2 months ago
El Nido, Palawan
Nicolo POV
Nagising ako sa tunog ng telephono sa side table ng kamang hinihigaan ko. Pupungas pungas kong inabot ito upang matahimik na. Gusto kong matulog ng buong araw.
“Hello.” Garalgal kong sagot.
“Fix yourself.” Napadilat ako agad nang makilala ko kung sino ang nasa kabilang linya. “Be at the place na isesend ko sayo by 9AM.” Agad binaba ng taong nasa kabilang linya ang tawag.
Mukhang masasabon ata ako ngayon. It was Tito Rex or should I say Coach Rex. Sa tono ng pananalita niya ay mukhang seper serious siya. Nagtaka ako kung bakit naririto siya. Agad akong bumangon kahit tamad na tamad akong kumilos. Nang tignan ko ang oras ay mag-aalas otso palang. Pagpasok ko ng banyo ay itinukod ko ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng sink at tinitigan ang sarili sa salamin. Huminga ako ng malalim at muling inalala ang kagulohan kagabi.
“Good luck, Nicolo.”
Idinaan ko nalang sa isang hot bath ang lahat ng frustration ko. Hindi ko alam kung papaano ko haharapin si Coach Rex. Malamang ay kasama din nito ang coach namin. Hindi ko nga alam kung kanino ako na iinis. Sa sarili ko ba, sa mga inakala kong kaibigan, o kay Xander. Ang taong pinagsimulan ng lahat. Siya nga ba ang nagsimula?
Nang maalala ka siya ay naalala ko din kung paano tumama ang palad ko sa pisngi niya. Hindi ko maiwasang mapasigaw sa sobrang inis at pagkalito.
Pagkatapos kong maligo ay mabilis akong nagbihis at inayos ang sarili. Nang masigurong wala na akong nakalimutan ay lumabas na ako ng room.
Buti nalang at wala masyadong tao sa lobby ng bumaba ako kung nagkataon kasi ay mahihirapan akong lumabas. Higit sa pagkapanalo ng Warriors ay naging viral ang halikan naming ni Xander na nagpaingay sa halos lahat ng social media platform. Pinatay ko na ngalang ang phone ko upang hindi na ako magambala pa. Gamit ko ngayon ang isa kong Iphone na hindi connected so mga social media.
Paglabas ko sa hotel ay agad akong nag-suot ng sunglasses at cap. Tinignan ko ang phone kong dala at tinignan ang inbox nito. Naroroon ang text message ng tito Rex. Isang restaurant iyon na sa tingin ko ay nadaanan ko noong isang araw nang maglakad lakad ako.
Hindi na ako nag-aksayo pa ng oras at pumunta na ako sa nasabing lugar. Lalo kasi akong masasabon if malelate ako.
Nang marating ko ang restaurant ay kinalma ko muna ang kabog ng puso ko bago pa pumasok sa loob. Hinanda ko na ang sarili ko.
Growing up, it was Tito Rex who guides me with everything. Siya ang tumayong Papa ko. Sa kanila ako halos lumaki dahil palagi nga akong iniiwan ni Mama sa bahay nila. Sa kanila ni kuya Kiko ako lalong napamahal sa larong nilalaro ko ngayon. Ang asawa naman niya ay parang second mother ko na din. Kaya ganoon nalang ang concern ng mga ito sa akin. Madalas pa nga niya akong mapagsabihan o mapagalitan kumpara sa Mama ko. Kaya nga kahit sa probinsya si Mama ay hindi ito nababahala sa akin dahil alam niyang may mga taong mag-aalaga sa akin.
Nang pumasok ako sa loob ay na abutan ko si Tito Rex, Kuya Kiko at Kuya Tai or mas kilala ng lahat bilang Tyron Lee, General Manager ng Game Field dito sa Pilipinas. Ang Game Field ay ang leading sports apparel and shoes company globally. This company have their own sports competition itself which I’m in. Muntikan ko na makalimutan ang about sa kanila sa totoo lang.
“Tatayo ka nalang ba riyan? Umupo ka na rito at nang makakain na.” Napalingon ako kay Tito Rex. Seryoso pa din ang itsura niya. Nakaupo ito sa kabisera ng lamesa. Nasa kaliwa niya si Kuya Tai. Nasa kanan naman niya si Kuya Kiko na ngayon sumenyas na umupo sa tabi niya. Mukhang nasabon din ata ito.
Umupo nalang ako sa tabi ni Kuya Kiko. Hindi ako nagsalita dahil baka magka-award ako. Ramdam ko ang tension na bumabalot sa paligid.
“That publicity stunt that you and Lim created became the talk of the town, Nico.” Pagbasag ng katahimikan ni Kuya Tai. “It’s unexpected but our PR team already deals with it.”
“I’m sorry po, Kuya Tai. Tito Rex.” Gusto ko mang maghugas kamay na wala akong alam doon ay hindi ko na sinubukan dahil wala na rin namang magagawa pa.
“I don’t care on that childish stunt. Ang ikinaiinis ko ay ang laro mo kahapon. Tejares is claiming that sinasadya mo ang pagkaka-injure ng dalawang setter nila. That man. Hindi na nahiya.” Ngayon ay nakahinga ako ng magaan. I know what’s Tito Rex is pointing out. “Kung gagawa ka ulit ng ganoon siguraduhin mong hindi na makakalaro ang player niya para may saysay ang pinagsasabi niya.”
“Pa, don’t encourage him. Kahit sabihing hindi niya iyon sinasadya, mali paring gawing kasangkapan ang laro para makapanakit.” It was Kuya Kiko.
“Bakit? Hindi ba’t muntikan ding mabalian ang setter mo. Hindi hamak na malala ang tama ng player mo kumpara sa injury kuno ng players niya. Tapos hindi ka man lang nagkomento sa pa prescon nila.”
“Ayoko lang palakihin pa ang gulo, Pa. Saka ang PR team na ni Tai ang bahala sa issue. Mas alam nila ang gagawin kesa kung saan pa makarating kung papatulan natin.” Kahit papaano ay may point si Kuya Kiko.
“Anyway, wag na nating pag-usapan pa yan at baka kayong mag-ama naman ang mag-away. Let’s talk about more serious matter.” Pag-iiba ni Kuya Tai sa usapan.“Game Field Volleyball Completion will be held two months from now. Gaganapin iyon sa London. Kung kaya kailangan nang paghandaan”
As I said, I am playing for Game Field Philippines. I have a five year contract sa company and this year is my forth year. Actually, sabay kami ni Brett na nakuha para maglaro para sa company. Pero ngayong hindi ko alam kung kasama pa ba siya sa ipapadala.
Bawat taon ay nagpapadala ang bawat Game Field cluster ng manlalaro upang makipagtunggali sa sa mga piling laro. Noong nakaraang taon ay sa Spain ginanap ang volleyball Competition at swerteng naipanalo namin ang laban.
“Kaya mo ba ako pinakuha ng modular classes?” Tanong ko kay Kuya Kiko.
“Iba ang College Studies. Hindi pwedeng mawala ka ng matagal. Pero kung Modular lang siya ay hindi ka mahihirapan. Dalawang buwan ka mawawala, with modular hindi problema iyon dahil pwede mong ipasa online mga pinagagawa sa iyo.”
“And the players?” Baling ko kay Kuya Tai.
They will be here mamayang hapon. You will be staying here ng isang linggo under Tito Rex as your main coach. After that, you will fly to Singapore for the South East Asia Game Field Booth camp. You will stay there for two weeks. Your final week before the start of the competition dapat ay nasa UK na kayo at kinukundition nyo na ang sarili nyo.” Kuya Tai explains.
Buti nalang at dala ko ang mga papers at documents ko.
“There’s a small change in the line-up. Brett will not be included in the list so a new person will replace him.” Napakunot ang nuo ko sa sinabi ni Coach Tai.
“Sinong papalit?” Takang tanong ko dahil sa pagkakaalam ko ay pareho kaming five years ang contract.
“Hi, everyone. Sorry, I’m late.”
“Lucas?” Nagpapalit palit ang tingin ko sa pagitan ni Kuya Tai, Kuya Kiko, Lucas at Tito Rex na ngayon ay prenteng umiinum ng kanyang tea.
*****
“Tell me honestly. Kaya ka ba naririto naririto dahil alam mong papalitan mo si Brett?” Hindi ko maiwasang itanong.
Naglalakad kami ngayon papunta sa sa tinituluyan naming hotel. Natapos na kasi ang briefing at pagbigay ng mahahalagang detalye. Mamayang gabi makikita malalaman naming ang ilang makakasama namin. Mamaya pa kasing hapon ang dating nila rito dahil doon sila ibi-briefing sa mga mangyayari.
Hindi makakasama si Kuya Kiko dahil kailangan niyang magfocus sa training ng Warriors. Sinabihan niya ako kanina na kailangan nilang bumalik ng Manila mamayang hapon na dapat sana ay bukas pa ng umaga. Marahil ay dahil ito sa nangyari. Nakaramdam tuloy ako ng guilty dahil hindi sila nakapag-enjoy dito sa El Nido.
“They already told me about it last week. But I don’t want to say anything unless it’s official.” Sagot ni Lucas. “By the way, your Captain stayed in my room last night.”
Tinignan ko na lamang siya ng masama. Para kasing may laman ang sinabi niya. Ngumiti lang siya sa akin. Nang-aasar pa ata siya sa akin.
“So?” Ayoko magpaapekto sa kung anu man ang gusto niyang sabihin sa cryptic niyang sinabi.
“Relax, Kuya. I’m just only informing you. Sakaling interesado kang malaman.“ Natatawang depensa nito. Napailing nalang ako sa kalukuhan niya.
Nagdesisyon akong bumalik nalang sa hotel. Pero natigilan ako nang maalala na maaaring makita ko nanaman ang mga iniiwasan kong mga tao. Walang anu – ano ay hinila ko si Lucas sa nadaanang kong office na nag-o-offer ng tour around El Nido. Mag aalas onse palang naman kaya makakahabol pa kami. Hindi na din naman problema dahil pareho kaming naka beach shorts.
Saktong dalawa nalang ang kulang at pwede nang umalis. Sana lang ay makatulong itong Sea Adventure namin to the beautiful islands of Bacuit Bay.
Bago pa man umalis ay sinigurado naming nabili naming ang mga kailangan gaya ng tubig, food, sun block at iba pa.
Natuwa naman si Lucas nang malaman ang gagawin.
“This is the good time to experience a relaxing day while admiring the scenic views and majestic waters of El Nido, Palawan”.” Rinig sa boses niya ang excitement habang tinitignan ang itinerary ng tour.
”Hi everyone, my Name is Xian and I’ll be your guide for today. Hope you have fun. Now, let our adventure begin.” Pagpapakilala ng aming Tour Guide.
At nagsimula na nga kaming maglayag. The first island on the list is Shimizu Island.
I could say that Shimizu Island is the perfect stop to relax. Maganda sa mata ang cool white-sand beach nito at na try naming snorkeling. We explore its colorful marine life na talaga namang kahanga hanga.
In fact,kaya ito ang una sa list dahil popular ang island na ito bilang lunch stopover dahil sa masasarap na pagkaing hinahain dito.
Next, naming pinuntahan ay ang Payong Payong Beach.
Kagaya ng naunang beach, this beach is covered with white sand at mga limestone cliffs. Panay nga pagkuha ng picture ni Lucas.
Right after Payong Payong, We were brought to Miniloc Island’s Secret Lagoon, a literally hidden gem behind the steep karst cliffs. Hindi nanaman magkanda ugaga si Lucas sa pagkuha ng picture. Pati ako ay napagdiskitahan niyang gawing model.
Another stopover sa aming itinerary ay ang Seven Commandos Beach.
“According to local stories, the name of the place is from the seven soldiers who got stranded on the island during World War II. “ Kwento ng aming Tour Guide.
Nakakabighani talaga ang buong paligid. Maging ako ay kumuha na rin ng pictures. Dahil talaga namang postcard-worthy ang buong white sand beach idagdag pa ang mga nakalinyang coconut trees and a massive wall of limestone cliffs in the background which adds to the overall serenity of the place.
Finally, our last stop will be in a snorkeling area at Abmin Coral Reef where we experience a close encounter with the rich marine life, much like the feeling of being inside a giant aquarium.
Sa subrang bilis ng oras ay hindi naming namalayang palubog na ang araw. Kitang kita mo ang ganda ng sunset kung saan ang paglalaro ng mga kulay sa palibot ay nakakadagdag sa paggaan ng kalooban ko.
Nang makabalik na kami sa main land ay agad namang tumunog ang phone ko.
“Hey, Nico. Don’t forget, diner at seven thirty, okay?” Pagpapaalala ni Kuya Tai.
Muntik ko pa yung makalimutan. Buti nalang at tinawagan niya ako. Nagpaalam na ako kay lucas na babalik nang hotel nang makapagbihis na din. Pinaalala ko din ang diner mamaya bago tuluyang umalis.
Kagaya ng napag-usapan ay isang linggo kaming nag training dito sa El Nido. Iba kasi ang epekto ng buhangin kung kaya mainan daw iyon upang mapalawig ang stamina kapag nasa normal na court. Well hindi ko na inalam kung totoo man iyo o hindi. Hinayaan ko nalang kay Tito Rex at sa mga assistant nito. Sumunod nalang ako.
Sa labintatlong manlalaro ay apat lang ang bago. Isa na roon si Lucas. Yung iba ay hindi na bago sa akin at nakakausap ko naman ng matino. Hindi nga lang naiiwasan na buksan ang face off issue. Nasanay na siguro ako kaya parang hindi na ako apectado sa tuwing nauungkat.
After a week we flew to Singapore for a two-week boot camp. It was also intense training but they make sure that we get the proper rest and recovery we needed.
Sa Singapore binigay ang mga damit namin. It includes training clothes, gym clothes maging ang uniform namin. Kasama din ang susuotin sa opening at closing ceremonies. They also provided us three sets of shoes. Pati luggage, backpack at sling bag at iba pang mga gamit.
After two week ay we flew again. This time , it’s in UK. And the rest is history.