mas nakuntento na lamang sila sa pagnakaw ng sulyap sa akin maging si Harvey at si Sam. Matatanggap ko yung reactions ng iba pero itong dalawang ito? I told them everything last night. Nakakapikon lang.
Pinili ko nalamang umupo mag-isa. Wala naman akong magagawa dahil nangyari na ang nangyari. Hindi ko din naman maibubuhos ang sisi sa taong nakaupo ding mag-isa ilang upuan ang layo sa akin. Partly ay may contribution din ako sa nangyari because I responded to that kiss. I didn't see that coming yet somehow it feels good. Katunayan ay nararamdaman ko pa ang halik niya sa bibig ko. Hindi ko maiwasang hawakan ang bibig ko. Muling bumalik sa akin ang tagpo. Kung sa ibang paghahataon ay malamang nagtatatalon na ako sa saya at kilig pero hindi sa pagkakataong ito.
Ibinaling ko na lamang sa labas ng bintana ang atensyon ko. Masyado nang marami ang iniisip ko. Ayo’ko nang isipin dahil baka kung anu pa ang magawa ko. Sinikap kong kuntrolin ang emotions ko.
Ilang sadali pa ay nakarating din kami sa hotel na tinutuloyan namin. Gaya kaninang pagsakay ay bumaba lang silang lahat ng hindi nag sasalita. Anu na pipi na? Letsugas naman. Napakabig deal ban g dalawang taong naghalikan?
Ako ang huling bumaba sa coaster. Ni walang lumingon o nagtapon man lang ng tingin sa akin. I feel strange. At ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Nakakangitngit talaga.
Sa totoo lang ay hindi ko talaga inaasahan ang biglang paghalik ni Xander. Ngunit nang lumapat na ang labi niya sa labi ko ay walang nagawa ang sarili ko kundi tumugon. Paliramdam ko ay may mga fireworks display na nagaganap. May kung anu sa loob kong nagdiriwang na hindi ko mawari. Lahat ng pangamba at issue ko sa lahat ay dagling nawala sa isip ko. Yun lamang. ‘Yun lamang halik ang konsentrasyon ko. Hindi ko naman akaakalaining shocking event of the year pala sa mga kasamahan ko na pati yung dalawang taong pinagkakatiwalaan ko ay heto’t ni walang pagpansin sa akin.
Pagkababa ko ng coaster ay natigilan ako ng mapansing napakadaming tao sa paligid. Mostly sa kanila mga fans at media. Naroroon ang mga kasamahan ko at nakikipaghalubilo ngunit bakas sa mga mukha nila ang pagkabigla. Ang plastic lang. Sinikap kong hanapin ang taong nagsimula ng lahat pero mukhang nawala na din ito.
Masyado atang abala ang lahat at hindi na nila ako napansing bumaba ng coaster. Buti na lamang at madala akong cap at glasses sa bag pati na din yung face mask na bigay ni kumag. Kaya bumalik muna ako sa loob ng coaster at nagpalit ng damit at inayos ang sarili ko. Hindi na nila ako makikilala nito. Bahala sila sa buhay nila ngayon.
Gaya nga ng inaasahan ay patuloy pa din ang lahat sa kanikanilang ginagawa kaya naman nagpatuloy ako sa paglalakad papasok ng hotel. Pinili kong dumaan sa gilid upang hindi makakuha ng attention.
Successful naman ang kinalabasan dahil nakapasok ako ng lobby ng walang kahirap hirap. Pagdating sa front desk ay kinuha ko ang susi. Sumenyas pa ako ng ‘wag maingay sa receptionist dahil mukhang nakilala niya ako. Well makikilala talaga ako dahil kailangan kong magpresent ng identification to get the key. Bisit!!! Tumango naman si ateng receptionist at ngumiti.
Nang maibigay sa akin ang key card ay agad akong umakyat sa room. Pagpasok ay agad akong napaupo sa higaan. Awkwardness ang bumabalot sa paligid. Minabuti ko na lamang maligo upang mawash out ang anu mang nararamdaman ko sa araw na ito. We should have been celebrating rather than concentrating on that unexpected incident.
Tamang-tama na nakabihis na ako ng bumukas ang pinto at iniluwa papasok ang tatlong kasama ko. As usual ay natahik nanaman sila nang makita nila ako. Here comes awkwardness again and I can't really stand this anymore. Feeling ko ay nalulunod ako at hindi makahinga. Kaya agad kong dinampot ang telephone sa side table. I dial the front desk. Thankfully at mabilis itong nasagot.
"Front desk, good evening! How may I help you?" Bungad ng nakasagot.
"Hi, this is Nicolo Mickelson. I'm occupying room 507 at the moment. I was hoping if there are still available rooms?" Alam kong narinig ng mga kasama ko ang tinanong ko pero hindi ko na inalala yun. Ayaw nila akong kibuin might as well na umalis na din dito. Ayoko ng pakiramdam na isolated ka dahil may mali akong ginawa. If ever man na mali nga yung ginawa ko.
Sinabi ng receptionist na may mga available rooms pa naman daw yun nga lang ay nasa ibang floors daw. Wala naman akong pake kung sa tuktuk pa iyon ng bundok as long as hindi dito.
“I’ll get that room. “ Mabilis pa sa alas kwatro kong sagot.
Dahil personal money ko ang gagamiting panbayad ay kailangan kong pumunta ng kanila. Kaya kinuha ko ang bag ko na sadyang inayos ko na kung sakaling humantong sa ganito which is ito na nga at deretsong lumabas.
"Hey you don't need to do that, Nicolo." Dinig kong wika ni Sam. So kilala pa naman pala niya ako. Napa ngiti ako na may pagkasarkastikong dating.
"Now you are talking to me." Inis kong ganti. "You know what, I was hoping na ikaw ang unang iintindi sa akin. Kasi akala ko kaibigan kita. Yet, isa ka din sa nagparamdam na may mali sa akin." Hindi ko na mapigilang maglabas ng sama ng loob. Isa isa na din lumabas ang kasamahan namin sa kani kanilang silid. Nakita kong balak lumapit ni Harvey pero pinanlisikan ko siya ng mata.
"Iintindihin ko ang iba pero ikaw at si Harvey ? You should know the feeling dahil naranasan iyon kamo ng kapatid mo!" Bahala siyang intindihin ang sinasabi ko wala akong panahon mag-english. “After kong mag-open up sa inyo ito din naman pala ang gagawin nyo? Mali ata ako ng taong pinagkatiwalan.”
"Nicolo, I th..." Hindi ko na tinapos pa ang sasabihin ni Harvey. Yes, magkatapat lang pala ang pinto ng silid namin.
"Don't start Harvey! Alam naman nating dalawa kung nakanino ang sympathy mo. Wag na nating lokohin ang mga sarili natin dahil noong una pa man ay si Brett talaga ang dahilan kung bakit ka nakipagmabutihan sa akin." Idinuro ko pa ang hintuturo ko sa kanya.
Nakita kong papalapit ang taong nagpasimula na lahat. Kaya tumalikod na ako upang makalayo bago niya ako maabutan.
"Nicolo, wait!" Tawag niya sa akin. Agad niyang hinila ang kamay ko. Ngunit mabilis akong humarap at nagulat ang lahat sa sunod kong ginawa. Isang sampal ang pinakawalan ko na tumama sa kanyang pisngi. Walang sali-salita ay tumalikod akong muli at nagpatuloy sa paglalakad. Gusto ko mang umiyak ay di ko magawa. Kailangan kong patatagin ang sarili ko sa mga pagkakataong ganito. Binalingan ko ang palad kong pinangsampal ko sa kanya. Napapikit na lamang ako upang palisin ang alaalang nagsisimulang mamutawi sa aking isipan.
***
Xander POV
Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko maikilos ang kayawan ko. I want to run to him at humingi ng sorry.
Nilalamon ako ng konsensya ko. Hindi ko dapat pinagbigyan ang desire ko. Alam kong hindi iyon ang tamang lugar ngunit masyadong nag-uumapaw ang nararamdaman ko upang mag-isip ko. Ngayon si Nicolo ang sumalo ng negativity ng nangyari. At wala akong nagawa.
Kinapa ko ang pisnging nasampal. Feeling ko ay mamamaga ata ito sa tindi ng sampal ni Nicolo. Pero masisisi ko ba siya?
Nang makahanap na ako ng lakas para makagalaw ay nagpasya na lamang akong bumalik sa silid. Nasa labas pa ang mga kasamahan kong bakas sa mata ang hindi malamang reaction. Di ko alam kung nagulat ba sila, naglaka o kaya'y nandiri. Pero base sa katahimikan nila kanina ay hindi ko maiwasang isiping hindi sila komportable sa nangyari. Pero ganoon pa man ay wala akong pakealam sa nararamdaman nila. Higit kong inaalala si Nicolo.
"Kung meron kayong gustong sabihin, sabihin nyo na! Kung meron kayong itanong, itanung nyo. Tatahi-tahimik kayo pero nakikita sa mata nyo na may gusto kayong sabihin!" Hindi ko mapigilang sabihin. "Ako ang pasimuno ng nangyari. Kaya kung may problema kayo doon sa akin n’yo ibaling yang kababawan nyo. At kung maaari, wag ninyong idaman si Nicolo dahil ako ang may gustong gawin ‘yun." Pagkasabi noon ay dumeretso na ako sa silid. Kinuha ko ang bag ko ay muling lumabas.
Kita ko ang pagtataka sa mga mata nila pero wala naman silang masabi.
Dali-dali akong umalis. Masyado na akong napapagod sa mga nagaganap at hindi nakakatulong ang negativity nila.
Pag baba ng labi ay agad akong lumabas ng hotel. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang number ng taong hindi ko akalaing hihingian ko ng pabor.
“Hello.” Buti na lang at sinagot ako.
“Can I crash in to your room tonight?” Walang hiyang hiya na tanong ko.
“Sure, Xander Lim.” Hindi ko na tinanong kung saan siya naka stay dahil kahapon nang magkita kami ay nasabi na niya iyon sa akin.
***
Dahil nga sa kaguluhan at trending na tagpo kahapon ay ang dapat sanang me time day naming dito sa El Nido ay na-cancel. Kailangan na naming bumalik ng Manila mamayang 3PM. It’s already It’s 9AM and I still don’t want to stand up. Nakita ko ang may-ari ng room na katatapos lang maligo.
“ Going somewhere?” Tanong ko agad.
“Going to see someone that you knew.” Tumingin siya sa akin na tila may gustong ipahiwatig.
“Can you tell him that I am really sorry about what happen. It’s really my fault.” Gusto ko mang personal na sabihin iyon ay alam kong hindi koi yon magagawa. Sabi ng kasama ko ngayon ay naka defence mode ngayon si Nicolo at mahirap siyang lapitan.
“I will. There’s a food already in the table if you want to eat. I might come back late so the room is yours.” Pagkasabi noon ay agad na siyang lumabas ng kwarto.
Muli akong tumihaya sa kinahihigaan ko ay tumitig sa kisame.
“Time to face reality, Xander.” Bulong ko sa sarili.
Nasa lobby nan g hotel ang mga kasamahan ko kasama si Coach Kiko nang makabalik ako. Wala na rin naman akong gamit na naiwan dahil dala ko na iyon kagabi. Kung meron man, dala na marahil ng kasama ko. Sakay ng bus ay inihatid kami nito sa airport. Hindi namin kasama si Nicolo. Sabi ni coach Kiko ay ‘wag na ko munang alalahanin si Nicolo dahil kaya niya ang sarili niya. Ramdam ko yung pinipigilang galit ni coach Kiko. Hindi na ako nagtanong pa at nanahimik na lamang.
Tahimik pa din ang lahat. Kahit na nasa airport ay halos walang nag-uusap. Hanggang sa makasakay na kami at makababa na ng eroplano.
Nangsunduin kami ng school bus ay nagpasya akong hindi na sumama pa. Wala na rin namang kwenta pa. Mas makakabuti kung sa condo na muna ako tutuloy. Yes may condo ako na binili ng Bàba noong malamang natanggap ako sa Colegio de San Luis.
***
Mabilis na dumaan ang mga araw. Magdadalawang linggo na din mula nang matapos ang face off.
Ngunit hindi pa din matapos tapos ang issue tungkol sa paghalik ko kay Nicolo. Naging viral pa ang ilang mga picture namin sa social media. May mga natutuwa, may nagulat at may mga negative reaction din itong dala. Hindi ko iyon binigyang pansin.
Patuloy pa din ang Team sa pag-eensayo kahit kakaopen pa lang ng school year.
Kahit may mga awkward moments ako sa team ay isinantabi ko muna iyon. Sinikap kong mag-focus sa training. Ngunit nawawala ako sa sarili sa tuwing naiisip ko si Nicolo. Gusto ko siyang puntahan. Hindi ko din macontact si Lucas na higit na nakakaalam kung nasaan si Nicolo.
Dalawang linggo na kaming walang balita kay Nicolo. Hindi siya uma-attend ng training. Wala ding sinasabi si coach Kiko.
May nakapagsabi na nakikita nila sa school si Nicolo pero walang ni isa sa mga kateam namin ang nakakakita sa kanya. Anu sinasadya niyang hindi magpakita sa amin? Hindi na ba siya maglalaro?
Ganun pa man ay sinubukan ko pa ring macontact siya pero bigo pa din ako. Mukhang ayaw niya talagang magpahanap kaya hinayaan ko na lang muna at nagfocus na lamang sa training.
Ang linggong nagdaan ay naging buwan at nadagdagan pa. Kasabay ng mga papers at project ay ang patinding patindi na training dahil sa nalalapit na pagbubukas ng bagong season ng National Colleges & Universities Sports League. Ito ang pinaka hinihintay ng lahat dahil ito ay national level completion ng samu’t saring events.
***
Nandito kami ngayon sa sports conference room. Pinapunta kami ngayon dito ni Coach for an announcement.
Tahimik pa din kami. Yung dating maiingay pagnakakasama ay nabago. Hindi pa rin kami nag-uusap lalo na ng mga kaclose ko sa grupo. Feeling ko nga ay mas nagiging close na sila ng mga baguhan.
Pumasok si Coach Kiko kasama niya si Sir President.
"Good morning." Bati ng President.
"Good morning, Sir." Halos sabay naming bati pabalik. Nagsalita pa ito ng mga bagay bagay. Nasimula na nga akong makaramdam ng boredom. Ramdam ko din na ganun din ang iba.
"Ok, I now givie the floor to Coach Kiko." Salamat at natapos din. Nabuhayan kami nang ipakita ni coach ang letter na may logo ng NCUVL.
"We already receive confirmation from NCUSL this season. So, I want you to be serious on every training. As you know, mas malalakas ang mga kakalabanin natin sa bracket natin." Seryoso kaming nakikinig kay coach nang biglang bumukas ang pinto ng conference room. Napako ang tingin ko sa taong pumasok. Naka-jugging pants ito na terno sa suot niyang shirt. Nasa balikat nito ay nakasukbit ang isang malaking Nike bag.
"Late na po ba ako?" He asked as if everything seems ok for him.
"Just in time. Pero sabi konama kahit 'di kana umattend." May kung anu sa mata ni coach Kiko. Pag-aalala ang nababasa ko doon. "Pwede naman kita puntahan sa condo mo."
"I'm good Kuya, Maiirita lang ako sa maya’t maya mong pangangamusta kagaya ng isa d’yan." Sagot nito habang nakangiti. "I will go home after this. At least nakita mo na maayos ako." Napatingin ito sa akin pero saglit lang iyan dahil agan niyang binaling ang tingin kay Coach Kiko.
Nang tumingin ako sa iba ay bakas ang pagtataka sa mukha nila maliban kay Harvey.
"If you say so. Anyways, congratulation for the win." Napakunot noo ako sa sinabi ni coach. Nang tignan ko ang kasamahan ko ay para silang nalilito sa nangyayari.
"Its a team effort. Sana magawa natin yun dito." Rinig kong sagot ni Nicolo. Hindi ko alam kung anung nangyayari. All this time, alam ni Coach Kiko kung nasaan si NIcolo ang he don't even told us?"
***
Natapos ang meeting at naglabasan na kami. Maging si Nicolo ay ganun dun. Halatang pagod siya sa ikinikilos niya ngunit ni walang nag-approach sa kanya.
"Let me help you with that." Wika ko nang malapitan ko siya. "I brought my car I can bring you back to your condo." Dagdag ko pa.
"You had a car? I thought you are staying at school dorm?" Tanong niya. Ok na rin yun kesa naman tumanggi.
"I will answer that later. For now let me bring you home. You looked very tired." Isinukbit ko ang bag niya sa balikat mo. Grabe ang bigat niya. Pero ok lang. Hinawakan ko ang wrist niya habang binabaybay namin ang daan patungong parking area.
Ngayon ko lang narealise. I missed him so much. And I feel at ease now that he is beside me. Nagsisimula na talaga akong mag-iba ng preference.
Dahil may pasok na ay hindi maiiwasang may mga mata sa paligid na naka tutok sa amin. Wala na din naman akong pake doon dahil ayo'kong dayain ang sarili ko.
I’m sorry, not sorry.